Ang gabi ay isang uri ng gulay na masarap at madaling lutuin. Maraming mga pagkain ang pwedi mong lutuin sa gulay na ito. Ang isa sa pinaka sikat na pagkain ay ang "Laing".
Ang laing ay isa sa pinaka hinahanap hanap ng mga tao na kainin. Ito ay buhat sa Bicol Region na madalas magluto ng pagkaing ito. Marami ang gustong magluto nito. Kaya ang ilan ay gustong mag-alaga at magtanim nito.
Mga Kinakailangan sa Pagtatanim ng Gabi
a. Lamang ugat ng gabi
b. Asarol
c. Tubig
d. Sikat ng Araw
e. Lupa
Ang isa sa mga tanong paano ba ito gawin? Heto na kung paano magtanim ng gabi?
1. Pumili ng Lugar na Pagtataniman
Ang unang hakbang sa kung paano magtanim ng gabi ay pumili ka ng lugar kung saan mo ito itatanim. Mas mainam na itanim mo ito sa lugar kung saan medyo basa at may tubig. Madali kasing tumubo ito at lumaki. Kapag madami ang tubig sa paligid, mas madali ang pagtubo at pag-usbong ng mga dahon nito.Ang lupa dapat ay loam soil. Hindi kasi maganda kung itatanim mo ito sa clay soil o kaya sa buhangin. Mas mainam na sa loam soil dahil madali ang paglaki ng mga ito. Maari mo ring itanim ito sa lugar na maputik. Ang lupa sa palayan ay maputik. Maari mong itanim rin ito dito at tutubo ito ng mabilis.
Kailangan ba ng sikat ng araw? Kinakailangan din ng sikat ng araw ng mga gabi. Ngunit kahit kaunti lamang ang sikat ng araw na nasasagap ng mga gabi ay tutubo at lalaki parin ito ng lubos lubos.
2. Kumuha ng mga lamang ugat na may katawan ng gabi.
Sa pangalawang hakbang sa kung paano magtanim ng gabi ay ang itinatanim na gabi ay ang mga ugat nito. Kailangan mong kumuha ng mga lamang ugat na iyong itatanim. Pagkatapos ay putulin mo ang mga dahon nito. Lahat ng dahon ay aalisin at putulin mo ang mga ito sa may bandang gitna. Bakit aalisin ang mga dahon? Aalisin natin upang mag-usbong ng mga panibagong dahon.Mas maganda kasi na sariwa ang mga dahon na ating makukuha mula rito. Kumuha ng mga lamang ugat ng gabi na iyong itatanim. Mas malaking lugar mas madaming lamang ugat. Ngunit kung maliit lamang ang lugar na pagtataniman mo ay kaunting lamang ugat din ang kukunin mo.
3. Pagtatanim ng mga Gabi
Sa pangatlong hakbang sa kung paano magtanim ng gabi ay maghukay ng may 4 hanggang 6 na pulgada ang lalim. Ang lalim na ito ay tamang tama lamang sa lamang ugat ng gabi. Gumamit ka ng itak o kaya dulos. Maari ring pala o asarol. Nasasaiyo na kung ano ang gagamitin mo.Maglaan ng 12 pulgada ang layo upang maging magaan at maginhawa para sa mga gabi ang pagtubo. Iwasan ang pagiging siksikan ng mga halaman upang madali at maganda ang pagtubo ng mga ito.
4. Pagdidilig
Sa pang-apat na hakbang sa kung paano magtanim ng gabi ay kinakilangan ng madaming tubig upang mabilis at maganda ang pagtubo nito. Kaya nga sinabi namin sa na unang mga taludtod ay kailangan na matubig ang lugar na iyong pagtataniman. Kapag medyo matubig ang iyong taniman ng gabi hindi mo na kilangang diligin pa ito. Makakasigurado ka sa magandang pagtubo ng mga ito.Kapag ang lugar na iyong tinaniman ay medyo tuyo, kinakailangan mo itong diligan ng paminsan minsan. Ang gulay na ito ay hindi masilan at kahit minsan mulang ito diligin ay magiging maganda parin ang pagtubo ng mga ito.
5. Pataba
Ang gulay na ito ay hindi na masyadong kailangan ng pataba. Kadalasan kasi lalo na sa may mga tanim na gabi, hindi na nila ito nilalagyan ng pataba. Kahit kasi tubig at kaunting sikat ng araw ay maganda parin ang tubo nito.Higit paron ay makakatipid ka dahil hindi kana maglalagay ng pataba. Kung nais mo naman na lagyan talaga ito ng pataba ay mainam na maglagay ka ng organikong pataba. Ang organikong pataba ay isang uri ng pataba na walang halong kemikal. Makakasigurado ka sa pataba na ito at makikita mo ang magandang maidudulot sa halaman.
Madali lamang ang paggawa ng organikong pataba. Kailangan mo lang ng mga dahon, damo, mga tirang pagkain, dumi ng hayop at iba pa. Ilagay mo ito sa isang malalim na hukay at tabunan ito ng lupa. Pagkalipas ng ilang linggo o buwan ay maaari mo ng gamitin ang mga pataba na ito.
6. Mga insekto at pest
Malimit namang nagkakaroon ng mga insekto o mga mapaminsalang mga pest ang gabi. Kaya hindi mo kailangang mangamba sa gulay na ito.7. Pag-aani ng mga gabi
Sa pag-aani ng mga gabi, ang dahon at katawan ang palaging kinukuha dito. Kapag may katamtaman ng laki ang mga dahon, ay maaari mo na itong anihin. Umaabot ng 3 o mahigit pang buwan bago ka makapag-ani ng mga gabi.Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng gabi. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.