Breaking

Mga Halamang Gulay na Gumagapang (Baging)

mga halamang gulay na gumagapang baging
Anu-ano ba ang mga halamang gulay na gumagapang o baging? Maraming halamang gulay ang makikita natin. May mga maliliit ay may malalaki. Ang ilan sa mga halamang gulay na ito ay gumagapang o mayroong baging. Kadalasan ang mga gulay na ito ay bumubunga. Narito ang ilan sa mga halamang gulay na gumagapang o baging.


Ang mga halamang gulay na gumagapang o baging ay sitaw, patani, sigarilyas, kundol, kalabasa, ampalaya, bataw, upo at patola. Ang mga halamang gulay na ay ito may kanya-kanyang nipis at kapal ng baging.


Sitaw

Ang sitaw ay isang halamang gulay na gumagapang. Ito ay mayroong manipis na baging. Ang mga dahon nito ay medyo maliliit lamang at may kanipisan din ang kapal. Ang mga bulaklak nito ay parang pinaghalong asul at lila na tila ba parang isang paru-paro pag tiningnan sa malayo. Ang sitaw ay bumubunga ng mahahaba. Masarap ang halamang gulay na sitaw. Maaari kang bumili nito sa tindahan o kaya naman magtanim ka nito sa iyong bakuran.


Patani

Ang patani ay isang uri rin ng halamang gumagapang o baging. Ang itsura nito ay halos magkahawig sa sitaw. Ang baging ay may kanipisan pati na ang dahon. Ang pagkakaiba lamang ay sa bunga. Ang bunga ng patani ay malikli lamang kumpara sa sitaw. Ang mga buto din ay mas malaki kumpara sa sitaw na maliit lamang. Ang patani ay masarap na halamang gulay. Dapat na magtanim nito sa bakuran para may mapagkunan ng pagkain.


Sigarilyas

Ang sigarilyas ay isang halamang gulay na baging. Ito rin ay gumagapang. Ang mga bunga ng sigarilyas ay medyo makapal at mahaba. Ang bunga nito ay parang mayroong pakpak kaya tinawag na winged bean. Ang sigarilyas ay ay mayroong katamtatamang kapal na baging. Masarap din ang gulay na ito kaya naman ay bumili na o kaya magtanim nito sa iyong bakuran.


Kundol

Ang kundol ay isa ng halamang gulay na baging (gumagapang). Ang baging nito ay medyo makapal at mayroong mga maliliit na tinik. Ang mga dahon nito ay malalaki at ang bunga ay malaki na pa oblong ang hugis. Ang kundol ay inuulam, ginigisa na may halong sadinas o kaya ginagataan. Maaari rin itong gawing minatamis at matatakam ka sa sarap. Sa pagtatanim naman nito ay hindi ka mahihirapan. Makalipas ang tatlo hanggang apat na buwan ay magsisimula na itong mamulaklak at bumunga.


Kalabasa

Ang kalabasa ay isang halamang gulay na baging. Ito ay masarap na gulay. Ang baging nito ay makapal din pati na ang mga dahon. Ang bunga naman ay malaki. May mga nagtatanim nito na pinapagapang lamang sa lupa at dito na ito mamumunga at mayroon namang nilalagyan nila ng balag. Ang kalabasa ay masarap na gulay. Kadalasan ito ay nilalagyan ng gata o kaya naman hinahalo sa pakbet.


Ampalaya

Ang ampalaya ay isang halamang gulay na baging. Ito ay gumagapang din. Ang mga baging ng ampalaya ay may kanipisan lamang. Ang mga dahon nito ay maliliit at manipis. Ang mga bunga nito ay kulay berde at kulubot ang itsura. Ang bunga ng ampalaya ay mapait kapag kinain. Ngunit kahit mapait ang lasa nito ay ito naman ay siksik sa mga sustansiya na makakatulong sa atin upang maging malusog. Sa pagtatanim naman nito ay hindi ka mahihirapan sapagkat madaling patubuin ang mga buto nito.


Bataw

Ang bataw ay isang halamang gulay na gumagapang. Ito ay mayroong baging na manipis kapag bata pa at kumakapal pagkalipas ng ilang buwan.. Ang mga bunga nito ay medyo maikli ngunit masarap. Masaya ang pagtatanim kaya naman magtanim ka rin ng gulay na bataw.


Patola

Ang patola ay isang halamang gulay na gumagapang. Ito ay mayroong baging na manipis sa mga unang buwan at kumakapal habang lumalaki. Ang patola ay mayroong bulaklak na kulay dilaw. Ang mga dahon nito ay medyo malaki ng kaunti at habang tumtagal ay lalong yumayabong. Masarap ang patola lalo na pag inulam.


Upo

Ang upo ay isang halamang gulay na gumagapang o baging. Ang mga baging nito ay medyo makapal pati na ang mga dahon. Kapag ito naman ay namunga ay malalaki at mabibilog. Masarap ang upo at malambot kapag kinain. Masustansiya din ang gulay na ito kaya naman bumili ka ng gulay na ito o kaya simulan na ang pagtatanim nito sa bakuran.


Iyan ang ilan sa mga halamang gulay na gumagapang o baging. Maaari kang bumili nito sa palengke o kaya naman magsimulang magkaroon ng gulay sa tahanan.