Breaking

July 24, 2019

Mga Kagamitan sa Pagtatanim ng Gulay

Mga Kagamitan sa Pagtatanim ng Gulay
Madaming mga kagamitan sa pagtatanim ng gulay na nakakatulong upang mapabilis ang pagtubo ng halaman.

Ang mga ito ay tumutulong sa mga naghahalaman upang maging madali ang paggawa nito. Iba iba ang mga kasangkapang ito. May pangdilig, panghukay, pamputol at iba pa.

Kaya heto na heto na ang mga kagamitan sa pagtatanim ng gulay na iyong hinahanap. Tara na at ating alamin.

Iba't Ibang mga Kagamitan sa Pagtatanim ng Gulay

1. Asarol

Ang asarol ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim ng gulay na ginagamit pambungkal ng lupa.

Ang asarol ay may mahabang hawakan at sa dulo nito ay may manipis na matalim na bakal na nagsisilbing panghukay ng lupa.

Kinakailangan na matalim ito upang mapadali ang pagbubungkal. Sa paggamit nito ay hinahawakan ng dalawang kamay tapos ay bubungkalin na ang lupa.

Ginagamit ito sa paggawa ng mga plot na magsisilbing taniman ng mga pananim.

2. Pala

Ang pala ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit sa paghuhukay at paglilipat ng lupa.

Ang pala ay may parisukat na sa itaas na bahagi na nagsisilbing hawakan at sa bahaging ibaba ay may manipis at matalim na bakal na nagsisilbing panghukay ng lupa.

Ang pala ay ginagamit sa construction site ngunit ginagamit din ito sa paghahalamanan.

Gamit ang mga ito ay maari kang gumawa ng mga kanal sa pagitan ng mga halaman upang may daluyan ng tubig. Ito rin ay ginagamit na panghalo ng mga lupa at pataba. Madami rin itong pinag gagamitan kaya maganda ang pala sa pagtatanim.

3. Palang Tinidor

Ang palang tinidor ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit na pangdurog ng malalaking tipak ng lupa.

Ang palang tinidor ay parang tinidor na may matutulis at matatalim na bakal na nasa dulo. Ito ang dumudurog sa lupa at nagiging madali na gawin ito.

Kapag gumawa ng plot na taniman may mga tipak ng lupa na malalaki at kailangang durugin. Ito ay isa sa mga ginagamit na pangdurog nito.

4. Piko

Ang piko ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit pang durog at panghukay ng matitigas na lupa.

Ang piko ay may isang malaking matalim na bakal na kayang magbungkal ng matitigas at makakapal na lupa.

Madaming mga kagamitan na maaring gamitin sa paghuhukay ngunit hindi nito kaya ang mga makakapal at matitigas na bahagi ng lupa. Kaya ang piko ang gumagawa sa bagay na ito.

5. Kalaykay

Ang kalaykay ay isa sa mga kagamitan sa paghahalaman na ginagamit na pampantay ng lupa at panghiwalay ng mga bato sa lupa.

Ang kalaykay ay may madaming mga likong bakal na nagsisilbing pampantay ng lupa. Ang mga ito rin ang naghihiwalay sa mga bato mula sa lupa.

6. Palakol

Ang palakol ay isa sa mga kagamitan sa paghahalaman na pamputol ng mga malalaking puno at ugat ng puno.

Kapag may mga puno sa pagtataniman mo o mga ugat ng puno na maaring makasagabal sa iyong gulayan o halamanan ay maari mong gamitin ang palakol.

7. Trowel

Ang trowel ay isa sa mga kagamitan sa paghahalaman na panglipat ng punla, pampaluwag ng lupa at ginagamit sa paggawa ng maliliit na hukay na pagtataniman.

Ang trowel ay magaan at madali lang gamitin. Kadalasan ay ginagamit ito na pampaluwag sa lupa sa paligid ng halaman na tumutulong upang mapabilis ang pagtubo nito.

8. Itak

Ang itak ay ginagamit rin na kasangkapan na pamputol ng kahoy, damo at mga sanga ng puno.

Maytalim ang itak na nakakatulong upang maputol ang mga damo, sanga at puno. Dahil dito wala ng sagabal at hindi na mahihirapan sa pagtatanim.

9. Kartilya

Ang kartilya o sa english "Wheel Barrow" ay isa rin sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit na panghakot ng lupa at iba pang mga kasangkapan.

Ito ay may dalawang hawakan at may gulong sa ilalim. Gamit ito ay hindi kana mahihirapan na kunin ang madaming kagamitan. Maari mo rin itong gamitin sa pagkuha ng mga pataba patungo sa iyong taniman.

10. Dulos

Ang dulos ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim ng halaman na ginagamit na panghukay ng mababaw na lupa at paglilipat ng mga punla.

Halos magkahawig lang ito ng trowel ang pagkakaiba lang ay ang trowel ay matulis ang dulo samantalang ang dulos ay pakurba ang dulo.

11. Tusok at Pisi

Ang tusok at pisi ay ginagamit na kasangkapan sa pagtatanim na nagsisilbing gabay upang maging tuwid ang mga lupa.

Kapag gagawa ng mga plot ay kailangan na maging matuwid ito upang maging maganda kung tingnan. Kaya ang pisi at tusok ang ginagamit dito.

12. Regadera

Ang regadera ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit sa pagdidilig ng halaman.

Ang regadera ay may hawakan sa gilid at may isang bahagi na madaming maliliit na butas na labasan ng tubig. Pinapadali nito ang pagdidilig ng halaman na pantay ang buhos ng tubig.

13. Timba

Ang timba ay isa rin sa ginagamit na pangkuha ng tubig na pangdilig sa halaman.

14. Bota

Ang bota ay ginagamit upang hindi marumihan ang paa at upang makaiwas na matusok ang paa ng matutulis na bagay.

15. Guwantes

Ang guwantes ay ginagamit na kagamitan upang hindi marumihan ang mga kamay dahil sa lupa. At upang makaiwas na masugatan ang mga kamay.

16. Kahong Punlaan

Ginagamit ito upang patubuin ng mga buto o binhi at pagkatapos ay ililipat ito sa taniman.

Ang kahong punlaan ay napaka halaga dahil dito makikita mo kung along mga punla ang malulusog at alin sa mga ito ang dapat mong ilipat sa taniman.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa mga kagamitan sa pagtatanim ng gulay. Sana ay masaya ka sa nabasa mo dito. Maraming salamat sa oras at sana ay maganda ang araw mo.
July 24, 2019

10 Mga Halamang Gulay na Madaling Itanim

10 Mga Halamang Gulay na Madaling Itanim
Napakadaming mga halamang gulay sa ating bansa. Iba-iba ngunit isa lang ang masasabi ko, napaka susustansiya ng mga ito.

May mga magsasaka na nagtatanim ng napakadami at sari-saring mga halamang gulay. Ang mga ito ay nangangailangan ng pag-aalaga upang lalong lumaki.



May mga taong gustong magtanim ng mga halamang para may mapagkunan ng pagkain. Ang ilan naman ay ginawa na nila itong negosyo. Ngunit kung ano pa man ang rason nila ay napakahalaga ng mga gulay sa ating buhay.

Mga Halamang Gulay na Madaling Itanim

1. Petsay

Ang petsay ay isang halamang gulay na napakadaling itanim. Ang halamang ito ay nangangailangan lamang ng mahigit 30 araw at pwedi ng anihin.

Sa pagtatanim ng petsay, kailangan mong isa alang-alang ang mga sumusunod.

a. Sinag ng araw

Ang sinag ng araw ang isa sa pinaka mahalagang bagay sa halamang ito. Kailangan mong itanim ang petsay sa lugar kung saan mahaba ang sikat ng araw. Ang sikat ng araw ay nagsisilbing pagkain ng petsay.

Kapag madaming sikat ng araw ang nakuha ng halamang ito, lalaki at lalago ito ng mabilis. Makikita mo din na berdeng berde ang kulay ng mga dahon nito.

b. Tamang Tubig

Ang petsay ay kailangan din na mabigyan ng tamang tubig. Ibig sabihin kailangan mong bigyan o diligin ito ng sapat na tubig upang lalong lumaki at lumago.

Kapag ang halamang ito ay nakasagap ng sapat na tubig. Makikita mo na malusog ang mga dahon. Hindi lang malulusog, malalaki at mayayabong ang halamang petsay. Kailangan mong diligin ito ng madalas. Mga dalawang beses sa isang araw. Isa sa umaga at isa sa hapon.

c. Pataba

Ang panghuli ay ang pataba. Kailangan ng petsay ng pataba at ang magandang ilagay ay ang organikong pataba. Ang pataba ang magpapabilis ng paglaki at pagtubo nito.

Kapag maganda ang lupa ay magiging maganda ang kahihinatnan. Ngunit kapag medyo kulang sa sustansiya ang lupa ay kailangan mong maglaan ng pataba sa lupa.

2. Kamatis

Ang kamatis ay isa rin sa mga halamang gulay na magandang itanim. Ang kamatis ay itinuturing natin na gulay ngunit ang totoo, ito ay isang prutas.

Masarap ihalo ang kamatis sa ating niluluto. Pwedi mo itong ihalo sa itlog, pwedi rin sa mga gulay. At ang maganda sa kamatis ay masustansiya ito.

Naglalaman ito ng mga bitamina at mineral na kailangan natin upang lalong lumaki at lumusog ang ating katawan.

Sa pagtatanim ng kamatis ay madali lang itong gawin. Kailangan mo ng binhi ng kamatis, tapos patubuin mo muna ito sa kahong punlaan. Kapag medyo lumalaki na ang kamatis ay maari mo ng ilipat ito sa taniman.

Makalipas ang tatlo hanggang apat na buwan maari ka ng umani ng mga kamatis.

3. Talong

Ang talong ay isa ring halamang gulay na  magandang itanim. Ang talong ay nagtataglay din ng mga bitamina at mineral nakailangan ng tao upang lalong lumusog.

Masarap ang talong at isa sa ingredient sa paguluto ng pinakbet. Masarap ang luto nito dahil nadin sa sari saring mga naka paloob dito.

Sa pagtatanim naman ng talong ay halos magkatulad lang ito ng sa kamatis. Kailangan mo munang palakihin sa isang kahong punlaan saka mo ilipat kapag medyo lumalaki na.

Itanim mo ng mga punla ng talong ng mahigit dalawa hanggang tatlong pulgada ang lalim. Pagkatapos ay tabunan mo ng lupa at diligin ito.

Kailangan mo itong diligin ng sapat na tubig upang mabilis na lumaki. Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng mga talong.

4. Ampalaya

Ang ampalaya ay isa kabilang rin sa mga halamang gulay na magandang itanim. Ang bunga ng ampalaya ang niluluto. Mapait ang lasa nito ngunit ito naman ay napaka sustansiya.

Madaming recipe ang pwedi mong gawin sa ampalaya. Ibat ibang luto at masarap pa.

Sa pagtatanim naman ng ampalaya ay madali lang ang proseso. Kailangan mong kumuha ng magandang uri ng binhi. Maari kang bumili sa pinaka malapit na tindahan ng mga buto o sa agriculture store. Nagbebenta sila ng mga magagandang klase ng buto na maari mong itanim.

Itanim ang isa hanggang dalawang buto sa lupa na may isa hanggang dalawang pulgada ang lalim. Tabunan ito ng lupa at diligin pagkatapos. Kailangan din nito ang sapat na tubig at pataba upang lalong lumaki at lumago.

5. Okra

Ang okra ay isa ring halamang gulay na magandang itanim. Ang mga bunga nito ay inihahalo din sa pinakbet na masarap ihain. Masustansiya na at madami pang bitamina.

Sa pagtatanim naman ng mga okra ay kailangan mo ring kumuha ng mga magagandang klase ng mga buto na madaling tumubo.

Itanim ang isang buto sa lupa na may lalim na isang pulgada. Maglaan ng kalahating metro ang layo bawat buto. Diligin ito at maglaan ng pataba upang lalo itong lumaki.

6. Kalabasa

Ang kalabasa din ay isang halamang gulay na magandang itanim. Ang kalabasa ay sinasabing nagpapalinaw ng mata. Kapag kumain ka nito ng madalas lilinaw ang iyong mga mata.

Ito rin ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral na siguradong makakatulong upang tayo ay lalong lumusog.

Sa pagtatanim naman ng kalabasa ay kailangan mo ng mga buto. Itanim ang isang buto ng kalabasa na may isang pulgada ang lalim tapos tabunan ng lupa. Diligin din ito pagkatapos.

Maglaan ng pataba upang lumaki at diligin din ito ng madalas.

7. Malunggay

Ang malunggay din ay isa sa mga halamang gulay na magandang itanim. Ang malunggay ay sinasabing "miracle tree" dahil sa mga sustansiyang nakapaloob dito.

Madaming kayang gawin ang malunggay sa ating katawan dahil sa napakaraming bitamina at mineral na matatagpuan sa halamang ito.

Sa pagtatanim naman ng malunggay ay mayroong dalawang paraan. Maari mong itanim ang malunggay gamit ang sanga nito.

Pumutol lang ng medyo magulang ng sanga ng malunggay. Pagkatapos ay humanap ng angkop na lugar na pagtataniman. Pagkatapos ay itanim ang sanga ng malunggay. Siguraduhin din na hindi magagalaw ang malunggay dahil maari itong hindi na tumubo.

Maari mo ring itanim ang malunggay gamit ang buto nito. Itanim ang buto ng malunggay sa lata o pasa. Kapag medyo malaki laki na ang halaman ay maari mo ng ilipat ito sa lupang pagtataniman.

8. Upo

Ang upo rin ay isang magandang halaman na magandang itanim. Masarap ang upo lalo na kapag hinaluan ng mga pampalasa. Masarap kapag may tinapa o sardinas ito.

May mga bitamina rin at mineral ang halamang ito kaya magandang itanim.

Sa pagtatanim naman nito ay kailangan mong kumuha ng mga buto nito. Pagkatapos ay itanim ito sa lupa ng may isang pulgada ang lalim.

Pagkatapos ay diligin ito. Malaan ng pataba at diligin ito ng madalas. Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan ay maaari ka ng mag-ani ng mga upo.

9. Sili

Ang sili rin ay isa sa mga halamang gulay na magandang itanim. Maanghang ang sili at inihahalo sa pagkain bilang pampapalasa. Pinapaanghang nito ang mga lutuin.

Madaming nagkakagusto sa sili kaya madami rin ang nagbebenta nito.

Sa pagtatanim naman ng sili ay madali itong gawin. Katulad ng talong at kamatis ay kailangan mo din itong itanim muna sa kahong punlaan. Kapag medyo malaki laki na ay maaari mo na itong ilipat sa taniman.

Itanim ang punla ng sili ng may dalawang pulgada ang lalim. Tabunan ng lupa at saka diligin. Maglaan ng pataba na lalong nagpapalaki nito. Pagkatapos ay diligin ito ng madalas. Pagkalipas ng apat na buwan maari ka ng mag-ani ng mga sili.

10. Sitaw

Ang sitaw ay isa ring sa mga halamang gulay na magandang itanim. Mahahaba ang mga sitaw at masarap kainin.

Madaming sustansiya ang nakapaloob sa sitaw at mabuti na itanim natin ito.

Sa pagtatanim naman ng sitaw ay madali lang itong gawin. Kumuha ka ng mga binhi ng sitaw at itanim ito sa lupa ng may lalim na isang pulgada. Tabunan ito ng lupa at diligin. Maglaan ng pataba upang lalo itong lumaki.

Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng mga sitaw.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa mga halamang gulay na madaling itanim. Sana ay masaya ka sa nabasa mo dito. Maraming salamat sa oras at sana ay maganda ang araw mo.
July 23, 2019

Mga Halamang Gamot

Mga Halamang Gamot
May mga halamang gamot na tumutubo na talaga namang nakaka gamot.

Ang ilan pa nga sa mga ito ay preno proseso upang gawing gamot na nasa tableta, kapsula o kaya yung nasa bote.

Ang mga halamang gamot na ito ay madaming naitutulong lalo na sa kalusugan ng tao. Mas mainam na mayroon kang tanim nito lalo na sa iyong bakuran. Maari mo ring itanim ang mga halamang gamot na ito sa paso lalo na kung hindi naman masyadong malaki kung tumubo. Kaya narito na ang ilan sa mga halamang na magandang magkaroon sa ating bahay.

Mga halamang gamot

1. Oregano

Ang oregano ay isa sa mga halamang gamot na talaga namang nakaka gamot. Ang halamang ito ay ginagamit na pang gamot lalo na sa ubo.

Kapag mayroon kang ubo ay mainam na uminom ka ng katas ng dahon ng oregano. Papaano ba ito ginagawa? Mayroong ilang paraan.

Maaari kang kumuha ng dahon ng oregano, tapos ay hugasan mo ito ng tubig. Pagkatapos ay maari mo itong ilagay sa ibabaw ng kanin na bagong luto. Pagkalipas ng ilang minuto ay maaari mo ng kunin ang dahon.

Pagkatapos ay pigain mo ang dahon sa kutsara o kaya sa baso. Pagkatapos ay iyo ng inumin. Maari kang kumain ng asukal pagkatapos dahil medyo mapait ang lasa ng oregano.

Sa pagtatanim naman nito ay maari kang pumutol ng bahagi ng oregano pagkatapos ay iyong itanim. Manipis lang ang katawan ng oregano kaya madali lang ito kung tumubo.

2. Lagundi

Ang lagundi ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong upang mawala ang ating ubo.

Ang ubo ay isa sa pinaka madalas na karamdaman na nararanasan ng tao. Maaring dahil sa panahon o kaya sa ilan pang mga rason.

Kapag may ubo ka mainam na uminom ka ng pinaglagaan ng lagundi. Simple lang ang paraan.

Kumuha ka ng mga dahon ng lagundi. Pagkatapos ay kumuha ka ng kaserola tapos maglagay ka ng apat o limang basong tubig pagkatapos ay ilagay mo ang mga dahon ng lagundi. Pakuluan ito at inumin habang medyo mainiit pa.

Sa pagtatanim naman nito ay pumuyol ka ng medyo magulang ng sanga ng lagundi saka mo itanim. Mainam rin kung kukuha ka ng maliit pang halaman na may ugat na saka mo itanim sa iyong bakuran.

3. Sambong

Ang sambong ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong sa ating kalusugan.

Pinapababa nito ang ating dugo kapag nakakaranas tayo ng high blood. Hindi lang yun, tinutunaw din nito ang mga bato sa ating bato o (kidney stone). Mainam na imunom ka nitong halamang gamot na ito dahil talaga namang makakatulong sa iyong kalusugan.

Sa pagtatanim nito ay madali lang. Kumuha ka ng maliit na sambong na halaman. Pagkatapos ay iyong alagaan. Mainam na sa maliwanag na nasisikatan ng araw upang lalong lumaki.

4. Yerba Buena

Ang yerba buena ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong sa ilang karamdaman.

Ang halamang gamot na ito ay maaring pagalingin ang sumasakit mong ngipin, ulo, tiyan at katawan. Hindi lang yun kaya din nitong pagalingin kapag ikaw ay may ubo, may sipon, pangangati o kaya naman ikaw ay nahihilo. Maganda rin na uminom ka nito lalo na kung mahina ang iyong panunaw.

Sa pagtatanim nito ay maghanap ng lugar na may sapat na sinag ng araw. At diligin din ito ng tubig kada tatlong araw o mas maigi madalas lalo na kung mataas ang temperatura ng panahon.

5. Pansit-pansitan

Ang pansit-pansitan ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong upang malabanan ang arthritis at gout. Hindi lang yun nakaka tulong din ito upang maibsan ang sumasakit na puson at maging sa ating tigyawat.

Maliit lang ang hamang pansit-pansitan. Napaka lambot ng katawan nito at madalas mong makikita sa mga sulok sulok ng paligid.

Sa pagtatanim naman nito ay maigi kung sa may sinag ng araw upang lalong lumago at lumaki. Diligin din kahit isang beses sa isang linggo. Hindi ito masilan sa tubig at lumalaki ng maayos.

6. Tsaang Gubat

Ang tsaang gubat ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong sa pananakit ng tiyan at pagtatae. Maari mo rin itong gamitin bilang pang mumog upang maiwasan ang pagkabulok ng ngipin at para maiwasan ang magkaroon ng cavities. Maari mo rin itong gamitin bilang pangligo.

Ang tsaang gubat ay medyo maliit na kahoy na lumalaki ng ilang pulgada ang taas. Mainam na itanim ito sa nasisikatan ng araw at diligin ng madalas ng tubig upang lalong magkadahon ng maganda.

7. Bawang

Ang bawang ay isa ring maituturing na halamang gamot. Ginagamit ito sa pagluluto lalo na sa pang gisa. Ngunit ang halamang ito ay nakakatulong rin sa ating puso. Pinapalakas nito ang puso na nagiging malusog.

Hindi lang yun ang bawang din ay nakakatulong upang mapababa ang bad cholesterol at palakasin ang ating resistensya.

Ang bawang ay maaring itanim gamit ang buto o kaya bawang mismo. Madaming paraan na nagkalat sa mga aklat at mga website na maari mong pagkunan ng impormasyon.

8. Akapulko

Ang akapulko ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatupong upang labanan ang fungal infection sa balat gaya ng alipunga, buni o kaya naman ang an-an.

Maari din itong gamitin sa pangangati, kagat ng insekto o kaya naman eczema.

Maganda na itanim ito sa ating likod bahay o kaya sa bakuran. Piliin ang lugar na may sapat na sikat ng araw at may magandang sistema ng pagdidilig.

9. Ampalaya

Ang ampalaya ay isa rin sa mga halaman na maituturing na halamang gamot. Pinapababa nito ang asukal sa dugo o (blood sugar) lalo na sa mga may diabetes. Ang katas din nito ay maaaring pang gamot sa lagnat at sakit ng katawan.

Madali lang itanim ang ampalaya. Kumuha ka ng mga buto nito at pumili ng angkop na lugar. Maghukay ng isa hanggang dalawang pulgada ang lalim Pagkatapos ay ilagay na ang mga buto at tabunan ng lupa.

Pagkalipas ng apat hanggang sampung araw ay tutubo na ito. Maglagay ng trellis na gagapangan ng mga baging ng ampalaya. Pagkalipas nga tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng mga ampalaya.

10. Bayabas

Ang bayabas ay ginagamit na gamot sa pagtatae at panghugas ng katawan upang maalis ang mga mikrobyo aa katawan.

Ginagamit din ito upang maiwasan na ma impeksyon ang sugat. Nagagamot din nito ang bacteria, amoeba at fungi.

Sa pagpapalaki naman nito ay mainam na sa lugar na mataas ang sinag ng araw upang mabilis na lumaki at magbunga.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa mga halamang gamot. Sana ay masaya ka sa nabasa mo dito. Maraming salamat sa oras at sana ay maganda ang araw mo.
July 23, 2019

Paghahalaman: Ano ba ang Magandang Naidudulot?

Paghahalaman: Ano ba ang Magandang Naidudulot
Ang paghahalaman ay isa sa mga pinaka masayang gawain sa labas ng bahay.

Dito ay maari kang magpatubo at magpalaki ng mga puno, bulaklak mga halaman at iba-iba pa. May mga halamang gamot din na nakakatulong sa ating kalusugan. Higit pa roon madami pang pakinabang ang paghahalaman at alamin natin ang mga ito.

7 Kabutihang Dulot ng Paghahalaman

1. Nagbibigay ng pagkain sa mga tao.

Isa sa mga kabutihang dulot ng paghahalaman ay ito ay nagbibigay ng pagkain.

Ang mga halaman kagaya ng puno ay nagbibigay ng mga prutas na ating kinakain. Masarap ang mga prutas at nakakabusog ito. Masarap kainin dahil matamis.

Ang mga halaman din gaya ng mga gulay ay nagbibigay ng gulay na pinang uulam natin sa araw-araw. Maaaring sahugan ng isda ang gulay upang lalong sumarap.

Ang mga halamanan ay nagbibigay ng pagkain upang tayo ay mabuhay. Madaming halaman madaming pagkain.

2. Nagpapalusog at nagpapalakas ng katawan.

Isa pang magandang dulot ng paghahalaman ay nagpapalusog at nagpapakas ito ng katawan.

Ang mga prutas ay nagtataglay ng ibat-ibang uri ng bitamina at mineral. Ang mga ito ay nakakatulong sa ating katawan upang lalong lumusog.

Kapag madami kang kinain na mga prutas ay makakauha ka ng maraming biramina na tutulong sayo upang lalong maging malusog. Nagpapalakas din ito ng katawan.

Ang mga gulay din ay nagtataglay ng mga sustansiya na kailangan ng ating katawan. Ang mga bitamina at mineral na nanggagaling mula dito ay tutulong upang maging masigla at malusog ang iyong pangangatawan, dahilan upang hindi ka agad-agad dadapuan ng anumang sakit.

Kapag malakas ang iyong katawan at ika'y malusog magiging maayos ang iyong pang araw-araw na pamumuhay.

3. Nagpapaganda ng paligid.

Ang paghahalaman din ay nakapagpapaganda ng paligid.

Ang mga berderng dahon ng puno ay nakapagpapaganda ng paligid. Makikita mo ang mga nagsasayawang mga puno dahil sa saliw ng hangin. Maganda ang mga puno dahil sa mga hinog na prutas na makikita mo.

Ang mga gulay din ay nakakaganda sa ating paningin. Kapag nakita mo ang mga gulay na hitik na hitik sa bunga ay siguradong masisiyahan ka.

Ang mga bulaklak din ay isa din sa mga nakakapagpaganda ng paligid. Ang mga bulakalak na makukulay ay nakaka ganda ng paligid. Kapag nakakita tayo ng madaming bulaklak na makukulay ay nakakasiya ito sa atin.

4. Nakakaginhawa ng pakiramdam.

Ang paghahalaman ay nakapagdudulot din ng kaginhawaan sa pakiramdam. Bakit at sa paanong paraan?

Kapag kumain ka ng mga prutas ay nagtataglay ito ng mga bitamina at mineral na nagpapalakas sa atin. Kapag tayo ay malakas nakakaginhawa ito ng pakiramdam.

Masarap kumain sa totoo lang. Ang masasarap na prutas lalo na yung bagong kuha sa puno. Tapos ay kakainin niyo ay mabuti sa kalusugan.

Isa pa kapag mayroon kang halamanan sa iyong bakuran ay mawawala ang iyong stress. Paano? Kasi kapag nagtanim ka tapos nakita mo na tumutubo na ito ay masisiyahan ka. Parang makakalimutab mo na may problema ka.

Saka kapag nagsimula na itong magsibol ng mga bulaklak at sa ilang linggo pa ay magbubunga na ito ay sobrang masisiyahan ka talaga. Dahil lahat ng pagod at paghihirap mo ay nagbunga.

5. Nagbibigay ng sariwang hangin.

Ang mga punong kahoy, bulaklak, mga gulay at iba pang halaman ay nakapagbibigay ng sariwang hangin.

Dahil dito ay nakakalanghap tayo ng masarap at sariwang hangin. Kailangan natin ng hangin upang mabuhay. Ang mga dahon ng mga halaman ay gumagawa ng mga oxygen na kinakailangan nating mga tao upang mabuhay.

Kailangan nating magtanim ng madaming halaman upang makalanghap ng sariwang hangin. Kapag sariwa ang hangin ay siguradong hindi tayo magkakasakit. Magigi tayong malusog kapag ganuon.

6. Pumipigil sa pagbaha.

Ang isa sa kagandahan ng paghahalaman ay maari nitong pigilan ang pagbaha. Sinisipsip kasi ng mga ugt ng puno ang mga tubig dahilan upang maiwasan ang pagbaha.

Ang mga maliliit na uri ng halaman ay sumisipsip din ng tubig ngunit sa maliit na bahagan lamang. Ngunit kahit kaunti lamang ito ay nakakatulong parin.

Kung magtatanim ka ng maraming puno ay mas kakasigurado kang makakatulong ito upang baha ay maiwasan.

7. Napagkakakitaan ng mga tao.

Ang paghahalaman ay nagbibigay din ng kita sa tao. Paano?

Kapag nagtanim ka ng mga gulay at ito ay nagbunga, maari mong ibenta ang mga bunga nito upang mayroon kang mapagkunan ng pera.

Ang mga punong kahoy din ay nagbubunga. Maari mo rin itong ibenta at kumita. Madaming bunga madaming kita.

Ang mga bulaklak din ay isa sa pinaka mabentang halaman. Ang mga magagandang bulaklak ay ibenibenta kapag may kasal, valentines day o kaya araw ng mga patay.

Ang ilang tao ay nagkukulekta ng mga bulaklak bilang palamuti sa kanilang tahanan. Ang ilan pa ay nagpaparami ng mga bulaklak dahil hilig talaga nila ito.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa paghahalaman. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana ay maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.
July 07, 2019

Paano Magtanim ng Upo?

Paano Magtanim ng Upo
Isang araw habang naglalakad ang isang babae sa isang munting paraiso ay bigla niyang nasabi sa sarili, paano magtanim ng upo?

Bigla niya palang nakita ang napakayabong na gulay ng upo. Napakarami nitong bunga at napakaganda ng tubo. Nais niya ding kumain nito at ihain sa kanyang minamahal sa buhay.

Kung narito ka para malaman kung paano magtanim ng upo, ay tara at ikukwento namin ang mga hakbang sa pagpapatubo at pagpapalaki nito.

Mga Kailangan sa pagtatanim ng upo
a. Buto ng upo
b. sinag ng araw
c. tubig
d. lupa
e. itak
f. pataba
g. mga kawayan

Kapag mayroon ka ng mga kailangan sa pagtatanim ng upo ay maari na nating simulan ang pagtatanim. Kung wala pa naman ay basahin mo muna ito para magkaroon ka ng kaunting kaalaman buhat sa artikulong ito.

Mga Hakbang kung Paano Magtanim ng Upo

1. Bumili ng buto ng Upo

Isang tanong, paano magtanim ng upo, heto na. Kung baguhan ka palang sa pagpapalaki ng upo, ang una mong gagawin ay kumuha ng mga buto nito.

Isa sa pinaka madaling paraan para makakuha ng mga buto, ay bumili sa pinaka malapit na agriculture store. "Alangan naman kasing sa pinaka malayo."

Sa agriculture store makakakita ka ng samo't saring mga buto at napakadami mong pagpipilian. Kapag bibili ka ng buto ng upo, makakasigurado ka sakanila na malaki ang posibilidad ng pagtubo nito

Noong bumili ako ng buto sa kanila, mayroon itong kulay. Ang kulay na nakabalot sa buto ng upo ay isang kemikal na nagpapahaba ng buhay ng buto. Dahil dito, kahit umabot pa ng isang taon ang mga buto, ay tutubo at tutubo parin ito.

Ang isang pakete ng buto ng upo ay maaring mabili mo sa halagang 30+ Pesos na nagkakaroon ng mga 10+ na buto. Hindi na rin masama dahil sa isang buto ay maari itong lumaki at magbunga, mag-ani ng napakaraming bunga ng upo.

Kung ayaw mong bumili, ay maari kang humingi ng mga buto sa mga magsasaka na kakilala mo o malapit sa iyong lugar. Ngunit maari kang ring hindi makakuha buhat ng ang ilan sa kanila ay bumibili rin ng mga buto, o kaya wala na silang buto na natitira.

2. Pagpili ng lugar na pagtataniman

Sa pangalawang hakbang kung paano magtanim ng upo ay kailangan mong pumili ng magandang lugar. Kung sa bakuran mo ito itatanim ay mainam na sa lugar kung saan mahaba ang sikat ng araw.

Kung sa tao pagkain ang nagpapabusog, sa halaman naman ay ang sikat ng araw. Ang sikat ng araw kasi ang pinakamahalagang bagay para sa halaman upang mabuhay. Ito ang kanilang pagkain.

Kapag hindi kasi nasisikatan ng araw, ay maaring hindi maging maganda ang tubo nito. Maaring manilaw ang mga dahon at hindi maganda ang tubo.

Kaya kung maari ay pumili ka ng lugar kung saan mas nasisikatan ng araw. Maganda rin na loam soil ang lupa na mayroon sa lugar dahil angkop ito para tumubo ang mga upo.

3. Pagtatanim ng Buto ng Upo

Sa pangatlong hakbang sa kung paano magtanim ng upo, ay itatanim na natin ito.

Kunin mo ang buto ng upo, tubig at itak. Sa lugar kung saan mo balak itanim ang mga buto ng upo ay maghukay ka ng mahigit isang pulgada ang lalim. Pagkatapos ay tabunan mo ito ng lupa. Diligin mo ito pagkatapos.

Pagkalipas ng mga 6-10 araw ay tutubo na ang mga buto ng upo. Kapag medyo lumalaki na ito, ay dagdagan mo ang lupa sa paligid upang lalong lumago. Huwag mong hayaan na lumutang ang mga ugat nito sa lupa.

4. Diligin mo ito araw-araw

Sa pang-apat na hakbang sa kung paano magtanim ng upo, ay kailangan mo itong diligin araw-araw. Ang tubig ang isa rin sa pinaka mahalagang bagay sa paglaki ng mga upo.

Kailangan na tama lamang at huwag sobra ang pagdidilig. Medyo dagdagan mo ang tubig kapag medyo lumalaki na at kapag medyo mainit ang panahon.

5. Paglalagay ng Pataba
Isa sa mga hakbang kung paano magtanim ng upo ay ang paglalagay ng abono o pataba. Ang pataba ang isa rin sa kinakailangan ng upo upang lalong lumago. Ang pataba ang magsisilbing sustansya nagpapalusog pa palo sa halaman.

Kaya nararapat na maglagay ka ng abono. Mas mainam kung ang ilalagay mo ay ang abono na walang halong kemikal, puro at maganda sa kapaligiran pati na sa kalusugan. Ito ang organikong pataba.

Napakaraming paraan kung paano gumawa nito. Maari kang manood ng mga videos sa youtube or magsearch sa google.

Pero maari ka rin namang gumamit ng patabang nabibili sa tindahan.

Pero mas nirerekomenda namin na gumamit ka pa rin ng organikong pataba sa pagtatanim.

6. Paglalagay ng Trellis

Ano ba ang trellis? Ito yung ginagapangan ng upo. Katulad nung sa ampalaya at kalabasa. Dito lumalaki ang mga baging ng upo. Kailangan mong maglagay nito upang lalong lumaki ang mga upo.

Maganda rin ito upang ang mga baging at mga bulaklak nito ay maging ligtas. Kapag lumaki na ng lumaki ay makakatulong ang trellis sa  paglaki pa nito.

7. Pag-aani

Pagkalipas ng mahigit tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng mga upo. Ito na ang pinaka huling hakbang sa kung paano magtanim ng upo. Aanihin mo na.

Ang mga upo ay maari mong ipagbili lalo na kung marami naman ang iyong ani. Ang iba ay ihain at lutuin ng mag-anak.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng upo. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.
July 06, 2019

Paano Magtanim ng Malunggay?

Paano Magtanim ng Malunggay
Isang araw may isang lalaki ang naglalakad at nakakita siya ng halaman at biglang nasabi sa sarili, paano magtanim ng malunggay?

Bigla niya pala iyong natanong dahil, nakakita siya ng isang halaman. Ito ay ang malunggay. Ang malunggay na napaka sustansiya at napakaraming benepisyong maidudulot sa ating kalusugan. Magandang itanim at patubuin.

Kung ikaw ay narito para malaman kung paano magtanim ng malunggay, aba heto na at malalaman mo din ngayong araw. Maaring alam mo na ang paraan ng pagtatanim at baka ay nalimutan mo lang kaya ipapaalala namin muli.

Sa artikulong ito ay malalaman mo ang dalawang paraan. Pagtatanim ng malunggay gamit ang sanga at pagtatanim ng malunggay gamit ang buto. Uunahin natin ang pagtatanim ng malunggay gamit ang sanga.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Malunggay gamit ang Sanga
1. Sanga ng Malunggay
2. Itak
3. Tubig
4. Sinag ng Araw
5. Lupa na pagtataniman

Paano Magtanim ng Malunggay Gamit ang Sanga

1. Kumuha ng Sanga ng Malunggay

Paano magtanim ng malunggay gamit ang sanga, madali lang. Una ay kumuha ka ng sanga ng malunggay.

Pumunta ka sa isang lugar na maraming malunggay. Tapos humingi ka ng permiso kung maaari ka bang makahingi ng sanga ng malunggay. Kapag pumayag ay pwedi ka ng kumuha ng sanga ng malunggay. Mag-ingat ka lamang sa aso upang hindi ka makagat.

Sa puno ng malunggay, piliin ang medyo makapal na sanga, medyo magulang na at makakasigurado kang tutubo. Kunin mo ang itak at putulin ang mga sanga. Siguraduhin mong maganda ang pagkakaputol mo at walang natangal na balat sa sanga upang maging maganda ang tubo.

Kapag may mga na alis na balat, bawasan mo uli ang sanga upang maging maganda ang pagkakaputol. Mag-ingat sa paggamit ng itak.

2. Pumili ng Lugar

Sa pangalawang paraan kung paano magtanim ng malunggay, kailangan na pumili ka ng magandang lugar. Ang lugar na iyong pipiliin  ay dapat na nasisikatan ng araw.

Ang araw kasi ay kailangan ng malunggay upang lalong lumaki. Sa sinag ng araw sila kumukuha ng kanilang pagkain na siyang nagpapalusog sa halaman.

Ang lugar din dapat na pipiliin mo ay hindi masyadong basa. Kapag palaging basa kasi ang lupa ay maaring mabulok ang sanga ng malunggay, dahilan upang hindi na magkaugat at hindi na magdahon.

Maganda rin kung ang lupa na iyong pagtataniman ay buhangin. Mas maganda kasi ito para sa malunggay. Ito ay buhaghag at mabilis na sipsipin ang tubig.

3. Pagtatanim ng Sanga Malunggay

Sa pangatlong pagkakataon, este sa pangatlong paraan kung paano magtanim ng malunggay, ay itatanim na natin ito.

Paano ba ito gawin? Kumuha ka ng itak, tubig at sanga ng malunggay. Gamit ang itak o kahit bolo nalang yung hindi ginagamit sa kusina, maghukay na mahigit 10 pulgada ang lalim(10 inches).

Pagkatapos ay ibabad sa tubig ang dulo ng sanga sa tubig ng mahigit 20 segundo. Pagkatapos ay itanim na ito sa lupa. Tabunan ng lupa hanggang sa paligid. Diinan ng paa ang lupa upang lumubog.

Pagkatapos maglakagay ka ng ilang bato sa paligid na magsisilbing gabay upang hindi magalaw ang sanga. Maari kasing makaapekto kapag ginagalaw ang sanga ng malunggay. Pagkalipas ng ilang linggo ay maari na itong tumubo at magkaugat.

Tapos na. Ngayon kung gusto mong malaman kung paano magtanim ng malunggay gamit ang buto ay magpatuloy ka sa pagbabasa. Heto na at madali lang din naman na sundan.

Paano Magtanim ng Malunggay Gamit ang Buto

1. Kumuha ng buto ng malunggay

Sa tanong na paano magtanim ng malunggay, maari mong gamitin ang mga buto sa pagpapatubo.

Kumuha ka ng mga buto ng malunggay. Ang puno ng malunggay ay nagbubunga na naglalaman ng mga buto sa loob. Ang mga buto mula dito ay maari mong gamitin sa pagtatanim.

Dapat na tuyo na ang mga bunga nito upang makasigurado na mataas ang tyansa na tumubo ito.

Maari kang humingi ng mga buto ng malunggay sa mga kakilala mong nagtatanim ng malunggay o sa mga magsasaka sa paligid mo.

Maari ka ding bumili sa agriculture store ngunit maaring mahirapan ka sa paghahanap dahil hindi ito masyadong ibenebenta dulot ng karamihan sa nagtatanim ay gumagamit ng sanga sa pagpapatubo.

2. Itanim ang mga buto sa paso

Bakit kailangan pang itanim sa paso? Kailangan mo munang itanim ito sa paso upang makasigurado ka sa kalidad ng mga punla. Maliban sa paso, maari mo rin itong itanim sa seed tray.

Kumuha ng paso na may mga butas sa ilalim upang makaagos ang tubig. Lagyan mo ng lupa tapos, maghukay ng mahigit 1-2 pulgada. Pagkatapos ay itanim ang isang buto bawat hukay. Pagkatapos ay diligin ito ng tubig. Pagkalipas ng 8 araw tutubo na ang mga malunggay.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng malunggay. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.
July 05, 2019

Paano Magtanim ng Ampalaya?

Paano Magtanim ng Ampalaya
Isang araw may isang taong nagtanong kung "paano magtanim ng ampalaya"? Nabigla ako, at yung tao na yun ay narito na. Ikaw na nagbabasa ng pangatlong pangungusap na to. At patuloy na nagbasa patungo sa pang apat na pangungusap.

Tara na ito na nga ang hinahanap mo. Alamin kung paano magtanim ng ampalaya ngayong araw. Hindi mamaya, hindi bukas, ngayon at ngayon na din. Tara ano pang hinihintay mo. Kuha ka ng kape habang binabasa mo ito. Tapos isang pandesal na kakainin natin.


Bago ang lahat, lumayo oh. May kasama kang kapatid, kaibigan hanggat ako'y humihinga may pag-asa pa. Hu wo hu wo hallelu, halleluyah.

Este bago ang lahat narito ang ilan sa mga kailangan mong mga kagamitan upang mapadali kung paano magtanim ng ampalaya.

a. Buto ng ampalaya
b. tubig
c. sinag ng araw
d. kutsilyo o itak o bolo
e. trowel
f. pataba

Mga Hakbang Kung Paano magtanim ng Ampalaya

1. Pumili ng Maaliwalas na Lugar

Ito ang isa sa dapat mong tandaan. Kung ikaw ay nagtanong kung paano magtanim ng ampalaya. Kapag magtatanim ka ng ampalaya, piliin mo yung lugar na nasisikatan ng araw.

Syempre naman araw ang isa sa pinaka kailangan ng ampalaya. Kung wala ang araw paano mabubuhay ang ampalaya? Kung wala siya wala ding saysay ang buhay ko. Yung araw ang tinutukoy ko.

Dapat nasisikatan ang lugar na mahigit anim na oras. Kailangan mong maintidihan na hindi lalago ng mabilis at malago ang ampalaya kung kulang siya sa sustansiya na nagmumula sa araw.

Kailangan mong pakainin ng pakainin ng sikat ng araw ang mga dahong ng ampalaya na siguradong magpapalago at magpapalaki ng tubo nito.

2. Ihanda ang Taniman

Pangalawang dapat tandaan sa kung paano magtanim ng ampalaya. Swempre naman. Kung magtatanim ka ng ampalaya aba, saan ba natin ito itinatanim. Edi sa lupa. Saang lupa mo ba gustong itanim? Pwedi kasing itanim yan direkta sa lupa o sa paso.

Ito halimbawa na gusto mong itanim ito sa direkta sa lupa ito ang dapat nating gawin. Ihahanda natin ang lupa upang maging masaya si ampalaya.

Pumunta ka sa lugar. Suruin mo kung saang pwesto ang mas higit na nasisikatan ng araw. Tapos ito ang piliin mo. Hindi masayadong nangangailangan ng lupa ang ampalaya dahil ito ay isang baging na gulay. Isang maliit na espasyo lamang ay pwedi ng pagtaniman ng ampalaya.

Ngayong napili mo na ang pwesto ay sumulan mo na itong ihanda. Alisin mo ang mga nakakalat na mga bato, lata, plastik, basura o kahit ano pang nakakalat na hindi naman kailangan.

Pagkatapos ay bungkalin mo ito ng asarol, pala o kahit bolo. Alisin ang mga damo sa na bungkal na lupa. Pagkatapos ay pinuhin mo ito. Ngayon ay handa na ang iyong lupang pagtataniman ng ampalaya.

3. Kumuha ng mga Binhi ng Ampalaya

Sa pangatlong hakbang sa kung paano magtanim ng ampalaya, ay kailangan mong kumuha ng mga binhi ng ampalaya. Maari kang bumili ng mga buto sa pinakamalapit na agriculture store o sa mga pamilihan ng mga binhi.

Makakabili ka ng isang maliit na supot ng mga binhi ng ampalaya sa halagang 50+ Pesos na halaga. Maganda ang kalidad ng mga binhi na benibenta nila kaya makakasigurado ka sa mabibili mong mga buto ng ampalaya.

Maari ka ring humingi sa ilang mga magsasaka sa iyong lugar. May mga nagtatanim din kasi ng ampalaya na naglilikha ng mga buto. Sa isang prutas ng ampalaya maari ka kasing kumuha ng mga buto mula doon.

Kapag hinog na ang ampalaya, makikita mo sa loob ang mga buto na nakabalot sa pulang bagay at maari ng itanim ang mga buto dahil ito ay handa na.

4. Pagtatanim ng Ampalaya

Sa pang-apat na hakbang sa kung pa paano magtanim ng ampalaya, ay sisimulan na natin ito. Kumuha ng dalawang binhi ng ampalaya. Kumuha ka rin ng bolo or trowel na gagamitinna panghukay.

Humukay ka sa lupa ng mahigit 1 hanggang 2 pulgada(inches). Tapos ilagay mo sa hukay ang mga buto. Takpan mo ito ng lupa at diligin pagkatapos.

Kung malawak ang lugar na pagtaniman mo ay maglaan ng apat na metro ang layo bawat hukay at magtanim uli ng dalawa pang buto bawat hukay. Kailangan mong maglaan mg espasyo upang makagalaw ng husto ang mga baging ng ampalaya kapag ito ay nagsimulang gumapang na.

Pagkalipas ng 5 hangang 12 na araw, ay magsisimula ng tumubo ang mga buto ng ampalaya. Ingatan mong hindi sirain ng mga alagang hayop ang mga halaman upnag lalo pa itong lumago.

5. Diligin mo araw-araw

Upang lalong lumaki at lumago ang mga ampalaya, kailangan mong maglaan ng oras sa pagdidilig dito. Huwag mong hayaan na matuyuan ng lupa ang mga ampalaya.

Ang tubig ay isa sa kailangan ng mga halaman kaya diligin mo dapat ito araw-araw. Ito na rin ang isa sa paraan ng pag-aalaga mo sa halaman, katulad ng pag-aalga mo sa iyong mahal sa buhay.

Diligin mo ito isang beses sa umaga at isang beses din sa hapon. Pag nagawa mo ang challenge pasok ka na sa next round ng kompetisyon.

6. Maglagay ng pataba

Kailangan din ng ampalaya ng pataba upang lumaki. Ang pataba na dapat mong gamitin ay organikong pataba. Ang organikong pataba, ay pataba na walang halong kemikal. Ito ay puro at hindi nakakasama sa kalusugan.

Maari kang gumawa ng sarili mong pataba o kaya ay bumili. Sa paggawa ng pataba ay maghukay ka sa lupa ng mahigit isang metro ang lalim tapos ay ipaghalo halo mo sa loob ang mga damo, dahon, dumi ng hayop, tirang pagkain o kung anu-ano pang nabubulok na bagay.

Maari kang gumamit ng mga pataba na nabibili, pero nirerekomenda namin na gumamit ka ng organikong pataba.

7. Maglagay ng Trellis

Sa pang pitong paraan kung paano magtanim ng ampalaya, ay kailangan mong gumawa ng trellis. Ano ba ito? Ito yung ginagapangan ng ampalaya. Ah oonga nakakita na nga ako niyan.

Kung nakakita ka na, gayahin mo yung ganun. Maglagay ka noon para lumaki ng lubos ang ampalaya.

8. Pag-aani ng Ampalaya

Pagkalipas ng 3 hanggang 4 na buwan, ay maari ka ng magsindi ng kandila. Este mag-ani ng mga ampalaya. Sa ganitong gulang makikita mo na ang magulang na ampalaya na maari ng kainin o lutuin at kainin ng pamilya o maari mo ring ibenta.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng ampalaya. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.