Breaking

10 Mga Halamang Gulay na Madaling Itanim

10 Mga Halamang Gulay na Madaling Itanim
Napakadaming mga halamang gulay sa ating bansa. Iba-iba ngunit isa lang ang masasabi ko, napaka susustansiya ng mga ito.

May mga magsasaka na nagtatanim ng napakadami at sari-saring mga halamang gulay. Ang mga ito ay nangangailangan ng pag-aalaga upang lalong lumaki.



May mga taong gustong magtanim ng mga halamang para may mapagkunan ng pagkain. Ang ilan naman ay ginawa na nila itong negosyo. Ngunit kung ano pa man ang rason nila ay napakahalaga ng mga gulay sa ating buhay.

Mga Halamang Gulay na Madaling Itanim

1. Petsay

Ang petsay ay isang halamang gulay na napakadaling itanim. Ang halamang ito ay nangangailangan lamang ng mahigit 30 araw at pwedi ng anihin.

Sa pagtatanim ng petsay, kailangan mong isa alang-alang ang mga sumusunod.

a. Sinag ng araw

Ang sinag ng araw ang isa sa pinaka mahalagang bagay sa halamang ito. Kailangan mong itanim ang petsay sa lugar kung saan mahaba ang sikat ng araw. Ang sikat ng araw ay nagsisilbing pagkain ng petsay.

Kapag madaming sikat ng araw ang nakuha ng halamang ito, lalaki at lalago ito ng mabilis. Makikita mo din na berdeng berde ang kulay ng mga dahon nito.

b. Tamang Tubig

Ang petsay ay kailangan din na mabigyan ng tamang tubig. Ibig sabihin kailangan mong bigyan o diligin ito ng sapat na tubig upang lalong lumaki at lumago.

Kapag ang halamang ito ay nakasagap ng sapat na tubig. Makikita mo na malusog ang mga dahon. Hindi lang malulusog, malalaki at mayayabong ang halamang petsay. Kailangan mong diligin ito ng madalas. Mga dalawang beses sa isang araw. Isa sa umaga at isa sa hapon.

c. Pataba

Ang panghuli ay ang pataba. Kailangan ng petsay ng pataba at ang magandang ilagay ay ang organikong pataba. Ang pataba ang magpapabilis ng paglaki at pagtubo nito.

Kapag maganda ang lupa ay magiging maganda ang kahihinatnan. Ngunit kapag medyo kulang sa sustansiya ang lupa ay kailangan mong maglaan ng pataba sa lupa.

2. Kamatis

Ang kamatis ay isa rin sa mga halamang gulay na magandang itanim. Ang kamatis ay itinuturing natin na gulay ngunit ang totoo, ito ay isang prutas.

Masarap ihalo ang kamatis sa ating niluluto. Pwedi mo itong ihalo sa itlog, pwedi rin sa mga gulay. At ang maganda sa kamatis ay masustansiya ito.

Naglalaman ito ng mga bitamina at mineral na kailangan natin upang lalong lumaki at lumusog ang ating katawan.

Sa pagtatanim ng kamatis ay madali lang itong gawin. Kailangan mo ng binhi ng kamatis, tapos patubuin mo muna ito sa kahong punlaan. Kapag medyo lumalaki na ang kamatis ay maari mo ng ilipat ito sa taniman.

Makalipas ang tatlo hanggang apat na buwan maari ka ng umani ng mga kamatis.

3. Talong

Ang talong ay isa ring halamang gulay na  magandang itanim. Ang talong ay nagtataglay din ng mga bitamina at mineral nakailangan ng tao upang lalong lumusog.

Masarap ang talong at isa sa ingredient sa paguluto ng pinakbet. Masarap ang luto nito dahil nadin sa sari saring mga naka paloob dito.

Sa pagtatanim naman ng talong ay halos magkatulad lang ito ng sa kamatis. Kailangan mo munang palakihin sa isang kahong punlaan saka mo ilipat kapag medyo lumalaki na.

Itanim mo ng mga punla ng talong ng mahigit dalawa hanggang tatlong pulgada ang lalim. Pagkatapos ay tabunan mo ng lupa at diligin ito.

Kailangan mo itong diligin ng sapat na tubig upang mabilis na lumaki. Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng mga talong.

4. Ampalaya

Ang ampalaya ay isa kabilang rin sa mga halamang gulay na magandang itanim. Ang bunga ng ampalaya ang niluluto. Mapait ang lasa nito ngunit ito naman ay napaka sustansiya.

Madaming recipe ang pwedi mong gawin sa ampalaya. Ibat ibang luto at masarap pa.

Sa pagtatanim naman ng ampalaya ay madali lang ang proseso. Kailangan mong kumuha ng magandang uri ng binhi. Maari kang bumili sa pinaka malapit na tindahan ng mga buto o sa agriculture store. Nagbebenta sila ng mga magagandang klase ng buto na maari mong itanim.

Itanim ang isa hanggang dalawang buto sa lupa na may isa hanggang dalawang pulgada ang lalim. Tabunan ito ng lupa at diligin pagkatapos. Kailangan din nito ang sapat na tubig at pataba upang lalong lumaki at lumago.

5. Okra

Ang okra ay isa ring halamang gulay na magandang itanim. Ang mga bunga nito ay inihahalo din sa pinakbet na masarap ihain. Masustansiya na at madami pang bitamina.

Sa pagtatanim naman ng mga okra ay kailangan mo ring kumuha ng mga magagandang klase ng mga buto na madaling tumubo.

Itanim ang isang buto sa lupa na may lalim na isang pulgada. Maglaan ng kalahating metro ang layo bawat buto. Diligin ito at maglaan ng pataba upang lalo itong lumaki.

6. Kalabasa

Ang kalabasa din ay isang halamang gulay na magandang itanim. Ang kalabasa ay sinasabing nagpapalinaw ng mata. Kapag kumain ka nito ng madalas lilinaw ang iyong mga mata.

Ito rin ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral na siguradong makakatulong upang tayo ay lalong lumusog.

Sa pagtatanim naman ng kalabasa ay kailangan mo ng mga buto. Itanim ang isang buto ng kalabasa na may isang pulgada ang lalim tapos tabunan ng lupa. Diligin din ito pagkatapos.

Maglaan ng pataba upang lumaki at diligin din ito ng madalas.

7. Malunggay

Ang malunggay din ay isa sa mga halamang gulay na magandang itanim. Ang malunggay ay sinasabing "miracle tree" dahil sa mga sustansiyang nakapaloob dito.

Madaming kayang gawin ang malunggay sa ating katawan dahil sa napakaraming bitamina at mineral na matatagpuan sa halamang ito.

Sa pagtatanim naman ng malunggay ay mayroong dalawang paraan. Maari mong itanim ang malunggay gamit ang sanga nito.

Pumutol lang ng medyo magulang ng sanga ng malunggay. Pagkatapos ay humanap ng angkop na lugar na pagtataniman. Pagkatapos ay itanim ang sanga ng malunggay. Siguraduhin din na hindi magagalaw ang malunggay dahil maari itong hindi na tumubo.

Maari mo ring itanim ang malunggay gamit ang buto nito. Itanim ang buto ng malunggay sa lata o pasa. Kapag medyo malaki laki na ang halaman ay maari mo ng ilipat ito sa lupang pagtataniman.

8. Upo

Ang upo rin ay isang magandang halaman na magandang itanim. Masarap ang upo lalo na kapag hinaluan ng mga pampalasa. Masarap kapag may tinapa o sardinas ito.

May mga bitamina rin at mineral ang halamang ito kaya magandang itanim.

Sa pagtatanim naman nito ay kailangan mong kumuha ng mga buto nito. Pagkatapos ay itanim ito sa lupa ng may isang pulgada ang lalim.

Pagkatapos ay diligin ito. Malaan ng pataba at diligin ito ng madalas. Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan ay maaari ka ng mag-ani ng mga upo.

9. Sili

Ang sili rin ay isa sa mga halamang gulay na magandang itanim. Maanghang ang sili at inihahalo sa pagkain bilang pampapalasa. Pinapaanghang nito ang mga lutuin.

Madaming nagkakagusto sa sili kaya madami rin ang nagbebenta nito.

Sa pagtatanim naman ng sili ay madali itong gawin. Katulad ng talong at kamatis ay kailangan mo din itong itanim muna sa kahong punlaan. Kapag medyo malaki laki na ay maaari mo na itong ilipat sa taniman.

Itanim ang punla ng sili ng may dalawang pulgada ang lalim. Tabunan ng lupa at saka diligin. Maglaan ng pataba na lalong nagpapalaki nito. Pagkatapos ay diligin ito ng madalas. Pagkalipas ng apat na buwan maari ka ng mag-ani ng mga sili.

10. Sitaw

Ang sitaw ay isa ring sa mga halamang gulay na magandang itanim. Mahahaba ang mga sitaw at masarap kainin.

Madaming sustansiya ang nakapaloob sa sitaw at mabuti na itanim natin ito.

Sa pagtatanim naman ng sitaw ay madali lang itong gawin. Kumuha ka ng mga binhi ng sitaw at itanim ito sa lupa ng may lalim na isang pulgada. Tabunan ito ng lupa at diligin. Maglaan ng pataba upang lalo itong lumaki.

Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng mga sitaw.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa mga halamang gulay na madaling itanim. Sana ay masaya ka sa nabasa mo dito. Maraming salamat sa oras at sana ay maganda ang araw mo.