Ang mga ito ay tumutulong sa mga naghahalaman upang maging madali ang paggawa nito. Iba iba ang mga kasangkapang ito. May pangdilig, panghukay, pamputol at iba pa.
Kaya heto na heto na ang mga kagamitan sa pagtatanim ng gulay na iyong hinahanap. Tara na at ating alamin.
Iba't Ibang mga Kagamitan sa Pagtatanim ng Gulay
1. Asarol
Ang asarol ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim ng gulay na ginagamit pambungkal ng lupa.Ang asarol ay may mahabang hawakan at sa dulo nito ay may manipis na matalim na bakal na nagsisilbing panghukay ng lupa.
Kinakailangan na matalim ito upang mapadali ang pagbubungkal. Sa paggamit nito ay hinahawakan ng dalawang kamay tapos ay bubungkalin na ang lupa.
Ginagamit ito sa paggawa ng mga plot na magsisilbing taniman ng mga pananim.
2. Pala
Ang pala ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit sa paghuhukay at paglilipat ng lupa.Ang pala ay may parisukat na sa itaas na bahagi na nagsisilbing hawakan at sa bahaging ibaba ay may manipis at matalim na bakal na nagsisilbing panghukay ng lupa.
Ang pala ay ginagamit sa construction site ngunit ginagamit din ito sa paghahalamanan.
Gamit ang mga ito ay maari kang gumawa ng mga kanal sa pagitan ng mga halaman upang may daluyan ng tubig. Ito rin ay ginagamit na panghalo ng mga lupa at pataba. Madami rin itong pinag gagamitan kaya maganda ang pala sa pagtatanim.
3. Palang Tinidor
Ang palang tinidor ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit na pangdurog ng malalaking tipak ng lupa.Ang palang tinidor ay parang tinidor na may matutulis at matatalim na bakal na nasa dulo. Ito ang dumudurog sa lupa at nagiging madali na gawin ito.
Kapag gumawa ng plot na taniman may mga tipak ng lupa na malalaki at kailangang durugin. Ito ay isa sa mga ginagamit na pangdurog nito.
4. Piko
Ang piko ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit pang durog at panghukay ng matitigas na lupa.Ang piko ay may isang malaking matalim na bakal na kayang magbungkal ng matitigas at makakapal na lupa.
Madaming mga kagamitan na maaring gamitin sa paghuhukay ngunit hindi nito kaya ang mga makakapal at matitigas na bahagi ng lupa. Kaya ang piko ang gumagawa sa bagay na ito.
5. Kalaykay
Ang kalaykay ay isa sa mga kagamitan sa paghahalaman na ginagamit na pampantay ng lupa at panghiwalay ng mga bato sa lupa.Ang kalaykay ay may madaming mga likong bakal na nagsisilbing pampantay ng lupa. Ang mga ito rin ang naghihiwalay sa mga bato mula sa lupa.
6. Palakol
Ang palakol ay isa sa mga kagamitan sa paghahalaman na pamputol ng mga malalaking puno at ugat ng puno.Kapag may mga puno sa pagtataniman mo o mga ugat ng puno na maaring makasagabal sa iyong gulayan o halamanan ay maari mong gamitin ang palakol.
7. Trowel
Ang trowel ay isa sa mga kagamitan sa paghahalaman na panglipat ng punla, pampaluwag ng lupa at ginagamit sa paggawa ng maliliit na hukay na pagtataniman.Ang trowel ay magaan at madali lang gamitin. Kadalasan ay ginagamit ito na pampaluwag sa lupa sa paligid ng halaman na tumutulong upang mapabilis ang pagtubo nito.
8. Itak
Ang itak ay ginagamit rin na kasangkapan na pamputol ng kahoy, damo at mga sanga ng puno.Maytalim ang itak na nakakatulong upang maputol ang mga damo, sanga at puno. Dahil dito wala ng sagabal at hindi na mahihirapan sa pagtatanim.
9. Kartilya
Ang kartilya o sa english "Wheel Barrow" ay isa rin sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit na panghakot ng lupa at iba pang mga kasangkapan.Ito ay may dalawang hawakan at may gulong sa ilalim. Gamit ito ay hindi kana mahihirapan na kunin ang madaming kagamitan. Maari mo rin itong gamitin sa pagkuha ng mga pataba patungo sa iyong taniman.
10. Dulos
Ang dulos ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim ng halaman na ginagamit na panghukay ng mababaw na lupa at paglilipat ng mga punla.Halos magkahawig lang ito ng trowel ang pagkakaiba lang ay ang trowel ay matulis ang dulo samantalang ang dulos ay pakurba ang dulo.
11. Tusok at Pisi
Ang tusok at pisi ay ginagamit na kasangkapan sa pagtatanim na nagsisilbing gabay upang maging tuwid ang mga lupa.Kapag gagawa ng mga plot ay kailangan na maging matuwid ito upang maging maganda kung tingnan. Kaya ang pisi at tusok ang ginagamit dito.
12. Regadera
Ang regadera ay isa sa mga kagamitan sa pagtatanim na ginagamit sa pagdidilig ng halaman.Ang regadera ay may hawakan sa gilid at may isang bahagi na madaming maliliit na butas na labasan ng tubig. Pinapadali nito ang pagdidilig ng halaman na pantay ang buhos ng tubig.
13. Timba
Ang timba ay isa rin sa ginagamit na pangkuha ng tubig na pangdilig sa halaman.14. Bota
Ang bota ay ginagamit upang hindi marumihan ang paa at upang makaiwas na matusok ang paa ng matutulis na bagay.15. Guwantes
Ang guwantes ay ginagamit na kagamitan upang hindi marumihan ang mga kamay dahil sa lupa. At upang makaiwas na masugatan ang mga kamay.16. Kahong Punlaan
Ginagamit ito upang patubuin ng mga buto o binhi at pagkatapos ay ililipat ito sa taniman.Ang kahong punlaan ay napaka halaga dahil dito makikita mo kung along mga punla ang malulusog at alin sa mga ito ang dapat mong ilipat sa taniman.
Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa mga kagamitan sa pagtatanim ng gulay. Sana ay masaya ka sa nabasa mo dito. Maraming salamat sa oras at sana ay maganda ang araw mo.