Breaking

Mga Gulay na Wala sa Bahay Kubo

mga gulay na wala sa bahay kubo
Anu-ano nga ba ang mga gulay na wala sa bahay kubo? Madaming mga gulay ang nabanggit sa bahay kubo ngunit mayroong mga gulay na hindi nasambit dito. Kaya ating alamin kung ano ang ilan sa mga gulay na ito.


Ang mga gulay na wala sa bahay kubo ay ampalaya, pechay, sayote, pipino, broccoli, cauliflower, repolyo, malunggay, monngo, langka, kamote, patatas, mais, kamoteng kahoy, kasoy, carrots atpuso ng saging. Iyan ang ilan sa mga gulay na hindi nabanggit sa bahay kubo.


Ampalaya

Ang ampalaya ay isang gulay na wala sa bahay kubo. Ang gulay na ito ay mapait ag lasa ngunit hindi ka manghihinayang sa sustansiyang taglay nito. Masarap ang gulay na ito. Madaming luto ang pwedeng pagpilian. Ang gulay na ito ay gumagapang dahil meroong baging. Ang dahon nito ay maliliit lamang at manipis. Ang mga bulaklak ay kulay dilaw at ang bunga ay kulubot ang balat na pahaba.


Pechay

Ang pechay ay gulay na wala sa bahay kubo. Ang pechay ay isa sa pinaka madaling gulay na itanim at anihin. Sa loob ng mahigit 22 hanggang 45 days ay maaari ka ng mag-ani nito. Ang gulay na ito ay masustansiya. Ang dahon ay berde at kulay puti ang ibang parte ng halaman. Maganda itong itanim sa bakuran ng bahay kubo kahit ito ay hindi nabanggit sa kanta.


Sayote

Ang sayote ay isa ring gulay na wala sa bahay kubo. Ang sayote ay masarap na kainin lalo na pag may kasamang manok. Maganda din itong itanim sa bakuran..


Pipino

Ang pipino ay isa ring gulay na hindi na banggit sa kantang bahay-kubo. Ang pipino ay naglalaman ng halos 95% ng tubig kaya maganda ito sa ating katawan. Ang piipno ay masarap na kainin. Maganda rin itong itanim sa bakuran. Madaming nagtatanim ng gulay at maganda itong gulay para sa kanila.


Broccoli

Ang broccoli ay kabilang din sa mga gulay na wala sa bahay kubo. Masarap ang broccoli at magpapatibay ng katawan. Kailangan nating kumain ng gulay para humaba ang gulay.


Cauliflower

Ang cauliflower ay wala rin sa bahay kubo. Ito ay isang bulaklak na gulay. Masarap ang cauliflower ngunit iilan lamang ang nagtatanim nito. Medyo may kahirapan ang pagtatanim nito kaya kailangan ng kaalaman bago magtanim nito.



Repolyo

Ang Repolyo ay hindi rin na banggit sa bahay-kubo. Ang repolyo o cabbage ay medyo pabilog na mga dahon. Ang gulay na ito ay masarap kainin. Kapag ito'y iyong hinalo sa karneng baboy ay mapapakain ka ng madaming kanin dahil sa sarap.


Malunggay

Ang malungay rin ay hindi nabanggit sa bahay kubo. Ang gulay na ito ay hitik sa mineral at bitamina. Masarap itong iuulam. Pwede itong lutuin na may gata o kaya ihalo sa monggo.


Monggo

Ang monggo ay gulay na wala sa bahay kubo. hindi ito na banggit sa kanta. Ang gulay na ito ay buto. Ito ay masarap at masustansiya. Madali rin itong itanim at anihin.


Langka

Ang langka ay isang gulay kapag hilaw pa at niluto at kapag hinog naman ay isang prutas. Ito ay masarap kapag niluto na nilagyan ng gata na may kasamang sardinas o kaya isda.


Kamote

Ang talbos ng kamote ay masarap na kainin at masustansiya pa. Masarap din itong haluan ng isda. Ang lamang ugat din nito ay maaaring ilaga, lagyan ng gata o kaya gawing camoteque. Maganda itong itanim sa palibot ng bahay kubo.


Patatas

Ang patatas o potato ay masarap na kainin. Madaming tao ang gustong gusto ang patatas. Masarap kasi ang lasa. May mga nagtatanim din nito at inaabot ng mahigit tatlo hanggang apat na buwan para makapagsimulang makapag-ani.


Mais

Ang mais ay wala rin sa kantang bahay kubo. Ang mais ay pwedeng gawing popcorn o kaya lagyan ng gata o kaya naman ay ilaga. Masarap ito at mapapakain ka ng madami.


Kamoteng kahoy

Ang kamoteng kahoy (cassava) ay wala rin sabahay kubo. Ang mga dahon ng gulay na ito ang ginagawang ulam samantalang ang lamang ugat ay nilalaga o kaya naman nilalagyan ng gata. Ang cassava rin ay ginagawang cassava cake.


Kasoy

Ang kasoy ang sagot sa bugtong na isang prinsesa nakauopo sa tasa. Masustansiya ito dahil sa taglay na bitamina at mineral.


Carrots

Ang carrots ay nagtataglay ng vitamin a. Masustansiya ang gulay na ito. Maraming pwedeng iluto sa carrots. Ngunit kadalasan ito ay hinahalo sa ibang lutuin.


Puso ng saging

Ang puso ng saging ay wala rin sa bahay kubo. Ito ay ginugulay at masrap kainin. Maaari itong lagyan ng gata o kaya naman ay gawing okoy. Masustansiya rin ang gulay na ito.


Iyan ang ian sa mga gulay na wala sa bahay kubo o hindi na banggit. Ang kantang bahay-kubo ay magandang pakinggan at dito mo malalaman ang samot-saring mga gulay a pwede mong itanim sa iyong bakuran o kaya naman sa palibot ng bahay-kubo.