Alam naman natin na ang vitamin C ay nakakatulong upang iboost ang ating immune system. Kapag malakas ang iyong immune system ay makakaiwas ka sa mga sakit. Ang tanong ay Paano nga ba magtanim ng sili?
Paano magtanim ng sili?
Para magtanim ng sili ay kailangan mo munang magpatubo ng mga buto nito. Gawin ang transplanting makalipas ang tatlo hanggang apat na linggo. Diligin ito dalawang beses sa isang araw at lagyan ng organikong pataba. Pagkalipas ng apat hanggang limang buwan ay maari ka ng mag ani ng mga sili.
Mga kailangan sa pagtatanim ng sili
1 buto ng sili
2 kalaykay
3 asarol
4 Pala
5 organikong pataba
6 Kahong punlaan
7 dulos
Mga hakbang sa pagtatanim ng sili
1 Maghanap ng Lugar na Pagtataniman
Ang unang hakbang sa pagtatanim ng sili ay kailangan mo munang maghanap ng lugar na pagtataniman. Ang lugar na dapat mong piliin ay dapat na isinaalang alang ang mga sumusunod;Ang lugar na iyong pipiliin ay dapat na sisikatan ng araw
Ang araw ang siya ng pagkain ng sili. Kapag mas maraming araw ay mas madali itong lalaki at magbubunga.
Umiwas ka sa lugar na madaming puno dahil ang mga dahon ng puno ay maharangan ang iyong mga halamang sili.
Ang lugar na iyong pipiliin ay dapat malapit sa pinagkukunan ng tubig
Hindi naman ibig sabihin nito na Malapit ka sa Sapa O ilog.
Ang ibig sabihin ay dapat na Malapit ka sa lugar na may tubig dahil ang tubig ay iyong gagamitin sa pagdidilig.
2 Bumili ng binhi ng sili
Ang pangalawa mong gagawin ay maghanap ka ng buto ng sili.
Ang buto ng sili ay iyong gagamitin sa pagpapatubo ng halaman.
Maaari kang humingi sa mga Farmers sa iyong lugar.
Ngunit kung wala kang mahanap ay bumili ka na lamang sa pinakamalapit na agriculture Store.
Ang isang pakete ay maaaring magkahalaga ng Php20 pataas kada pakete. Ang isang pakete ay maaaring maglaman ng 30 hanggang 100 ng binhi ng sili.
3 Patubuin ang sili sa Kahong punlaan
Ang pangatlong hakbang ay pa patubuin mo muna ang mga buto ng sili sa Kahong punlaan.
Sa ganitong paraan mas makikita mo kung aling mga buto ang maganda.
May mga buto kasi na hindi tumutubo.
Ang pagpapatubo ng mga sili sa Kahong punlaan ay Karaniwan nang ginagawa ng mga farmer.
Sa hakbang na ito ay kailangan mong gumawa o bumili ng Kahong punlaan.
Ang Kahong punlaan ay maaaring gawa sa kahoy o kaya naman kung ikaw ay bibili ito ay plastic.
Ang gagawin mo ay Maglagay ka ng lupa sa loob ng Kahong punlaan.
Pangalawa ay ilagay mo ang mga buto ng sili na mayroong distansya.
Tabunan mo ng kaunting lupa ang mga buto ng sili. Pagkatapos ay diligin mo ito na ng tubig.
Pagkalipas ng tatlo hanggang 10 araw ay magsisimula ng tumubo ang mga sili.
4 Paglilipat ng mga Punla
Sa pang-apat na hakbang ay kailangan mong ilipat ang mga Punla sa lugar na iyong pinili.
Gamit ang dulos maghukay ka sa lupa ng may lalim na dalawa hanggang apat na pulgada ang lalim.
Ilipat mo ang isang Punla ng sili sa bawat hukay.
Maglaan ka ng 12 hanggang 18 ng pulgada ng distance sa bawat Punla.
Diligin mo ang mga ito pagkatapos.
Gawin ang paglilipat ng mga Punla sa umaga o kaya naman sa hapon habang hindi pa tirik ang sikat ng araw.
5 Paglalagay ng pataba
Sa ikalimang hakbang ay kailangan mo ang maglagay ng organikong pataba.
Mayroong dalawang uri ng pataba ang organiko at di-organikong pataba.
Ang organikong pataba ay gawa sa natural na mga bagay kagaya ng dahon kahoy dumi ng hayop o ano pang bagay na natural na nabulok.
Ang di organikong pataba naman ay gawa ng tao. Ito yung mga chemical na pataba na nabibili sa tindahan.
Alin ba sa dalawa ang maaari mong i apply?
Maaari mong gamitin ang alin man sa dalawa ngunit inirerekumenda namin na gumamit ka ng organikong pataba.
Ang organikong pataba ay mas mainam na ilagay dahil hindi nito sinisira ang lupa at ang ating kalikasan.
Sa paglalagay ng pataba ay ilagay ito sa paanan ng mga halaman.
Maaari ka ding maghukay ng kaunti sa palibot ng sili at tabunan ito ng lupa pagkatapos.
6 Pagdidilig ng halaman
Kailangan mong diligin ang sili upang maging maganda ang tubo nito.
Diligan mo parati ito dalawang beses sa isang araw.
Ang tubig ay makakatulong upang maging mas berde ang mga dahon at dumami ang mga bulaklak at bunga nito.
7 Pag-aani ng sili
Makalipas ang apat hanggang limang buwan ay maaari ka nang mag-ani ng sili.Nakadepende sa iyong pag-aalaga ang magiging resulta ng mga bunga nito.
Maaari mong anihin ang mga sili na green o kaya naman ito ay kulay pula na.
Maraming salamat sa pagbabasa mo sa artikulong paano magtanim ng sili.
Sana ay mayroon kang natutunan sa pagbabasa sa artikulong ito.
Alam nyo pa ng artikulo ang makikita at susubukang bumalik sa mga susunod na mga pagkakataon.