Paano magtanim ng palay? Narito ang mga hakbang sa pagtatanim ng palay;
- Pag-aararo
- LandMasher
- Pagpupunla
- Pagsusuyod
- Pagpaplantsa
- Paglilipat Tanim
- Paglalagay ng Abono
- Pagpapatubig
- Pag-aani
Kailangan ng tao ng pagkain sa araw-araw upang mabuhay, at isa pa ang pagmamahal.
Paano Magtanim ng Palay
1. Pag-aararo
Bago ka makapagtanim ng palay ay kailangan mo munang ihanda ang iyong lupa. Kailangan na basa at malambot ang lupa upang madali itong bungkalin. Ang mga magsasaka ay nagpapatubig muna bago gawin ang hakbang na ito.Kinakailangan mong gumamit ng araro at kalabaw. Ito ang isa sa pinaka ginagamit na paraan ng mga magsasaka upang araruhin ang lupa.
Sa pag-aararo ng lupa, ay hahawakan ang araro at maglalakad ang kalabaw. Dahil sa pwersa na mayroon ang kalabaw ay nahahatak nito ang araro at dahil dun nabubungkal na ang lupa. Ang magsasaka naman ay hinahawakan ang araro at maglalakad sila pareho ng kalabaw.
Isang mahabang bungkal ng lupa ang magagawa at madami pa ang malilikha hanggang sa mabungkal na lahat ng lupa.
Maari ding gumamit ng makabagong teknolohiya gamit ang landmasher. Mayroon din kasi itong isang klase ng pang-araro sa lupa at madaling gamitin.
2. Landmasher
Pagkatapos na maararo ang lupa ay kailangan na itong pinuhin. Gamit ang handtractor ay pinipino nito ang lupang binungkal. Kailangang gawing pino ang lupa upang madali itong pagtaniman. Kapag pino ang lupa mas madaling ibaon sa lupa ang mga punla na itatanim.Sa paggagamit ng handtractor ay kailagan na lagyan ito ng goma mula sa maliit na bilog hanggang sa malaking bilog na makina sa gilid. Ang goma ang tutulong upang umikot ang makina at umandar ang tractor.
May mga matutulis na bakal ang gulong ng tractor na siyang pumipino sa lupa. Sa bawat daan ng tractor, napipino nito ang mga dinadaan na lupa. Hahawakan ng magsasaka ang dalawang hawakan ng tractor na parang nagmamaneho ng motorsiklo.
May preno din ang tractor kaya humihinto din ito kapag gusto ng pahintoin. Kailangan ng pag-iingat sa paggamit nito upang maiwasan ang aksidente.
3. Pagpupunla
Ang susunod na gagawin ay pagpupunla. Ano ba ang pagpupunla?Ang pagpupunla ay paraan ng pagpapatubo ng mga binhi sa isang kamang taniman(seed bed). Sa pamamagitan nito pinapatubo ng maayos ang mga binhi upang kapag ito ay tumubo ay makikita kung may kalidad ba ang mga buto na inilagay at matiyak ang magandang pagtatanim at masiglang ani.
Sa pagpupunla ng palay ay kailagan mong gawin ang mga sumusunod. Kumuha ka ng isang drum o kaya malaking lalagyan. Kumuha ka rin ng kalahating sako ng palay, pero dependi parin ito sa kung gaano kalaki ang iyong palayan. Pagkatapos ay tubig.
Ilagay sa drum ang kalahating sako ng palay at lagyan ng tubig. Kailangan na ang tubig na ilalagay mo ay mas mataas sa palay. Ibabad mo ang mga buto ng palay sa drum ng dalawang araw. Pagkatapos ay ilagay sa sako ang mga palay.
Alisin na ang tubig pagkatapos. Ilagay mo ang basang palay na nasa sako sa ilalim ng sikat ng araw. Kada umaga at hapon ay basain mo ng maigi ang mga palay upang lumabas na ang mga ugat nito. Pag ang mga ugat ay lumabas na ay maari mo ng ilagay ito sa punlaan.
Gumawa ka ng punlaan sa gilid ng iyong palayan. Maglaan ka ng ilang metrong haba na magkakasya ang lahat ng buto ng palay. Pagkatapos ay lagyan mo ng putik sa palibot upang maharangan ang pagpasok ng tubig at maiwasan ang mga kuhol. Pag nagawa mo na ang punlaan ay maari mo ng ilagagay ang mga palay.
Pagkalipas ng ilang araw ay sisibol na ang mga dahon mula rito.
4. Pagsusuyod
Habang ang nga buto ay tumutubo, ay kinakailangan ng suyurin ang lupa. Bakit ba tinawag itong pagsusuyod.Ang ginagamit kasing kasangkapan dito ay parang suyod. Gamit ang suyod ay pinapabuti nito ang lupa. Nakukuha kasi nito ang mga palay na hindi pa masyadong nabulok at inaayos pa nito lalo ang lupa.
Kakailangan parin dito ang kalabaw na siyang maghahatak ng suyod na bakal.
5. Pagpaplantsa
Tinawag itong pagpaplansya dahil parang pinaplansta ang sakahan. Gamit ang isang malapad at mahabang kahoy ay ipa flat ang putik.Sa pamamagitan nito ay maganda at madali ang pagtatanim ng mga punla.
6. Paglilipat Tanim
Sa hakbang na ito ay ililipat na ang mga punla sa taniman. Ang mga palay na punla ay maari nang ilipat kapag may katamtaman na itong laki.Gagawa ng mga linya sa putik at ang mga linyang iyon ang magsisilbing gabay sa pagtatanim ng mga palay. Pagkatapos ang mga grupo ng magsasaka ay magsisidatingan upang magtanim ng mga punla.
7. Paglalagay ng Abono
Ang palay ay nilalagyan ng abono. Kapag medyo matangkad na ang palay ay lalagyan ito ng pataba. Ang pataba ang tutulong sa palay upang mabilis na tumubo at lumaki.8. Pa tubig
Kinakailangan ng palay ng patubig upang lalong lumaki at lumusog. May mga araw na sobrang init na natutuyo ang mga sakahan. Kapag ganito ay kailangan ng palay ng tubig.May mga paraan na ginagawa ang mga magsasaka upang mapatubigan ang mga palayan.
9. Pag-aani
Pagkalipas ng limang buwan ay maari ng mag-ani ng palay. Sa pag-aani ng palay ay pinuputol ang mga ito at pagkakatapos ay ilalagay ito sa tresher upang maalis ang mga butil ng palay.Maari ding gumamit ng makabahong teknolohiya na ginagamitan ng isang sasakyan na nag-aani ng palay. Sa ganitong paraan ay mas napapadali ang pag-ani ng palay.
Salamat sa pagbabasa. Sana ay nakakuha ka ng kahit kaunting impormasyon mula sa site na ito. Salamat sa oras sa pagbabasa. Batid namin na masaya ka sa araw na ito at bumalik ka para sa mga panibagong kaalaman at panibahong artikulo na makakatulong sa iyo. Muli maraming salamat.