Breaking

Bakit Nauubos ang Puno?

 

bakit nauubos ang puno
Alam mo ba kung "bakit nauubos ang puno"? Maaaring alam mo na ang sagot. Ito ay dahil pinutol. Ngunit maraming dahilan kung bakit pinuputol ang puno. Ang pagkaubos ng mga puno ay may epekto sa mundo. Ano nga ba ang mga dahilan ng pagkaubos nito?


Nauubos ang mga puno dahil sa illegal logging, industriyalisasyon, kaingin at reforestation. Ang iba ay dahil sa ginagawang mga bahay, kagamitan at palamuti sa bahay ang mga puno.


Ang illegal logging ay isa sa pinaka dahilan kung bakit nauubos ang mga puno. Ito ay illegal na gawain na hindi dapat gawin. Dahil dito ay kumukunti hanggang sa naubos ang mga punong-kahoy sa mga kabundukan at mga kagubatan.


Alamin: bakit puno ang sumisimbolo sayo


Ang pagkaubos ng mga ito ay maraming maging epekto sa ating kalikasan. Ang pagbabaha at pagguho ng lupa ay ilan sa maging resulta ng pagkawala ng mga puno.


Ang kaingin ay isa rin sa dahilan. Sinusunog nila ang isang parte ng lupa na may mga puno. Ginagawa nila ito upang gawing taniman ng mga ibang halaman kagaya ng mga gulay. Hindi lahat ng puno ay namumunga ng prutas. Kailangan ng tao na mabuhay, kaya ito ang naisipan nilang paraan. Ang alisin ang mga puno at palitan ng mga gulay na makakain at maaaring ipagbili.


Alamin: bakit pinuputol ang puno


May mga lupa na pinagtatayuan ng mga gusali. Ngunit bago nila ito gawin ay kailangan munang putulin ang mga puno. Gumagawa ng gusali upang gawing pabrika. Ang mga pabrika ay nakakatulong sa tao upang makagawa ng mga produkto na kailangan ng tao. Nagbibigay din ito ng trabaho sa tao. Kapag may trabaho ay magkakaroon ng sweldo ang mga tao na gagamitin sa pagbili ng pagkain. Ngunit naisasakripesyo naman dito ang mga punong kahoy.


Ang ilan pa sa mga dahilan kung bakit nauubos ang puno ay ginagawa itong bahay at mga kagamitan sa bahay. Kapag maraming puno ang pinutol ay mauubos ang mga ito lalo na kung hindi tio papalitan ng panibago.


Alamin: bakit mahalaga ang punong kahoy


Kapag labis ang pagputol ay maaaring bumaha at magkalandslide na mapanganib sa buhay ng tao. Kailangan na magtanim ng maraming punong-kahoy. Ito'y maaaring gawing lilim laban sa sikat ng araw, nagbibigay ng prutas at sariwang hangin.


Iyan ang ilan sa mga dahilan kung bakit nauubos ang puno.