Breaking

Bakit Mahalaga ang Gulay?

Bakit Mahalaga Ang Gulay

Bakit mahalaga ang gulay? Napakaraming gulay ang matatagpuan saan mang sulok ng mundo. Ang gulay ay ating kinakain para mabuhay. Dahil dito kaya tayo ay nakakagalaw ng maayos. Maraming naitutulong ang gulay. Ngunit bakit mahalaga ang gulay?


Bakit mahalaga ang gulay? Ang gulay ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng mga bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan. Ang ating katawan ay nangangailangan ng maraming bitamina at mineral para maging malusog.


Kapag ang katawan ng tao ay kulang sa mga ito ay maaari siyang maging hindi malusog. Kapag ang tao ay hindi malusog ay hindi siya makakagalaw ng maayos at maaari siyang maging sakitin.


Kaya naman mainam na kumain ng mga gulay upang maging masigla at makaiwas sa anumang sakit. Madami pang mga dahilan kung bakit mahalaga ang mga gulay. Ito ay maaaring mapagkakitaan, nagbibigay ng sariwang hangin, hinahain sa hapag kainan para kainin at marami pang iba.


Bakit masustansya ang gulay? Masustansiya ang gulay dahil siksik ito sa mga bitamina at mineral. Ang mga gulay ay nagtataglay ng mga bitamina kagaya ng A, B, C, D, Iron, ZInc, Calcium at napakarami pang iba. Ang bawat gulay ay may kanya kanyang tinataglay ng mga bitamina at mineral. Ang isang gulay ay maaaring magtaglay ng ma maraming bitamina A kumpara sa iba pang gulay.


Bakit mahalaga ang gulayan sa paaralan? Mahalaga ang gulayan sa paaralan dahil matututo ang mga estudyante na magtanim ng ibat-ibang gulay, matututo silang mag-alaga ng mga halaman, magkakaroon ng sariwang hangin, lilikha ito ng karagdagang ani, magiging malusog ang mga bata at mag-eenjoy sila.


Ang pagkakaroon ng gulayan sa paaralan ay isang napakagandang proyekto. Hindi lang ang mga estudyante ang makikinabang dito pati na rin ang mga guro, principal, paaralan at mga mga magulang ng bata. Isa rin itong magandang halimbawa sa kumunidad na magtanim ng mga gulay sa kanilang bakuran.


Bakit mahalaga ang gulay at prutas? Mahalaga ang mga gulay at prutas dahil magiging malusog ang tao pagkumain nito, maaari itong mapagkakitaan kapag pinagbili, nagbibigay ito ng sariwang hangin, makakatulong upang magamot ang mga karamdaman at marami pang iba.


Bakit mahalaga ang gulay sa ating katawan? Mahalaga ang gulay sa ating katawan dahil nakakatulong ito upang maging malusog, gamutin ang mga sakit, nakakatulong upang maging mabilis ang pagtunaw ng pagkain, natutulungan ang utak upang maging matalas at marami pang iba.


Bakit tumataas ang presyo ng mga gulay? Tumataas ang presyo ng mga gulay dahil sa maraming dahilan katulad ng kulang ang supply ng gulay, kaunti lamang ang nagtatanim nito sa kumunidad, galing pa ang mga gulay sa ibang lugar at iba pa.


Ang mga gulay ay maaaring tumaas ang presyo dahil sa ka kulangan ng supply. Kapag maraming tao ang interesaddong bumili ng gulay ngunit kaunti lamang ang supply ang mga tindira ay itinataas ang supply nito. Kapag naman madami at sobra sobra ang mga supply ng gulay ay dito naman ito ibinababa.


Ang isa pang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng gulay ay dahil galing ito sa ibang lugar. Halimbawa ang repolyo na galing sa Baguio ay mataas ang presyo dahil sa malamig lamang ito nabubuhay. Samantalang sa mga lugar na mababa na may mainit na klima ay hindi mabubuhay ang repolyo kung kaya sila ay nag aangkat ng mga gulay galing sa Baguio. Kaya ay medyo mataas ang presyo ng gulay.


Bakit mahalaga ang pagtatanim ng gulay? Mahalaga ang pagtatanim ng gulay dahil maaari mo itong mapagkunan ng pagkain, magiging malusog ka kapag kinain mo ito, hahaba ang buhay mo, lilinaw ang mga mata mo, makakaiwas ka sa mga sakit, magiging malakas ang iyong katawan at marami pang iba.


Napakaraming rason kung bakit mahalaga ang gulay.