Maraming nagtatanong kung paano magtanim ng pechay? Gusto nilang magpatubo at magpalaki ng gulay na ito at maaari mong basahin ito para makakuha ng kaunting kaalaman.
Ang pechay ay isang uri ng gulay na madaling itanim at madaling anihin. Alam mo ba na isa ito sa pinaka mabilis na gulay na anihin? Ito ay inaani sa loob ng 30 hanggang 45 na araw. Sobrang bilis diba? At isa pa walang kahirap hirap kung ito ay palakihin, kailangan lang ng palagi ang pagdidilig sa halaman.
Paano magtanim ng pechay? Para itanim ang pechay, gumawa ng plot na pagtataniman ng pechay. Sa isang punlaan itanim pansamantala ang mga buto ng pechay hanggang sa tumubo. Paglumaki na ang pechay ay ilipat na ito sa taniman na may lalim na dalawang pulgada at anim na pulgada ang distansya. Diligin ito araw-araw at lagyan ng pataba. Pagkalipas ng 30 hanggang 45 na araw maari mo na itong anihin ang mga pechay.
Ang pechay ay isang uri ng gulay na madaling itanim at madaling anihin. Alam mo ba na isa ito sa pinaka mabilis na gulay na anihin? Ito ay inaani sa loob ng 30 hanggang 45 na araw. Sobrang bilis diba? At isa pa walang kahirap hirap kung ito ay palakihin, kailangan lang ng palagi ang pagdidilig sa halaman.
Paano magtanim ng pechay? Para itanim ang pechay, gumawa ng plot na pagtataniman ng pechay. Sa isang punlaan itanim pansamantala ang mga buto ng pechay hanggang sa tumubo. Paglumaki na ang pechay ay ilipat na ito sa taniman na may lalim na dalawang pulgada at anim na pulgada ang distansya. Diligin ito araw-araw at lagyan ng pataba. Pagkalipas ng 30 hanggang 45 na araw maari mo na itong anihin ang mga pechay.
Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Pechay
Hakbang sa Pagtatanim ng Pechay
- Buto ng Pechay
- Asarol
- Kalaykay
- Trowel
- Sprinkler
- Sikat ng Araw
- Tubig
- Pataba
1. Pumili ng Lugar na Pagtataniman
Sa unang hakabang sa kung paano magtanim ng pechay. Pumili ka ng lugar na iyong pagtataniman. Sa likod bahay o kaya sa bakuran ay maari mo ng piliin ito upang iyong pagtaniman ng pechay.Kailangan lamang na may sapat na sikat ng araw ang lugar na pipiliin mo. Ang sikat ng araw ang magsisilbing pagkain ng pechay sa loob ng ilang linggo o buwan.
Kapag nakuha ng pechay ang tamang sikat ng araw, madaming pagkain ang kanyang makukuha at mas lalo pa itong lalaki at lalago.
Ang mga dahon ng pechay ay makakakitaan mo ng malutong at berdeng berde ang kanyang kulay. Kapag ganyan ang kinalabasan madaming sikat ng araw ang kanyang nakuha.
Sapat na tubig. Hindi lang araw ang kailangan ng pechay. Kailangan niya din ng sapat na patubig. Ang tubig sabi nga ito ay buhay ng mga halaman. Sapagkat kung meron ngang araw ngunit wala namang tubig ay hindi sila mabubuhay ng maayos.
Kailangan ang lugar na iyong napili ay malapit sa mapagkukunan ng tubig. Kapag nabigyan mo ng sapat at tamang tubig araw-araw tiyak na makikita mo ang magandang resulta.
2. Ihanda ang Lupang Pagtataniman
Pagkatapos mong mapili kung saan mo balak itanim ang mga pechay, kailangan mo ng ihanda ito para taniman. Ito ang pangalawang hakbang sa kung paano magtanim ng pechay.Kunin mo ang asarol at bungkalin mo ang lupa. Iakma mo kung gaano kalaki ang taniman na iyong gagawin. Pagakatapos mong mabungkal ang lupa ay alisin mo ang mga ligaw na damong nakakalat at alisin mo din ang mga nagkalat na bato.
Pinuhin mo ito gamit ang iyong mga kamay. Pagkatapos mapino ay pantayin mo ang lupa gamit ang kalaykay. Maari mo ring maalis ang mga natitirang mga basura gamit ang kalaykay.
Kapag handa na ang lupa ay gawin na natin ang susunod na hakbang.
3. Ihanda ang mga Buto ng Pechay
Ang buto ng pechay ang ating gagamitin sa pagtatanim. Maari kang bumili ng buto ng pechay sa pinakamalapit na agriculture store sa iyong lugar. Ang isang pakete ay nagkakaroon ng 50 pataas na buto at nagkakahalaga ng 20 pesos pataas.Makakasiguro ka sa kalidad na ibenebenta sa mga tindahan na ito dahil mayroon silang nilalalagay na pampahaba ng buhay ng buto. Makakasiguro karin na mataas ang porsyento ng pagtubo ng mga buto.
4. Itanim ang Pechay sa Kahong Punlaan
Kapag merong kanang binhi ng pechay ay maari na nating simulang patubuin ito. Kung ikaw ay baguhan sa pagtatanim ay may mga bagay kapa na dapat malalaman.May mga gulay o halaman na kailangan munang patubuin sa isang lalagayan o kahong punlaan bago ito ilipat sa permanenteng taniman, katulad ng pechay. Ang ginagagawa dito ay patutubuin muna saglit ang mga buto at kapag medyo malaki laki na ang halaman saka ito ililipat.
Kaya ganito ang ginagawa sa pagtatanim ng pechay. Gumawa ka kahong punlaan. Kung hindi mo pa alam. Subukan mong maghanap ng litrato sa internet. O kaya itry mo isearch ang seedbox o seedtray. Kapag alam mo na gawin na natin ang susunod na hakbang.
Lagyan mo ng mga lupa ang kahong punlaan. Pagkatapos ay lagyan mo ng mga buto ng pechay ang kahon. Lagyan mo ng tig iisang pulgada ang layo ng bawat buto. Pagkatapos ay takpan mo ng kaunting lupa ang bawat buto. Diligin mo ang mga ito pagkatapos.
Makalipas ang tatlo hanggang pitong araw magsisimula na itong tumubo.
5. Paglilipat ng mga Punla ng Pechay
Kapag tumubo na ang pechay ay maari mo ng ilipat ang mga punla. Kunin mo ang trowel at ang kahong punlaan. Ilipat mo isa isa sa lupang iyong tataniman.Dito na ito permanenteng lalaki at tutubo hanggang sa mag-ani. Gamit ang trowel isa-isanhing alisin sa kahong punlaaan ang mga punla ng pechay. Mag-ingat upang hindi maputol ang mga punla.
Maghukay ka ng isa hanggang dalawang pulgada ang lalim at itanim mo ang isang punla. Maglagay ka ng anim na pulgadang distansiya upang maayos na tumubo ang mga halaman. Diligin mo ang mga ito pagkatapos.
Gawin mo ang paglilipat ng mga punla sa umaga o kaya hapon habang hindi pa mataas ang sikat ng araw.
6. Diligin mo ang Pechay Araw-araw
Sa pang-anim na hakbang sa kung paano magtanim ng pechay ay kailangan ng maraming tubig upang lalong lumaki. Diligin mo ito ng palagian sa umaga at sa hapon.Kapag sapat ang tubig na nakukuha ng pechay ay paniguradong lalaki ito ng mas maayos at mas mabilis.
Makikitaan mo rin na malulusog at malalaki ang mga dahon nito. Pati ang tangkay ay matitibay.
7. Maglagay ka ng Pataba sa Pechay
Ang pataba na aming nirerekomenda ay organikong pataba. Ang organikong pataba ay isang uri ng pataba na walang halong kemikal. Ito ay galing sa mga pinabulok na dahon, damo, dumi ng hayop at mga tira-tirang pagkain.Madali lang ang paggawa ng organikong pataba. Maghukay ka sa lupa ng may isang metro ang lalim at ilagay mo sa loob ang mga dahon, damo at mga nabubulok na mga bagay. Pagakatapos ay takpan mo ito ng lupa. Pagkalipas ng ilang linggo ay mabubulok na ito. Maari mo ng gamitin ito bilang pataba.
Paano ang paglalagay ng organikong pataba sa Pechay? Simple lang kumuha ka ng organikong pataba at ilagay ito sa paanan ng halaman. Ikalat mo ito sa paligid ng bawat halaman.
8. Pag-aani ng mga Pechay
Pagkalipas ng 30 hanggang 45 na araw ay maari mo ng anihin ang mga itinanim mong pechay. Maari mong pitasin ang mga magugulang na dahon ng bawat halaman at lutuin. O kaya naman ay bunutin mo ang halaman at alisin ang mga ugat nito.Salamat sa pagbabasa sa artikulong paano magtanim ng pechay.
Sana ay madami kang natutunan sa araw na ito.
Salamat sa oras mo.
Sana ay masaya ang araw mo ngayon dahil gusto namin na Happy kalang.
Balik ka sa susunod bibigyan kita, hindi pera ngunit bibigyan kita ng mga kaalaman.