Breaking

Mga Kalagahan ng Pagtatanim

mga kahalagahan ng pagtatanim
Mga kahalagahan ng pagtatanim. Maraming magandang naidudulot ang pagtatanim sa tao, mga hayop at kalikasan. Ang mga gulay, puno, bulaklak at samot-saring halaman ay maraming pakinabang at nagbibigay buhay sa mundo.


Ang mga kahalagahan ng pagtatanim ay ang mga sumunsunod: nagbibigay pagkain, nagpapalusog sa tao, nagbibigay dagdag kita, nakakawala ng stress, nagbibigay ng sariwang hangin, pumipigil sa pagkakaroon ng baha at landslide, nagpapaganda ng kapaligiran, tahanan ng mga hayop at iba pa.


Nagbibigay ng pagkain

Ang pagkain ay isa sa pinaka kinakailangan natin para mabuhay. Ang mga pagkain na ito ay hindi basta-basta magagawa kung wala ang mga halaman. Ang mga halaman kagaya ng gulay ay kailangan natin para mayroong makain. Ang mga puno kagaya ng mangga ay kailangan din para mayroon tayong panghimagas. Halos lahat ng ating kinakain ay galing sa mga halaman. Kaya naman napaka halaga ng pagtatanim.


Maraming nagtatanim ng mga halaman. Karaniwan sa kanila ay mga magsasaka. Ang ilan naman sa kanila ay ordinaryong mamamayan na gustong magkaroon ng garden sa bahay. Ginagawa nila ito upang hindi na sila bumili ng gulay sa palengke at para makatipid na rin.


Nagpapalusog sa tao

Ang sunod na kahalagahan ng pagtatanim, ito ay nakakapag palusog ng tao. Kapag ang tao ay nagtanim at pagkalipas ng ilang buwan ay nagsimula na siyang mag-ani, ang mga inani niya ay maaari niyang ibenta o kaya naman ay ikonsumo ng mag-anak. Ang mga gulay na inani ay makakatulong sa tao para maging malusog. Ang mga gulay ay hitik sa sustansiya na kinakailangan ng ating katawan para tumibay ay lumakas.


May mga gulay na hitik sa bitamina a kagaya na lamang ng kamote, bitamina c mula sa bell pepper, bitamina d sa mushroom at iba pa. Kailangan natin ng mga bitamina at mineral. Kaya mahalaga ang pagtatanim para maging malusog.


Nagbibigay dagdag kita

Ang isa rin sa kahalagahan ng pagtatanim ay ito ay nagbibigay dagdag kita. Kapag marami kang tanim na mga gulay ay pwede mo itong ibenta sa palengke para magkaroon ng pera. Mabenta ang mga talong, kamatis, sibuyas, bawang at mga madahong gulay.


Kung ikaw naman ay mahilig sa mag tanim ng puno ay maaari mong ipagbili ang mga seedlings. May mga tao na mahilig sa puno ngunit mahirap ito patubuin kaya ang iba ay bumibili na lamang ng mga punla.


Kung ikaw naman ay mahilig magtanim ng bulaklak ay tiyak na magkakaroon ka ng maraming customers dahil maraming mahilig sa bulaklak. May mga roses, bougainvillea at kung anu-ano pa.


Kahit ano pa man ang itinatanim mo ay tiyak na maaari itong makatulong para magkaroon ng dagdag kita. Maaari din itong maging business para sa pangmatagalang pagkukunan ng pangkabuhayan.


Nakakawala ng stress

Ang sunod na kahalagahan ng pagtatanim ito ay nakakawala ng stress. Ang pagtatanim ay nakakapagpasaya ng tayo. Kapag stress ka o kaya may problema ay nawawala ito kapag ikaw ay nagtatanim. Lalo pa kapag nakita mo na ang pagsimulang pagtubo ng halaman. Hanggang sa ito'y mamulaklak at magkaroon ng madaming bunga. Kapag yan ang nangyari ay mawawala talaga ang stress at pagod mo.


Nagbibigay ng sariwang hangin

Tayong mga tao ay humihinga. At para mangyari yon ay nangangailangan tayo ng oxygen para makahinga. Ang oxygen ay galing sa mga halaman. Kung wala ang mga halaman ay mahihirapan tayo sa paghinha. Kaya naman ang pagtatanim ng mga halaman, bulakalak at mga puno ay napaka halaga para sa tao at pati narin sa mga hayop.


Pumipigil sa pagbaha at landslide

Maraming lugar sa mundo ang binabaha at nagkakaroon ng landslide. Kadalasan ang baha ay nangyayari kapag ang mga ilog ay madaming basura. Nahaharangan kasi ng mga basura ang daluyan ng tubig kaya nagbabaha.


Ngunit ang isa pang dahilan ay ang kawalan ng mga puno sa lugar. Ang puno. Kasi ay nakakatulong para sipsipin ang tubig. Kapag madami ang mga puno ay makakatulong ito para maiwasan ang pagbaha.


Ang landslide naman ay kadalasang nagyayari sa mga kabundukan dulot ng malalakas na pag-ulan. Ang labis na pagpuputol ng mga puno sa mga bundok ay isa rin sa dahilan ng pagkakaroon ng landslide. Ang mga ugat kasi ng puno ang humahawak sa mga lupa at ito ay nagiging matatag. Kapag wala ng puno at umulan ng malakas ay magiging malambot ang lupa at tuloy-tuloy na sasama sa daloy ng tubig ang mga lupa. Kaya napaka halaga ng pagtatanim ng puno sa mga kabundukan.


Nagpapaganda ng kapaligiran

Ang mga bulaklak ay ginagawang dekorasyon sa bahay. Ito ay nakakapag paganda ng tahanan at maganda sa ating paningin. Ang mga makukulay na mga bulaklak ay kahali-halina sa ating paningin. At ang mabango nitong amoy ay nakaka pag pasigla sa ating buhay. Kaya naman mahalaga ang pagtatanim. Ito ay nakaka pagpaganda ng kapaligiran.


Mayroon ding mga malalaking garden na may isang bulakalak ang itinatanim. napakagandang pumunta sa isang malawak na sunflower garden. Dito ay makikita mo ang magagandang bulaklak. Nagdidilawan na parang araw sa kulay nito. Tunay na makakapag pasaya ito sa mga taong bumibisita.


Tahanan ng mga hayop

Ang isa sa magandang kahalagahan ng pagtatanim ay nakakatulong ito sa mga hayop para magkaroon ng tahan. Sa mga kagubatan at mga bundok naninirahan ang mga hayop. Ang mga ibon ay naninirahan sa mga puno. Dito ay gumagawa rin sila ng pugad upang pangitlogan. Ang ibang ibon ay kumakain din ng prutas na galing sa bunga ng puno. Kapag nawala ang mga puno ay mawawalan din sila ng tahanan. Kaya dapat alagaan ang mga kagubatan at mga kabundukan. Magtanim ng mga puno para mayroon silang makain at maging tirahan.


Iyan ang ilan sa mga kahalagan ng pagtatanim. Maraming pagpipilian na mga halaman ang pwede mong itanim sa iyong bakuran o kaya sa paso. Kaya simulan na ang pagtatanim.