Breaking

Paano Magtanim ng Sitaw

Paano Magtanim ng Sitaw
Madaming naidudulot ang pagtatanim ng sitaw. Maari kang maging malusog kapag nagtatanim ka ng sitaw. Ito ay nagpapalakas halimbawa ng katawan, dahil ang pagtatanim ay isa na ring uri ng ehersisyo. Sa bawat araw na dinidilig mo ang gulay na sitaw naigagalaw mo ang iyong katawan. Ngunit papaano ba ito itinatanim?


Paano magtanim ng sitaw? Madali lang magtanim ng sitaw, una ay ihanda ang lupang pagtataniman. Pangalawa kumuha ng mga buto ng sitaw at itanim ng may isang pulgada ang lalim at may 12 na pulgada ang distansya sa lupa. Diligin ito araw araw lalo na kung mainit ang panahon. Pakalipas ng tatlo o apat na buwan maari ng mag-ani ng sitaw.

Kung makikita natin, may mga nagtitinda ng gulay na sitaw sa palengke. Isang dahilan jan ay madami ang supply ng gulay. Kapag madami ang supply ibig sabihin ay madami ang nagtatanim o kaya naman ay madami ang naani.

Madali lang itanim ang sitaw, ngunit kailangan mong alagaan para lalong lumaki at lumago. Pakalipas ng tatlo o apat na buwan, ay maari ka ng mag-ani ng mga sitaw.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Sitaw

  • Buto ng Sitaw
  • Lugar na Pagtataniman
  • Asarol
  • Trowel
  • Kalaykay
  • Sprinkler
  • Pataba
  • Sikat ng Araw
  • Tubig

Paano Magtanim ng Sitaw

1. Pumili ng Lugar na Pagtataniman

Kung ang gagawin mo ay isang negosyo ng pagtatanim ng sitaw, kailangan mo ng malaking espasyo ng lupa. Ngunit kung ang gagawin mong gulayan ay para sa iyong pamilya lamang, maari ng maliit na espasyo ang kailanganin.

Pumili ng lupa na medyo mataba. Kung iyong mapapansin ang lupang mataba ay medyo maitim ang kulay. Ang lupang hindi mataba ay parang kayumanggi ang kulay at madali mo lang itong ma papansin.

Tingnan mo ang lupa sa palayan. Ang lupa jan ay hindi masyadong mataba na halos puro kayumanggi ang kulay. Hindi ito magandang pagtaniman, ngunit pwedi kang maglagay ng pataba para lumago ang halaman.

Ang lupang iyong pipiliin ay nasisikatan din ng araw. Ang sikat ng araw ay nagsisilbing pagkain ng mga halaman. Mas madaming sikat ng araw mas mataba at malusog ang halaman.

Tiyakin mo rin na malapit ka sa pagkukunan ng tubig upang hindi sila matuyo. Pagkatapos mong mapili ang lugar ay ating ihanda ang lupa.

2. Paghahanda ng Lupang Taniman

Meron ka ng lugar na pagtataniman ng sitaw, ang susunod mong gagawin ay ihanda mo ang iyong lupa.

Gamit ang asarol, bungkalin mo ang lupa. Gumawa ka ng plot. Ikaw na ang mag desisyon sa kung gaano kahaba at kalaki ang iyong pagtataniman.

Kapag natapos mo ng bungkalin ang lupa ay pinuhin mo ito. Gamit ang kamay ay durugin mo ang mga malalaking tipak ng lupa. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong lupa.

Tanggalin mo rin ang mga bato o mga plastik na makakasagabal sa paglago at paglaki ng mga sitaw na gulay. Kapag handa na ang lupa ay isunod na natin ang ikatlong hakbang.

3. Kumuha ng Buto ng Sitaw

Maari kang bumili ng buto ng sitaw sa pinakamalapit na agriculture store. Maaasahan mo ang kalidad ng mga binhi na mabibili mo rito. Ang isang pack ng buto ng sitaw ay mayroong 20 pataas na buto at nagkakahalaga ng sampung piso pataas.

Ngunit pwedi ka rin namang humingi ng mga buto sa mga kakilalang nagtatanim ng sitaw. Ang sitaw ay may malaking porsyento ng pagtubo. Kailangan lang ay tuyo na at maytamang gulang na ang mga sitaw upang tumubo.

Kapag may buto ka na ng sitaw ay maari na tayong magtanim.

4. Itanim ang Buto ng Sitaw

Sa pagtatanim ng buto ng sitaw ang kailangan mong gawin ay gumawa ng mga mababaw na hukay. Gumawa ng hukay na may isang pulgada ang lalim. Gumamit ka ng trowel, sanga ng puno o kaya iyong mga kamay.

Lagyan mo ng 12 pulaga ang distansya kung madaming sitaw kang itatanim. Ang distansyang yan ay maari na upang sila ay lumago at hindi mag-agawan sa sustansya sa lupa.

Ilagay ang mga buto sa hukay at lagyan ito ng lupa. Pagkatapos ay diligin mo ang mga ito. Pagkalipas ng tatlo o limang araw, magsisimula ng tumubo ang mga sitaw.

5. Maglagay ng Pataba sa Sitaw

Upang lalong lumaki ang mga sitaw, kailangan mong maglagay ng pataba. Ang ilan sa mga magsasaka ay naglalagay ng complete fertilizer. Inihahalo nila ito sa tubig saka idinidilig. Ihalo mo sa isang sprinkler ng tubig ang dalawang palad ng fertilizer.

Pagakatapos ay matutunaw ito sa tubig saka mo idilig sa puno ng sitaw.

Ngunit nirerekomenda namin na gumamit ka ng organikong pataba. Ano ba ang organikong pataba? Ito ay pataba na galing sa mga pinabulok na damo, dahon, kahoy, at mga dumi ng hayop.

Madaming paraan para gawin ito, kung gusto mong matuto ay basahin mo lang ang hakbang na nandito sa page.

6. Maglagay ng Balag

Kapag nagsimula ng lumaki at umakyat ang mga sitaw ay kailangan mong maglagay ng balag. Ang mga balag ay magsisilbing kapitan ng mga sitaw. Gamit ang balag ay maari silang lumaki at tumubo pa ng maayos.

Kapag nagtanim ka ng sitaw, lagyan mo ito ng balag. Kung hindi mo kasi siya lalagayan ay tutubo at lalaki siya sa lupa. Hindi nagbubunga ng madami ang sitaw kung ito ay lalaki sa lupa. Madaming maaaning bunga ng sitaw kung ito ay umaakyat sa balag.

Sa paggawa ng balag, maari kang gumamit ng pisi o kaya alambre. Maglagay ka ng apat na matibay na poste na pagtataliaan ng mga pisi. Pagbigkisin mo ang pisi sa poste at lagyan mo rin ng pisi mula sa sitaw na halaman papunta sa balag.

7. Diligin ang Sitaw Araw-Araw

Kailangan mong diligin ang mga sitaw araw-araw lalo na kung tag-init. Huwag mong hayaan na matuyoan ng lupa ang iyong mga tanim. Ito ay makaka apekto sa paglaki ng mga halaman.

Diligin mo ang sitaw mga 6-7 ng umaga at mga 4-5 ng hapon.

Kapag nadilig mo ng maayos ang mga sitaw ay lalong lalago ang iyong mga ito. Maaasahan mo ang mabilis na paglaki ng halaman.

8. Anihin ang mga Sitaw

Pagkalipas ng tatlo o apat na buwan ay maari mo ng anihin ang mga sitaw. Hawakan mo sa dulo ang mga sitaw, at dahan dahan na putulin ito sa baging.

Maraming salamat sa pagbabasa.
Sana ay nakatulong kami kahit munting kaalaman.
Marami pang mga artikulo ang aming gagawin at manatiling nakasubaybay sa amin para sa mga susunod pang mga post.