Breaking

Paano Magtanim ng Kamatis

Paano Magtanim ng Kamatis
Sa pagtatanim ng kamatis ay mainam na itanim ito sa lugar na nasisikatan ng araw. Ang araw ang magbibigay lakas at sigla sa halaman. Ngunit hindi lang yan ang mga kinakailangan sa pagatatanim. Halika at iyong basahin.


Paano magtanim ng kamatis? Ang una mong gagawin ay ihanda ang lupang pagtatamnan. Kumuha ng mga buto ng kamatis at itanim pansamantala sa isang seedbed or seedtray. Pagtumubo na ang mga kamatis ilipat na ito sa lupang inihanda. Itanim ang mga kamatis ng may lalim na isa hanggang dalawang pulgada ang lalim at may anim hanggang 12 na pulgada ang layo. Makalipas ang tatlo o mahigit pang buwan, maari ka ng mag ani ng mga kamatis.


Iyan ang mga hakbang sa pagtatanim ng mga kamatis. Na summary na yan para sayo. Kung gusto mo pang lumalim ang kaalaman basahin mo dito sa ibaba.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Kamatis
  • Asarol
  • Trowel
  • Sprinkler
  • Buto ng Kamatis
  • Pataba
  • Kalaykay
Hakbang sa Pagtatanim ng Kamatis

1. Ihanda ang Lugar na Pagtatamnan

Kung itatanim mo ang kamatis, swempre kailangan mo ng lugar na pagtataniman. Kung maliit lang naman ang balak mong gawing gulayan, maari ng sa tabi ng buhay o kaya sa bakuran.

Gamit ang asarol bungkalin ang lupa. Tiyakin na mabungkal at pinohin ang mga malalaking tipak ng lupa. Maari ring pinohin mo gamit ang iyong kamay.

Alisin ang mga ligaw na damo sa lupa dahil maaari nitong agawin ang sustansya sa lupa na kailangan ng mga halaman. Alisin din ang ibang bagay katulad ng mga ugat ng puno o kaya mga plastic o kaya mga bato na maaring makahadlang sa paggawa mo ng gulayan.

Maari mo ring gamitin ang kalaykay para pantayin ang lupang pagtataniman.

Kapag handa na ang lupa, maari na nating gawin ang susunod na hakbang.

2. Kumuha ng Buto ng Kamatis

Napaka simple ng iyong gagawin kukuha ka ng mga buto ng kamatis. Hindi mo na kailangan bumili ng mga buto, ang gawin mo ay bumili ka ng kamatis sa tindahan.

Halimbawa meron ka ng bunga ng kamatis. Ganito ang gagawin natin.

Kunin mo ang kamatis at kunin mo rin ang kutsilyo. Gamit ang kutsilyo hatiin sa dalawa ang kamatis, hatihatiin ito sa maliliit na piraso. Kapag na hati mo na ay mabilis at madali mong makukuha ang mga buto ng kamatis.

Ilagay ang mga buto sa bao ng niyog. Pagkatapos ilagay mo ito sa lugar na nasisikatan ng araw. Patuyuin mo muna ang mga buto ng isang araw.

Yung mga hinati-hati mong kamatis ay maari mong kainin ng hilaw o kaya ay ihalo sa itlog at pritohin.

Pakalipas ng isang araw, tuyo na ang mga buto ng kamatis. Maari mo ng gawin ang susunod na hakbang.

3. Itanim ang mga buto ng Kamatis sa Punlaan

Kung makikita mo ang mga nagtatanim, itinatanim muna nila ito sa kahong punlaan or in english seedbox or seedtray. Sa prosesong ito itinatanim muna pansamantala ang mga buto ng kamatis sa punlaan para lumaki.

Ganito ang gawin mo. Gumawa ka ng kahong punlaan. Kung hindi mo ito alam maari kang mag search sa internet patungkol sa seedbed or seedtray. Kapag nakita mo na ito madali mo ng magagawa ang mga hakbang.

Kunin mo ang seedtray. Humanap ng lugar na may lupa at lagayan ng lupa ang kahon. Pagkatapos mong punuin ng lupa, ay ilagay ito sa lugar na medyo nasisikatan ng araw.

Kunin mo ang mga pinatuyong buto ng kamatis at itanim mo sa loob ng punlaan. Maghukay ng butas mga kalahating pulgada at lagyan mo ng isang buto ng kamatis. Lagayan mo ng isang pulgada ang distansya ng bawat buto.

Pagkatapos ay takpan mo ito ng lupa. Diligin mo ito pagkatapos. Makalipas ang lima hanggang pitong araw, tutubo na ang mga kamatis.

4. Paglilipat ng Halamang Kamatis

Kapag ang kamatis ay tumubo na at meron na itong ilang dahon at may taas na apat na pulgada ay maari mo ng itanim ito sa inihandang taniman.

Kunin mo ang kahong punlaan, trowel at pumunta sa taniman na iyong inihanda. Gamit ang trowel, maghukay ng mga butas sa lupang inihanda ng mga dalawa o tatlong pulagada ang lalim.

Lagyan mo ng anim hanggang 12 na pulagada ang layo. Gamit parin ang trowel bungkalin ang lupa at alisin ang mga kamatis sa kahong punlaan. Dahan dahan sa pagbungkal upang maiwasan na maputol ang mga halaman.

Pagkatapos maalis ang mga halaman, ay itanim na ito sa lupang inihanda. Takpan ng lupa ang mga ugat ng kamatis at diligin ito pagkatapos.

5. Protektahan ang mga Kamatis sa mga Hayop

Kung mayroon kang mga alagang hayop sa bahay ay maari nilang sirain ang iyong halamanan. Ang kailangan mo ay kailangan mong protektahan ang iyong mga tanim.

Ang gawain mo ay ganito. Itali mo ang mga alagang manok o kaya ay ikulong ito sa kulungan. Sa ganitong paraan ay maiiwasan na masira ang iyong mga itinanim.

Maari karing magkagay ng mga bakod upang hindi makapasok ang mga ligaw na hayop. Ang mga alagang hayop ay mahalaga ngunit kailangan parin nilang ilagay sa kulungan upang hindi masira ang ating taniman.

6. Maglagay ng Organikong Pataba

Kailangan mong lagyan ng pataba ang mga kamatis upang lalong tumubo at lumaki. Ang aming nirerekomendang pataba ay ang maganda, mabisa, madaling gamitin at higit sa lahat organiko ibig sabihin walang halong kemikal.

Para gumawa ng organikong pataba ay maghukay ng isang metro ang lalim. Pagkatapos ay kumuha ka ng mga dahon, damo, mga tirang pagkain, o kaya naman mga dumi ng hayop. Lahat ng mga nabubulok na bagay ay maari mong ilagay. Takpan mo ng lupa ang mga ito pagkatapos.

Makalipas ang ilang linggo ay bulok na ang mga bagay na iyon. Gamitin mo ito bilang pataba.

Paano maglagay ng pataba sa kamatis? Kumuha ka ng balde o kahit anong lalagayan. Kumuha ka rin ng pala. Gamit ang pala ay bungkalin ang lupa sa ginawa mong butas. Alisin ang lupa sa ibabaw. Kunin mo ang mga nabulok na mga dahon, damo at ilagay sa balde.

Gamit ang kamay ay lagyan ang bawat puno ng kamatis ng organikong pataba.

7. Diligin ang mga Kamatis

Ang mga kamatis ay na ngangailangan ng tamang tubig para lalong lumaki. Diligin ang mga kamatis kung maari ay araw-araw lalo na kung tag-init.

Ang tubig ay magbibigay ng lakas at sustansya sa halaman. Tutubo ng mabilis ang mga kamatis.

8. Pag-aani ng mga Kamatis

Makalipas ang mahigit kumulang tatlong buwan ay maari ka ng mag ani ng kamatis. Madali lang mag ani ng kamatis. Paano ba mag-ani ng kamatis? Pitasin lang ito at ilagay sa basket. Kapag nakita mo nang malaki laki na ang bunga ay maari mo ng pitasin.

Ang mga magsasaka ay pinipitas ito ng hilaw pa. Madali kasing mahinog ang mga kamatis kaya ganun. Pakalipas ng nga ilang araw ay hihinog na siya at paghindi na ibenta ay mabubulok at masasayang.

Maraming salamat sa pagbabasa.
Sana ay naibigay namin ang iyong mga katabungan hinggil sa paano ba magtanim ng kamatis.
Bumalik ka po para madami pang mabasa na mga artikulo tungkol sa pagtatanim.