Breaking

Paano Magtanim ng Gulay

Paano Magtanim ng Gulay
Madaming nagtatanong kung paano magtanim ng gulay ngunit ang termino ng gulay ay napaka lawak. May gulay na talong, petsay, kangkong, kalabasa, upo, patola, sitaw, mustasa at napakarami pang iba. Kung tutuusin ang gulay ay napakalawak at napakarami.

So Kung tatanungin mo kung paano magtanim ng gulay ay dapat alamin mo muna kung anong gulay ang iyong Itatanim. 

Sa pagsisimula ng gulayan ay kailangan mo ng mga kasangkapan. Ang kadalasang ginagamit sa paggugulayan ay ang asarol, pala, kalaykay, sprinkler at mga buto ng mga halaman isama mo na rin ang mga pataba na kakailanganin.

Ngunit isa lang ang masasabi ko halos lahat ng gulay ay pare-pareho lang ang paraan ng pagtatanim. Halimbawa na lang ang upo, patola, kalabasa at kundol.

Sa pagtatanim ng mga gulay na iyon ay kailangan mo munang patubuin ang mga binhi nito. Kapag ang mga binhi ay nagsimula ng tumubo ito ay magiging isang punla.

Ang Punla ng upo, kalabasa, patola at kundol ay nagsisimula ang magkaroon ng mga dahon.

Kapag ang mga Punla ay mayroon na ng apat hanggang limang mga dahon at ito ay meron na ang katamtamang laki ay maaari mo na itong ilipat sa permanenteng taniman nito hanggang sa ito ay lumaki at lumago, hanggang sa magkaroon ng bulaklak at mga bunga.

Ngunit kung gusto mong malaman ang mga hakbang sa pagtatanim ng gulay ay narito ang mga hakbang na makakatulong sa iyo sa pagbuo mo ng iyong gulayan.

Ang unang hakbang sa pagpaplano ng gulayan ay kailangan mo munang bumili ng binhi o ang buto ng gulay na iyong gagamitin sa pagpapalaki ng mga ito.

Pumili ka ng lugar kung saan mo ito Itatanim. Kailangan na ang lugar na yung pipiliin ay na sisikatan ng araw, maganda ang uri ng lupa at makakasigurado kang madidilig mo ito ng tubig.

Kailangan na ang lugar ay na sisikatan ng araw dahil ang araw ang siyang pagkain ng mga gulay.

Kapag hindi nasisikatan ng araw ang mga gulay ay maaari itong hindi lumaki nang maayos. Kailangan na sapat ang nakukuhang sikat ng araw ng mga gulay upang lalo itong lumago at magbunga.

Ang apat na oras ng direktang sikat ng araw ay sapat na upang lumaki ng maayos ang mga gulay.

Kailangan din na lagyan mo ng pataba ang mga gulay kapag ito ay nagsisimula ng lumaki. Ang pataba ay makakatulong sa mga ugat nito na bigyan ng sustansiya ang mga dahon at iba pang mga parte ng katawan ng gulay, mga bulaklak at mga bunga nito.

Kapag maganda ang paglalagay mo ng mga pataba ay lalaki ito ng maayos. Pwede kang bumili ng pataba na nabibili sa mga tindahan ngunit inirerekumenda namin na gumamit ka na lang ng organikong pataba.

Ang organikong pataba ay galing sa mga balat ng prutas, gulay, mga dahon, mga dumi ng hayop at iba pang mga bagay na nabubulok. Ang organikong pataba ay wala itong halong chemical at makakatipid ka pa sa pera.

Kailangan mo din itong diligin araw-araw upang lalo itong lumaki lalo na kung matindi ang sikat ng araw. Ang tubig ay isang sustansiya na makakatulong upang lalong lumaki ang mga dahon, bulaklak at mga bunga nito.

Habang lumalaki ang mga gulay ay mag sisimula na ang mga peste na lumapit sa iyo ng mga gulay. Maaari nilang sirain ang iyong mga halamanan. Maaari kang mag-aplay ng pestisidyo upang maalis ang mga ito.

Kapag may nakita kang mga Uod ay kailangan mong alisin ito dahil siguradong sisirain nila ang mga halamanan. Dahil kakainin nila ang mga dahon nito at pati na rin ang mga bunga.

Ang mga manok pato at iba pang mga alagang hayop ay maaari rin nilang siraan na yung mga halaman. Kailangan na maglagay ka ng bakod upang hindi sila maka pasok sa iyong halamanan.

Ngunit kesa sa lagyan mo ng bakod ang iyong mga gulayan, ay maaari mo na lang itong talian ang mga paa nito at itali sa lugar na hindi makalapit ang mga hayop sa iyong mga halamanan.

Pagkalipas ng ilang buwan ay maaari ka ng mag ani ng mga gulay. Iba-iba Ang Buwan o tagal ng mga gulay bago ito pwede ng anihin.

Katulad ng kamatis at talong kadalasan ito ay inaabot ng mahigit 80 to 120 araw bago anihin. Ang madaling anihin katulad ng pechay, ito ay umaabot lamang ng 30 araw bago ito anihin.

Madami kang maaaring pagpilian ng mga gulay at magiging maganda ito dahil mayroon ka ng pagkukunan ng pagkain.

Maraming salamat sa pagbabasa at sana ay mayroon kang natutunan kahit kaunting kaalaman. Sana ay bumalik ka para magbasa pa ng iba pang mga bagong artikulo sa website na ito.