Breaking

Mga Gulay na Mayaman sa Bitamina

mga gulay na mayaman sa bitamina
Anu-ano nga ba ang mga gulay na mayaman sa bitamina? Napakaraming masasarap at masusustansiyang gulay na siksik sa bitamina. Kinakailangan natin ng gulay para may maiulam. Ngunit gusto natin ng ulam na makakatulong sa atin upang maging malusog. Kaya naman narito ang mga gulay na mayaman sa bitamina.


Ang mga gulay na mayaman sa bitamina a ay kamote, carrots, kalabasa, melon at kamatis. Ang mga gulay na ito ay siksik sa bitamina a na makakatulong upang maging malinaw ang ating mata. Ang kamote ay masarap na kainin, pwedeng kamoteque, nilaga, nilagyan ng gata o kaya prinito. Ang carrots ay siksik rin sa bitamina a. Masarap rin itong kainin. Maraming mga pagkain ang pwedeng lagyan ng carrots. Ang kalabasa rin ay siksik sa vitamin a. Ang melon at kamatis din ay nagtataglay ng bitamina. Tunay ngang ang mga gulay ay may tinataglay na sustansiya na makakatulong sa atin upang mabuhay.


Ang mga gulay na mayaman sa bitamina b ay cabbage, spinach, broccoli, kamatis, asparagus, patatas. Ang cabbage o repoloyo ay malinamnam na kainin. Ito ay masustansiya. Karaniwan na nilalagay ito sa bihon bilang pampalasa. O kaya sa lumpia. Ang kamatis ay karaniwang ginagamit sa mga pagkain. Masarap ito at talagang nakakatam na kainin. Ang patatas rin ay mayaman sa bitamina b. Ang patatas ay maaaring isahog sa menudo para lalong sumarap at iba pang mga putahe. Ang spinach, broccoli, at asparagus ay siksik rin sa vitamin b. Kailangan natin ang mga gulay na ito.


Ang mga gulay na mayaman sa bitamin c ay lemon, calamansi, siling haba at bell pepper. Ang siling haba ay kadalasan na isinasahog sa laing. Masarap kasi ang laing kapag maanghang. Higit pa dun ang vitamin c ay nakakatulong upang magkaroon tayo ng malakas na immune system. Ang bell pepper ay isang gulay na mayaman din sa vitamin c. Ito ay tinatawag ding sweet pepper dahil ito ay hindi maanghang kumpara sa ibang mga gulay. Ang calamansi, lemon, orange, lime at orange ay mayaman din sa bitamin c, ngunit ito ay hindi mga gulay bagkus ay mga prutas. Ngunit makakatulong din ito sa atin upang maging malakas.


Ang mga gulay na mayaman sa bitamina d ay mushroom at orange juice. Ang mushroom ay hindi kadalasan na inihahain sa lamesa ngunit ang gulay na ito ay mayaman sa vitamin d. Ang bitamin d ay bihirang makusa sa mga gulay at kung meron mang gulay na mayaman dito ay kukunti lang at isa na diyan ang mushroom. Kung mahilig ka sa mushroom ay makakakuha ka ng bitamina d mula dito. At ang isa pang pagkain na mayaman din sa bitamina na ito ay orange juice. Ang orange ay hindi gulay ngunit ito ay mayaman din sa d na bitamina. Matamis ang orange juice kumpara sa lemon at calamansi kaya ma eenjoy mo ang pag-inom nito.


Ang mga gulay na mayaman sa bitamina e ay spinach, mani, sunflower seeds at broccoli. Ang bitamina e ay nakakatulong upang maging maganda ang ating kutis. Mabuti ito para sa ating kalusugan. Ang mani ay masarap. ito ay malinamnam kapag kinain. May maning tuyo ay mayroong basa. Ang mani ay pwedeng ilaga o kaya gawing minatamis. Ito rin ay nakakapag patalino kaya naman maganda at masarap kung kakain tayo ng mani. Ang spinach, broccoli at sunflower seeds ay mayaman din sa vitamin e. Kaya naman ay kumain tayo ng mga gulay na ito. Ito ay makakatulong sa atin ng lubos.


Ang mga gulay na mayaman sa bitamin k ay mustasa, repolyo, broccoli, asparagus, soybean, celery, basil, romero at oregano. Ang mga gulay na ito ay masarap kainin lalo na ang repolyo. Ang repolyo ay maaaring isahog sa karne at masarap kainin lalo na kapag malamig ang panahon. Ang ilan pang mga gulay na nabanggit ay siksik sa vitamin k na kinakailangan din ng ating katawan para maging malusog at maganda ang pag function nito.


Iyan ang ilan sa mga gulay na mayaman sa bitamin a,b,c,d,e at k. Kailangan nating kumain ng mga gulay upang maging malusog. Maaari tayong bumili ng mga gulay sa palengke o kaya naman ay magtanim tayo nito. Mahalaga ang gulay upang tayo ay mabuhay.