Sagot sa kung ano ang gagawin kapag sumasakit ang ngipin ay; Ihalo sa isang baso ang kalahating kutsarang asin, maligamgam na tubig, dinikdik na paminta, at binalatan na luya.
Hakbang:
1. Kumuha ng Baso
Kumuha ka ng baso na gagamitin mo bilang lalagyan.2. Kumuha ka ng Maligamgam na tubig.
Ang maligamgam na tubig ang tutulong upang mawala ang pananakit ng iyong ngipin.3. Kumuha ka ng Asin
Kumuha ka ng 1/2 kalahating kutsara ng Asin. Table Salt ang kinakailangan natin. Karaniwan, ito at inilalagay sa niluluto.4. Kumuha ka ng Paminta
1/4 Sangkapat na kutsarang paminta ay kinakailangan natin. Dikdikin mo ito sa maliliit na piraso upang maging maliliit.5. Kumuha ka ng Luya at balatan
Kumuha ka ng luya, hugasan mo at balatan ito. Babalatan natin ito upang mawala ang lasa ng lupa mula dito. Hiwain mo ito sa maliliit na sukat.6. Ihalo halo Ang mga sangkap
Sa baso ilagay ang maligamgam na tubig, asin, dinikdik na paminta at luya. Ihalo ito.7. Imumog ito
Kapag kaya mo na ang init ng tubig ay pwede mo na itong imumog. Imumog mo ito ng 20 segundo. Tatlong o apat na beses mong ulitin ang pag mumog.Mararamdaman mo
Kapag sinimulan mo ng imumog ang gamot na inihalo halo, kailangan mo pang maghintay ng 1 - 5 minutes bago mawala ang sakit. Halos 100% di mo na mararamdaman ang pananakit ng ngipin mo.
Kapag ito'y sumakit kinabukasan ay ulitin mo lang uli ang mga hakbang.
Mga Rason Kung bakit ito ay mabisa.
Ang asin ay may taglay na kakayahan upang puksain ang mga mikrobyo. Ang asin ay makakatulong upang maibsan ang pananakit ng ngipin.
Ang luya ay may kakayahan na pahilumin ang pamamaga ng parte ng katawan. Maganda itong gamitin upang pahilumin at mawala ang pamamaga ng ngipin.
Mga paalala
Kung ang iyong ngipin ay bulok na talaga ay mas mainam na ipabunot mo na ito sa dentista. Mas maganda kasi ito dahil Hindi na maaapektuhan pa ang iba mo pang mga ngipin. Depende kung ilan ang presyo ng pagpapabunot ng ngipin, may mga dentista na Ang singil ay naghahalo sa 100 - 500 kada bunot.
Kapag wala na ang bulok mong ngipin ay hindi mo na mararamdaman ang sakit. Huwag nating tiisin kung pwede namang alisin.
Kapag kasi masakit ang ating ngipin ay hindi tayo makapag focus at concentrate. Hindi natin magagawa ng maayos ang ating mga ginagawa. At kapag masakit ang ngipin ay hindi tayo komportable.
Kapag ikaw ay binunutan na ay maari ka namang mag papostiso. May iba pang bagay na maari ring gawin kung ayaw mo pang ipabunot ang ngipin kayaga ng root canal.
Ang ginagawa dito ay inaayos ang sirang ngipin ngunit ito ay medyo may kamahalan.
Paano maiiwasan ang panakit ng ngipin
Magsipilyo ka tatlong beses araw araw. Ang pagliban sa pagsisipilyo ay nagiging sanhi ng pagkabulok ng ngipin. Kapag ang ngipin ay nabulok ito ay maaaring sumakit.
Mga kailangan upang Hindi mabulok ang ngipin.
- 1. Sipilyo
Ito ay ginagamit upang malinisan mo ang iyong ngipin. Nilalagayan ito ng tooth paste na nagsisilbing panlinis at pampabango ng ngipin, dila at bibig.
- 2. Tooth Paste
Madaming brand ng tooth paste ang maari mong mabili sa tindahan. Kahit anong brand ay maaari mong gamitin. Kailangan mo ito upang malinisan ng maigi ang iyong mga ngipin.
Magkano ba ang Sipilyo
Ang sipilyo ay mura lang naglalaro sa 50 - 500 ang isang sipilyo depende sa brand at quality. Ngunit hindi naman sa halaga ng sipilyo nasusukat ang pagiging malusog ng ngipin.
Ang toothpaste ay nagkakahalaga ng 10 hanggang 200 depende sa brand din. Kapag naka pakete lang ay mura ngunit kunti lang ang laman. Kapag mahal naman at nasa malaking lalagyan ay madami rin ang laman.
Kung kakain ka ng chokolate ay mag sipilyo ka ng maigi. Ang pagkain ng matatamis ay nagdudulot ng cavite in the teeth. Ang cavite ay nagiging sanhi upang umitim at tuluyang mabulok ang iyong ngipin.
Mas maganda Ang ngipin at hindi sumasakit mas maganda ang ating araw at mas magaan sa kalooban.
Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulo tungkol sa "ano ang gagawin kapag sumasakit ang ngipin". Sana ay nakatulong ito upang mawala ang pananakit ng iyong ngipin. Ishare mo din ito sa iba upang makatulong sa mga sumasakit din ang kanilang ngipin.