Breaking

Mga Halamang Gamot

Mga Halamang Gamot
May mga halamang gamot na tumutubo na talaga namang nakaka gamot.

Ang ilan pa nga sa mga ito ay preno proseso upang gawing gamot na nasa tableta, kapsula o kaya yung nasa bote.

Ang mga halamang gamot na ito ay madaming naitutulong lalo na sa kalusugan ng tao. Mas mainam na mayroon kang tanim nito lalo na sa iyong bakuran. Maari mo ring itanim ang mga halamang gamot na ito sa paso lalo na kung hindi naman masyadong malaki kung tumubo. Kaya narito na ang ilan sa mga halamang na magandang magkaroon sa ating bahay.

Mga halamang gamot

1. Oregano

Ang oregano ay isa sa mga halamang gamot na talaga namang nakaka gamot. Ang halamang ito ay ginagamit na pang gamot lalo na sa ubo.

Kapag mayroon kang ubo ay mainam na uminom ka ng katas ng dahon ng oregano. Papaano ba ito ginagawa? Mayroong ilang paraan.

Maaari kang kumuha ng dahon ng oregano, tapos ay hugasan mo ito ng tubig. Pagkatapos ay maari mo itong ilagay sa ibabaw ng kanin na bagong luto. Pagkalipas ng ilang minuto ay maaari mo ng kunin ang dahon.

Pagkatapos ay pigain mo ang dahon sa kutsara o kaya sa baso. Pagkatapos ay iyo ng inumin. Maari kang kumain ng asukal pagkatapos dahil medyo mapait ang lasa ng oregano.

Sa pagtatanim naman nito ay maari kang pumutol ng bahagi ng oregano pagkatapos ay iyong itanim. Manipis lang ang katawan ng oregano kaya madali lang ito kung tumubo.

2. Lagundi

Ang lagundi ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong upang mawala ang ating ubo.

Ang ubo ay isa sa pinaka madalas na karamdaman na nararanasan ng tao. Maaring dahil sa panahon o kaya sa ilan pang mga rason.

Kapag may ubo ka mainam na uminom ka ng pinaglagaan ng lagundi. Simple lang ang paraan.

Kumuha ka ng mga dahon ng lagundi. Pagkatapos ay kumuha ka ng kaserola tapos maglagay ka ng apat o limang basong tubig pagkatapos ay ilagay mo ang mga dahon ng lagundi. Pakuluan ito at inumin habang medyo mainiit pa.

Sa pagtatanim naman nito ay pumuyol ka ng medyo magulang ng sanga ng lagundi saka mo itanim. Mainam rin kung kukuha ka ng maliit pang halaman na may ugat na saka mo itanim sa iyong bakuran.

3. Sambong

Ang sambong ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong sa ating kalusugan.

Pinapababa nito ang ating dugo kapag nakakaranas tayo ng high blood. Hindi lang yun, tinutunaw din nito ang mga bato sa ating bato o (kidney stone). Mainam na imunom ka nitong halamang gamot na ito dahil talaga namang makakatulong sa iyong kalusugan.

Sa pagtatanim nito ay madali lang. Kumuha ka ng maliit na sambong na halaman. Pagkatapos ay iyong alagaan. Mainam na sa maliwanag na nasisikatan ng araw upang lalong lumaki.

4. Yerba Buena

Ang yerba buena ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong sa ilang karamdaman.

Ang halamang gamot na ito ay maaring pagalingin ang sumasakit mong ngipin, ulo, tiyan at katawan. Hindi lang yun kaya din nitong pagalingin kapag ikaw ay may ubo, may sipon, pangangati o kaya naman ikaw ay nahihilo. Maganda rin na uminom ka nito lalo na kung mahina ang iyong panunaw.

Sa pagtatanim nito ay maghanap ng lugar na may sapat na sinag ng araw. At diligin din ito ng tubig kada tatlong araw o mas maigi madalas lalo na kung mataas ang temperatura ng panahon.

5. Pansit-pansitan

Ang pansit-pansitan ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong upang malabanan ang arthritis at gout. Hindi lang yun nakaka tulong din ito upang maibsan ang sumasakit na puson at maging sa ating tigyawat.

Maliit lang ang hamang pansit-pansitan. Napaka lambot ng katawan nito at madalas mong makikita sa mga sulok sulok ng paligid.

Sa pagtatanim naman nito ay maigi kung sa may sinag ng araw upang lalong lumago at lumaki. Diligin din kahit isang beses sa isang linggo. Hindi ito masilan sa tubig at lumalaki ng maayos.

6. Tsaang Gubat

Ang tsaang gubat ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatulong sa pananakit ng tiyan at pagtatae. Maari mo rin itong gamitin bilang pang mumog upang maiwasan ang pagkabulok ng ngipin at para maiwasan ang magkaroon ng cavities. Maari mo rin itong gamitin bilang pangligo.

Ang tsaang gubat ay medyo maliit na kahoy na lumalaki ng ilang pulgada ang taas. Mainam na itanim ito sa nasisikatan ng araw at diligin ng madalas ng tubig upang lalong magkadahon ng maganda.

7. Bawang

Ang bawang ay isa ring maituturing na halamang gamot. Ginagamit ito sa pagluluto lalo na sa pang gisa. Ngunit ang halamang ito ay nakakatulong rin sa ating puso. Pinapalakas nito ang puso na nagiging malusog.

Hindi lang yun ang bawang din ay nakakatulong upang mapababa ang bad cholesterol at palakasin ang ating resistensya.

Ang bawang ay maaring itanim gamit ang buto o kaya bawang mismo. Madaming paraan na nagkalat sa mga aklat at mga website na maari mong pagkunan ng impormasyon.

8. Akapulko

Ang akapulko ay isa rin sa mga halamang gamot na nakakatupong upang labanan ang fungal infection sa balat gaya ng alipunga, buni o kaya naman ang an-an.

Maari din itong gamitin sa pangangati, kagat ng insekto o kaya naman eczema.

Maganda na itanim ito sa ating likod bahay o kaya sa bakuran. Piliin ang lugar na may sapat na sikat ng araw at may magandang sistema ng pagdidilig.

9. Ampalaya

Ang ampalaya ay isa rin sa mga halaman na maituturing na halamang gamot. Pinapababa nito ang asukal sa dugo o (blood sugar) lalo na sa mga may diabetes. Ang katas din nito ay maaaring pang gamot sa lagnat at sakit ng katawan.

Madali lang itanim ang ampalaya. Kumuha ka ng mga buto nito at pumili ng angkop na lugar. Maghukay ng isa hanggang dalawang pulgada ang lalim Pagkatapos ay ilagay na ang mga buto at tabunan ng lupa.

Pagkalipas ng apat hanggang sampung araw ay tutubo na ito. Maglagay ng trellis na gagapangan ng mga baging ng ampalaya. Pagkalipas nga tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng mga ampalaya.

10. Bayabas

Ang bayabas ay ginagamit na gamot sa pagtatae at panghugas ng katawan upang maalis ang mga mikrobyo aa katawan.

Ginagamit din ito upang maiwasan na ma impeksyon ang sugat. Nagagamot din nito ang bacteria, amoeba at fungi.

Sa pagpapalaki naman nito ay mainam na sa lugar na mataas ang sinag ng araw upang mabilis na lumaki at magbunga.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa mga halamang gamot. Sana ay masaya ka sa nabasa mo dito. Maraming salamat sa oras at sana ay maganda ang araw mo.