Ano ang Pansit-Pansitan?
Ang pansit-pansitan ay iang uri ng halamang gamot. Ito ay kilala sa tawag na pansit-pansitan o kaya Shiny bush. Ang pansit-pansitan ay may scientific name na Peperomia bilineata o Peperomia pellucida.Ang pansit-pansitan ay isang halaman na karaniwang maliit at tumutubo sa mga tabi-tabi at sa mga bakanteng lupa. Ito ay itinuturing na damong ligaw dahil kung saan saan siya tumutubo. Ang dahon nito ay parang hugis puso na maliit. Tumataas ito ng mga anim hanggang 12 na pulgada ang taas.
Mga Bahagi ng Pansit-Pansitan
Dahon - ang dahon ng pansit-pansitan ay malambot, hugis puso at maliit lamang. Manipis ito ay madaling mapunit. Ang dahon ay kulay berde kapag bata pa at medyo matanda na at nagiging kulay dilaw hanggang sa kayumanggi kapag matanda na. Nagiging tuyo ito kapag tumagal.Katawan - ang katawan ng pansit-pansitan ay malambot at dumadagdag ang laki. Ito ay kulay berde. Makinis ang katawan nito at kulay puti.
Bunga - ang bunga ng pansit-pansitan ay maliliit lamang. Kasing laki lamang ito ng mga maliliit na bato na parang kasing laki ng dulo ng karayom. Ito ay kulay berde at malabot.
Ugat - ang ugat ng pansit-pansitan ay mababaw lamang, malalambot at maliliit. Madali mong maaalis ang halaman dahil mabababaw lamang ang mga ugat nito. Maninipis din ang mga ugat.
Pansit-Pansitan Bilang Isang Halamang Gamot
Ang pansit-pansitan ay ginagamit na pang gamot sa rayuma, UTI, hindi pantay na kutis ng balat, pigsa, iritasyon sa mata, mataas na cholesterol at tagihawat.Ang pansit-pansitan ay nagtataglay ng mga sustansiya kagaya ng carbohydrates, flavonoids, steroids, triterpenoids, tannis at alkaloids. Meron din itong mga mineral kagaya ng manganese, copper, zinc, iron at sodium.
Paano Gamitin ang Pansit-pansitan Bilang Isang Gamot?
Karaniwan na ginagamit ang dahon ng pansit-pansitan sa pang gagamot. Maari mong pakuluaan ang mga dahon nito saka ay inumin.Mga Sakit na Maaaring Magamot ng Pansit-pansitan
1. Rayuma - Mabisa na panlaban sa mga nanakit na mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng halamang gamot pansit-pansitan. Mabisa ang pinaglagaan ng dahon at sanga ng halaman upang maibsan ang mga sumasakit na mga bahagi ng katawan.2. Hindi pantay na kutis ng balat - Kapag medyo hindi pantay ang kulay ng iyong balat ay maaari mo itong banlawan ng pinaglagaan ng dahon nito at iyong ipang banlaw sa bahagi na medyo iba ang kulay.
3. Pigsa - Ang pigsa ay maaaring pagalingin sa pamamagitan ng pagtapal ng dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan. Makakatulong ito lalo na kapag direkta mong ilalagay sa bahagi na mayroong pigsa.
4. Urinary Tract Infection (UTI) - Kapag ang isang tao ay nakararanas ng UTI ay maaari siyang uminom ng pinaglagaan ng dahon nito upang magamot. Nakakatulong ang gamot na ito lalo na sa may mga problema sa daluyan ng ihi.
5. Iritasyon sa Mata - Kapag medyo kumikirot ang iyong mata ay maaari itong patakan ng katas ng dahon at sanga ng pansit-pansitan. Ngunit kumunsulta muna sa mga dalubhasa bago gawin ito.
6. Mataas na Cholesterol - Nakakatulong din sa mga may matataas na cholesterol ang pagkain ng dahon ng halamang gamot pansit-pansitan. Nagtataglay ito ng mga sangkap na nakakatulong upang mapababa ang cholesterol. Maganda rin na inumin ang pinaglagaan ng mga dahon nito.
7. Tagihawat - Kapag meron kang tagihawat maaari mong dikdikin ang mga dahon ng pansit-pansitan at ilagay ito sa bahagi na may mga tagihawat.
Paano Magtanim ng Pansit-pansitan?
Ang pagtatanim ng pansit-pansitan ay madali lamang gawin. Ang maliliit na halaman ang ginagamit sa pagpapatubo nito. Malambot at madali lamang itong umugat at hindi ka mahihirapan sa pagpapatubo nito.Mga Kinakailangan sa Pagtatanim ng Pansit-pansitan
Sikat ng Araw - Ang sikat ng araw ang nagsisilbing pagkain ng halamang ito. Nakakatulong ito sa paglaki pa lalo.Tubig - Ang tubig ay ang tumutulong upang maging malusog ang mga bahagi ng halaman gaya ng dahon, ugat, bulaklak at katawan nito.
Pataba - Kinakailangan din ng pataba upang maging malusog ang buong halaman.
Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa halamang gamot pansit-pansitan. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.