Paano gumawa ng organikong pataba? Gamit ang pala, maghukay sa lupa ng mahigit isa hanggang tatlong metro ang lalim. Pagkatapos ay ilagay sa loob ng hukay ang pinagpatung patong na mga damo, papel, dahon, tirang pagkain, mga dumi ng hayop at mga bagay na nabubulok. Takpan ito ng lupa pagkatapos. Diligin at lagyan ng plastik ang ibabaw pagkatapos. Pagkalipas ng ilang linggo ay maari mo ng gamitin ang organikong pataba.
Mga Kailangan sa Paggawa ng Organikong Pataba
- Pala
- Tubig
- Damo
- Dahon
- Papel
- Maliliit na Piraso ng Kahoy
- Tirang Pagkain
- Dumi ng Hayop
- At iba pang nabubulok na bagay
Hakbang sa Paggawa ng Organikong Pataba
1. Maghukay ng 1-3 Metrong Lalim
Kunin mo muna ang iyong kasangkapan na panghukay sa lupa. Gamit ang pala maghukay ka sa lupa ng isa hanggang tatlong metro ang lalim. Ang sukat na iyan ay tamang tama lang sa gagawing organikong pataba.Maari mong gawing pabilog o kaya parisukat ang angulo ng compost pit na gagawin mo. Pumili ka ng lugar na akma at medyo malayo sa iyong bahay upang hindi makaapekto ang amoy mula rito.
2. Kumuha ng mga Nabubulok na Bagay
Ang organikong pataba ay gawa sa mga nabubulok na bagay. Kaya kailangan mong kumuha ng mga nabubulok na bagay gaya ng damo, dahon, papel, maliliit na piraso ng kahoy, tirang pagkain, dumi ng hayop at iba pang nabubulok na bagay.Pagkapos mong makakuha ng mga nabubulok na bagay ay pagpatung patungin mo ito. Maari mong sundin ang pagkaka sunod-sunod ng mga bagay sa ibaba.
1 ang pinaka ibabaw, 11 ang pinaka ilalim
- 1. Lupa
- 2. Damo
- 3. Dahon
- 4. Lupa
- 5. Tirang Pagkain
- 6. Dumi ng hayop
- 7. Dahon
- 8. Damo
- 9. Maliliit na piraso ng kahoy
- 10. Lupa
- 11. Dahon
3. Tabunan ng Lupa ang Compost Pit
Pagkatapos mong mailagay sa compost pit ang mga nabubulok na bagay ay tabunan mo ito ng lupa. Ang lupa ay makakatulong upang hindi kumalat ang hindi kaaya ayang amoy.Maari ka kasing maka amoy ng hindi kaaya aya dahil na rin sa pagkabulok ng mga bagay na nasa compost pit. Maglagay ka ng lupa sa ibabaw.
4. Diligin ng Tubig ang Compost Pit
Pagkatapos mong mailagay sa loob ng compost pit ang mga nabubulok na bagay at natabunan mo na ng lupa ang ibabaw, ay diligin mo ito ng tubig.Ang tubig ay makakatulong sa mabilis na pagkabulok ng mga damo at dahon at ilan pang mga bagay na iyong inilagay. Diligin mo ng tama at makakasigurado kang mabubulok ito sa tamang oras at pahanon.
5. Takpan ng Plastik ang Ibabaw
Lagyan mo ng plastik ang ibabaw upang maiwasan ang pagkatuyo ng lupa. Dahil sa plastik sa ibabaw, ang tubig ay maiiwasan na mag evaporate. Pagkatapos mong malagyan ng plastik ay lagyan mo din ito ng lupa upang hindi tangayin ng hangin.Pagkalipas ng apat hanggang walong linggo ay bulok at maari mo ng gamitin ang mga organikong pataba.
6. Kumuha ng Timba
Pagnabulok na ang mga pataba ay maari mo ng kunin ito at ilagay sa pananim. Kumuha ka ng pala at simulang alisin ang lupa sa ibabaw.Pagkaalis mo ay makikita mo ang lupa na medyo maitim senyales na bulok na ang mga bagay na iyong inilagay. Simulan mong ilagay ito sa timba. Ang timba ay magsisilbing lagayan mo ng organikong pataba para ilagay sa mga pananim.
7. Lagyan ng Organikong Pataba ang Halaman
Sa paglalagay ng organikong pataba ay madali lang ang proseso. Ilagay ang mga pataba sa paanan ng lupa. Maari mo rin bungkalin ang palibot ng halaman at saka mo ilagay ang pataba.Ang pataba na iyon ay makakasigurado kang makakatulong sa halaman at sa lupa. Magiging mas mataba ang lupa dahil pinapataba nito hindi lang ang halaman pati na ang lupa.