May dalawang uri ng kangkong yung kangkong na tumutubo sa mga basa ng lugar at yung isa naman akong ay yung manipis at maliliit ang dahon.
Kung magtatanim ka ng kangkong ang piliin mo yung isang uri ng kangkong na maganda at masarap kapag kinakain.
Yung isang uri kasi ng kangkong na tumutubo sa mga basang lugar ay hindi gaanong masarap at hindi gaanong malasa.
Bago ka magsimula sa pagtatanim ay kailangan mo munang alamin ang uri ng kangkong ngayong Itatanim.
Maaari kang magtanong tanong sa mga magsasaka o kaya sa agriculture store na malapit malapit sa iyong lugar.
Ang pinakamagandang kangkong na variety ay manipis lamang ang kanyang katawan, maninipis at maliliit ang dahon, at maganda ang tubo nito.
Kaya Heto na ang mga hakbang sa kung paano magtanim ng kangkong.
Pumili ka ng lugar
Ang lugar na iyong pagtatanim ang ay kailangan na nasisikatan ng araw. Ang araw ang siyang nagsisilbing pagkain ng mga kangkong upang lalong lumaki at lumago. Kapag kasi nasa lilim ang lugar na iyong pagtataniman ay hindi ito magiging malago.At isa pa ay dapat ang lupa na yung pagtataniman ay maganda. Kapag clay soil o luwad ang lupa sa iyong lugar ay hindi ito Tutubo ng maayos. Loam soil or yung kadalasang lupa na nakikita natin ay maganda yun na magtanim ng kangkong.
Maganda rin kung medyo malapit sa tubigan ang iyong pagtataniman upang lalong lumago ang inyong mga kangkong.
Bumili ng mga binhi ng kangkong
Sa pangalawang hakbang ay kailangan mong bumili ng mga binhi ng mga kangkong na iyong Itatanim. Bumili ka sa pinakamalapit na agriculture Store at sabihin mo na Gusto mong bumili ng binhi ng kangkong.Ang mga nagtitinda ng bilhin ang kangkong ay alam nila ito at Bibigyan ka nila ng isang pakete. Ang isang pakete ng kangkong ay naglalaman ng mahigit sampu o mahigit pang mga buto. Ang presyo naman ito ay nagkakahalaga ng mahigit 20 pesos pataas.
Ang presyo nito at ang dami ng mga buto ay nakadepende Sa madaming bagay katulad ng stock ng mga binhi o kaya sa kalidad ng mga buto. Ang isang bagay na maaasahan mo lang ay ang mga binebentang mga bingi ay maganda dahil ito ay galing sa mga agriculture Store.
Pagtatanim ng mga binhi
Ang ibang uri ng mga gulay katulad ng kamatis, talong at petsay ay kinakailangan mo ng patubuin sa isang Kahong punlaan bago ito itanim sa permanente nitong taniman. Ngunit ang kangkong ay hindi.Maaari mo na itong direktang itanim sa lupa. Di sa pagtatanim sa lupa ay Maglaan ka ng isa hanggang tatlong buto ka da hukay. Ang mga kangkong kasi ay lumalago kaya para maiwasan na mag siksikan ay kailangan na kaunti lamang ang iyong ilalagay ng mga buto.
Maglaan ka ng labing dalawang pulgada ang layo bawat hukay. Pagkatapos ay nilagyan mo ito ng tubig upang magsimula nang tumubo. Kapag ang buto ng kangkong ay nagsisimula nang tumubo Ay di Lagyan mo ito paminsan-minsan upang hindi matuyo.
Kadalasan inaabot ng isa hanggang Dalawang linggo bago ito tumubo. Maaaring paglaruan o sirain ito ng mga alagang hayop katulad nang manok at pato. Kinakailangan na lagyan mo ito ng bakod o kaya itali mo ang mga alagang hayop upang hindi ito makapunta sa iyong taniman.
Kadalasan kinakain ng mga pato at ng manok ang mga dahon nito at maaari din nilang sirain ang lupa dahilan na napuputol ang mga bahagi ng halamang.
Pagkalipas ng 3 hanggang 6 na buwan ay maaari mo nang anihin ang mga kangkong. Ito ay magdedepende sa kung gaano na kalaki ang mga kangkong kung ito ay maliit pa lamang Ay wag na munang anuhin at Maghintay pa ng ilang linggo.
Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulo tungkol sa paano magtanim ng kangkong at sana ay mayroon kang natutunan kahit kaunting kaalaman. Sana ay bumalik ka para magbasa pa ng iba pang mga bagong artikulo sa website na ito.