Breaking

Bakit Puno ang Sumisimbolo Sayo

Bakit Puno ang Sumisimbolo Sayo

May isang tanong at ito ay "bakit puno ang sumisimbolo sayo?". Paano mo ito sasagutin? Kung hindi mo lubos na alam ang puno ay mahihirapan kang ipaliwanag ang dahilan. maaaring alam mo ang sagot ngunit hindi mo ito masabi dahil kunti lang ang iyong kaalaman tungkol sa mga puno.


Kapag ikaw ay matatag na tao

Ang puno ay sumisimbolo sayo dahil katulad ka ng isang puno, ikaw ay matatag. May katangian ka na kahit madaming problema ay kinakaya mo. Ikaw ay matatag katulad ng puno ng nara. Ang puno ng nara ay matibay, hindi basta basta matitibag. Kahit may malakas na ulan at hangin o kaya bagyo ay hindi basta basta matutumba.


Puno ang sumisimbolo sayo dahil ikaw ay malakas. Kahit na nahihirapan kana ay di parin natitinag. Patuloy parin sa laban. Hindi humihinto hanggang sa makamit ang inaasam na tagumpay.


Kapag ikaw ay matalino

Puno ang sumisimbolo sayo dahil para kang isang puno na hitik na hitik sa bunga. Ang puno na maraming bunga ay marami ring susungkitin. Katulad ka ng isang puno dahil ang iyong isipan ay punong puno ng bunga, punong puno ng kaalaman. Ang bunga sa puno kapag ito'y kinuha ay wala na, ngunit ito'y muling magbubunga. Ang taong matalino ay madaming kaalaman na kahit ibigay sa iba ay hindi ito mawawala.


Ang bunga sa puno ay maaaring ibigay sa madaming tao at kainin, katulad din sa taong matalino na kapag ito ay kanyang ibinahagi sa madaming tao ay nabubusog sila at lumalawak ang kanilang kaalaman.


Alamin: bakit mahalaga ang punong kahoy


Kapag ikaw ay mababa ngunit madaming alam

Ang puno ang sumisimbolo sayo kapag ikaw ay hindi matangkad ngunit matalino. Para kang puno ng kamatis na kahit mababa ay hitik naman sa matamis at madaming bunga. Ang puno ng kamatis kahit mababa ito ay bumubunga ng madami at masarap na kamatis. Ito ay masustansiya ay nagpapalusog ng katawan. Kung ikaw ay mababa ngunit matalino ito ay maaaring sumimbolo sayo.


Sabi ng ilan ang kamatis daw ay gulay, ngunit ang katotohanan ay hindi ito gulay, "ang kamatis ay prutas". Ang iyong kaalaman ay malawak kahit na hindi matangkad. Hindi tangkad ang basihan kundi ang kaalaman na meron ka. Na magagamit mo at maaaring ibahagi sa iba.


Kapag ikaw ay may malagong buhok

Bakit puno ang sumisilbolo sayo? Ito ay sa kadahilanang mayroon kang malagong buhok. Para kang isang puno na mayroong madaming dahon. May mga puno na malalago ang dahon na maaari mong silungan. Kapag ikaw ay may malagong buhok ay maaaring puno ang sumimbolo sayo.


Kapag ikaw ay payat ngunit matatag

Ang puno ang maaaring sumimbolo sayo kapag ikaw ay payat ngunit matatag. Para kang isang puno ng kawayan na matayog ngunit payat. Kung ooberbahan ang kawayan maliit lamang ang katawan nito ngunit matibay. Maaari mong isa halintulad ang iyong sarili sa kawayan. Maging proud ka sa sarili.


Ang kawayan bagaman hindi talaga ito isang puno, ito ay isang damo. Itinuturing natin itong puno dahil sa matibay.


Alamin: bakit puno ang iginuhit mo


Kapag ikaw ay matangkad at malaki ang katawan

Ang puno ang maaaring sumimbolo sayo dahil para kang isang puno ng akasia na matangkad at malaki. Kapag ikaw ay malakas ay madami kang mabibiibit na mga kagamitan na magpapadali ng iyong gawain. Kapag ikaw at matangkad ay madali mong maaabot ang mga kagamitan na nakalagay sa mataas na lugar. Yan ang maaaring rason kung bakit puno ang sumisimbolo sayo.


Kapag ikaw ay mahinhin na babae

Ang puno ang sumisimbolo sayo dahil ikaw ay may pusonh mamon at mahinhin. Para kang isang puno ng saging na may puso. Ang puno na ito ay malambot lamang kung ikukumpara sa ibang puno. Ngunit ito naman ay may puso. Katulad sa babae na may pusong mapagmahal.


Yan ang ilan sa mga rason kung bakit puno ang sumisimbolo sayo. Ano ba ang sumisimbolo sayo?