Breaking

Paano Magtanim ng Bataw?

May nagtanong kung paano ba magtanim ng bataw. Isa itong tanong na marami ring tao ang naghahanap ng sagot. Sa makatuwid gusto nilang malaman kung paano ba ang mga hakbang sa pagtatanim ng bataw.

Bago ang lahat narito ang mga kailangan sa pagtatanim ng bataw.

  1. Binhi ng bataw
  2. Pataba
  3. Sinag ng araw
  4. Tubig
  5. Trowel
  6. Asarol
  7. Pala


Pagkuha ng mga buto na ang bataw

Ang unang hakbang na gagawin mo sa pagtatanim ng bataw ay Kumuha ka ng mga buto nito. Ang mga buto nito ay yung gagamitin sa pagpapatubo ng halamang baging na ito.

Kung mayroon ka ng tanim na bataw ay maari mo itong pabungahin at hayaan na matuyo ang mga bunga nito. Kinakailangan na tuyo at magulang na ang mga buto upang makasigurado ka ng ito ay tutubo.

Ngunit kung wala ka pang mga buto Maaari ka ring bumili nito sa pinakamalapit na agriculture Store o agri center.

Maaari mo itong bilhin na nakapakete at ang isang pakete ay naglalaman ng maraming binhi. Maaari mong mabili ang mga pakete ng mahigit 20 pesos pataas.

Kapag meron ka ng mga binhi ay maaari mo nang simulan ang paghahanda ng lupa.

Paghahanda ng lupa na pagtataniman

Kadalasan ang isang halamang baging ay napakalawak na nasasakop nito. Ang isang halamang bataw kapag lumaki ay napakarami na nito kung mamunga.

Kaya kahit na isa o dalawa lamang na halaman ang iyong tanim ay maaari ka nang mag ano ng napakaraming bataw. Sa pagpili ng lupa ay kailangan mong pumili ng lugar na nasisikatan ng araw.

Ang araw ang siyang nagbibigay pagkain at sustansya sa buong katawan ng halaman. Kapag mas maraming sikat ng araw ang masakit nito ay tsaka madali Itong lalaki at lalago.

Pumili ka ng lugar na iyong pagtataniman. Linisin mo ang lugar at alisin Ang Mga Damo Bato o ano mang mga bagay na makakasagabal saiyo sa pagtatanim. Kapag na linisin mo na ito ay maaaring nagsimula ng pagtatanim.

Pagtatanim ng mga buto ng bataw

Ang pagtatanim ng mga buto ng bataw ay direkta na at hindi na inililipat pa. Maghukay ka sa lupa ng mahigit isa hanggang dalawang pulgada Ang lalim gamit ang trowel o Bolo.

Pagkatapos Maglagay ka ng isa o dalawang buto ng bataw sa hukay. Tabunan mo ito ng lupa pagka tapos. Diligin mo ito upang mabasa ang lupa at Magsimula na itong tumubo. Pagkalipas nang 7 o mahigit pang araw ay Magsimula na itong tumubo.

Paglalagay ng balag

Ang bataw ay isang uri ng halamang baging na gumagapang. Kailangan Maglagay ka ng balag upang mayroon siyang pag gapangan habang ito ay lumalaki.

Ang palagay makakatulong upang hindi sumayad sa lupa ang kanyang mga bahagi ng katawan katulad ng pagiging dahon ng mga bulaklak at bunga nito.

Maaari kang maglagay ng dalawang piraso ng kahoy na magsisilbing poste at Maglagay ka ng tali sa bawat poste. O kaya naman maaari mo ring gamitin ang ibang halaman bilang pag gagapangan nito.

Paglalagay ng pataba

Ang bataw ay kinakailangan din ng pataba upang lalong lumaki. Maaari kang maglagay ng pataba na nabibili sa tindahan.

Nguni't aming inirerekomenda ang paggamit ng organikong pataba Dahil dito ay hindi nakakasira sa kalikasan at walang epekto sa tao at sa mga hayop.

Napakaraming paraan kung paano gumawa ng organikong pataba na maaari mong mabasa o mapanood sa internet. Kung mayroon kang alam about sa vermicompost ay mainam na pag-aralan mo ito dahil ito ay napaka epektibong uri ng pataba.

Pag aalaga sa bataw

Kinakailangan na diligin mo isa o dalawang beses sa isang araw ang mga bataw upang lalong lumaki at lumago.

Kinakailangan din na pagmasdan nyo ng maigi ang pagtubo at kung merong umaaligid na mga alagang hayop kagaya ng manok ay kailangan mong lagyan ito ng bakod.

Ang bataw ay maaaring dapuan ng mga peste at insekto. Kinakailangan na Alisin mo ang mga festo pang hindi masira o sirain ang mga ito ang iyong halaman.

Kapag Ito rin ay nagsimula ng gumapang bigay mo ito upang mapunta sa lugar na dapat nitong paglakihan.

Pag aani ng mga bataw

Pagkalipas ng mahigit 100 to 120 araw ay maari na itong mag bulaklak at mamunga. Sa ganitong mga araw ay maaari ka na rin mag-ani ng mga bataw.

Maraming salamat sa pagbabasa sa artikulong pagtatanim ng bataw at sana ay mayroon kang natutunan kahit kaunting kaalaman. Sana ay bumalik ka para magbasa pa ng iba pang mga bagong artikulo sa website na ito.