Ang talong ay isang uri ng gulay na tinatanim ng mga magsasaka. Hindi lang mga magsasaka, ilan sa mga tao ay nagtatanim din ng talong upang merong mapagkunan ng pagkain. Kapag may gulayan kasi sa bakuran ay maaari kang kumuha ng pagkain mula dito. Ngunit madali lang ba magtanim ng talong? Ang sagot ay heto na.
Paano magtanim ng talong? Sa pagtatanim ng talong, ihanda ang lupa na pagtataniman. Kumuha ng mga buto ng talong at itanim muna ito sa kahong punlaan pasamantala. Pagkalipas ng ilang araw ilipat na ang mga punla ng talong at itanim na may lalim na dalawa o tatlong pulgada ang lalim. Diligin ito araw-araw at lagyan ng pataba. Pagkalipas ng tatlo o apat na buwan maari ka ng mag-ani ng mga talong.
Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Talong
May mga talong na mabibilog at mahahaba. Ang isangburi ng talong na tumutubo sa Pilipinas ay yung mga mahahaba. Kung mapapansin mo at makikita sa palengke, halos mahahaba talaga ang mga talong dahil na rin sa uri ng gulay na nabubuhay sa bansa.
Paano Magtanim ng Talong
Ang isang pakete ay naglalaman ng mahigit 50 pataas na buto depende sa laki ngbpakete at nagkakahalaga ng 10 Peso bawat pack. Kailangang bumili ka sa tindahan dahil mahirap kumuha ng buto sa pinatuyong talong. At isa pa medyo matagal ang pagkuha ng mga buto sa naitanim na talong.
Kapag nakabili ka na ng mga buto ay maari na nating simulan itong patubuin.
Sa paghahanda ng kahong punlaan. Maglagay ka ng mga lupa sa bawat kahon. May ibat ibang uri ng kahong punlaan. May nabibili at may ginawa lang. Kung ang kahong punlaan ay binili mo sa tindahan, lagyan mo ng mga lupa ang bawat kahon.
Kung ang kahong punlaan naman ay ginawa mo lang ay lagyan mo ng madaming lupa ang kahon at sisimulan na nating patubuin ang mga talong.
Lagyan mo ng tig-iisang buto ng talong ang kahong punalaan na binili mo. Pagkatapos ay tabunan mo ito ng mga lupa. Para naman dun sa kahong punlaan na ginawa mo lang ay lagyan mo ng lupa sa loob at itanim mo ang mga buto ng talong na may dalawang puldaga ang distansya.
Makalipas ang pitong araw ay magsisimula na itong tumubo. Kailangan mong maghintay ng tatlo o apat na linggo bago mo ito ilipat sa permanenteng taniman.
Alisin mo ang mga damo at bato na maaring makahadlang sa iyong pagtatanim. Pagkatapos ay pinuhin mo ang lupa upang mapadali ang iyong pagtatanim.
Pagkatapos mong mapino ay handa na ito. Mas makakabuti din kung medyo malayo sa mga puno ang iyong taniman upang walang mga ugat ng puno ang makakasagabal.
Suguraduhin mo rin na ang lugar na iyong pagtataniman ay nasisikatan ng araw upang mas madali itong tumubo at madami ang bunga na maaani mo.
Kunin mo ang kahong punlaan at dalhin mo na din ang trowel. Sa lupang iyong inihanda ay gumawa ka ng maraming hukay na may lalim na dalawa hanggang apat na pulgada ang lalim.
Pagkatapos ay simulan mo ng alisin ang nga talong na punla gamit ang trowel. Dahan-dahanin mo lang ang pag-alis ng mga punla upang maiwasan na maputol ang mga bahagi ng halaman gaya ng ugat, dahon at katawan ng halaman.
Itanim mo na ang mga talong sa hukay na iyong ginawa. Pagkatapos ay tabunan ko ito ng lupa. Pagkatapos mong mailipat ang mga punla ay diligin mo ito pagkatapos.
Lagyan mo ng pataba ang paanan ng mga talong. Ang mga patabang ito ay makakatulong sa mabilis na pagtubo at mas malusog na halaman.
Ilagay mo sa may ugat ng talong ang mga pataba. Maganda ang organikong pataba na iyong ilalagay dahil wala itong halong kemikal na makaka apekto sa tao.
Diligin mo ang mga talong upang lalong lumaki at lumago. Kapag nakakakuha ng sapat na tubig ang mga talong ay mas mabilis na lumaki at malalaki ang magiging bunga nito. Isa pa diyan ay makikita mo na malulusog ang mga dahon ng talong at hindi ito basta basta dadapuan ng mga sakit.
Paano ba inaani ang mga talong? Simple lang ang pag-aani ng mga talong. Kailangan na ang kulay ng talong ay kulay violet. Kumuha ka ng basket na paglalagyan ng mga bunga nito. Gumamit ka ng gunting sa pagaani. Maglaan ng isa o dalawang pulgada mula sa sanga ng halaman. Pagkatapos ay putulin mo na ito.
Madami kung mamunga ang talong kaya siguradong sagana ang iyong magiging ani.
Narito pa ang ilan sa mga artikulo na mababasa mo katulad ng paano magtanim ng pechay, ng upo, at malunggay.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Sana ay nakatulong kami sa iyo sa kahit kaunting bagay.
Marami ka pang mababasa na mga artikulo sa amin kaya subukan mong basahin ang ilan pang mga artikulo.
Maraming salamat po ulit sa iyo.
Sana ay bumalik ka para matututo ng iba pang nga bagay.
Paano magtanim ng talong? Sa pagtatanim ng talong, ihanda ang lupa na pagtataniman. Kumuha ng mga buto ng talong at itanim muna ito sa kahong punlaan pasamantala. Pagkalipas ng ilang araw ilipat na ang mga punla ng talong at itanim na may lalim na dalawa o tatlong pulgada ang lalim. Diligin ito araw-araw at lagyan ng pataba. Pagkalipas ng tatlo o apat na buwan maari ka ng mag-ani ng mga talong.
Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Talong
- Buto ng Talong
- Asarol
- Trowel
- Sprinkler
- Kahong Punlaan
- Pataba
- Sikat ng Araw
- Tubig.
May mga talong na mabibilog at mahahaba. Ang isangburi ng talong na tumutubo sa Pilipinas ay yung mga mahahaba. Kung mapapansin mo at makikita sa palengke, halos mahahaba talaga ang mga talong dahil na rin sa uri ng gulay na nabubuhay sa bansa.
Paano Magtanim ng Talong
1. Ihanda ang mga Buto ng Talong
Maliliit ang mga buto ng talong na halos magkakahawig sa kamatis at sili. Napakaliit ng mga ito. Ang mga buto ng talong ay maari mong bilhin sa pinakamalapit na agriculture store.Ang isang pakete ay naglalaman ng mahigit 50 pataas na buto depende sa laki ngbpakete at nagkakahalaga ng 10 Peso bawat pack. Kailangang bumili ka sa tindahan dahil mahirap kumuha ng buto sa pinatuyong talong. At isa pa medyo matagal ang pagkuha ng mga buto sa naitanim na talong.
Kapag nakabili ka na ng mga buto ay maari na nating simulan itong patubuin.
2. Ihanda ang Kahong Punlaaan
Katulad ng kamatis at sili, kailangan mo munang patubuin ito sa isang kahong punlaan. Saganitong paraan makikita mo ang mga malulusog na talong na maari mong itanim sa permanenteng taniman.Sa paghahanda ng kahong punlaan. Maglagay ka ng mga lupa sa bawat kahon. May ibat ibang uri ng kahong punlaan. May nabibili at may ginawa lang. Kung ang kahong punlaan ay binili mo sa tindahan, lagyan mo ng mga lupa ang bawat kahon.
Kung ang kahong punlaan naman ay ginawa mo lang ay lagyan mo ng madaming lupa ang kahon at sisimulan na nating patubuin ang mga talong.
Lagyan mo ng tig-iisang buto ng talong ang kahong punalaan na binili mo. Pagkatapos ay tabunan mo ito ng mga lupa. Para naman dun sa kahong punlaan na ginawa mo lang ay lagyan mo ng lupa sa loob at itanim mo ang mga buto ng talong na may dalawang puldaga ang distansya.
Makalipas ang pitong araw ay magsisimula na itong tumubo. Kailangan mong maghintay ng tatlo o apat na linggo bago mo ito ilipat sa permanenteng taniman.
3. Ihanda ang Lupang Pagtataniman ng Talong
Habang pinapatubo mo pa ang mga talong ay ihanda mo na ang lupang iyong pagtataniman. Ihanda ang lupa sa pamamagitan ng pagbubungkal dito. Gamit ang asarol bungkalin mo ang lupa.Alisin mo ang mga damo at bato na maaring makahadlang sa iyong pagtatanim. Pagkatapos ay pinuhin mo ang lupa upang mapadali ang iyong pagtatanim.
Pagkatapos mong mapino ay handa na ito. Mas makakabuti din kung medyo malayo sa mga puno ang iyong taniman upang walang mga ugat ng puno ang makakasagabal.
Suguraduhin mo rin na ang lugar na iyong pagtataniman ay nasisikatan ng araw upang mas madali itong tumubo at madami ang bunga na maaani mo.
4. Itanim ang mga Talong na Punla
Pagkalipas ng tatlo hanggang apat ba linggo ay maari mo ng ilipat ang mga talong na punla. Sa ganitong gulang may sapat na dahon at ugat ang mga talong.Kunin mo ang kahong punlaan at dalhin mo na din ang trowel. Sa lupang iyong inihanda ay gumawa ka ng maraming hukay na may lalim na dalawa hanggang apat na pulgada ang lalim.
Pagkatapos ay simulan mo ng alisin ang nga talong na punla gamit ang trowel. Dahan-dahanin mo lang ang pag-alis ng mga punla upang maiwasan na maputol ang mga bahagi ng halaman gaya ng ugat, dahon at katawan ng halaman.
Itanim mo na ang mga talong sa hukay na iyong ginawa. Pagkatapos ay tabunan ko ito ng lupa. Pagkatapos mong mailipat ang mga punla ay diligin mo ito pagkatapos.
5. Maglagay ka ng Pataba
Ang talong ay kailangan din ng pataba upang mas mabilis na lumaki at lumago, maglagay ka ng organikong pataba. Kung hindi mo pa ito alam ay alamin mo kung paano gumawa ng orgaikong pataba.Lagyan mo ng pataba ang paanan ng mga talong. Ang mga patabang ito ay makakatulong sa mabilis na pagtubo at mas malusog na halaman.
Ilagay mo sa may ugat ng talong ang mga pataba. Maganda ang organikong pataba na iyong ilalagay dahil wala itong halong kemikal na makaka apekto sa tao.
6. Diligin mo ang Talong Araw-Araw
Kung ang gulayan na ginawa mo ay medyo maliit lamang ay mas madali mong maalagan ang mga ito. Isa na sa pag-aaalaga diyan ay ang pagdidilig nito araw-araw.Diligin mo ang mga talong upang lalong lumaki at lumago. Kapag nakakakuha ng sapat na tubig ang mga talong ay mas mabilis na lumaki at malalaki ang magiging bunga nito. Isa pa diyan ay makikita mo na malulusog ang mga dahon ng talong at hindi ito basta basta dadapuan ng mga sakit.
7. Pag-aani ng mga Talong
Makalipas ang tatlo o apat na buwan maari ka ng magsimulang mag-ani ng mga talong. Sa ganitong mga buwan ay makakakita ka na ng malalaki at mahahabang talong.Paano ba inaani ang mga talong? Simple lang ang pag-aani ng mga talong. Kailangan na ang kulay ng talong ay kulay violet. Kumuha ka ng basket na paglalagyan ng mga bunga nito. Gumamit ka ng gunting sa pagaani. Maglaan ng isa o dalawang pulgada mula sa sanga ng halaman. Pagkatapos ay putulin mo na ito.