Breaking

Paano Magtanim ng Malunggay?

Paano Magtanim ng Malunggay
Isang araw may isang lalaki ang naglalakad at nakakita siya ng halaman at biglang nasabi sa sarili, paano magtanim ng malunggay?

Bigla niya pala iyong natanong dahil, nakakita siya ng isang halaman. Ito ay ang malunggay. Ang malunggay na napaka sustansiya at napakaraming benepisyong maidudulot sa ating kalusugan. Magandang itanim at patubuin.

Kung ikaw ay narito para malaman kung paano magtanim ng malunggay, aba heto na at malalaman mo din ngayong araw. Maaring alam mo na ang paraan ng pagtatanim at baka ay nalimutan mo lang kaya ipapaalala namin muli.

Sa artikulong ito ay malalaman mo ang dalawang paraan. Pagtatanim ng malunggay gamit ang sanga at pagtatanim ng malunggay gamit ang buto. Uunahin natin ang pagtatanim ng malunggay gamit ang sanga.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Malunggay gamit ang Sanga
1. Sanga ng Malunggay
2. Itak
3. Tubig
4. Sinag ng Araw
5. Lupa na pagtataniman

Paano Magtanim ng Malunggay Gamit ang Sanga

1. Kumuha ng Sanga ng Malunggay

Paano magtanim ng malunggay gamit ang sanga, madali lang. Una ay kumuha ka ng sanga ng malunggay.

Pumunta ka sa isang lugar na maraming malunggay. Tapos humingi ka ng permiso kung maaari ka bang makahingi ng sanga ng malunggay. Kapag pumayag ay pwedi ka ng kumuha ng sanga ng malunggay. Mag-ingat ka lamang sa aso upang hindi ka makagat.

Sa puno ng malunggay, piliin ang medyo makapal na sanga, medyo magulang na at makakasigurado kang tutubo. Kunin mo ang itak at putulin ang mga sanga. Siguraduhin mong maganda ang pagkakaputol mo at walang natangal na balat sa sanga upang maging maganda ang tubo.

Kapag may mga na alis na balat, bawasan mo uli ang sanga upang maging maganda ang pagkakaputol. Mag-ingat sa paggamit ng itak.

2. Pumili ng Lugar

Sa pangalawang paraan kung paano magtanim ng malunggay, kailangan na pumili ka ng magandang lugar. Ang lugar na iyong pipiliin  ay dapat na nasisikatan ng araw.

Ang araw kasi ay kailangan ng malunggay upang lalong lumaki. Sa sinag ng araw sila kumukuha ng kanilang pagkain na siyang nagpapalusog sa halaman.

Ang lugar din dapat na pipiliin mo ay hindi masyadong basa. Kapag palaging basa kasi ang lupa ay maaring mabulok ang sanga ng malunggay, dahilan upang hindi na magkaugat at hindi na magdahon.

Maganda rin kung ang lupa na iyong pagtataniman ay buhangin. Mas maganda kasi ito para sa malunggay. Ito ay buhaghag at mabilis na sipsipin ang tubig.

3. Pagtatanim ng Sanga Malunggay

Sa pangatlong pagkakataon, este sa pangatlong paraan kung paano magtanim ng malunggay, ay itatanim na natin ito.

Paano ba ito gawin? Kumuha ka ng itak, tubig at sanga ng malunggay. Gamit ang itak o kahit bolo nalang yung hindi ginagamit sa kusina, maghukay na mahigit 10 pulgada ang lalim(10 inches).

Pagkatapos ay ibabad sa tubig ang dulo ng sanga sa tubig ng mahigit 20 segundo. Pagkatapos ay itanim na ito sa lupa. Tabunan ng lupa hanggang sa paligid. Diinan ng paa ang lupa upang lumubog.

Pagkatapos maglakagay ka ng ilang bato sa paligid na magsisilbing gabay upang hindi magalaw ang sanga. Maari kasing makaapekto kapag ginagalaw ang sanga ng malunggay. Pagkalipas ng ilang linggo ay maari na itong tumubo at magkaugat.

Tapos na. Ngayon kung gusto mong malaman kung paano magtanim ng malunggay gamit ang buto ay magpatuloy ka sa pagbabasa. Heto na at madali lang din naman na sundan.

Paano Magtanim ng Malunggay Gamit ang Buto

1. Kumuha ng buto ng malunggay

Sa tanong na paano magtanim ng malunggay, maari mong gamitin ang mga buto sa pagpapatubo.

Kumuha ka ng mga buto ng malunggay. Ang puno ng malunggay ay nagbubunga na naglalaman ng mga buto sa loob. Ang mga buto mula dito ay maari mong gamitin sa pagtatanim.

Dapat na tuyo na ang mga bunga nito upang makasigurado na mataas ang tyansa na tumubo ito.

Maari kang humingi ng mga buto ng malunggay sa mga kakilala mong nagtatanim ng malunggay o sa mga magsasaka sa paligid mo.

Maari ka ding bumili sa agriculture store ngunit maaring mahirapan ka sa paghahanap dahil hindi ito masyadong ibenebenta dulot ng karamihan sa nagtatanim ay gumagamit ng sanga sa pagpapatubo.

2. Itanim ang mga buto sa paso

Bakit kailangan pang itanim sa paso? Kailangan mo munang itanim ito sa paso upang makasigurado ka sa kalidad ng mga punla. Maliban sa paso, maari mo rin itong itanim sa seed tray.

Kumuha ng paso na may mga butas sa ilalim upang makaagos ang tubig. Lagyan mo ng lupa tapos, maghukay ng mahigit 1-2 pulgada. Pagkatapos ay itanim ang isang buto bawat hukay. Pagkatapos ay diligin ito ng tubig. Pagkalipas ng 8 araw tutubo na ang mga malunggay.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng malunggay. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.