Breaking

Halamang Gamot Sambong

Narito ang isang artikulo tungkol sa halamang gamot sambong.

Ano ang Sambong?

Ang sambong ay isang uri ng bulaklak ngunit itinuturing na isang halamang gamot lalong lalo na sa Pilipinas. Ito ay may Scientific name na "Blumea balsamifera".

Ang sambong ay isang uri ng halaman na may katamtamang taas na umaabot sa mahigit 1 hanggang 4 na metro ang taas.

Mga Bahagi ng Sambong

1. Dahon

Ang dahon ng sambong ay may katamtamang laki, ito ay kulay berde pag hilaw at nagiging dilaw pag medyo matanda na at nagiging kayumanggi kapag tuyo na. Ang dahon ng sambong ay maaring humahaba ng 6 hanggang 12 na pulgada ang haba. Malambot din ang mga dahon nito at manipis. Nagtataglay din ito ng maaromatikong amoy.

2. Sanga

Ang sanga ng sambong ay kaunti lamang. Ito ay kulay kayumanggi kapag matigas at may katamtamang laki at medyo magaspang ang balat, ngunit kapag medyo bata pa kulay berde, malambot at manipis ang katawan nito. Maari rin itong tumataas ng mahigit 1 hanggang 4 na metro ang taas.

3. Bulaklak

Ang bulaklak ng sambong ay humaba ng mahigit 3 hanggang 6 pulgada ang haba. Ito ay may mabangong amoy at malambot ito. Ang mga bulaklak ay kulay puti na medyo asul na medyo lila.

4. Ugat

Ang mga ugat ng sambong ay matibay at matatag. Ito ay medyo magaspang at maaaring humaba ng ilang pulgada. Ito ay kulay kayumanggi at marami kung umugat.

Sambong Bilang Isang Halamang Gamot

Ang Sambong ay itinuturing na isang halamang gamot. Kilala ang dahon ng sambong na panggamot sa karamdaman sa bato. Ngunit base sa mga pananaliksik ang sambong rin ay nakagagaling sa mga sakit kagaya ng sugat, lagnat, rayuma, hika, sakit ng ulo at sipon.

Ang Sambong ay nagtataglay ng myristic acid, volatile oil, palmitin, I-borneol, sesquiterpene alcohol, limonene, saponins, tannins, at limonene. Mayroon din itong mga iba pang taglay kagaya ng flavonoids, terpenes, camphor, b-pinene, 3-canene, moneterpenes, at lactones. Kaya na maganda talaga ang sambongna gamitin lalo na kapag ikaw ay may sakit.

Ang ibang bahagi ng sambong kagaya ng bulaklak at ugat ay kinakitaan din na pang gamot.

Paano ba gamitin ang Sambong bilang isang halamang gamot?

Karaniwang ginagamit ang dahon ng Sambong na panggamot. Kailangan mo lang gawin ay kumuha ng isang bungkos ng mga sariwang dahon ng sambong. Pagkatapos ay kumuha ng isang kaserola at lagyan ito ng apat hanggang anim na baso ng tubig. Ilagay ang mga dahon ng sambong sa kaserola at pakuluan ito. Pagkatapos ay alisin sa apoy at ilagay sa tasa o baso at inumin kapag medyo malamig na. Maganda talaga ang halamang gamot sambong.

Paano Magtanim ng Sambong?

Sa pagtatanim ng sambong, karaniwan kasi ay ang maliliit na halaman ang itinatanim. Kailangan mong humanap ng medyo maliliit pang sambong at ito ang gamitin mo sa pagpatubo. Pagkatapos ay humanap ng lugar na pagtataniman. Itanim ang halaman at pagkalipas ng tatlong linggo ay makikita mo na nagsisimula ng lumaki ito ng maayos.

Ano ang kinakailangan sa pagpapatubo ng Sambong.

1. Maliliit na halaman ng Sambong

Kumuha ka ng maliliit na halaman at ito ang gagamitin natin sa pagtatanim.

2. Sikat ng Araw

Kinakailangan din ng halamang gamot sambong na ito ng sikat ng araw. Ito ang magsisilbing pagkain ng mga dahon at lahat ng bahagi ng halaman. Kapag medyo mainam ang sikat ng araw na nasasagap ay mas magiging madali ang pagtubo nito.

3. Tubig

Kinakailangan din ng halaman ng tubig. Kinakailangan mo itong diligin paminsan minsan. Kapag medyo mataas ang sikat ng araw ay dagdagan mo ang tubig na ididilig lalo na sa hapon.

4. Magandang Lupa

Kapag maganda ang lupa mas mabilis na tutubo ang sambong. Higit na mas malaki at mayabong ang mga dahon.

Mainam na magparami ng halamang gamot na sambong. Marami ang maidudulot nito lalo na sa panggagamot ng mga simpleng sakit. Ang ubo ang isa sa mga sakit na karaniwang nararanasan ng tao at maaari kang uminom ng sambong upang ito ay mawala.

Higit paroon ito ay organiko at walang halong kemikal na makakasama sa kalusugan ng tao. Kapag likas sa kalikasan ay makakasigurado kang maganda ito sa kalusugan.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa halamang gamot sambong. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.