Breaking

Paghahalaman: Ano ba ang Magandang Naidudulot?

Paghahalaman: Ano ba ang Magandang Naidudulot
Ang paghahalaman ay isa sa mga pinaka masayang gawain sa labas ng bahay.

Dito ay maari kang magpatubo at magpalaki ng mga puno, bulaklak mga halaman at iba-iba pa. May mga halamang gamot din na nakakatulong sa ating kalusugan. Higit pa roon madami pang pakinabang ang paghahalaman at alamin natin ang mga ito.

7 Kabutihang Dulot ng Paghahalaman

1. Nagbibigay ng pagkain sa mga tao.

Isa sa mga kabutihang dulot ng paghahalaman ay ito ay nagbibigay ng pagkain.

Ang mga halaman kagaya ng puno ay nagbibigay ng mga prutas na ating kinakain. Masarap ang mga prutas at nakakabusog ito. Masarap kainin dahil matamis.

Ang mga halaman din gaya ng mga gulay ay nagbibigay ng gulay na pinang uulam natin sa araw-araw. Maaaring sahugan ng isda ang gulay upang lalong sumarap.

Ang mga halamanan ay nagbibigay ng pagkain upang tayo ay mabuhay. Madaming halaman madaming pagkain.

2. Nagpapalusog at nagpapalakas ng katawan.

Isa pang magandang dulot ng paghahalaman ay nagpapalusog at nagpapakas ito ng katawan.

Ang mga prutas ay nagtataglay ng ibat-ibang uri ng bitamina at mineral. Ang mga ito ay nakakatulong sa ating katawan upang lalong lumusog.

Kapag madami kang kinain na mga prutas ay makakauha ka ng maraming biramina na tutulong sayo upang lalong maging malusog. Nagpapalakas din ito ng katawan.

Ang mga gulay din ay nagtataglay ng mga sustansiya na kailangan ng ating katawan. Ang mga bitamina at mineral na nanggagaling mula dito ay tutulong upang maging masigla at malusog ang iyong pangangatawan, dahilan upang hindi ka agad-agad dadapuan ng anumang sakit.

Kapag malakas ang iyong katawan at ika'y malusog magiging maayos ang iyong pang araw-araw na pamumuhay.

3. Nagpapaganda ng paligid.

Ang paghahalaman din ay nakapagpapaganda ng paligid.

Ang mga berderng dahon ng puno ay nakapagpapaganda ng paligid. Makikita mo ang mga nagsasayawang mga puno dahil sa saliw ng hangin. Maganda ang mga puno dahil sa mga hinog na prutas na makikita mo.

Ang mga gulay din ay nakakaganda sa ating paningin. Kapag nakita mo ang mga gulay na hitik na hitik sa bunga ay siguradong masisiyahan ka.

Ang mga bulaklak din ay isa din sa mga nakakapagpaganda ng paligid. Ang mga bulakalak na makukulay ay nakaka ganda ng paligid. Kapag nakakita tayo ng madaming bulaklak na makukulay ay nakakasiya ito sa atin.

4. Nakakaginhawa ng pakiramdam.

Ang paghahalaman ay nakapagdudulot din ng kaginhawaan sa pakiramdam. Bakit at sa paanong paraan?

Kapag kumain ka ng mga prutas ay nagtataglay ito ng mga bitamina at mineral na nagpapalakas sa atin. Kapag tayo ay malakas nakakaginhawa ito ng pakiramdam.

Masarap kumain sa totoo lang. Ang masasarap na prutas lalo na yung bagong kuha sa puno. Tapos ay kakainin niyo ay mabuti sa kalusugan.

Isa pa kapag mayroon kang halamanan sa iyong bakuran ay mawawala ang iyong stress. Paano? Kasi kapag nagtanim ka tapos nakita mo na tumutubo na ito ay masisiyahan ka. Parang makakalimutab mo na may problema ka.

Saka kapag nagsimula na itong magsibol ng mga bulaklak at sa ilang linggo pa ay magbubunga na ito ay sobrang masisiyahan ka talaga. Dahil lahat ng pagod at paghihirap mo ay nagbunga.

5. Nagbibigay ng sariwang hangin.

Ang mga punong kahoy, bulaklak, mga gulay at iba pang halaman ay nakapagbibigay ng sariwang hangin.

Dahil dito ay nakakalanghap tayo ng masarap at sariwang hangin. Kailangan natin ng hangin upang mabuhay. Ang mga dahon ng mga halaman ay gumagawa ng mga oxygen na kinakailangan nating mga tao upang mabuhay.

Kailangan nating magtanim ng madaming halaman upang makalanghap ng sariwang hangin. Kapag sariwa ang hangin ay siguradong hindi tayo magkakasakit. Magigi tayong malusog kapag ganuon.

6. Pumipigil sa pagbaha.

Ang isa sa kagandahan ng paghahalaman ay maari nitong pigilan ang pagbaha. Sinisipsip kasi ng mga ugt ng puno ang mga tubig dahilan upang maiwasan ang pagbaha.

Ang mga maliliit na uri ng halaman ay sumisipsip din ng tubig ngunit sa maliit na bahagan lamang. Ngunit kahit kaunti lamang ito ay nakakatulong parin.

Kung magtatanim ka ng maraming puno ay mas kakasigurado kang makakatulong ito upang baha ay maiwasan.

7. Napagkakakitaan ng mga tao.

Ang paghahalaman ay nagbibigay din ng kita sa tao. Paano?

Kapag nagtanim ka ng mga gulay at ito ay nagbunga, maari mong ibenta ang mga bunga nito upang mayroon kang mapagkunan ng pera.

Ang mga punong kahoy din ay nagbubunga. Maari mo rin itong ibenta at kumita. Madaming bunga madaming kita.

Ang mga bulaklak din ay isa sa pinaka mabentang halaman. Ang mga magagandang bulaklak ay ibenibenta kapag may kasal, valentines day o kaya araw ng mga patay.

Ang ilang tao ay nagkukulekta ng mga bulaklak bilang palamuti sa kanilang tahanan. Ang ilan pa ay nagpaparami ng mga bulaklak dahil hilig talaga nila ito.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa paghahalaman. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana ay maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.