Ano ang Oregano?
Ang oregano ay isang uri ng halamang gamot. Ito ay kilala sa mga katawagan gaya ng oregano, suganda at boraage. Ang oregano ay may scientific name na Coleus amboinicus Lour; o Coleus aromaticus sa ilang artikulo.Ang oregano ay isa sa mga halaman na ginagamit na pampalasa lalo na sa mga lutuin. Ito ay maliit na halaman, ang dahon ay mabalahibo, at may bulaklak na kulay lila. Ang mga dahon nito ay malambot at maliit. Maaring lumaki ang mga dahon nito hanggang 3-5 pulgada. May angking amoy din ang halaman na ito kung kaya palagi itong itinatanim sa mga bakuran at ginagamit na pampalasa. Madali lang itong patubuin at karaniwan itong makikita sa India at bansang mga Malaya.
Mga Bahagi ng Oregano
Dahon - ang dahon ng oregano ay malambot at maliit lamang. Manipis ito at madaling mapunit. May aromatikong amoy din ito. Ang dahon ay kulay berde kapag bata pa at medyo matanda na at nagiging kulay dilaw hanggang sa kayumanggi kapag matanda na.Katawan - ang katawan ng oregano ay malambot at dumadagdag ang laki. Ito ay kulay berde. Mabalahibo din ang bahagi na ito.
Bulaklak - ang bulaklak ng oregano ay maliliit lamang. Ito rin ay kulay lila. May aromatikong amoy din ito.
Ugat - ang ugat ng oregano ay malalambot at maliliit. Madali mong maaalis ang halaman dahil mabababaw lamang ang mga ugat nito.
Oregano Bilang Isang Halamang Gamot
Ang oregano ay ginagamit na panggamot sa sakit na ubo. Maliban diyan ito rin ay ginagamit na panggamot sa mga sakit kagaya ng paso, kagat ng insekto, pananakit ng ulo, hika, kabag, pigsa, sore throat at pananakit ng ulo.Ang oregano ay nagtataglay ng mga sangkap kagaya ng carbohydrates, proteins, phenols, tannins, saponins, glycoaides at flavanoids. Ang dahon ay maaari ring pagkunan ng langis na may carvacrol, eugenol, thymol at trans-caryophyllene. Tunay na maraming maidudulot ang halamang gamot na ito sa atin.
Paano Gamitin ang Oregano Bilang Isang Gamot?
Karaniwan na ginagamit ang dahon ng oregano sa panggagamot. Maaari mong ibabad ang dahon sa sinaing at kunin ito. Pigain at inumin ang katas. Maaari ring gawin itong pantapal sa bahagi na may sakit.Mga Sakit na Maaaring Magamot ng Oregano
1. Ubo - Karaniwang nakakaranas tayo ng ubo. May mga taong nakakaranas na mahirap matanggal ang kanilang ubo. Kaya naman na maaari mo ring gamitin ang oregano para pagalingin ito. Paano ba ito gawin? Simple lang kumuha ka ng 1-5 dahon ng oregano at ilagay sa ibabaw ng sinaing na bigas, pagmedyo lumambot na ay pigain ito sa kutsara o kaya baso at pagkatapos ay iyong inumin.2. Paso - Karaniwang ginagamit ang dinikdik na dahon ng oregano upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat. Maaari mong ilagay muna ang dahon sa ibabaw ng sinaing na bigas saka mo dikdikin ang dahon.
3. Pananakit ng ulo - Para sa mga taong sumasakit ang ulo, ang dahon nito ay maaari mong gamitin para mabawasan ang pananakit. Nakabahagyang pinipit ang dahon nito at nilalagay sa sentido. Sa pamamagitan nito makakatulong ito para sa iyo.
4. Kagat ng insekto - Ang dahon ng oregano ay maaari ring gamitin sa bahagi na nakagat ng insekto. May mga pagkakataon na nakakagat tayo ng alupihan o kaya ng alakdan. Sa pamamagitan ng bahagyang dinikdik na dahon ay maaari mo itong ipangtapal sa nakagat na bahagi upang mawala ang sakit.
5. Hika - ang halamang gamot oregano ay maaari ring gamitin sa hika. Ilaga ang mga dahon nito at saka inumin.
6. Kabag - Mabisa rin ito para sa may mga kabag. Inumin ang pinaglagaan nito.
7. Bagong panganak - Pinaiinom naman ang pinaglagaan ng dahon ng oregano ang mga ina na bagog panganak.
8. Pigsa - Ang pigsa sa balat ay isang uri ng sakit sa balat. Ang dinikdik na dahon ng oregano ay maaaring makatulong upang magamot ito. Ipang tatapal ang dinikdik na dahon sa bahagi na may pigsa at ginagawa ito apat na beses sa isang araw.
9. Sore throat - Ang pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring gumaling sa pamamagitan ng paglunok sa pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.
10. Pananakit ng tenga - Mabisa din ang halamang gamot na ito para matanggal ang pananakit sa tenga. Ang pagpatak ng sariwang katas ng dahon sa loob mismo ng tenga ay makakatulong. Mag-ingat lamang sa paggawa nito.
Paano Magtanim ng Oregano?
Ang pagtatanim ng oregano ay madali lamang gawin. Maaari kang pumutol ng bahagi ng oregano at ito ang iyong itanim. Maaari ring kumuha ka ng may ugat na oregano at itanim ito. Malambot at madali lamang itong umugat at hindi ka mahihirapan sa pagpapatubo nito.Mga Kinakailangan sa Pagtatanim ng Oregano
Sikat ng Araw - Ang sikat ng araw ang nagsisilbing pagkain ng halamang ito.Tubig - Ang tubig ay ang tumutulong upang maging malusog ang mga bahagi ng halaman gaya ng dahon, ugat, bulaklak at katawan nito.
Pataba - Kinakailangan din ng pataba upang maging malusog ang buong halaman.
Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa halamang gamot oregano. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.