Broccoli
Dami ng protina: 4.28 gramo kada isang tasa
Ang broccoli ay isang gulay na mayaman sa protina. Nagtataglay ito ng 4.28 na gramo kada isang tasa. Kung dadamihan mo ang kain ng broccoli ay makakakuha ka ng madaming protina galing sa gulay na ito. Masarap ang broccoli at malinamnam. Madaming sustansiya ang gulay na ito na makakatulong sa ating katawan upang maging malusog.
Patatas
Dami ng protina: 4.55 gramo kada isang tasa
Ang patatas ay isang gulay na mayaman sa protina. Sa isang tasa ng patatas ay makakakuha ka ng 4.55 gramo ng protina. Ang protina ay nakakatulong sa pagbuo ng mga muscle at mga buto sa katawan. May mga tao na mas gustong kumain ng mga gulay kesa karne. Kaya naman naghahanap sila ng mga gulay na mayaman sa protina.
Asparagus
Dami ng protina: 4.32 gramo kada isang tasa
Ang asparagus ay isa ring gulay na mayaman sa protina. Gusto nating maging malusog kaya naman naghahanap tayo ng mga pagkain na makakatulong sa atin upang mabuhay. Ang asparagus ay masarap kapag niluto. Ito ay may mga sustansiya rin na makakatulong upang maging masigla. Mainam rin kung magtatanim nito upang may mapagkunan ng protina.
Dilaw na Mais
Dami ng protina: 4.68 gramo kada isang tasa
Ang mais ay isa ring gulay na mayaman sa protina. Ang mais na dilaw ay kadalasang nilalaga ay kinakain. Minsan ay nilalagyan ng gata. O kaya ginagawang meryenda sa hapon. Ang pagkain na ito ay mainam na kainin dahil mayaman sa protina. Sa isang tasa ay nagtataglay ito ng 4.68 gramo ng protina. Masarap ang mais kaya naman mapapakain ka ng madami nito.
Chia seeds
Dami ng protina: 4.69 gramo kada isang tasa
Ang chia seeds ay mayaman din sa protina. Ang ating katawan ay kailangang supplayan ng protina upang maging matibay. Kapag matibay ang ang ating katawan ay mas madami tayong magagawang trabaho at hindi tayo magiging sakitin. Kapag tayo ay naging sakitin ay mahihirapan tayong kumilos. Kaya naman na mainam na kumain tayo ng mga pagkain na mayaman sa sustansiya. Kumain ng chia seeds para lumusog.
Brussels Sprouts
Dami ng protina: 5.64 gramo kada isang tasa
Ang brussels sprouts ay mayaman din sa protina. Sa isang tasa ng gulay na ito ay makakakuha ka ng 5.64 na gramo ng protina. Madaming mga recipe online tungkol sa brussels sprouts kaya madami kang maaaring lutuin sa gulay na ito. Ang mga gulay ay mas masustansiya. Kaya naman mainam na kumain tayo nito ng madami upang maging malusog at masigla.
Almonds
Dami ng protina: 5.94 gramo kada isang tasa
Ang almonds din ay masarap. Ito ay nagtataglay ng 5.94 na gramo ng protina kada isang tasa. Kaya naman mainam na kumain nito. Kapag ka nito ay madadagdagan ang protina sa iyong katawan na mahalaga upang maging malakas ang mga buto. Kailangan din ng excercise upang maging maayos ang lahat.
Green Peas
Dami ng protina: 8.58 gramo kada isang tasa
Ang green peas ay mayaman din sa protina. Ito ay masarap at malinamnam. Kadalasan ito ay hinahalo sa karne bilang rekado. Mapapakain ka kapag ang green peas ay hinain na sa inyong lamesa. Maliban sa hinahalo sa karne ay may ilan pang mga recipe na maaari mong gawin sa green peas. Ang mga tao na mahilig magluto ay may mga recipes na pweding gawin sa pagkain na ito.
Patani (Lima beans)
Dami ng protina: 11.58 gramo kada isang tasa
Ang patani ay isang gulay na baging. Ang gulay na ito ay nagtataglay ng 11.58 gramo ng protina sa isang tasa. Kaya naman mainam na kumain nito. Ang protina ay mahalagang sustansiya na kailangan ng ating katawan para maging matibay at malakas. Madaming mga lutuin ang pwedeng gawin sa patani. Mainam din kung magtatanim ka nito sa iyong bakuran para may mapagkunan ng pagkain.
Munggo
Dami ng protina: 14.18 gramo kada isang tasa
Ang munggo ay isang gulay na mayaman sa protina. Masarap kumain ng munggo lalo na kung malamig ang panahon. Masarap humigop ng mainit na sabaw. Ang munggo ay masustansiya at masrap kainin. Kadalasan ay nilalagyan ito ng tinapa para sumarap. Ang gulay din na ito ay madaling itanim at anihin. Inaabot ng dalawang buwan para makapagsimula ng mag-ani nito. Kailangan nito ng magandang sikat ng araw at tubig para madaling lumaki at bumunga. Sa isang bunga ng munggo ay madaming buto ang makikita.
Iyan ang ilan sa mga gulay na mayaman sa protina. Kailangan nating kumain ng mga pagkain na mayaman sa sustansiya para maging malusog. Ang pagiging malusog ang susi para tayo ay makakilos ng maayos at umasenso. Sino ba naman ang ayaw umasenso, kaya naman mainam na panatilihin ang magandang kalusugan. Kailangan ng pag-eehersisyo at tama at masustansiyang pagkain.