Breaking

Paano Magtanim ng Ampalaya?

Paano Magtanim ng Ampalaya
Isang araw may isang taong nagtanong kung "paano magtanim ng ampalaya"? Nabigla ako, at yung tao na yun ay narito na. Ikaw na nagbabasa ng pangatlong pangungusap na to. At patuloy na nagbasa patungo sa pang apat na pangungusap.

Tara na ito na nga ang hinahanap mo. Alamin kung paano magtanim ng ampalaya ngayong araw. Hindi mamaya, hindi bukas, ngayon at ngayon na din. Tara ano pang hinihintay mo. Kuha ka ng kape habang binabasa mo ito. Tapos isang pandesal na kakainin natin.


Bago ang lahat, lumayo oh. May kasama kang kapatid, kaibigan hanggat ako'y humihinga may pag-asa pa. Hu wo hu wo hallelu, halleluyah.

Este bago ang lahat narito ang ilan sa mga kailangan mong mga kagamitan upang mapadali kung paano magtanim ng ampalaya.

a. Buto ng ampalaya
b. tubig
c. sinag ng araw
d. kutsilyo o itak o bolo
e. trowel
f. pataba

Mga Hakbang Kung Paano magtanim ng Ampalaya

1. Pumili ng Maaliwalas na Lugar

Ito ang isa sa dapat mong tandaan. Kung ikaw ay nagtanong kung paano magtanim ng ampalaya. Kapag magtatanim ka ng ampalaya, piliin mo yung lugar na nasisikatan ng araw.

Syempre naman araw ang isa sa pinaka kailangan ng ampalaya. Kung wala ang araw paano mabubuhay ang ampalaya? Kung wala siya wala ding saysay ang buhay ko. Yung araw ang tinutukoy ko.

Dapat nasisikatan ang lugar na mahigit anim na oras. Kailangan mong maintidihan na hindi lalago ng mabilis at malago ang ampalaya kung kulang siya sa sustansiya na nagmumula sa araw.

Kailangan mong pakainin ng pakainin ng sikat ng araw ang mga dahong ng ampalaya na siguradong magpapalago at magpapalaki ng tubo nito.

2. Ihanda ang Taniman

Pangalawang dapat tandaan sa kung paano magtanim ng ampalaya. Swempre naman. Kung magtatanim ka ng ampalaya aba, saan ba natin ito itinatanim. Edi sa lupa. Saang lupa mo ba gustong itanim? Pwedi kasing itanim yan direkta sa lupa o sa paso.

Ito halimbawa na gusto mong itanim ito sa direkta sa lupa ito ang dapat nating gawin. Ihahanda natin ang lupa upang maging masaya si ampalaya.

Pumunta ka sa lugar. Suruin mo kung saang pwesto ang mas higit na nasisikatan ng araw. Tapos ito ang piliin mo. Hindi masayadong nangangailangan ng lupa ang ampalaya dahil ito ay isang baging na gulay. Isang maliit na espasyo lamang ay pwedi ng pagtaniman ng ampalaya.

Ngayong napili mo na ang pwesto ay sumulan mo na itong ihanda. Alisin mo ang mga nakakalat na mga bato, lata, plastik, basura o kahit ano pang nakakalat na hindi naman kailangan.

Pagkatapos ay bungkalin mo ito ng asarol, pala o kahit bolo. Alisin ang mga damo sa na bungkal na lupa. Pagkatapos ay pinuhin mo ito. Ngayon ay handa na ang iyong lupang pagtataniman ng ampalaya.

3. Kumuha ng mga Binhi ng Ampalaya

Sa pangatlong hakbang sa kung paano magtanim ng ampalaya, ay kailangan mong kumuha ng mga binhi ng ampalaya. Maari kang bumili ng mga buto sa pinakamalapit na agriculture store o sa mga pamilihan ng mga binhi.

Makakabili ka ng isang maliit na supot ng mga binhi ng ampalaya sa halagang 50+ Pesos na halaga. Maganda ang kalidad ng mga binhi na benibenta nila kaya makakasigurado ka sa mabibili mong mga buto ng ampalaya.

Maari ka ring humingi sa ilang mga magsasaka sa iyong lugar. May mga nagtatanim din kasi ng ampalaya na naglilikha ng mga buto. Sa isang prutas ng ampalaya maari ka kasing kumuha ng mga buto mula doon.

Kapag hinog na ang ampalaya, makikita mo sa loob ang mga buto na nakabalot sa pulang bagay at maari ng itanim ang mga buto dahil ito ay handa na.

4. Pagtatanim ng Ampalaya

Sa pang-apat na hakbang sa kung pa paano magtanim ng ampalaya, ay sisimulan na natin ito. Kumuha ng dalawang binhi ng ampalaya. Kumuha ka rin ng bolo or trowel na gagamitinna panghukay.

Humukay ka sa lupa ng mahigit 1 hanggang 2 pulgada(inches). Tapos ilagay mo sa hukay ang mga buto. Takpan mo ito ng lupa at diligin pagkatapos.

Kung malawak ang lugar na pagtaniman mo ay maglaan ng apat na metro ang layo bawat hukay at magtanim uli ng dalawa pang buto bawat hukay. Kailangan mong maglaan mg espasyo upang makagalaw ng husto ang mga baging ng ampalaya kapag ito ay nagsimulang gumapang na.

Pagkalipas ng 5 hangang 12 na araw, ay magsisimula ng tumubo ang mga buto ng ampalaya. Ingatan mong hindi sirain ng mga alagang hayop ang mga halaman upnag lalo pa itong lumago.

5. Diligin mo araw-araw

Upang lalong lumaki at lumago ang mga ampalaya, kailangan mong maglaan ng oras sa pagdidilig dito. Huwag mong hayaan na matuyuan ng lupa ang mga ampalaya.

Ang tubig ay isa sa kailangan ng mga halaman kaya diligin mo dapat ito araw-araw. Ito na rin ang isa sa paraan ng pag-aalaga mo sa halaman, katulad ng pag-aalga mo sa iyong mahal sa buhay.

Diligin mo ito isang beses sa umaga at isang beses din sa hapon. Pag nagawa mo ang challenge pasok ka na sa next round ng kompetisyon.

6. Maglagay ng pataba

Kailangan din ng ampalaya ng pataba upang lumaki. Ang pataba na dapat mong gamitin ay organikong pataba. Ang organikong pataba, ay pataba na walang halong kemikal. Ito ay puro at hindi nakakasama sa kalusugan.

Maari kang gumawa ng sarili mong pataba o kaya ay bumili. Sa paggawa ng pataba ay maghukay ka sa lupa ng mahigit isang metro ang lalim tapos ay ipaghalo halo mo sa loob ang mga damo, dahon, dumi ng hayop, tirang pagkain o kung anu-ano pang nabubulok na bagay.

Maari kang gumamit ng mga pataba na nabibili, pero nirerekomenda namin na gumamit ka ng organikong pataba.

7. Maglagay ng Trellis

Sa pang pitong paraan kung paano magtanim ng ampalaya, ay kailangan mong gumawa ng trellis. Ano ba ito? Ito yung ginagapangan ng ampalaya. Ah oonga nakakita na nga ako niyan.

Kung nakakita ka na, gayahin mo yung ganun. Maglagay ka noon para lumaki ng lubos ang ampalaya.

8. Pag-aani ng Ampalaya

Pagkalipas ng 3 hanggang 4 na buwan, ay maari ka ng magsindi ng kandila. Este mag-ani ng mga ampalaya. Sa ganitong gulang makikita mo na ang magulang na ampalaya na maari ng kainin o lutuin at kainin ng pamilya o maari mo ring ibenta.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng ampalaya. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.