Breaking

Mga Gulay sa Pilipinas

 

mga gulay sa Pilipinas
Anu-ano ba ang mga gulay sa Pilipinas? Maraming gulay ang tumutubo sa bansa. Ang mga ito ay nakakatulong sa tao para mabuhay. Ito rin ay nagtataglay ng ibat-ibang sustansiya na kailangan ng ating katawan. Kaya naman narito ang nabubuhay na mga gulay sa Pilipinas.

Ampalaya
Ang ampalaya (bitter gourd) ay isa sa mga gulay sa Pilipinas. Ang gulay na ito ay mapait. Kahit ito ay mapait, napaka sustansiya naman nito. Ito ay gulay na gumagapang. maninipis lamang ang baging nito at maliliit ang mga dahon. Inaabot ito ng mga 2 hanggang 3 buwan bago magsimulang bumunga at makapag-ani.

Upo
Ang upo (bottle gourd) ay isang gulay na malalaki ang bunga. Ang bunga nito ay masarap iulam. Ang balat ng bunga nito ay kulay berde at medyo makapal ang baging nito. Kailangang nito ng magandang sikat ng araw para mabuhay.

Repolyo
Ang repolyo (cabbage) ay masarap na gulay. Ang repolyo ay pabilog na mga dahon. Ito ay hinhalo sa pancit, bihon o kaya sa lumpia. Masustansiya ang gulay na ito at malinamnam.

Petsay
Ang petsay (bok choi) ay isa sa pinaka mabilis na gulay na itanim. Kapag ito'y tumubo ay maghihintay ka ng 22 hanggang 45 araw bago mag simulang mag-ani. Ito ay masustansiya at mainam na iulam.

Talong
Ang talong (eggplant) ay gulay na mababa lamang. Ang mga dahon nito ay medyo malaki ng kaunti at ang mga bulaklak nito ay maliliit. Ang mga bunga naman nito ay nakadepende sa uri ng talong. May mga talong kasi na mabibilog na parang itlog, may mga talong na mahahaba at may may bunga na pakurba ang itsura. Kailangan nito ang magandang sikat ng araw para lumaki ng maayos.

Kalabasa
Ang kalabasa (squash) ay isang gulay na magandang itanim sa Pilipinas. Ang bunga nito ay inuulam at nakakatulong para luminaw ang mga mata. Ang mga dahon nito ay medyo magaspang at ang baging ay medyo makapal. Ito ay namumulaklak na kulay dilaw at inaabot ng 3 hanggang 4 na buwan bago magsimulang mag-ani simula sa pagtatanim ng buto.

Patola
Ang patola (sponge gourd) ay isa rin sa mga gulay na tumutubo sa Pilipinas. Sa simula ay manipis ang baging at mga dahon nito ngunit sa kalaunan ay lumalaki at lumalago. Ang mga bulaklak nito ay kulay dilaw na nagiging bunga sa paglipas ng mga linggo. Malambot ang mga bunga nito kapag kinain.

Bell Pepper
Ang bell pepper ay isang uri ng sili na matamis. Hindi mo malalasahan ang anghang dito. Ito ay tumutubo rin sa Pilipinas. Karaniwan na nilalagay ito sa karne bilang pampalasa. Ang bell pepper ay siksik sa bitamina c na nakakapag palakas ng immune system.

Suling labuyo
Ang siling labuyo ay pahaba na uri ng sili na maanghang. Ito ay madaling patubuin at palakihin. Kapag ito'y nakasagap ng magandang sikat ng araw at nadiligan ng tubig ito ay lalaki ng maayos. Madami rin iton kung mamunga.

Pipino
Ang pipino (cucumber) ay masustansiyang gulay. Ito ay naglalaman ng 95% na tubig. Ang tubig ay kinakailangan ng ating katawan kaya naman mainam na itanim ang gulay na ito.

Mais
Ang mais (corn) ay masarap gawing agahan. Ito ay may carbohydrates at calories na kailangan natin para maging masigla at malakas. Ito ay magandang itanim sa Pilipinas. 

Sitaw
Ang sitaw (string beans) ay isang baging na gulay. ito ay gumagapang. Ang mga dahon nito ay kulay berde at medyo maliliit lamang. Ito ay namumulaklak na kulay asul na medyo lila. Ang mga bunga nito ay mahahaba. Kailangan nito ng magandang sikat ng araw para lumago at dumai ang bunga.

Kasoy
Ang kasoy (cashew) ay isang gulay na ang buto ay nasa labas. Sabi nga sa isang bugtong "isang prinsesa nakaupo sa tasa" sagot: kasoy. Ang kasoy ay isa rin sa magandang itanim sa bakuran. Ito rin ay nagtataglay ng mga bitamina na makakatulong sa ating pang araw-araw na buhay.

Sayote
Ang sayote ay masarap na ihalo sa tinola. Ito ay malinamnam lalo na kapag hihigupin ang sabaw. Mainam na magpalaki nito para may mapagkunan ng gulay na kailangan natin sa buhay.

Patatas
Ang patatas (potato) ay masarap na lamang ugat. Ito ay masarap gawing agahan. Sa pagpapatubo naman nito ay aabutin ng mahigit 80 hanggang 100 na araw bago magsimulang mag-ani. Mapagkakakitaan din ang gulay na ito kaya maganda itong itanim at paramihin.

Kangkong
Ang kangkong (water spinach) ay masarap na ulam. Pwede itong gawing adobo o kaya ihalo sa karne. Masarap ito at madali lamang palakihin. Maaari kang bumili ng mga buto nito sa agriculture store upang makapagsimula ng magtanim.

Bawang
Ang bawang (garlic) ay ginagamit bilang pampalasa. Ito rin ay inihahalo sa mga sawsawan para magkaroon ng masarap na lasa. Ang bawang ay ginagamit rin sa mga ginisang ulam. Inaabot ng 3 buwan bago magsimulang makapag-ani nito.

Mustasa
Ang mustasa (mustard) ay isa ring gulay na magandang itanim sa Pilipinas. Ang mga dahon nito ay masustansiya. Kailangan nito ang magandang sikat ng araw, tubig at pataba para madaling lumaki.

Patani
Ang patani (lima beans) ay masarap na ulam. Ang inuulam dito ay ang mga buto. Ito rin ay isang baging na gulay. Sa pagpapatubo naman nito ay madali lamang. Kailangan ng magandang sikat ng araw at sapat na tubig para lumabong at bumunga ng marami.

Luya
Ang luya (ginger) ay inihahalo sa pagkain para sumarap. Karaniwan sa mga gulay o kaya sa goto. Ginagawa rin itong salabat na nakakatulong sa ating puso. Inaabot ng ilang buwan bago makapagsimulang umani nito.

Kamote
Ang kamote (sweet potato) ay masustansiyang gulay. Ang mga dahon nito ay kinakain. Karaniwan na inihahalo ang mga dahon nito sa isda. maaari ring wala. Ang mga lamang ugat naman nito ay masustansiya rin. Ito ay nilalaga, nilalagyan ng gata o kaya naman ay piniprito.

Sibuyas
Ang sibuyas (onion) ay isa rin sa mga gulay na nabubuhay sa Pilipinas. Ito ay ginagamit sa paggigisa. Masarap na ilagay sa sawsawan. Mdami rin itong naitutulong sa ating katawan. Sa pagtatanim naman nito ay medyo may katagalan bago mag-ani.

Malunggay
Ang malunggay (moringa) ay napaka inam na itanim sa Pilipinas. maaari mo itong patubuin gamit ang sanga o kaya gamit ang mga buto. Ang mga dahon ng malunggay ay napaka sustansiya. Halos lahat ng mga bitamina at mineral ay nakapaloob sa gulay na ito.

Labanos
Ang labanos (radish) ay tumutubo rin sa Pilipinas. Mainam na itanim ito dahil sa madaling tumubo. Kailangan ng 3-4 na buwan bago makapag sisimulang mag-ani.

Carrots
Ang carrots ay nabubuhay din sa Pilipinas ngunit sa lugar na may malamig na klima. Karaniwan na sa Baguio ito makikitang itinatanim dahil angkop ang lugar upang pagtamnam nito.

Cauliflower
Ang cauliflower ay sa malamig din na lugar nabubuhay. Masustansiya din ito. Ito rin ay kabilang sa mga gulay na nabubuhay sa bansa.

Bataw
Ang bataw ay isa ring gulay na baging. Ang mga bunga rin nito ang kinakain. Masarap ito at masustansiya. Ang mga bunga nito ay maliliit lamang.

Kamoteng-Kahoy
Ang kamoteng-kahoy (cassava) ay masarap ding iulam. Ang mga dahon ay ginugulay at ang mga lamang ugat ay ginagawang cassava cake o kaya ay nilalaga.

Kundol
Ang kundol ay isa ring gulay. Ang iba rin ay ginagawa itong minatamis. Madali lamang itong patubuin. Ang bunga nito ay naglalaman ng maraming buto. Magaspang ang mga baging nito at may maliliit ngunit manipis na mga tinik.

Okra
Ang okra (ladies finger) ay masarap rin na gulay. Kapag kinain mo ito ay madulas. Karaniwan na inihahalo ito sa pakbet.

Gabi
Ang gabi ay isa ring gulay na nabubuhay sa bansa. Ang mga dahon nito ay ginugulay at nilalagyan ng gata. Masarap itong lagyan ng sili at tiyak na mapapakain ka ng madami.

Munggo
Ang munggo ay isa rin sa masustansiyang gulay. Ito ay madali lang itanim at anihin. Halos 2 hanggang 3 buwan ang aantayin bago makapagsimulang pumitas ng mga bunga. Ang mga buto nito ang kinakain.

Puso ng Saging
Ang puso ng saging ay isa ring gulay na masarap iulam. Nilalagyan ito ng gata. Ang puso ng saging ay kulay pula na medyo may pagka lila. Masustansiya rin ito at madami kang mapagkukunan ng bulaklak nito.

Iyan ang ilan sa mga gulay sa Pilipinas. Masaya ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay nakakapag palusog sa atin at nakakatulong pa para tayo ay kumita. Kaya anu pa ang hinihintay mo pili kana sa mga gulay sa Pilipinas na itatanim mo.