Ang mga puno ay pinuputol upang gawing bahay, kasang kapan sa bahay, palamuti, ginagawang mga kagamitan sa paaralan kagaya ng papel at lapis. Ang isa pang rason ay pinuputol ang mga puno upang gawing taniman ang mga lupain.
Iyan ang ilan sa mga dahilan kung bakit pinuputol ang mga puno. Maraming pakinabang ang mga puno sa buhay ng tao. Ang ilan sa mga ito ay nagbubunga pa nga at nagbibigay ng prutas sa tao. Ang kahoy ng puno ay magagamit din. Saan-saan nga ba ito ginagamit?
Ginagawang bahay
Ang puno ay pinuputol upang gawing bahay. Gamit ang mga kasangkapang pamputol ay pinuputol ang ito. Noong unang panahon ay wala pang mga semento, kaya yari sa kahoy ang mga bahay. Dahil sa mga kahoy nakakagawa ng mga bahay na matitirhan ang mga tao.
Hanggang sa kasalukuyan ay gumagamit parin ang tao sa paggawa ng bahay. Bukod sa bahay ay maaari rin itong gawing bahay-kubo. Ang maganda sa bahay na yari sa kahoy ay presko kapag ikaw ay matutulog o magpapahinga kumpara sa bahay na yari sa bato. Iyan ang unang dahilan kung bakit pinuputol ang puno.
Alamin: bakit mahalaga ang punong kahoy
Ginagawang mga kasangkapan
Ang mga puno ay pinuputol upang gawing kagamitan sa bahay. Maaari kang gumawa ng upuan. Ang upuan na gawa sa kahoy ay matibay lalo na kung magandang klasse ng kahoy ang ginamit. Maaari kang gumawa ng lamesa na paglalagyan ng pagkain. Ng sagayon ay masayang kakain ang mag-anak. Maaari rin itong gawing kama. Presko ang pagtulog sa kama na yari sa kahoy.
Lalagyan ng mga kagamitan. Maaari kang gumawa ng kabinet na gawa sa kahoy. Dito ay pwede mong ilagay ang mga mahahalagang gamit. Ang mga damit rin ay pwede mong ilagay dito. Aparador na maaaring lagyan ng mga pinggan ng sa gayon ay hindi mabasag. At kung ano ano pang mga gamit. Iyan naman ang pangalawang dahilan kung bakit pinuputol ang punong-kahoy.
Alamin: bakit puno ang sumisimbolo sayo
Ginagawang palamuti
Ang mga kahoy na pinutol ay maaaring gawing palamuti sa bahay. May mga magagandang kahoy na maaaring idesenyo sa bahay. Maaari kang gumawa ng picture frame gamit ang kahoy. Maganda sa ating paningn lalo na kapag may mga magagandang bagay sa ating paligid, lalong lalo na sa bahay.
Ginagawang kagamitan sa paaralan
Ang mga papel at lapis ay gawa sa kahoy. Dahil dun kaya mayroon tayong mga papel na sinusulatan. Kung wala ang lapis at papel ay mahihirapan tayong magsulat at mag-aral. Kailangan natin ito upang maging maayos ang ating pag-aaral.
Ang mga aklat din ay yari sa kahoy. Napakaraming aklat na ating mababasa. Dahil sa mga puno kaya ito ay nalikha.
Ginagawang taniman ang mga lupain
May mga taong pinuputol ang mga puno dahil gusto nilang magtanim ng ibang halaman. May mga lugar na madaming puno ang lumaki at ang mga tao ay nagpasya na putulin ito dahil gusto nilang magtanim ng gulay. Dahil sa maliit ang espasyo ay pinutol nila ang mga puno upang maging malawak ang lupa na maaaring pagtaniman.
May mga puno na hindi nagbubunga ng prutas kaya naisipan nila na putulin ito at magtanim sa lupa ng mga gulay. Ang mga gulay ay kailangan ng tao para mabuhay at may makain. Kaya naman nagawa nila ito.
Alamin: bakit puno ang iginuhit mo
Iyan ang ilan sa mga dahilan kung bakit pinuputol ang puno. May mga dahilan ang tao kaya nagawa ito. Ngunit dapat nating pahalagahan ang mga ito dahil sila ang nagbibigay ng prutas at hangin na ating hinihinga. Kung wala ang mga ito ay hindi tayo mabubuhay. Dapat na magtanim ng maraming puno upang maging masaya ang planet earth.