Breaking

Mga Gulay sa Bahay Kubo

Mga gulay sa bahay kubo

Anu-ano ba ang mga gulay sa bahay kubo? Maraming mga gulay ang nabanggit sa kanta. Ang mga gulay ay masustansiya. Kaya naman mainam na magtanim tayo ng mga ito. Alamin natin ang mga gulay sa bahay kubo.


Singkamas

Ang singkamas ang unang halaman na nabanggit sa kanta. Dahil sabi sa unang bahagi, "bahay kubo kahit munti ang halaman doon ay sari-sari singkamas". Ang singkamas ay masarap lalo na kapag may kasamang asin. Kapag iyong tinikman, ika'y mapapakain.


Talong

Ang talong ay masarap. Pwedeng ihalo sa pakbet o kaya ihalo sa itlog at gawing tortang talong. Iyong malalasap ang sarap nito. Ikaw ay magiging masaya kapag ang mga tanim mong mga talong ay "long".


Sigarilyas

Ang pangatlong halaman sa bahay kubo. Ito ay masustansiya at masarap pa. Simulan mo ng magtanim sa iyong bakuran. Lupa ay bungkalin at sigarilyas ay iyong itanim.


Mani

Ang mani ay nakaka pagpatalino. Bibilis ang iyong pag-iisip at makakatulong pa sa iyo. Ito ay para sa lahat ng tao. Kaya kumain ng mani dahil ito'y para sayo.


Sitaw

Sitaw na kay ha haba. Masarap ihalo sa pakbet na masarap. Mga bulaklak nito na parang paru-paro. Kay gandang pag masdan lalo't kulay violet at blue.


Bataw

Bataw na masarap kainin. Masustansiya na mayaman pa sa bitamina. Sa bakuran ay itanim at iyong diligin. Ng ikaw ay may mapagkunan ng pagkain.


Patani

Patani na katangi-tangi. Ikaw ay mawiwili sa pagtatanim at ikaw ay hindi magsisisi. Iyo ng simulan at sa paglipas ng mga araw ay mayroon kang magandang ani.


Kundol

Kundol na masarap gawing ulam at gawing minatamis. Sa sustansiya ay swak na swak at sa lasa ay hindi ka maiinis. Bagkus ikaw ay masasarapan at mayaman sa sustansiya na hinahanap ng iyong katawan.


Patola

Patola na kay hahaba at kay lalambot. Masarap iulam lalo na sa tanghali. Madali lang itanim sa iyong bakuran. Kaya halina't iyong simulan.


Upo

Ano ang ika sampung gulay sa bahay kubo? Upo na mahahaba. Iyong kainin para ikaw ay lumusog. Kapag iyong kinain ikaw ay mabubusog. Tara simulan na ang pagtatanim para umani ng upo na mabibilog.


Kalabasa

Kalabasa na sa english ay squash. Mayaman na sa bitamina nakakatulong pa para luminaw ang mata. Pag-aalaga nito ay simulan mo na, para pag dating ng araw ikaw ay may dagdag kita.


Labanos

Labanos na masarap na siguradong iyong hinahanap hanap. Ikaw ay mapapa "rap" kapag natikman mo na ang gulay na kay sarap. Kung gusto mong magtanim nito mga buto nito ay simulan mo ng maghanap.


Mustasa

Ang mustasa ay isang gulay na madahon. Masustansiya ito at masarap iluto. Madali lang itanim at makalipas ang ilang linggo ay maaari mo ng anihin.


Sibuyas

Ang sibuyas ay kabilang rin sa mga gulay sa bahay kubo. Ito ay karaniwang isinasahog bilang pampalasa sa ulam. Medyo may katagalan ang pagtatanim nito ngunit worthit naman.


Kamatis

Ang kamatis ay nagpapaganda ng kutis. Kapag iyong kinain balat mo pa ay kikinis. Kapag iyong itinanim at inani ay hindi ka maiinis. Kaya't simulan mo na ang pagtatanim bilis.


Bawang

Ang bawang ay ginagawaring pampalasa. Karaniwang ang bawang at sibuyas ay magkasama. Lalong lalo na kapag ikaw ay maggigisa. Siguradong kapag inyong sinahog sa ulam ay ikaw ay magiging masaya.


Luya

Ang luya ay magandang kainin. Kahit na medyo maanghang ng kunti ay dapat parin na pagtuunan ng pansin. Sino pa ba ang makikinabang diba ikaw rin. Kaya simulan ng itanim.


Linga

Madaming nakatanim sa paligid ng bahay-kubo na linga. Iyo ng simulan rin ang pagpapatubo nito. Kung hindi kapa nag alaga nito ay subukan mo. At ng makita mo ang kahalagahan nito.


Iyan ang mga gulay sa bahay kubo. Lahat ng ito ay masusustansiya. Kaya magandang itanim, mapapakinabangan mo pa.