Breaking

Mga Bungang Gulay

Mga bungang gulay

Anu-ano ang mga bungang gulay na alam mo? Maraming mga halaman sa mundo na masarap kainin. Bukod sa masustansiya ay masarap pa. Ngayon ay alamin natin ang ilan sa mga gulay na bunga.


Okra

Ang okra ay isang bungang gulay. Ito ay madaling patubuin at alagaan. Ito ay madulas kapag iyong kinain. Madaling tumubo ang okra sa lugar na may magandang sikat ng araw. Kailangan din nito ng tubi upang mabuhay. Kung naghahanap ka ng gulay na bumubunga ay okra na ang piliin mo.


Ampalaya

Ang ampalaya ay kabilang din sa mga bungang gulay. Ito ay masustansiyang gulay. Subalit ito ay mapait kapag kinain, bitter kumbaga. Masarap itong kainin lalo na kapag sinamahan ng itlog. Kapag iyo namang itatanim ay madali rin. Ang problema na maaari mong makaharap sa pagtatanim ng ampalaya ay ang mga uod, paninilaw ng dahon, maliit ang dahon at kaunti ang bunga. Madaming dahilan ang mga ito ngunit ito ay magandang gulay para sa iyo.


Kalabasa

Ang kalabasa ay masustansiyang gulay na bunga. Sabi pa nga ito ay nagpapalinaw ng mata. Ang kalabasa ay isang uri ng gulay na gumagapang. Ito ay may baging. Maaari itong pagapangin sa lupa o kaya naman ay maglagay ng balag upang dito lumaki at bumunga. Ang kalabasa na isang bungang gulay ay nangangailangan ng magandang sikat ng araw, tamang tubig at pataba. Kaya naman ano pa ang hinihintay mo magtanim ng ng kalabasa sa iyong bakuran.


Upo

Ang upo ay masarap iulam. Lalo na kapag hinaluan mo ng sardinas. Matatakam ka sa sarap nito. Ang upo ay malambot kapag kinain. Ito ay maganda para sa ating kalusugan. Ang gulay na ito ay gumagapang. Kadalasan ang mga nagtatanim nito ay naglalagay ng balag upang dito na tumubo. Maganda itong itanim sa iyong bakuran dahil malalaki ang bunga nito. Higit pa dun ay maaari mo pa itong mapagkakitaan. Kapag bumunga ang gulay na ito ay maaari mong ibenta ang mga bunga.


Talong

Ang talong ay isa ring bungang gulay. Ito ay masarap kainin. Maaari itong iulam at gawing pakbet o kaya naman gawing tortang talong. Masarap at malinamnam ito. Ang talong ay nangangailangan ng tubig, pataba at tamang sikat ng araw para lumaki at bumunga. May mga pagkakataon na ang mga bulaklak nito ay hindi nabubuo. Kaunti lamang ang mga bulaklak na nagiging bunga. Aabutin halos 3 hanggang 4 na buwan bago makapag simulang mag-ani


Patola

Ang patola ay isa ring bungang gulay na baging. Malambot ito kapag iyong kinanin. May mga klase ng patola na maikli at mayroon namang ang hahaba. Madaling tumubo ang mga binhi nito at kailangan ng balag o kaya mga halaman na maaaring paggapangan sa pagtubo nito. Aabutin ng tatlo hanggang apat na buwan bago makapag simulang makapag-ani.


Kundol

Ang kundol ay isa rin sa mga bungang gulay. Ang kundol ay pa oblong ang bunga at makapal ang balat. Masarap igisa ang kundol na may kasamang sardinas. Napakaraming buto nito sa loob at maaari kang makapag tanim ng maraming kundol sa iyong bakuran.


Langka

Ang langka ay bungang gulay kapag ito'y hilaw pa at niluto, at nagiging prutas kapag kinain ng hinog. Masarap ang langka kapag kinain. Kadalasan ito ay nilalagyan ng gata at may halong isda o kaya sardinas. Malinamnam kapag iyong inulam at masustansiya. Matatakam ka sa gulay na langka.


Patani

Mahilig kaba sa patani? Ito ay maganda sa ating katawan dahil sa itoy mayaman sa bitamina at mineral. Ang mga bunga nito ay masarap. Ang halamang gulay na ito ay nangangailangan din ng tamang tubig, sikat ng araw at pataba para dumami ang mga bunga nito.


Sigarilyas

Ang sigarilyas din ay isang bungang gulay. Madalas na nilalagyan ito ng gata kapag niluluto. Masarap ito at masustansiya. Sa pagtatanim naman nito, ang buto nito ay madaling patubuin na pabilog at hindi basta basta nabubulok. Maaari kang makakuha ng 100% germination sa gulay na ito.


Mais

Sino ba naman ang hindi masasarapan sa mais. Ang mais ay isa rin sa mga bungang gulay ngunit kadalasan ay ginagawa natin itong meryenda. Masarap ang mais. Maaari mo itong ilaga lagyan ng gata at iba pa. Inaabot ng ilang buwan bago makapag simulang makapag-ani ng mais.


Sitaw

Ang sitaw ay namumulaklak na parang paru-paro. Maganda ang bulaklak nito na kulay asul na may pagka lila. Mahahaba ang bunga ng sitaw. Sa pagtatanim naman nito ay kailangan nito ng tubig at sikat ng araw para lumago ang mga dahon at dumami ang bunga. Kailangan din ito ng balag na paggagapangan.


Sayote

Ang sayote rin ay magandang bungang gulay. Masarap ito ihalo sa tinolang manok. Masustansiya ito at malinamnam. Mapapakain ka ng madami kapag ito'y inihain sa inyong lamesa. Kaya ano pa hinihintay mo magsimula ng magtanim ng sayote sa iyong bakuran.


Iyan ang ilan sa mga bungang gulay na pwedeng itanim sa iyong bakuran. Masayang magtanim ng mga gulay at pwede ng mapagkunan ng pagkain o kaya naman ay pagkakitaan. Bukod pa dun ito ay nagpapalakas ng ating katawan dahil sa sustansiyang taglay nito. At panghuli ang pagtatanim ay nakakawala ng pagod at stress sa ating buhay. Masayang magtanim at makakatulong pa ito sa ating kalikasan.