Bigla niya palang nakita ang napakayabong na gulay ng upo. Napakarami nitong bunga at napakaganda ng tubo. Nais niya ding kumain nito at ihain sa kanyang minamahal sa buhay.
Kung narito ka para malaman kung paano magtanim ng upo, ay tara at ikukwento namin ang mga hakbang sa pagpapatubo at pagpapalaki nito.
Mga Kailangan sa pagtatanim ng upo
a. Buto ng upo
b. sinag ng araw
c. tubig
d. lupa
e. itak
f. pataba
g. mga kawayan
Kapag mayroon ka ng mga kailangan sa pagtatanim ng upo ay maari na nating simulan ang pagtatanim. Kung wala pa naman ay basahin mo muna ito para magkaroon ka ng kaunting kaalaman buhat sa artikulong ito.
Mga Hakbang kung Paano Magtanim ng Upo
1. Bumili ng buto ng Upo
Isang tanong, paano magtanim ng upo, heto na. Kung baguhan ka palang sa pagpapalaki ng upo, ang una mong gagawin ay kumuha ng mga buto nito.Isa sa pinaka madaling paraan para makakuha ng mga buto, ay bumili sa pinaka malapit na agriculture store. "Alangan naman kasing sa pinaka malayo."
Sa agriculture store makakakita ka ng samo't saring mga buto at napakadami mong pagpipilian. Kapag bibili ka ng buto ng upo, makakasigurado ka sakanila na malaki ang posibilidad ng pagtubo nito
Noong bumili ako ng buto sa kanila, mayroon itong kulay. Ang kulay na nakabalot sa buto ng upo ay isang kemikal na nagpapahaba ng buhay ng buto. Dahil dito, kahit umabot pa ng isang taon ang mga buto, ay tutubo at tutubo parin ito.
Ang isang pakete ng buto ng upo ay maaring mabili mo sa halagang 30+ Pesos na nagkakaroon ng mga 10+ na buto. Hindi na rin masama dahil sa isang buto ay maari itong lumaki at magbunga, mag-ani ng napakaraming bunga ng upo.
Kung ayaw mong bumili, ay maari kang humingi ng mga buto sa mga magsasaka na kakilala mo o malapit sa iyong lugar. Ngunit maari kang ring hindi makakuha buhat ng ang ilan sa kanila ay bumibili rin ng mga buto, o kaya wala na silang buto na natitira.
2. Pagpili ng lugar na pagtataniman
Sa pangalawang hakbang kung paano magtanim ng upo ay kailangan mong pumili ng magandang lugar. Kung sa bakuran mo ito itatanim ay mainam na sa lugar kung saan mahaba ang sikat ng araw.Kung sa tao pagkain ang nagpapabusog, sa halaman naman ay ang sikat ng araw. Ang sikat ng araw kasi ang pinakamahalagang bagay para sa halaman upang mabuhay. Ito ang kanilang pagkain.
Kapag hindi kasi nasisikatan ng araw, ay maaring hindi maging maganda ang tubo nito. Maaring manilaw ang mga dahon at hindi maganda ang tubo.
Kaya kung maari ay pumili ka ng lugar kung saan mas nasisikatan ng araw. Maganda rin na loam soil ang lupa na mayroon sa lugar dahil angkop ito para tumubo ang mga upo.
3. Pagtatanim ng Buto ng Upo
Sa pangatlong hakbang sa kung paano magtanim ng upo, ay itatanim na natin ito.Kunin mo ang buto ng upo, tubig at itak. Sa lugar kung saan mo balak itanim ang mga buto ng upo ay maghukay ka ng mahigit isang pulgada ang lalim. Pagkatapos ay tabunan mo ito ng lupa. Diligin mo ito pagkatapos.
Pagkalipas ng mga 6-10 araw ay tutubo na ang mga buto ng upo. Kapag medyo lumalaki na ito, ay dagdagan mo ang lupa sa paligid upang lalong lumago. Huwag mong hayaan na lumutang ang mga ugat nito sa lupa.
4. Diligin mo ito araw-araw
Sa pang-apat na hakbang sa kung paano magtanim ng upo, ay kailangan mo itong diligin araw-araw. Ang tubig ang isa rin sa pinaka mahalagang bagay sa paglaki ng mga upo.Kailangan na tama lamang at huwag sobra ang pagdidilig. Medyo dagdagan mo ang tubig kapag medyo lumalaki na at kapag medyo mainit ang panahon.
5. Paglalagay ng Pataba
Isa sa mga hakbang kung paano magtanim ng upo ay ang paglalagay ng abono o pataba. Ang pataba ang isa rin sa kinakailangan ng upo upang lalong lumago. Ang pataba ang magsisilbing sustansya nagpapalusog pa palo sa halaman.
Kaya nararapat na maglagay ka ng abono. Mas mainam kung ang ilalagay mo ay ang abono na walang halong kemikal, puro at maganda sa kapaligiran pati na sa kalusugan. Ito ang organikong pataba.
Napakaraming paraan kung paano gumawa nito. Maari kang manood ng mga videos sa youtube or magsearch sa google.
Pero maari ka rin namang gumamit ng patabang nabibili sa tindahan.
Pero mas nirerekomenda namin na gumamit ka pa rin ng organikong pataba sa pagtatanim.
6. Paglalagay ng Trellis
Ano ba ang trellis? Ito yung ginagapangan ng upo. Katulad nung sa ampalaya at kalabasa. Dito lumalaki ang mga baging ng upo. Kailangan mong maglagay nito upang lalong lumaki ang mga upo.Maganda rin ito upang ang mga baging at mga bulaklak nito ay maging ligtas. Kapag lumaki na ng lumaki ay makakatulong ang trellis sa paglaki pa nito.
7. Pag-aani
Pagkalipas ng mahigit tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng mga upo. Ito na ang pinaka huling hakbang sa kung paano magtanim ng upo. Aanihin mo na.Ang mga upo ay maari mong ipagbili lalo na kung marami naman ang iyong ani. Ang iba ay ihain at lutuin ng mag-anak.
Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng upo. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.