Breaking

Asarol: Kasangkapang Madalas Gamitin sa Pagtatanim

Asarol: Kasangkapang Madalas Gamitin sa Pagtatanim
Ang asarol ay isang kagamitan sa pagtatanim ng palaging ginagamit na pambungkal ng lupa. Ang kagamitang ito ay nakakatulong upang mapabilis ang paghahanda ng kamang tataniman. Sa pamamagitan nito madaling mabubungkal ang lupa upang taniman ng mga halaman.

Ngunit sa artikulong ito ay tatalakayin namin kung ano ba ito, saan ba ito ginagamit, paano ito aalagaan at madami pang iba. Kung nais mong malaman ang mga ito ay magpatuloy ka sa pagbabasa.

Ano ang asarol?

Ang asarol ay isang uri ng kagamitan sa paghahalaman na pambungkal ng lupa. Ito ay mayhawakan na kahoy at ang dulo nito ay may bakal na matalim na nagsisilbing pambungkal ng lupa. Ito ay ginagamit ng mga nagtatanim upang ihanda ang lupa.

Gaano ba kahaba ang kasangkapang ito?

Ang asarol ay umaabot sa isang metro ang haba. Ang hawakan nito ang nagpapahaba dito. Ang bakal na pambungkal sa lupa ay manipis lamang ngunit matalim. Matibay ang kagamitan nito at dapat na panitilin ang kaayusan at kalagayan nito.

Paano ba ito ginagamit?

Ang asarol ay ginagamit sa pamamagitan ng paghawak nito sa hawakan at ipapambungkal sa lupa. Ito ang kasangkapan na palaging ginagamit ng mga nagtatanim lalo na sa paghahanda ng lupa. Bago kasi magtanim ay kailangan muna na ihanda ang lupa upang maging madali ang iyong pagtatanim.

Sa pamamagitan ng kasangkapan nito ay madali mong matatanggal ang mga damo dahil buhaghag na at malambot na ang lupa. Hindi na mahihirapan na linisin ang lugar na pagtataniman at mapapadali ang paghahanda nito.

Saan ba ginagamit ang asarol?

Ang asarol ay kalimitang ginagamit sa paghahanda ng kamang taniman. Halimbawa magtatanim ka ng mga petsay. Kailangan munang bungkalin at ihanda ang lupa bago mo itatanim ang mga buto ng petsay.

Maari ring gamitin ang asarol kapag gagawa ng mga diki na dadaluyan ng tubig patungo sa mga tanim. Higit paron ay pinapadali ang mga gawin dahil sa kasangkapang ito.

Sino ang maaring gumamit ng asarol?

Kalimitan ang mga nagtatanim ang gumagamit nito, ngunit maari ring kahit sinong tao ang gumamig nito. Halimbawa wala kang hilig sa pagtatanim ngunit bigla mong napansin at napagtanto na maganda ang naidudulot ng pagtatanim at naisipan mong gumawa mg gulayan, ay maaari mo ring gamitin ang asarol.

Ang mga mag-aaral din sa paaralan ay gumagawa ng gulayan sa paaralan. Sila rin ay gumagamit ng asarol upang mapabilis ang paghahanda sa mga ito.

Kailan Maaring Gamitin ang Asarol?

Kahif kailan ay maari mong gamitin ang asarol. Ngunit kadalasan ay ginagamit ito sa panahon ng pagtatanim. Sa panahon kasing ito ay nagsisipaghanda na ng mga lupa ang mga magsasaka o magtatanim upang magtanim ng panibagong mga gulay.

Maaari itong gamitin sa panahon ng tag-ulan o tag-init. Sa panahon kasi ng tag ulan ay madami ang ulan at makakatulong ito sa pagtubo ng mga halaman. Sa panahon naman ng tag-init ay maaaring kulangin sa tubig ang iyong taniman lalo na kung ito ay malawak na taniman. Ngunit kung ito naman ay medyo may kaliitan lamang ay maaari kang kumuha ng tubig sa poso, sa gripo or sa balon na ipangdidilig sa mga halaman.

Bakit ba ginagamit ito?

Ginagamit ang asarol upang mapadali ang pagbungkal sa lupa. Hindi kana mahihirapan sa pagbungkal ng lupa dahil mayroon ka ng kasangkapan na gagamitin. Maaari kang gumamit ng itak, o kaya gamit ang iyong kamay ngunit matatagalan ka at mahihirapan ka kung ito ang gagamitin mo.

Kaya nandiyan ang asarol upang tulungan tayo na mapadali ang ating trabaho. Ngunit kailangan din nating mag-ingat upang hindi tayi maaksidente.

Paano ang pag-aalaga sa asarol?

Kailangan mong alagaan ang asarol upang hindi ito masira. Sa paanong paraan naman? Simple lang, ilagay mo ito sa ligtas na lalagyan o lugar, huwag itong itago ng madumi dapat ay linisin bago itago at huwag itago ng basa, kailangan  na tuyo na ito bago ilagay sa taguaan.

Maaring masira ang asarol. Ang kalimitang nasisira dito ay ang bakal sa dulo. Minsan kasi tumatama ito sa mga bato at nawawala ang talim. Kailangan mong hasain muli ito. Ang hawakan din na kahoy ay maari ring maputol. Pwedi mong palitan ng panibago ang hawakan upang magamit mo itong muli.

Magkano ba ang asarol?

Iba iba ang presyo ng asarol depende sa gumawa. May mga asarol na nagkakahalaga ng 1,000 Pesos ang isa at may roon namang mas mababa at meron ding mas mataas. Ngunit nasa 1,000 pesos na ang standard na presyo ng asarol.

Makakasigurado ka naman sa kalidad at magiging masaya ka sa pagbili mo dito. May iba ibang kulay ang hawakan at may magaganda sa paningin. Maari kang pumili depende sa gusto mo.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa asarol. Sana ay masaya ka sa nabasa mo dito. Maraming salamat sa oras at sana ay maganda ang araw mo.