Paano magtanim ng patola? Sa pagtatanim ng patola ay kumuha ka ng mga buto ng patola. Humanap ka ng lugar kung saan mo ito itatanim. Itanim ang mga buto ng patola sa lupa na may lalim na isa hanggang dalawang pulgada at may distansya na tatlo o mahigit pang metro. Diligin ito tuwina at lagyan ng pataba. Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng mag-ani ng patola.
Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Patola
- Buto ng Patola
- Pataba
- Asarol
- Trowel
- Balag
- Tubig
- Sikat ng Araw
1. Humanap ng Lugar na Pagtataniman
Kung ikaw ay magtatanim ng patola ay kailangan mong isaalang-alang ang sikat ng araw. Kailangan ang lugar na iyong pagtataniman ng patola ay nakakasagap ng madaming sikat ng araw. Ang sikat ng araw kasi ang magsisilbing pagkain ng halaman at ito ang magbibigay ng masiglang pagtubo ng gulay.Kung ang lugar na napili mo ay sa iyong bakuran lamang ay maari mo ng piliin ito. Piliin moa ng lugar na madaming sikat ng araw ang nasasagap.
2. Ihanda ang Lupang Pagtataniman
Gamit ang iyong kasangkapan sa pagtatanim kagaya ng asarol, bungkalin moa ng lupa. Mas maganda nab ago mo itanim ang gulay na patola ay bungkalin mo muna ang lupa saka mo taniman.Madali kasing tumubo ang gulay kapag ang lupa ay buhaghag. Kunin moa ng asarol at bungkalin ang lupa. Alisin mo ang mga damo na magiging kaagaw ng halaman sa pagtubo. Alisin mo din ang mga nagkalat na mga bato, mga kahoy at mga ugat ng kahoy na makakahadlang sa iyong pagtatanim. Pagkatapos ay maari na tayong magtanim ng patola.
3. Itanim ang mga Buto ng Patola
Kailangan mo ng mga buto sa pagpapatubo ng patola. Maari kang makabili ng mga ito sa pinaka malapit na agriculture store dahil nagbebenta sila ng mga buto nito. Ang isang pakete ng buto ng patola ay naglalaman ng mahigit 15+ buto at nagkakahalaga ng 20 Pesos pataas.Sa lupang iyong inihanda ay itanim ang mga binhi ng patola na may lalim na isa hanggang dalawang pulgada. Maglagay ka ng mahigit tatlong metro ang layo bawat buto dahil malawak at malapad ito kung tumubo. Gumamit ka ng trowel upang mapabilis ang iyong pagtatanim.
Pagkatapos mong maitanim ang mga butong patola ay tabunan mo ito ng lupa. Diligin mo din pagkatapos upang magsimula ng tumubo. Pagkapos ng apat hanggang pitong araw ay magsisimula ng tumubo ang mga patola.
4. Maglagay ka ng Pataba
Bawat halaman ay kailangan ng pataba upang lalong lumaki at tumubo. Sa pamamagitan ng pataba ay makakasigurado kang tutubo at lalaki ng maayos ang iyong mga tanim sa bakuran. Kung maglalagay ka ng pataba sa patola ay nirerekomenda naming ang organikong pataba.Ang organikong pataba ay isang pataba na walang halong kemikal. Magandang gamitin ang organikong pataba dahil maganda ito sa kalusugan ng tao. Higit padun ay makakatipid ka sa pera at mapapangalagaan pa natin ang kalikasan.
Ang organikong pataba ay gawa sa mga pinabulok na dahon, damo at mga bagay na nabubulok. Madali lang ang paggawa nito. Basahin moa ng isang artikulo na matatagpuan sa ditto sa blog na ito, paano gumawa ng organikong pataba.
Sa paglalagay ng pataba ay simple lang ang gawin. Kumuha ka ng pataba at ilagay mo ito sa isang lalagayan kagaya ng timba. Pagkatapos ay pumunta ka sa bakuran kung saan ka nagtanim at ilagay mo ang pataba. Kumuha ka ng madaming pataba at ilagay mo ito sa paan ng gulay.
Maari mo ding bungkalin ang palibot ng gulay saka mo ilagay ang pataba. Makaktulong ang mga ito sa paglago ng patola.
5. Diligin mo ang Patola araw-araw
Bawat halaman ay kailangan ng tubig upang mabilis ang paglaki nito. Kailangan mong diligin patola parati lalo na kung tag-init. Huwag mong hahayaan na matuyuan ng lupa ang gulay upang matiyak ang pagkabuhay nito.Sa pagdidilig ng halaman ay maari kang gumamit ng tabo at timba. Kumuha ng tubig at diligin ang mga ugat nito. Mas maganda kung didiligin mo ito sa umaga ng 6-7 am. At 4-5 pm ng hapon.
Hindi mo kailangang araw-arawin ang pagdidilig sa gulay. Basta nadidilig mo ito ng maayos ay makakasigurado ka sa pagtubo.
6. Maglagay ka ng Balag
Habang patuloy na tumutubo ang halaman ay magsisimula na itong gumapang, kailangan mong maglagay ng balag. Ang balag ang magsisilbing gabay ng halaman sa maayos na pagtubo nito. Kung mapapansin mo ay halos magkahawig lang ito sa mga gulay na kagaya ng ampalaya, upo, sitaw, bataw, sigarilyas at iba pang mga gumagapang na gulay.Sa paglalagay ng balag ay siguraduhin mong maayos at matatag ang pundasyon upang hindi matumba ang maga ito. Maari kang maglagay ng apat na poste sa apat na sulok at lagyan mo ng mga alambre o kaya mga tali ang ibabaw na pagtutubuan ng gulay.
Maari mo ding pagapangin ito sa ibang mga halaman kagaya ng puno ng manga o kaya ibang puno o halaman na medyo matatayog kung tumubo.
7. Pag-aani ng Patola
Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan ay maari ka ng umani ng mga patola. Sa pag-aani ng patola ay putulin ito sa dulo ng bunga at maglagay ng talong pulgada ang agwat upang maiwasan ang mabilis na pagkabulok nito.Kumuha ka ng basket lalo na kung madaming bunga ang iyong aanihin. Maari mong ibenta nag mga patola upang makadagdag sa perang kailangan ng mag-anak.
Maraming salamat sa pagbabasa sa artikulong ito. Sana ay nakatulong kami kahit kaunting kaalaman. Makakaasa ka na gagawin naming ang lahat upang makatulong kami sa mga tao kagaya mo. Gusto naming na magbigay ng kaalaman lalo na sa mga Pilipino dahil tayo ay iisa at dapat magtulungan ang lahat.
Sana ay masaya ka sa pagpunta sa aming sayt at bumalik ka upang mabasa pa ang ilang mga artikulo na makakatulong lalo na sa pagtatanim.