Breaking

Halamang Gamot Lagundi

May mga taong mas gusto ang natural or galing sa kalikasan kagaya ng halamang gamot lagundi. Narito ang ilan sa mga kaalaman tungkol sa halaman na ito.

Ano ang Lagundi?

Ang lagundi ay isang uri ng halamang gamot. Kilala ito sa pangalang Five-leaved chaste tree, Chinese chaste tree, o horseshoe vitex. Ang Lagundi ay may scientific name na "Vitex negundo".

Mga Bahagi ng Lagundi

1. Dahon

Ang dahon ng lagundi ay may katamtamang laki, ito ay kulay berde pag hilaw at nagiging dilaw pag medyo matanda na at nagiging kayumanggi kapag tuyo na. Ang dahon ay may limang leftlets na medyo matulis at bawat leftlets ay humahaba ng 2 hanggang 4 na pulgada ang haba. Malambot din ang mga dahon at manipis.

2. Sanga

Ang sanga ng lagundi ay madami. Ito ay kulay kayumanggi, matigas, may katamtamang laki at medyo magaspang ang balat. Maari rin itong tumataas ng mahigit 2 hanggang 8 metro ang taas.

3. Bulaklak

Ang bulaklak ng lagundi ay humaba ng mahigit 4 hanggang 8 pulgada ang haba. Ito ay may mabangong amoy at malambot ito. Ang mga bulaklak ay kulay puti na medyo asul na medyo lila.

4. Ugat

Ang mga ugat ng lagundi ay matibay at matatag. Ito ay magaspang at maaaring humaba ng ilang pulgada. Ito ay kulay kayumanggi at marami kung umugat.

Lagundi Bilang Isang Halamang Gamot

Ang Lagundi ay itinuturing na isang halamang gamot. Kilala ang dahon ng lagundi na panggamot sa sakit na ubo. Ngunit base sa mga pananaliksik ang lagundi rin ay nakagagaling sa mga sakit kagaya ng sugat, kabag, lagnat, pigsa, hika, at pananakit ng ngipin.

Ang Lagundi ay nagtataglay ng "chrysoplenol D, na nagpapaginhawa ng katawan at kalamnan. Nagtataglay din ito ng luteolin-7-0-glucoside, isoorientin at castinin. Kaya na maganda talaga ang lagundi na gamitin lalo na kapag ikaw ay may sakit.

Ang ibang bahagi ng lagundi kagaya ng bulaklak, ugat at buto ay kinakitaan din na pang gamot.

Paano ba gamitin ang Lagundi bilang isang halamang gamot?

Karaniwang ginagamit ang dahon ng Lagundi na panggamot. Kailangan mo lang gawin ay kumuha ng isang bungkos ng mga sariwang dahon ng lagundi. Pagkatapos ay kumuha ng isang kaserola at lagyan ito ng apat hanggang anim na baso ng tubig. Ilagay ang mga dahon ng lagundi sa kaserola at pakuluan ito. Pagkatapos ay alisin sa apoy at ilagay sa tasa o baso at inumin kapag medyo malamig na. Maganda talaga ang halamang gamot lagundi. Gawin ito tatlong beses sa isang araw. Umaga, tanghali at gabi.

Paano Magtanim ng Lagundi?

Sa pagtatanim ng lagundi, karaniwan kasi ay ang sanga nito ang itinatanim. Madali lang patubuin ang lagundi. Kumuha ka ng medyo malaki ng sanga at humanap ng lugar na pagtataniman. Itanim ang sanga ng lagundi at pagkalipas ng tatlong linggo ay makikita mo na nagsisimula ng tumubo ito.

Ano ang kinakailangan sa pagpapatubo ng Lagundi?

1. Sanga ng Lagundi

Kumuha ka ng sanga nito at ito ang gagamitin natin sa pagtatanim.

2. Sikat ng Araw

Kinakailangan din ng halamang gamot na ito ng sikat ng araw. Ito ang magsisilbing pagkain ng mga dahon at lahat ng bahagi ng halaman.

3. Tubig

Kinakailangan din ng halaman ng tubig. Kinakailangan mo itong diligin paminsan minsan.

4. Magandang Lupa

Kapag maganda ang lupa mas mabilis na tutubo ang lagundi.

Maganda ang magkaroon ng halamang gamot na lagundi dahil maaari mo itong gamitin na panggamot lalo na kapag ikaw ay may sakit. Kaya nitong pagalingin ang mga simpleng sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat. Kaya mainam na mag-alaga nito sa iyong bahay upang hindi kana bumili ng gamot at makakatipid kapa. Hindi lang yun ito ay organiko at walang halong kemikal.

Ang halamang gamot na lagundi ay medyo matagal kung lumaki. Kailangan mo itong alagaan para maging mabilis ang pagtubo nito. Diligin mo ito paminsan minsan at huwag masyadong marami ang pagbuhos ng tubig. Katam tamang tubig ay magiging maayos na.

Maari mo pa itong paramihin at ibigay sa ibang tao upang magpatubo din ng halamang gamot na ito. Kapag mas marami ay mas mainam dahil madami amg makikinabang at mas madami ang makaka alam.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa halamang gamot lagundi. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.