Breaking

Mga Gulay at Prutas

Mga gulay at prutas

Anu-ano ang mga gulay at prutas na alam mo? Ang mga ito ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral na makakatulong sa ating katawan. Kapag meron tayo ng mga sustansiyang ito ay magiging malakas at masigla ang ating katawan. Narito ang ilan sa mga gulay at prutas.

Mga Gulay

Ampalaya
Ang ampalaya ay mapait. Ngunit kahit mapait ito ay nagtataglay ng madaming sustansiya. Kaya naman kahit mapait ay dapat kumain tayo nito. Dahil mas lalo tayong lalakas at lulusog.

Petsay
Ang petsay or pechay ay isa sa mga gulay na magandang kainin. ito ay may masarap na dahon na masustansiya. Ang gulay na ito ay madali lamang itanim. Aabutin ka ng 22 hanggang 45 na araw bago ka pwedeng magsimulang mag-ani. Mas mabilis ito kumpara sa ibang mga gulay na halos inaabot ng ilang buwan.

Kalabasa
Ang kalabasa ay magandang itanim sa bakuran. Ayon pa nga sa mga artikulo ay nakakapag palinaw pa ito ng mata. Kaya naman maganda ang gulay na ito.

Upo
Ang upo ay masarap na gulay. Lalong lalo na kapag may halong sardinas. Ito ay malinamnam at tiyak na ikay masasarapan.

Talong
Ang talong ay masarap lalo na kapag hinalo sa pakbet. Sa pagtatanim naman nito ay madali lamang. Madami ng mga tutorial online na pwede mong maging gabay.

Sitaw
Ang sitaw ay isang halamang baging. ito ay gumagapang. Ang mga bulaklak nito ay parang paru-paro na kay ganda. Ang mga bunga naman nito ay mahahaba. Masarap ito at masustansiya.

Kundol
Ang kundol ay isang gulay na masarap ring kainin. Sa pagtatanim naman nito ay madali lamang at hindi ka masyadong mahihirapan. Hindi ito masyadong mahirap itanim kaya ikaw ay madadalian. Ginagawa rin itong minatamis.

Patola
Ang patola ay mahahaba kung mamunga. Mayabong din ito dahil sa mga dahon nito. Inaabot ng tatlong buwan bago ito magsimulang mamunga. Pag namunga naman ito ay madami.

Repolyo
Ang repolyo o cabbage ay masarap. Nabubuhay ito sa malamig na klima. Kaya hindi sa lahat ng dako ng bansa ito ay tutubo. Maganda itong gulay kasi ito'y nagtataglay ng sustansiya.

Okra
Ang okra ay madulas kapag iyong kinain. Madali lamang itong patubuin at makakapag ani ng madami sa anihan.

Iyan ang ilan sa mga gulay na masusustansiya.

Mga Prutas

Manga
Ang manga ay isang prutas na masarap. Matamis ito kapag hinog at maasim kapag hilaw. Masarap itong kainin kapag may kasamang bagoong. Sikat ang prutas na ito sa maraming bansa.

Santol
Ang santol ay masarap rin. May mga santol na maliliit at may malalaki. May ilang uri nito na maasim at may matamis. Masarap ang prutas nito. Ang buto rin nito ay masarap sipsipin.

Pinya
Ang pinya ay isang prutas na maraming mata. Ang prutas na ito ay nagtataglay ng fiber na maganda sa tiyan. Ito rin ay mayaman sa bitamina c na nagpapalakas ng immune system.

Pakwan
Ang pakwan ay masarap lalo na kapag summer. Ito ay naglalaman ng maraming tubig na maganda para sa ating katawan. Nakakatulong din ito para sa atin para hindi ma dehydrate.

Ubas or Grapes
Ang ubas ay matamis kapag kinain. Ito rin ay masustansiya. Madaming bansa ang nagtatanim nito. Sa Pilipinas ay may mga nakapag patubo na rin nito. Masarap itong kainin o kaya ay gawing wine.

Dalandan
Ang dalandan ay masarap rin. Ito ay pabilog ang hugis. Ang prutas rin na ito ay nakakapag palakas ng ating immune system. Kaya naman mainam na kumain nito.

Mansanas
Ang mansanas ay masarap kainin. Karaniwan kapag sasapit ang pasko at bagong taon ay bumibili ang mga tao nito. Inihahanda nila at nilalagay sa lamesa. Nabubuhay ito sa mga lugar na may malamig na klima.

Balimbing
Ang balimbing ay prutas na hugis bituin. Medyo maasim kapag hilaw pa at matamis kapag hinog na. Masustansiya rin ito at magandang patubuin sa bakuran.

Saging
Ang saging ay masustansiya. Nagtataglay ng fiber at potassium. Madaming uri nito at maraming pwedeng lutuin. Ginagawang bananaque, turon o kaya nilalagyan ng gata.

Iyan ang ilan sa mga gulay at prutas na masusustansiya. Dapat tayo ay kumain nito. Maaari ka ring magpatubo at magtanim nito sa bakuran mo. Kaya naman ang mga gulay at prutas ay mahalaga sa ating buhay.