Breaking

September 09, 2019

Halamang Gamot Pansit-Pansitan

Halamang Gamot Pansit-Pansitan
Ang halamang gamot pansit-pansitan ay kilala rin na mabisang pang gamot. Isa itong halaman na madaming benipisyo sa kalusugan ng tao. Maliit na halaman ngunit madaming benipisyo ang makukuha dito.

Ano ang Pansit-Pansitan?

Ang pansit-pansitan ay iang uri ng halamang gamot. Ito ay kilala sa tawag na pansit-pansitan o kaya Shiny bush. Ang pansit-pansitan ay may scientific name na Peperomia bilineata o Peperomia pellucida.

Ang pansit-pansitan ay isang halaman na karaniwang maliit at tumutubo sa mga tabi-tabi at sa mga bakanteng lupa. Ito ay itinuturing na damong ligaw dahil kung saan saan siya tumutubo. Ang dahon nito ay parang hugis puso na maliit. Tumataas ito ng mga anim hanggang 12 na pulgada ang taas.

Mga Bahagi ng Pansit-Pansitan

Dahon - ang dahon ng pansit-pansitan ay malambot, hugis puso at maliit lamang. Manipis ito ay madaling mapunit. Ang dahon ay kulay berde kapag bata pa at medyo matanda na at nagiging kulay dilaw hanggang sa kayumanggi kapag matanda na. Nagiging tuyo ito kapag tumagal.

Katawan - ang katawan ng pansit-pansitan ay malambot at dumadagdag ang laki. Ito ay kulay berde. Makinis ang katawan nito at kulay puti.

Bunga - ang bunga ng pansit-pansitan ay maliliit lamang. Kasing laki lamang ito ng mga maliliit na bato na parang kasing laki ng dulo ng karayom. Ito ay kulay berde at malabot.

Ugat - ang ugat ng pansit-pansitan ay mababaw lamang, malalambot at maliliit. Madali mong maaalis ang halaman dahil mabababaw lamang ang mga ugat nito. Maninipis din ang mga ugat.

Pansit-Pansitan Bilang Isang Halamang Gamot

Ang pansit-pansitan ay ginagamit na pang gamot sa rayuma, UTI, hindi pantay na kutis ng balat, pigsa, iritasyon sa mata, mataas na cholesterol at tagihawat.

Ang pansit-pansitan ay nagtataglay ng mga sustansiya kagaya ng carbohydrates, flavonoids, steroids, triterpenoids, tannis at alkaloids. Meron din itong mga mineral kagaya ng manganese, copper, zinc, iron at sodium.

Paano Gamitin ang Pansit-pansitan Bilang Isang Gamot?

Karaniwan na ginagamit ang dahon ng pansit-pansitan sa pang gagamot. Maari mong pakuluaan ang mga dahon nito saka ay inumin.

Mga Sakit na Maaaring Magamot ng Pansit-pansitan

1. Rayuma - Mabisa na panlaban sa mga nanakit na mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng halamang gamot pansit-pansitan. Mabisa ang pinaglagaan ng dahon at sanga ng halaman upang maibsan ang mga sumasakit na mga bahagi ng katawan.

2. Hindi pantay na kutis ng balat - Kapag medyo hindi pantay ang kulay ng iyong balat ay maaari mo itong banlawan ng pinaglagaan ng dahon nito at iyong ipang banlaw sa bahagi na medyo iba ang kulay.

3. Pigsa - Ang pigsa ay maaaring pagalingin sa pamamagitan ng pagtapal ng dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan. Makakatulong ito lalo na kapag direkta mong ilalagay sa bahagi na mayroong pigsa.

4. Urinary Tract Infection (UTI) - Kapag ang isang tao ay nakararanas ng UTI ay maaari siyang uminom ng pinaglagaan ng dahon nito upang magamot. Nakakatulong ang gamot na ito lalo na sa may mga problema sa daluyan ng ihi.

5. Iritasyon sa Mata -  Kapag medyo kumikirot ang iyong mata ay maaari itong patakan ng katas ng dahon at sanga ng pansit-pansitan. Ngunit kumunsulta muna sa mga dalubhasa bago gawin ito.

6. Mataas na Cholesterol - Nakakatulong din sa mga may matataas na cholesterol ang pagkain ng dahon ng halamang gamot pansit-pansitan. Nagtataglay ito ng mga sangkap na nakakatulong upang mapababa ang cholesterol. Maganda rin na inumin ang pinaglagaan ng mga dahon nito.

7. Tagihawat - Kapag meron kang tagihawat maaari mong dikdikin ang mga dahon ng pansit-pansitan at ilagay ito sa bahagi na may mga tagihawat.

Paano Magtanim ng Pansit-pansitan?

Ang pagtatanim ng pansit-pansitan ay madali lamang gawin. Ang maliliit na halaman ang ginagamit sa pagpapatubo nito. Malambot at madali lamang itong umugat at hindi ka mahihirapan sa pagpapatubo nito.

Mga Kinakailangan sa Pagtatanim ng Pansit-pansitan

Sikat ng Araw - Ang sikat ng araw ang nagsisilbing pagkain ng halamang ito. Nakakatulong ito sa paglaki pa lalo.

Tubig - Ang tubig ay ang tumutulong upang maging malusog ang mga bahagi ng halaman gaya ng dahon, ugat, bulaklak at katawan nito.

Pataba - Kinakailangan din ng pataba upang maging malusog ang buong halaman.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa halamang gamot pansit-pansitan. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.
September 08, 2019

Halamang Gamot Oregano

Halamang Gamot Oregano
Ang halamang gamot oregano ay isa sa kilalang halaman na nakakagamot lalo na sa ubo. Nakakatulong ito upang maging maginhawa ang ating pakiramdam. Sa artikulong ito alamin ang ilan sa mga kaalaman tungkol sa halamang ito.

Ano ang Oregano?

Ang oregano ay isang uri ng halamang gamot. Ito ay kilala sa mga katawagan gaya ng oregano, suganda at boraage. Ang oregano ay may scientific name na Coleus amboinicus Lour; o Coleus aromaticus sa ilang artikulo.

Ang oregano ay isa sa mga halaman na ginagamit na pampalasa lalo na sa mga lutuin. Ito ay maliit na halaman, ang dahon ay mabalahibo, at may bulaklak na kulay lila. Ang mga dahon nito ay malambot at maliit. Maaring lumaki ang mga dahon nito hanggang 3-5 pulgada. May angking amoy din ang halaman na ito kung kaya palagi itong itinatanim sa mga bakuran at ginagamit na pampalasa. Madali lang itong patubuin at karaniwan itong makikita sa India at bansang mga Malaya.

Mga Bahagi ng Oregano

Dahon - ang dahon ng oregano ay malambot at maliit lamang. Manipis ito at madaling mapunit. May aromatikong amoy din ito. Ang dahon ay kulay berde kapag bata pa at medyo matanda na at nagiging kulay dilaw hanggang sa kayumanggi kapag matanda na.

Katawan - ang katawan ng oregano ay malambot at dumadagdag ang laki. Ito ay kulay berde. Mabalahibo din ang bahagi na ito.

Bulaklak - ang bulaklak ng oregano ay maliliit lamang. Ito rin ay kulay lila. May aromatikong amoy din ito.

Ugat - ang ugat ng oregano ay malalambot at maliliit. Madali mong maaalis ang halaman dahil mabababaw lamang ang mga ugat nito.

Oregano Bilang Isang Halamang Gamot

Ang oregano ay ginagamit na panggamot sa sakit na ubo. Maliban diyan ito rin ay ginagamit na panggamot sa mga sakit kagaya ng paso, kagat ng insekto, pananakit ng ulo, hika, kabag, pigsa, sore throat at pananakit ng ulo.

Ang oregano ay nagtataglay ng mga sangkap kagaya ng carbohydrates, proteins, phenols, tannins, saponins, glycoaides at flavanoids. Ang dahon ay maaari ring pagkunan ng langis na may carvacrol, eugenol, thymol at trans-caryophyllene. Tunay na maraming maidudulot ang halamang gamot na ito sa atin.

Paano Gamitin ang Oregano Bilang Isang Gamot?

Karaniwan na ginagamit ang dahon ng oregano sa panggagamot. Maaari mong ibabad ang dahon sa sinaing at kunin ito. Pigain at inumin ang katas. Maaari ring gawin itong pantapal sa bahagi na may sakit.

Mga Sakit na Maaaring Magamot ng Oregano

1. Ubo - Karaniwang nakakaranas tayo ng ubo. May mga taong nakakaranas na mahirap matanggal ang kanilang ubo. Kaya naman na maaari mo ring gamitin ang oregano para pagalingin ito. Paano ba ito gawin? Simple lang kumuha ka ng 1-5 dahon ng oregano at ilagay sa ibabaw ng sinaing na bigas, pagmedyo lumambot na ay pigain ito sa kutsara o kaya baso at pagkatapos ay iyong inumin.

2. Paso - Karaniwang ginagamit ang dinikdik na dahon ng oregano upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat. Maaari mong ilagay muna ang dahon sa ibabaw ng sinaing na bigas saka mo dikdikin ang dahon.

3. Pananakit ng ulo - Para sa mga taong sumasakit ang ulo, ang dahon nito ay maaari mong gamitin para mabawasan ang pananakit. Nakabahagyang pinipit ang dahon nito at nilalagay sa sentido. Sa pamamagitan nito makakatulong ito para sa iyo.

4. Kagat ng insekto - Ang dahon ng oregano ay maaari ring gamitin sa bahagi na nakagat ng insekto. May mga pagkakataon na nakakagat tayo ng alupihan o kaya ng alakdan. Sa pamamagitan ng bahagyang dinikdik na dahon ay maaari mo itong ipangtapal sa nakagat na bahagi upang mawala ang sakit.

5. Hika - ang halamang gamot oregano ay maaari ring gamitin sa hika. Ilaga ang mga dahon nito at saka inumin.

6. Kabag - Mabisa rin ito para sa may mga kabag. Inumin ang pinaglagaan nito.

7.  Bagong panganak - Pinaiinom naman ang pinaglagaan ng dahon ng oregano ang mga ina na bagog panganak.

8. Pigsa - Ang pigsa sa balat ay isang uri ng sakit sa balat. Ang dinikdik na dahon ng oregano ay maaaring makatulong upang magamot ito. Ipang tatapal ang dinikdik na dahon sa bahagi na may pigsa at ginagawa ito apat na beses sa isang araw.

9. Sore throat - Ang pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring gumaling sa pamamagitan ng paglunok sa pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.

10. Pananakit ng tenga - Mabisa din ang halamang gamot na ito para matanggal ang pananakit sa tenga. Ang pagpatak ng sariwang katas ng dahon sa loob mismo ng tenga ay makakatulong. Mag-ingat lamang sa paggawa nito.

Paano Magtanim ng Oregano?

Ang pagtatanim ng oregano ay madali lamang gawin. Maaari kang pumutol ng bahagi ng oregano at ito ang iyong itanim. Maaari ring kumuha ka ng may ugat na oregano at itanim ito. Malambot at madali lamang itong umugat at hindi ka mahihirapan sa pagpapatubo nito.

Mga Kinakailangan sa Pagtatanim ng Oregano

Sikat ng Araw - Ang sikat ng araw ang nagsisilbing pagkain ng halamang ito.

Tubig - Ang tubig ay ang tumutulong upang maging malusog ang mga bahagi ng halaman gaya ng dahon, ugat, bulaklak at katawan nito.

Pataba - Kinakailangan din ng pataba upang maging malusog ang buong halaman.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa halamang gamot oregano. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.
September 05, 2019

Halamang Gamot Lagundi

May mga taong mas gusto ang natural or galing sa kalikasan kagaya ng halamang gamot lagundi. Narito ang ilan sa mga kaalaman tungkol sa halaman na ito.

Ano ang Lagundi?

Ang lagundi ay isang uri ng halamang gamot. Kilala ito sa pangalang Five-leaved chaste tree, Chinese chaste tree, o horseshoe vitex. Ang Lagundi ay may scientific name na "Vitex negundo".

Mga Bahagi ng Lagundi

1. Dahon

Ang dahon ng lagundi ay may katamtamang laki, ito ay kulay berde pag hilaw at nagiging dilaw pag medyo matanda na at nagiging kayumanggi kapag tuyo na. Ang dahon ay may limang leftlets na medyo matulis at bawat leftlets ay humahaba ng 2 hanggang 4 na pulgada ang haba. Malambot din ang mga dahon at manipis.

2. Sanga

Ang sanga ng lagundi ay madami. Ito ay kulay kayumanggi, matigas, may katamtamang laki at medyo magaspang ang balat. Maari rin itong tumataas ng mahigit 2 hanggang 8 metro ang taas.

3. Bulaklak

Ang bulaklak ng lagundi ay humaba ng mahigit 4 hanggang 8 pulgada ang haba. Ito ay may mabangong amoy at malambot ito. Ang mga bulaklak ay kulay puti na medyo asul na medyo lila.

4. Ugat

Ang mga ugat ng lagundi ay matibay at matatag. Ito ay magaspang at maaaring humaba ng ilang pulgada. Ito ay kulay kayumanggi at marami kung umugat.

Lagundi Bilang Isang Halamang Gamot

Ang Lagundi ay itinuturing na isang halamang gamot. Kilala ang dahon ng lagundi na panggamot sa sakit na ubo. Ngunit base sa mga pananaliksik ang lagundi rin ay nakagagaling sa mga sakit kagaya ng sugat, kabag, lagnat, pigsa, hika, at pananakit ng ngipin.

Ang Lagundi ay nagtataglay ng "chrysoplenol D, na nagpapaginhawa ng katawan at kalamnan. Nagtataglay din ito ng luteolin-7-0-glucoside, isoorientin at castinin. Kaya na maganda talaga ang lagundi na gamitin lalo na kapag ikaw ay may sakit.

Ang ibang bahagi ng lagundi kagaya ng bulaklak, ugat at buto ay kinakitaan din na pang gamot.

Paano ba gamitin ang Lagundi bilang isang halamang gamot?

Karaniwang ginagamit ang dahon ng Lagundi na panggamot. Kailangan mo lang gawin ay kumuha ng isang bungkos ng mga sariwang dahon ng lagundi. Pagkatapos ay kumuha ng isang kaserola at lagyan ito ng apat hanggang anim na baso ng tubig. Ilagay ang mga dahon ng lagundi sa kaserola at pakuluan ito. Pagkatapos ay alisin sa apoy at ilagay sa tasa o baso at inumin kapag medyo malamig na. Maganda talaga ang halamang gamot lagundi. Gawin ito tatlong beses sa isang araw. Umaga, tanghali at gabi.

Paano Magtanim ng Lagundi?

Sa pagtatanim ng lagundi, karaniwan kasi ay ang sanga nito ang itinatanim. Madali lang patubuin ang lagundi. Kumuha ka ng medyo malaki ng sanga at humanap ng lugar na pagtataniman. Itanim ang sanga ng lagundi at pagkalipas ng tatlong linggo ay makikita mo na nagsisimula ng tumubo ito.

Ano ang kinakailangan sa pagpapatubo ng Lagundi?

1. Sanga ng Lagundi

Kumuha ka ng sanga nito at ito ang gagamitin natin sa pagtatanim.

2. Sikat ng Araw

Kinakailangan din ng halamang gamot na ito ng sikat ng araw. Ito ang magsisilbing pagkain ng mga dahon at lahat ng bahagi ng halaman.

3. Tubig

Kinakailangan din ng halaman ng tubig. Kinakailangan mo itong diligin paminsan minsan.

4. Magandang Lupa

Kapag maganda ang lupa mas mabilis na tutubo ang lagundi.

Maganda ang magkaroon ng halamang gamot na lagundi dahil maaari mo itong gamitin na panggamot lalo na kapag ikaw ay may sakit. Kaya nitong pagalingin ang mga simpleng sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat. Kaya mainam na mag-alaga nito sa iyong bahay upang hindi kana bumili ng gamot at makakatipid kapa. Hindi lang yun ito ay organiko at walang halong kemikal.

Ang halamang gamot na lagundi ay medyo matagal kung lumaki. Kailangan mo itong alagaan para maging mabilis ang pagtubo nito. Diligin mo ito paminsan minsan at huwag masyadong marami ang pagbuhos ng tubig. Katam tamang tubig ay magiging maayos na.

Maari mo pa itong paramihin at ibigay sa ibang tao upang magpatubo din ng halamang gamot na ito. Kapag mas marami ay mas mainam dahil madami amg makikinabang at mas madami ang makaka alam.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa halamang gamot lagundi. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.
September 05, 2019

Halamang Gamot Sambong

Narito ang isang artikulo tungkol sa halamang gamot sambong.

Ano ang Sambong?

Ang sambong ay isang uri ng bulaklak ngunit itinuturing na isang halamang gamot lalong lalo na sa Pilipinas. Ito ay may Scientific name na "Blumea balsamifera".

Ang sambong ay isang uri ng halaman na may katamtamang taas na umaabot sa mahigit 1 hanggang 4 na metro ang taas.

Mga Bahagi ng Sambong

1. Dahon

Ang dahon ng sambong ay may katamtamang laki, ito ay kulay berde pag hilaw at nagiging dilaw pag medyo matanda na at nagiging kayumanggi kapag tuyo na. Ang dahon ng sambong ay maaring humahaba ng 6 hanggang 12 na pulgada ang haba. Malambot din ang mga dahon nito at manipis. Nagtataglay din ito ng maaromatikong amoy.

2. Sanga

Ang sanga ng sambong ay kaunti lamang. Ito ay kulay kayumanggi kapag matigas at may katamtamang laki at medyo magaspang ang balat, ngunit kapag medyo bata pa kulay berde, malambot at manipis ang katawan nito. Maari rin itong tumataas ng mahigit 1 hanggang 4 na metro ang taas.

3. Bulaklak

Ang bulaklak ng sambong ay humaba ng mahigit 3 hanggang 6 pulgada ang haba. Ito ay may mabangong amoy at malambot ito. Ang mga bulaklak ay kulay puti na medyo asul na medyo lila.

4. Ugat

Ang mga ugat ng sambong ay matibay at matatag. Ito ay medyo magaspang at maaaring humaba ng ilang pulgada. Ito ay kulay kayumanggi at marami kung umugat.

Sambong Bilang Isang Halamang Gamot

Ang Sambong ay itinuturing na isang halamang gamot. Kilala ang dahon ng sambong na panggamot sa karamdaman sa bato. Ngunit base sa mga pananaliksik ang sambong rin ay nakagagaling sa mga sakit kagaya ng sugat, lagnat, rayuma, hika, sakit ng ulo at sipon.

Ang Sambong ay nagtataglay ng myristic acid, volatile oil, palmitin, I-borneol, sesquiterpene alcohol, limonene, saponins, tannins, at limonene. Mayroon din itong mga iba pang taglay kagaya ng flavonoids, terpenes, camphor, b-pinene, 3-canene, moneterpenes, at lactones. Kaya na maganda talaga ang sambongna gamitin lalo na kapag ikaw ay may sakit.

Ang ibang bahagi ng sambong kagaya ng bulaklak at ugat ay kinakitaan din na pang gamot.

Paano ba gamitin ang Sambong bilang isang halamang gamot?

Karaniwang ginagamit ang dahon ng Sambong na panggamot. Kailangan mo lang gawin ay kumuha ng isang bungkos ng mga sariwang dahon ng sambong. Pagkatapos ay kumuha ng isang kaserola at lagyan ito ng apat hanggang anim na baso ng tubig. Ilagay ang mga dahon ng sambong sa kaserola at pakuluan ito. Pagkatapos ay alisin sa apoy at ilagay sa tasa o baso at inumin kapag medyo malamig na. Maganda talaga ang halamang gamot sambong.

Paano Magtanim ng Sambong?

Sa pagtatanim ng sambong, karaniwan kasi ay ang maliliit na halaman ang itinatanim. Kailangan mong humanap ng medyo maliliit pang sambong at ito ang gamitin mo sa pagpatubo. Pagkatapos ay humanap ng lugar na pagtataniman. Itanim ang halaman at pagkalipas ng tatlong linggo ay makikita mo na nagsisimula ng lumaki ito ng maayos.

Ano ang kinakailangan sa pagpapatubo ng Sambong.

1. Maliliit na halaman ng Sambong

Kumuha ka ng maliliit na halaman at ito ang gagamitin natin sa pagtatanim.

2. Sikat ng Araw

Kinakailangan din ng halamang gamot sambong na ito ng sikat ng araw. Ito ang magsisilbing pagkain ng mga dahon at lahat ng bahagi ng halaman. Kapag medyo mainam ang sikat ng araw na nasasagap ay mas magiging madali ang pagtubo nito.

3. Tubig

Kinakailangan din ng halaman ng tubig. Kinakailangan mo itong diligin paminsan minsan. Kapag medyo mataas ang sikat ng araw ay dagdagan mo ang tubig na ididilig lalo na sa hapon.

4. Magandang Lupa

Kapag maganda ang lupa mas mabilis na tutubo ang sambong. Higit na mas malaki at mayabong ang mga dahon.

Mainam na magparami ng halamang gamot na sambong. Marami ang maidudulot nito lalo na sa panggagamot ng mga simpleng sakit. Ang ubo ang isa sa mga sakit na karaniwang nararanasan ng tao at maaari kang uminom ng sambong upang ito ay mawala.

Higit paroon ito ay organiko at walang halong kemikal na makakasama sa kalusugan ng tao. Kapag likas sa kalikasan ay makakasigurado kang maganda ito sa kalusugan.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa halamang gamot sambong. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.
September 04, 2019

Paano Magtanim ng Gabi

Alamin kung paano magtanim ng gabi. Madali lang itong gawin at hindi ka mahihirapan sa pagsunod sa mga hakbang na gagawin.

Ang gabi ay isang uri ng gulay na masarap at madaling lutuin. Maraming mga pagkain ang pwedi mong lutuin sa gulay na ito. Ang isa sa pinaka sikat na pagkain ay ang "Laing".

Ang laing ay isa sa pinaka hinahanap hanap ng mga tao na kainin. Ito ay buhat sa Bicol Region na madalas magluto ng pagkaing ito. Marami ang gustong magluto nito. Kaya ang ilan ay gustong mag-alaga at magtanim nito.

Mga Kinakailangan sa Pagtatanim ng Gabi
a. Lamang ugat ng gabi
b. Asarol
c. Tubig
d. Sikat ng Araw
e. Lupa

Ang isa sa mga tanong paano ba ito gawin? Heto na kung paano magtanim ng gabi?

1. Pumili ng Lugar na Pagtataniman

Ang unang hakbang sa kung paano magtanim ng gabi ay pumili ka ng lugar kung saan mo ito itatanim. Mas mainam na itanim mo ito sa lugar kung saan medyo basa at may tubig. Madali kasing tumubo ito at lumaki. Kapag madami ang tubig sa paligid, mas madali ang pagtubo at pag-usbong ng mga dahon nito.

Ang lupa dapat ay loam soil. Hindi kasi maganda kung itatanim mo ito sa clay soil o kaya sa buhangin. Mas mainam na sa loam soil dahil madali ang paglaki ng mga ito. Maari mo ring itanim ito sa lugar na maputik. Ang lupa sa palayan ay maputik. Maari mong itanim rin ito dito at tutubo ito ng mabilis.

Kailangan ba ng sikat ng araw? Kinakailangan din ng sikat ng araw ng mga gabi. Ngunit kahit kaunti lamang ang sikat ng araw na nasasagap ng mga gabi ay tutubo at lalaki parin ito ng lubos lubos.

2. Kumuha ng mga lamang ugat na may katawan ng gabi.

Sa pangalawang hakbang sa kung paano magtanim ng gabi ay ang itinatanim na gabi ay ang mga ugat nito. Kailangan mong kumuha ng mga lamang ugat na iyong itatanim. Pagkatapos ay putulin mo ang mga dahon nito. Lahat ng dahon ay aalisin at putulin mo ang mga ito sa may bandang gitna. Bakit aalisin ang mga dahon? Aalisin natin upang mag-usbong ng mga panibagong dahon.

Mas maganda kasi na sariwa ang mga dahon na ating makukuha mula rito. Kumuha ng mga lamang ugat ng gabi na iyong itatanim. Mas malaking lugar mas madaming lamang ugat. Ngunit kung maliit lamang ang lugar na pagtataniman mo ay kaunting lamang ugat din ang kukunin mo.

3. Pagtatanim ng mga Gabi

Sa pangatlong hakbang sa kung paano magtanim ng gabi ay maghukay ng may 4 hanggang 6 na pulgada ang lalim. Ang lalim na ito ay tamang tama lamang sa lamang ugat ng gabi. Gumamit ka ng itak o kaya dulos. Maari ring pala o asarol. Nasasaiyo na kung ano ang gagamitin mo.

Maglaan ng 12 pulgada ang layo upang maging magaan at maginhawa para sa mga gabi ang pagtubo. Iwasan ang pagiging siksikan ng mga halaman upang madali at maganda ang pagtubo ng mga ito.

4. Pagdidilig

Sa pang-apat na hakbang sa kung paano magtanim ng gabi ay kinakilangan ng madaming tubig upang mabilis at maganda ang pagtubo nito. Kaya nga sinabi namin sa na unang mga taludtod ay kailangan na matubig ang lugar na iyong pagtataniman. Kapag medyo matubig ang iyong taniman ng gabi hindi mo na kilangang diligin pa ito. Makakasigurado ka sa magandang pagtubo ng mga ito.

Kapag ang lugar na iyong tinaniman ay medyo tuyo, kinakailangan mo itong diligan ng paminsan minsan. Ang gulay na ito ay hindi masilan at kahit minsan mulang ito diligin ay magiging maganda parin ang pagtubo ng mga ito.

5. Pataba

Ang gulay na ito ay hindi na masyadong kailangan ng pataba. Kadalasan kasi lalo na sa may mga tanim na gabi, hindi na nila ito nilalagyan ng pataba. Kahit kasi tubig at kaunting sikat ng araw ay maganda parin ang tubo nito.

Higit paron ay makakatipid ka dahil hindi kana maglalagay ng pataba. Kung nais mo naman na lagyan talaga ito ng pataba ay mainam na maglagay ka ng organikong pataba. Ang organikong pataba ay isang uri ng pataba na walang halong kemikal. Makakasigurado ka sa pataba na ito at makikita mo ang magandang maidudulot sa halaman.

Madali lamang ang paggawa ng organikong pataba. Kailangan mo lang ng mga dahon, damo, mga tirang pagkain, dumi ng hayop at iba pa. Ilagay mo ito sa isang malalim na hukay at tabunan ito ng lupa. Pagkalipas ng ilang linggo o buwan ay maaari mo ng gamitin ang mga pataba na ito.

6. Mga insekto at pest

Malimit namang nagkakaroon ng mga insekto o mga mapaminsalang mga pest ang gabi. Kaya hindi mo kailangang mangamba sa gulay na ito.

7. Pag-aani ng mga gabi

Sa pag-aani ng mga gabi, ang dahon at katawan ang palaging kinukuha dito. Kapag may katamtaman ng laki ang mga dahon, ay maaari mo na itong anihin. Umaabot ng 3 o mahigit pang buwan bago ka makapag-ani ng mga gabi.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng gabi. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.
September 03, 2019

Asarol: Kasangkapang Madalas Gamitin sa Pagtatanim

Asarol: Kasangkapang Madalas Gamitin sa Pagtatanim
Ang asarol ay isang kagamitan sa pagtatanim ng palaging ginagamit na pambungkal ng lupa. Ang kagamitang ito ay nakakatulong upang mapabilis ang paghahanda ng kamang tataniman. Sa pamamagitan nito madaling mabubungkal ang lupa upang taniman ng mga halaman.

Ngunit sa artikulong ito ay tatalakayin namin kung ano ba ito, saan ba ito ginagamit, paano ito aalagaan at madami pang iba. Kung nais mong malaman ang mga ito ay magpatuloy ka sa pagbabasa.

Ano ang asarol?

Ang asarol ay isang uri ng kagamitan sa paghahalaman na pambungkal ng lupa. Ito ay mayhawakan na kahoy at ang dulo nito ay may bakal na matalim na nagsisilbing pambungkal ng lupa. Ito ay ginagamit ng mga nagtatanim upang ihanda ang lupa.

Gaano ba kahaba ang kasangkapang ito?

Ang asarol ay umaabot sa isang metro ang haba. Ang hawakan nito ang nagpapahaba dito. Ang bakal na pambungkal sa lupa ay manipis lamang ngunit matalim. Matibay ang kagamitan nito at dapat na panitilin ang kaayusan at kalagayan nito.

Paano ba ito ginagamit?

Ang asarol ay ginagamit sa pamamagitan ng paghawak nito sa hawakan at ipapambungkal sa lupa. Ito ang kasangkapan na palaging ginagamit ng mga nagtatanim lalo na sa paghahanda ng lupa. Bago kasi magtanim ay kailangan muna na ihanda ang lupa upang maging madali ang iyong pagtatanim.

Sa pamamagitan ng kasangkapan nito ay madali mong matatanggal ang mga damo dahil buhaghag na at malambot na ang lupa. Hindi na mahihirapan na linisin ang lugar na pagtataniman at mapapadali ang paghahanda nito.

Saan ba ginagamit ang asarol?

Ang asarol ay kalimitang ginagamit sa paghahanda ng kamang taniman. Halimbawa magtatanim ka ng mga petsay. Kailangan munang bungkalin at ihanda ang lupa bago mo itatanim ang mga buto ng petsay.

Maari ring gamitin ang asarol kapag gagawa ng mga diki na dadaluyan ng tubig patungo sa mga tanim. Higit paron ay pinapadali ang mga gawin dahil sa kasangkapang ito.

Sino ang maaring gumamit ng asarol?

Kalimitan ang mga nagtatanim ang gumagamit nito, ngunit maari ring kahit sinong tao ang gumamig nito. Halimbawa wala kang hilig sa pagtatanim ngunit bigla mong napansin at napagtanto na maganda ang naidudulot ng pagtatanim at naisipan mong gumawa mg gulayan, ay maaari mo ring gamitin ang asarol.

Ang mga mag-aaral din sa paaralan ay gumagawa ng gulayan sa paaralan. Sila rin ay gumagamit ng asarol upang mapabilis ang paghahanda sa mga ito.

Kailan Maaring Gamitin ang Asarol?

Kahif kailan ay maari mong gamitin ang asarol. Ngunit kadalasan ay ginagamit ito sa panahon ng pagtatanim. Sa panahon kasing ito ay nagsisipaghanda na ng mga lupa ang mga magsasaka o magtatanim upang magtanim ng panibagong mga gulay.

Maaari itong gamitin sa panahon ng tag-ulan o tag-init. Sa panahon kasi ng tag ulan ay madami ang ulan at makakatulong ito sa pagtubo ng mga halaman. Sa panahon naman ng tag-init ay maaaring kulangin sa tubig ang iyong taniman lalo na kung ito ay malawak na taniman. Ngunit kung ito naman ay medyo may kaliitan lamang ay maaari kang kumuha ng tubig sa poso, sa gripo or sa balon na ipangdidilig sa mga halaman.

Bakit ba ginagamit ito?

Ginagamit ang asarol upang mapadali ang pagbungkal sa lupa. Hindi kana mahihirapan sa pagbungkal ng lupa dahil mayroon ka ng kasangkapan na gagamitin. Maaari kang gumamit ng itak, o kaya gamit ang iyong kamay ngunit matatagalan ka at mahihirapan ka kung ito ang gagamitin mo.

Kaya nandiyan ang asarol upang tulungan tayo na mapadali ang ating trabaho. Ngunit kailangan din nating mag-ingat upang hindi tayi maaksidente.

Paano ang pag-aalaga sa asarol?

Kailangan mong alagaan ang asarol upang hindi ito masira. Sa paanong paraan naman? Simple lang, ilagay mo ito sa ligtas na lalagyan o lugar, huwag itong itago ng madumi dapat ay linisin bago itago at huwag itago ng basa, kailangan  na tuyo na ito bago ilagay sa taguaan.

Maaring masira ang asarol. Ang kalimitang nasisira dito ay ang bakal sa dulo. Minsan kasi tumatama ito sa mga bato at nawawala ang talim. Kailangan mong hasain muli ito. Ang hawakan din na kahoy ay maari ring maputol. Pwedi mong palitan ng panibago ang hawakan upang magamit mo itong muli.

Magkano ba ang asarol?

Iba iba ang presyo ng asarol depende sa gumawa. May mga asarol na nagkakahalaga ng 1,000 Pesos ang isa at may roon namang mas mababa at meron ding mas mataas. Ngunit nasa 1,000 pesos na ang standard na presyo ng asarol.

Makakasigurado ka naman sa kalidad at magiging masaya ka sa pagbili mo dito. May iba ibang kulay ang hawakan at may magaganda sa paningin. Maari kang pumili depende sa gusto mo.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa asarol. Sana ay masaya ka sa nabasa mo dito. Maraming salamat sa oras at sana ay maganda ang araw mo.