Breaking

Bakit Puno ang Iginuhit mo

Bakit Puno ang Iginuhit mo

Napaisip ka narin ba kung "bakit puno ang iginuhit mo" o kaya "bakit puno ang ginamit mo"? Madaming magagandang rason kung bakit ito ang ginuhit mo. May mga bagay bagay tayong gustong sabihin na hindi natin masabi kaya sa pamamagitan ng pag-guhit ay naisasalaysay natin ito.


Ang puno ay iginuhit dahil ito ang nagbibigay ng prutas na nag papalusog ng katawan, nagbibigay ng hangin na ating hinihinga at nagliligtas sa atin upang mapigilan ang pagbaha at paglandslide.


Yan ang isang simpleng dahilan kung bakit puno ang iginuhit mo. Kailangan natin ng prutas upang maging malusog ito ay nagbibigay ng bitamina at mineral upang maging malakas tayo palagi. Ang mga puno kagaya ng mangga ay masarap kainin. samahan mo pa ng bagoong ay lalong mapapadami ang kain mo. Bakit puno ang ginamit mo? Dahil ito ay mahalaga.


Magandang iguhit ang puno ng mangga at lagyan ito ng mga bunga. Pagkatapos ay lalagyan mo ng kulay at lalo itong gaganda. Masayang gumuhit ng mga puno. Kapag mahilig ka sa puno ay maaaring mahilig ka din mag-alaga ng mga puno.


Maliban sa puno ay maaari mo ring iguhit ang mga prutas. Ang mga prutas ay galing sa puno kaya naman masayang iguhit ang puno at ang mga prutas nito. Yan ang unang dahilan kung bakit puno ang iginuhit mo o bakit puno ang ginamit mo.


Alamin: bakit mahalaga ang punong kahoy


Ang mga puno rin ay nagbibigay ng sariwang hangin. Hindi tayo mabubuhay kung wala ang puno. Kaya naman yan ang pangalawang rason kung bakit puno ang iginuhit mo. Presko at masarap sa pakiramdam kapag nakakalanghap ng sariwang hangin. Gumaganda ang pakiramdam. Kung ikukumpara mo sa lungsod na halos mahirap makasagap ng sariwang hangin.


Madaming puno ang makikita sa nayon at mga kabundukan kaysa sa lungsod. Kadalasan ang iginuguhit ay isang puno at sa likod ay may palayan o kaya naman kabundukan. Ito na ang nakagawiang guhit dahil sa madali at masayang iguhit ang palayan at mga bundok. Ang mga dahon ng puno ay nagsasayawan dahil narin sa malakas ang simoy ng hangin dito.


Isa pang rason kung bakit puno ang iginuhit mo ay ito ang pumipigil sa pagbaha at paglandslide. Ang mga puno ay may kakayahan na sipsipin ang mga tubig. Kapag madaming puno ay mas mabilis na huhupa ang baha. Kung mapapansin natin ay madalas bumaha sa mga kalungsoran dahil narin sa halos wala ng mga puno dito kaysa sa mga ka nayonan.


Alamin: bakit puno ang sumisimbolo sayo


Ang mga bundok na maraming puno ay bihirang magkalandslide. Bakit ba nangyayari ang landslide? Ito ay sa kadahilanang maraming mga tao ang nag puputol ng mga kahoy sa mga bundok, hanggang sa na ubos. Dumating ang panahon na bumuhos ang malakas na ulan, lumambot ang lupa, gumuho at nagkalandslide. Kaya napakahalaga ng mga puno sa mga kabundukan upang hindi magkalandslide.


Bakit puno ang iginuhit mo? Dahil ang puno ay napakahalaga sa buhay nating mga tao. Kung wala ito ay hindi tayo mabubuhay. Walang prutas na makakain. walang sariwang hangin na malalanghap at palaging babaha kung wala ang mga puno. Bakit puno ang ginamit mo? At isa pang rason ay ginagamit ang puno upang makagawa ng bahay, kubo at bahay. Kung walang puno ay walang bahay. Oo may semento na, ngunit walang semento noong unang panahon. Kung walang puno walang bahay noong unang panahon.