Kung may mga alam ka na tungkol sa mga puno ay malamang na mayroon kang maisasagot sa tanong na "Bakit mahalaga ang punong kahoy?". Ang puno ay napakadaming maibibigay sa tao at mga hayop. Anu-ano nga ba ang mga ito?
Mahalaga ang punong kahoy dahil ito ay nagbibigay ng pagkain, lilim, pumipigil sa pagbaha at pagguho ng lupa, maaaring gawing bahay at mga kasangkapan, ginagawang papel at madami pang iba. Ang mga puno din ay tinitirahan ng mga hayop kagaya ng mga ibon. Mahalaga ang punong kahoy dahil kung wala ito ay hindi tayo mabubuhay sa mundo.
Napakaraming puno na nagbubunga ng prutas. Ang puno ng mangga ay nagbubunga ng masarap at matamis na mangga. Kapag ito ay hilaw ay maasim ngunit pag hinog ay matamis. Masarap kainin ang mangga lalo na kapag may kasamang bagoong. Malinamnam ang prutas na ito.
Mahalaga ang puno dahil nagbibigay ito ng prutas na hitik sa bitamina. Ang prutas ng mangga ay nagtataglay ng bitamina c na tumutulong upang maging malakas ang immune system. Kailangan natin ng bitamina c upang hindi tayo magkasakit. Kapag malakas ang immune system ay hindi tayo agad-agad tatamaan ng mga sakit.
Ang mga prutas din ay ginagawang juice. May mga produkto na ang sangkap ay mga prutas. Sa mga factories ay prinoprosses ang mga ito at nilalagay sa lata. Madaming mga uri ng prutas ang ginagawang juice na masarap din inumin at may bitamina pa. Iyan ang unang dahilan kung bakit mahalaga ang punong kahoy.
Alamin: bakit puno ang iginuhit mo
Kapag mainit ang panahon ay gusto nating sumilong upang hindi mainitan. Kaya naman ang mga bahay ay may mga bubong upang presko at hindi mainit. Ngunit paano pag tayo ay nasa labas? Maaari tayong sumilong sa mga lugar na ating pinopuntahan, ngunit paano sa lugar na walang mga bahay o kaya building? Saan tayo sisilong. Maaari tayong sumilong sa mga punong kahoy.
Ang mga puno ay may mga dahon na humaharang sa sikat ng araw. Dahil sa mga dahon ay nagiging malilim ang ilalim ng puno. Sa ilalim ng puno ay maaari tayong sumilong. Masarap sumilong sa ilalim ng puno dahil presko. Makakalangahap kapa ng sariwang hangin. Masarap matulog at magpahinga sa ilalim ng punong-kahoy. Iyan ang pangalawang rason kung bakit mahalaga ang punong kahoy.
Ang mga punong kahoy ay pumipigil sa pagbaha at pagguho ng lupa
Ang mga malalaking puno ay may madami at malalaking ugat. Ang mga ugat ng nito ay sumisipsip ng mga tubig. Kaya naman mahalaga ang mga ito.
Ang puno ay may mahalagang papel na ginagampanan sa mundo. Napakahalaga nila dahil kung wala sila ay madalas ang pagbaha. Maliban diyan ay tumutulong din ang mga puno upang hindi magka landslide. Nagkakaroon ng landslide kapag ang mga kabundukan ay nakakalbo na dahil sa walang habas na pagpuputol ng mga puno,
Alamin: bakit puno ang sumisimbolo sayo
Ang mga punong-kahoy ay ginagawang bahay at mga kagamitan
Noong unang panahon ay wala pang semento kaya naman ang mga puno ay ginawang bahay. Mahalaga ang mga puno dahil kung wala ito ay wala ring bahay. Kahit na sa kasalukuyan ay may semento na ginagawang bahay ay marami pa ring gumagamit ng kahoy sa paggawa ng bahay.
Ang punong-kahoy din ay ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at kagamitan sa bahay. Maaari itong gawing kama, upuan, lamesa at iba pa. Masarap matulog sa kama na gawa sa kahoy dahil malamig at presko. Iyan ang pang-apat na rason kung bakit mahalaga ang puno sa buhay ng tao.
Ang mga punong-kahoy ay ginagawang kagamitan sa paaralan
Ang mga papel at lapis ay gawa sa kahoy. Ito ay prinoproseso sa mga pabrika at nagiging papel at lapis. Mahalaga ang mga ito dahil ginagamit sa paaralan ng mga estudyante at mga guro. Nakakatulong ito upang matutong sumulat ang mga bata.
Tirahan ng mga hayop
Ang mga punong ay ginagawang tirahan ng mga hayop. Ang mga ibon ay gumagawa ng pugad sa mga dahon at sanga ng puno upang pangitlugan. Dito rin sila kumukuha ng mga uod na nasa dahon. Ang ilan sa mga ibon ay kumakain ng prutas.
Ang ilang mga hayop kagaya ng unggoy ay kumakain ng prutas na galing sa puno ng saging. Kaya naman napakahalaga ng mga puno sa buhay ng tao at mga hayo. Kailangan ay alagaan at paramihin natin ang mga ito.
Iyan ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang mga punong kahoy.