Ang mga gulay na kulay berde ay spinach, repolyo, lettuce, pechay, pipino, upo, asparagus, beans, broccoli, celery, sitaw, ampalaya, okra, patola, mustasa, malunggay at sayote. Ang mga gulay na iyan ay color green. Ang mga berdeng gulay ay masarap kainin. Kaya naman pili na sa mga gulay na nabangit na iyong iuulam ngayon, mamaya o bukas.
Ampalaya
Ang ampalaya ay isang gulay na kulay berde. Ang gulay na ito ay masustansiya ngunit mapait ang lasa. Kahit na mapait ay siksik naman ito sa bitamina at mineral na kilangan ng ating katawan. Ang dahon ng gulay na ito ay berde, ang baging at ang bunga. Ang medyo na iiba lamang dito ay ang bulaklak na ito na kulay dilaw.
Malunggay
Ang malunggay ay isa ring gulay na kulay berde. Maaari itong iluto na may kasamang isda, lagyan ng gata o ilaga lamang. Napaka daming bitamina ang makukuha sa gulay na ito. Kaya naman ay mainam na kumain nito palagi. Maaari kang humingi sa kapitbahay o kaya naman magtanim nito sa iyong bakuran.
Pechay
Ang pechay ay gulay na kulay berde. Ang mga dahon nito ay kulay berde. Ito ay masarap kainin. Maaaring lutuin na may kasamang tilapia na may gata, o kaya ay igisa na may kasamang sardinas. Ang ibang parte ng gulay na ito ay kulay puti. Ang dahon lamang nito ang tanging kulay green.
Sayote
Ang sayote ay gulay na kulay berde. Masarap ito lutuin na may kasamang manok (tinola). Masrap kumain at makakabusog lalo na kapag sayote na ang iyong niluto. Nakakatakam pero nakakabusog naman.
Okra
Ang okra ay gulay din na kulay green. Madulas ito kapag iyong kinain. Parang meroong lumalabas sa bunga nito na nagpapadulas kapag iyong kinain. Mayroong mga tao na ayaw kumain ng gulay na ito dahil sa lasa at dahil sa madulas kapag nginunguya ngunit napaka sustansiya naman nito. Kaya kumain ng okra para maging maligaya.
Patola
Ang patola rin ay kulay berde na gulay. Ang labas na bahagi ay kulay berde at ang loob na bahagi ng bunga ay kulay puti. Masarap itong kainin at malambot. Mas malambot pa ito sa sponge kapag naluto na. Maaari tiong iluto na may kasamang mishua at sardinas.
Upo
Ang upo ay kulay berde ring gulay. Masarap itong iluto na sinamahan ng sardinas. Masustansiya din ang gulay na ito. Magandang pag masdan ang mga gulay na ito lalo na kapag lumalaki at mabibilog na ang mga bunga nito.
Sitaw
Ang sitaw ay kulay green na gulay. Ang mga bunga nito ay mahahaba. Ang mga bulaklak nito ay magaganda na parang paru-paro at kulay lila na may pagka asul. Masustansiya ito at pwedeng lutuin na nilagyan ng gata, ihalo sa karne o kaya lagyan ng tuyo. Masayang magtanim nito dahil magaganda ang mga bunga lalo na kapag lumalaki.
Pipino
Ang pipino ay naglalaman ng halos 95% na tubig. Ito rin ay kulay berde na gulay. Ang tubig ay kailangan ng ating katawan kaya naman ang gulay na ito ay mainam na kainin. Maaari mo rin itong itanim para may mapag kunan ka ng pagkain.
Repolyo
Ang repolyo rin ay gulay na ang kulay ay berde. Masarap ito lalo na kapag hinalo sa karne ng baboy. Masustansiya na at masarap pa. Maganda ang gulay na ito lalo na sa mahilig kumain. Lalong lalo na kapag malamig ang panahon.
Iyan ang ilan sa mga gulay na kulay berde. Maraming pagpipilian na pwedeng iluto para maging malusog. Maaari mo ring itanim ang mga ito para may mapagkunan ka ng pagkain sa araw-araw.