Breaking

February 09, 2019

Paano Magtanim ng Talong

Paano Magtanim ng Talong
Ang talong ay isang uri ng gulay na tinatanim ng mga magsasaka. Hindi lang mga magsasaka, ilan sa mga tao ay nagtatanim din ng talong upang merong mapagkunan ng pagkain. Kapag may gulayan kasi sa bakuran ay maaari kang kumuha ng pagkain mula dito. Ngunit madali lang ba magtanim ng talong? Ang sagot ay heto na.


Paano magtanim ng talong? Sa pagtatanim ng talong, ihanda ang lupa na pagtataniman. Kumuha ng mga buto ng talong at itanim muna ito sa kahong punlaan pasamantala. Pagkalipas ng ilang araw ilipat na ang mga punla ng talong at itanim na may lalim na dalawa o tatlong pulgada ang lalim. Diligin ito araw-araw at lagyan ng pataba. Pagkalipas ng tatlo o apat na buwan maari ka ng mag-ani ng mga talong.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Talong

  • Buto ng Talong
  • Asarol
  • Trowel
  • Sprinkler
  • Kahong Punlaan
  • Pataba
  • Sikat ng Araw
  • Tubig.

May mga talong na mabibilog at mahahaba. Ang isangburi ng talong na tumutubo sa Pilipinas ay yung mga mahahaba. Kung mapapansin mo at makikita sa palengke, halos mahahaba talaga ang mga talong dahil na rin sa uri ng gulay na nabubuhay sa bansa.

Paano Magtanim ng Talong

1. Ihanda ang mga Buto ng Talong

Maliliit ang mga buto ng talong na halos magkakahawig sa kamatis at sili. Napakaliit ng mga ito. Ang mga buto ng talong ay maari mong bilhin sa pinakamalapit na agriculture store.

Ang isang pakete ay naglalaman ng mahigit 50 pataas na buto depende sa laki ngbpakete at nagkakahalaga ng 10 Peso bawat pack. Kailangang bumili ka sa tindahan dahil mahirap kumuha ng buto sa pinatuyong talong. At isa pa medyo matagal ang pagkuha ng mga buto sa naitanim na talong.

Kapag nakabili ka na ng mga buto ay maari na nating simulan itong patubuin.

2. Ihanda ang Kahong Punlaaan

Katulad ng kamatis at sili, kailangan mo munang patubuin ito sa isang kahong punlaan. Saganitong paraan makikita mo ang mga malulusog na talong na maari mong itanim sa permanenteng taniman.

Sa paghahanda ng kahong punlaan. Maglagay ka ng mga lupa sa bawat kahon. May ibat ibang uri ng kahong punlaan. May nabibili at may ginawa lang. Kung ang kahong punlaan ay binili mo sa tindahan, lagyan mo ng mga lupa ang bawat kahon.

Kung ang kahong punlaan naman ay ginawa mo lang ay lagyan mo ng madaming lupa ang kahon at sisimulan na nating patubuin ang mga talong.

Lagyan mo ng tig-iisang buto ng talong ang kahong punalaan na binili mo. Pagkatapos ay tabunan mo ito ng mga lupa. Para naman dun sa kahong punlaan na ginawa mo lang ay lagyan mo ng lupa sa loob at itanim mo ang mga buto ng talong na may dalawang puldaga ang distansya.

Makalipas ang pitong araw ay magsisimula na itong tumubo. Kailangan mong maghintay ng tatlo o apat na linggo bago mo ito ilipat sa permanenteng taniman.

3. Ihanda ang Lupang Pagtataniman ng Talong

Habang pinapatubo mo pa ang mga talong ay ihanda mo na ang lupang iyong pagtataniman. Ihanda ang lupa sa pamamagitan ng pagbubungkal dito. Gamit ang asarol bungkalin mo ang lupa.

Alisin mo ang mga damo at bato na maaring makahadlang sa iyong pagtatanim. Pagkatapos ay pinuhin mo ang lupa upang mapadali ang iyong pagtatanim.

Pagkatapos mong mapino ay handa na ito. Mas makakabuti din kung medyo malayo sa mga puno ang iyong taniman upang walang mga ugat ng puno ang makakasagabal.

Suguraduhin mo rin na ang lugar na iyong pagtataniman ay nasisikatan ng araw upang mas madali itong tumubo at madami ang bunga na maaani mo.

4. Itanim ang mga Talong na Punla

Pagkalipas ng tatlo hanggang apat ba linggo ay maari mo ng ilipat ang mga talong na punla. Sa ganitong gulang may sapat na dahon at ugat ang mga talong.

Kunin mo ang kahong punlaan at dalhin mo na din ang trowel. Sa lupang iyong inihanda ay gumawa ka ng maraming hukay na may lalim na dalawa hanggang apat na pulgada ang lalim.

Pagkatapos ay simulan mo ng alisin ang nga talong na punla gamit ang trowel. Dahan-dahanin mo lang ang pag-alis ng mga punla upang maiwasan na maputol ang mga bahagi ng halaman gaya ng ugat, dahon at katawan ng halaman.

Itanim mo na ang mga talong sa hukay na iyong ginawa. Pagkatapos ay tabunan ko ito ng lupa. Pagkatapos mong mailipat ang mga punla ay diligin mo ito pagkatapos.

5. Maglagay ka ng Pataba

Ang talong ay kailangan din ng pataba upang mas mabilis na lumaki at lumago, maglagay ka ng organikong pataba. Kung hindi mo pa ito alam ay alamin mo kung paano gumawa ng orgaikong pataba.

Lagyan mo ng pataba ang paanan ng mga talong. Ang mga patabang ito ay makakatulong sa mabilis na pagtubo at mas malusog na halaman.

Ilagay mo sa may ugat ng talong ang mga pataba. Maganda ang organikong pataba na iyong ilalagay dahil wala itong halong kemikal na makaka apekto sa tao.

6. Diligin mo ang Talong Araw-Araw

Kung ang gulayan na ginawa mo ay medyo maliit lamang ay mas madali mong maalagan ang mga ito. Isa na sa pag-aaalaga diyan ay ang pagdidilig nito araw-araw.

Diligin mo ang mga talong upang lalong lumaki at lumago. Kapag nakakakuha ng sapat na tubig ang mga talong ay mas mabilis na lumaki at malalaki ang magiging bunga nito. Isa pa diyan ay makikita mo na malulusog ang mga dahon ng talong at hindi ito basta basta dadapuan ng mga sakit.

7. Pag-aani ng mga Talong

Makalipas ang tatlo o apat na buwan maari ka ng magsimulang mag-ani ng mga talong. Sa ganitong mga buwan ay makakakita ka na ng malalaki at mahahabang talong.

Paano ba inaani ang mga talong? Simple lang ang pag-aani ng mga talong. Kailangan na ang kulay ng talong ay kulay violet. Kumuha ka ng basket na paglalagyan ng mga bunga nito. Gumamit ka ng gunting sa pagaani. Maglaan ng isa o dalawang pulgada mula sa sanga ng halaman. Pagkatapos ay putulin mo na ito.

Madami kung mamunga ang talong kaya siguradong sagana ang iyong magiging ani.

Narito pa ang ilan sa mga artikulo na mababasa mo katulad ng paano magtanim ng pechay, ng upo, at malunggay.

Maraming salamat sa pagbabasa.
Sana ay nakatulong kami sa iyo sa kahit kaunting bagay.
Marami ka pang mababasa na mga artikulo sa amin kaya subukan mong basahin ang ilan pang mga artikulo.
Maraming salamat po ulit sa iyo.
Sana ay bumalik ka para matututo ng iba pang nga bagay.
February 08, 2019

Paano Magtanim ng Kalabasa

Paano Magtanim ng Kalabasa
Kadalasan kapag nagtatanim ng kalabasa ay isang halaman lang ang iyong makikita. Kung iyong pagmamasadan lalo na sa ilang mga bahay, halos isang baging ng kalabasa lang ang iyong mamamasdan. Ngunit kahit isang puno lang ito ay madami naman ito kung mamunga.


Paano magtanim ng kalabasa? Sa pagtatanim ng kalabasa pumili ng lugar na iyong pagtataniman. Kumuha ng buto ng kalabasa at itatanim ito sa lupa na may isang puldaga ang lalim. Lagyan ito ng pataba at diligin ito araw-araw. Maglagay ng balag na pag gagapangan ng kalabasa. Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan, maari ka ng mag-ani ng kalabasa.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Kalabasa

  • Buto ng Kalabasa
  • Asarol
  • Trowel
  • Pataba
  • Sikat ng araw
  • Tubig

Kung ang gagawin mo ay isang maliit na gulayan lamang at maari mo ng sundin ang mga sumusunod na hakbang. Ito ay isang gabay lalo na sa mga gustong magkaroon ng gulayan sa kanilang bakuran.

Paano magtanim ang Kalabasa

1. Pumili ng Lugar na Pagtataniman

Pumili ka ng lugar na pagtataniman mo ng kalabasa. Ang lugar na iyon ay dapat nasisikatan ng araw. Ang sikat ng araw ang magsisilbing pagkain ng kalabasa.

Gamit ang kanyang dahon ipoproseso niya ito at magiging pagkain ng kahat ng kanyang parte ng halaman. Kapag madami o sapat ang sikat ng araw na nakukuha ng kalabasa, magiging malusog at malalaki ang mga dahon at bunga nito.

Ang lugar na iyong pipiliin din ay dapat na maganda ang kalidad ng lupa. Ang lupang maganda ay medyo maitim ang kulay nito. Ito ay nagtataglay ng mga sustansya na maganda para sa lupa. Kapag medyo maitim ang lupa meron itong pataba na tinatawag na humus. Ang humus ay galing sa mga nabulok na bagay kagaya ng damo, dahon o iba pang mga nabubulok na bagay.

Maari mong piliin ang lugar sa iyong likod bahay o kaya naman sa iyong bakuran.

2. Ihanda ang Lupang Pagtataniman ng Kalabasa

Ngayong napili mo na ang lupang iyong pagtataniman ng kalabasa, ang susunod mong gagawin ay ihanda ito. Ihanda? Oo ihanda mo ito.

Kailangan na alisin mo ang mga damo na nakapaligid o tumutubo sa lupang iyong pagtataniman. Kailangan mong alisin ang mga damo dahil ito ang magiging kaagaw ng mga halaman sa paglaki. Kukunin ng mga damo ang mga sustansya sa lupa na kailangan ng mga gulay sa paglaki.

Alisin mo rin ang mga nagkalat ng mga bato na maari ring makahadalang sa paggawa mo ng gulayan sa iyong bakuran.

Pagkatapos mong maalisin ang mga bagay na iyon, ay simulan mo ng bungkalin ang lupa. Isang maliit na parte lamang ng lupa ang kailangan para sa isang puno ng kalabasa. Gamit ang asarol magbungkal ka ng lupa na pabilog. Pagkatapos ay pinuhin mo ang lupa. Pagkatapos nun ay pwedi ka ng magtanim.

Kung madaming kalabasa ang iyong itatanim gumawa ka pa ng madaming hukay na iyong pagtataniman. Maglagay ka ng tatlong metro ang distansya dahil malago at madaming dahon ang kalabasa kapag lumalaki na.

3. Ihanda ang mga Buto ng Kalabasa

Ang buto ng kalabasa ay madaling tumubo. Ngunit kailangan mong makakuha ng mga magugulang na buto. Kapag magluluto ka ng gulay ng kalabasa, ay tinatanggal natin ang mga buto nito. Maari mong gamitin ang mga butong iyon sa pagtubo ng mga kalabasa. Ngunit maliit ang porsyento na tutubo ito.

Kung naiis mo ng maganda at dekalidad na mga buto ng kalabasa, ay bumili ka ng mga buto sa pinakamalapit na agriculture store. Ang mga buto na ibinebenta nila ay mataas ang kalidad. Makakasigurado ka na tutubo ang mga buto na iyong itatanim.

Ang mga buto o binhi na ibinebenta sa mga agriculture store ay naglalaman ng 10 o mahigit pang buto at nagkakahalaga ito ng 20 Pesos pataas.

Kapag meron ka ng buto ay maari mo na itong itanim sa iyong bakuran.

4. Itanim ang mga Buto ng Kalabasa

Kapag meron ka ng buto ng kalabasa ay itatanim na natin ito. Kumuha ka ng trowel at doon sa ginawa mong pabilog na hukay ay gumawa ka ng isang pulgada ang lalim. Itanim mo ang isang buto ng kalabasa bawat hukay. Takpan mo ito ng lupa pagkatapos.

Lagyan mo ng organikong pataba ang ibabaw upang lumaki ito ng maayos kapag tumutubo na. Ang organikong pataba ay isang pataba na galing sa mga pinabulok na dahon, damo, tirang pagkain o anu-ano pang nabubulok na bagay.

Maglaan ka nito bawat hukay na maytanim na kalabasa. Pagkatapos ay diligin mo ito ng tubig upang magsimula ng tumubo. Ang mga kalabasa ay magsisimulang tumubo pagkalipas ng lima hanggang pitong araw.

5. Diligin mo Ang Kalabasa ng Palagian

Kailangan ng kalabasa ng sapat na tubig upang lumaki ng maayos. Pagkalipas ng isang linggo makikita mo na tumutubo na ang kalabasa. Kailangan mong diligin ito ng palagian. Kapag nakita mo na ang lupa ay tuyo, diligin mo ito ng tubig.

Mas madalas na matuyo ang lupa kapag mataas ang sikat ng araw at tag-init ang panahon. Kung nakikita mo na medyo basa pa ang lupa ay huwag mo munang dilihin. Ang kalabasa ay hindi kagaya ng ibang gulay na nangangailangan ng madaming tubig. Sapat na tubig lang ang kailangan nito.

Kapag nagawa mong diligin ito ng palagaian ay makakasigurado ka na lalaki ito ng maayos.

6. Lagyan mo ng Pataba ang Kalabasa

Habang patuloy na lumalaki ang kalabasa, ay nangangailangan ito ng madaming sustansya. Ang iyong nilagay na pataba sa simula ay hindi na sapat kaya ay maglagay ka ulit ng karagdagang pataba.

Lagyan mo ng organikong pataba ang ibabaw ng halaman. Ang patabang iyong nilagay ay makakatulong sa mas maganda pang pagtubo ng halaman.

7. Maglagay ka ng Balag

Ang kalabasa ay isang uri ng gulay na gumagapang. Maari mong pagapangin ito sa lupa ngunit mas maganda parin kung maglalagay ka ng balag.

Kailangan mong maglagay ng balag lalo na kung maliit lang ang iyong espasyo. Dahil sa balag nasa itaas an mga dahon ng kalabasa nito at mas nakakakuha ito ng madaming sikat ng araw na maganda para sa halaman.

8. Pag-aani ng Kalabasa

Pagkalipas ng tatlo o apat na buwan ay maari mo ng anihin ang mga kalabasa. Ano ang paraan ng pag-aani ng kalabasa? Ang paraan ng pag-aani ng kalabasa ay kumuha ka ng matulis na bagay gaya ng itak at putulin mo ito sa kanyang bunga ngunit magtira ka ng tatlong pulgada mula sa baging ng kalabasa.

Masmaganda kung ganuon ang gagawin mo upang hindi masira kaagad ang gulay na kalabasa. Madami kang maaaning kalabasa mula sa isang puno lamang. Kung madami kang gulay ay madami rin ang iyong maani.

Maraming salamat sa iyong pagpunta at pagbabasa ng artikulong ito.
Sana ay may napulot kang aral mula sa pagbabasa dito.
Madami pang artikulo ang aming ipopost at sana ay bumalik ka para sa madami pang kaalaman na iyong mababasa.
Maraming salamat po ulit.

February 07, 2019

Paano Magtanim ng Sitaw

Paano Magtanim ng Sitaw
Madaming naidudulot ang pagtatanim ng sitaw. Maari kang maging malusog kapag nagtatanim ka ng sitaw. Ito ay nagpapalakas halimbawa ng katawan, dahil ang pagtatanim ay isa na ring uri ng ehersisyo. Sa bawat araw na dinidilig mo ang gulay na sitaw naigagalaw mo ang iyong katawan. Ngunit papaano ba ito itinatanim?


Paano magtanim ng sitaw? Madali lang magtanim ng sitaw, una ay ihanda ang lupang pagtataniman. Pangalawa kumuha ng mga buto ng sitaw at itanim ng may isang pulgada ang lalim at may 12 na pulgada ang distansya sa lupa. Diligin ito araw araw lalo na kung mainit ang panahon. Pakalipas ng tatlo o apat na buwan maari ng mag-ani ng sitaw.

Kung makikita natin, may mga nagtitinda ng gulay na sitaw sa palengke. Isang dahilan jan ay madami ang supply ng gulay. Kapag madami ang supply ibig sabihin ay madami ang nagtatanim o kaya naman ay madami ang naani.

Madali lang itanim ang sitaw, ngunit kailangan mong alagaan para lalong lumaki at lumago. Pakalipas ng tatlo o apat na buwan, ay maari ka ng mag-ani ng mga sitaw.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Sitaw

  • Buto ng Sitaw
  • Lugar na Pagtataniman
  • Asarol
  • Trowel
  • Kalaykay
  • Sprinkler
  • Pataba
  • Sikat ng Araw
  • Tubig

Paano Magtanim ng Sitaw

1. Pumili ng Lugar na Pagtataniman

Kung ang gagawin mo ay isang negosyo ng pagtatanim ng sitaw, kailangan mo ng malaking espasyo ng lupa. Ngunit kung ang gagawin mong gulayan ay para sa iyong pamilya lamang, maari ng maliit na espasyo ang kailanganin.

Pumili ng lupa na medyo mataba. Kung iyong mapapansin ang lupang mataba ay medyo maitim ang kulay. Ang lupang hindi mataba ay parang kayumanggi ang kulay at madali mo lang itong ma papansin.

Tingnan mo ang lupa sa palayan. Ang lupa jan ay hindi masyadong mataba na halos puro kayumanggi ang kulay. Hindi ito magandang pagtaniman, ngunit pwedi kang maglagay ng pataba para lumago ang halaman.

Ang lupang iyong pipiliin ay nasisikatan din ng araw. Ang sikat ng araw ay nagsisilbing pagkain ng mga halaman. Mas madaming sikat ng araw mas mataba at malusog ang halaman.

Tiyakin mo rin na malapit ka sa pagkukunan ng tubig upang hindi sila matuyo. Pagkatapos mong mapili ang lugar ay ating ihanda ang lupa.

2. Paghahanda ng Lupang Taniman

Meron ka ng lugar na pagtataniman ng sitaw, ang susunod mong gagawin ay ihanda mo ang iyong lupa.

Gamit ang asarol, bungkalin mo ang lupa. Gumawa ka ng plot. Ikaw na ang mag desisyon sa kung gaano kahaba at kalaki ang iyong pagtataniman.

Kapag natapos mo ng bungkalin ang lupa ay pinuhin mo ito. Gamit ang kamay ay durugin mo ang mga malalaking tipak ng lupa. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong lupa.

Tanggalin mo rin ang mga bato o mga plastik na makakasagabal sa paglago at paglaki ng mga sitaw na gulay. Kapag handa na ang lupa ay isunod na natin ang ikatlong hakbang.

3. Kumuha ng Buto ng Sitaw

Maari kang bumili ng buto ng sitaw sa pinakamalapit na agriculture store. Maaasahan mo ang kalidad ng mga binhi na mabibili mo rito. Ang isang pack ng buto ng sitaw ay mayroong 20 pataas na buto at nagkakahalaga ng sampung piso pataas.

Ngunit pwedi ka rin namang humingi ng mga buto sa mga kakilalang nagtatanim ng sitaw. Ang sitaw ay may malaking porsyento ng pagtubo. Kailangan lang ay tuyo na at maytamang gulang na ang mga sitaw upang tumubo.

Kapag may buto ka na ng sitaw ay maari na tayong magtanim.

4. Itanim ang Buto ng Sitaw

Sa pagtatanim ng buto ng sitaw ang kailangan mong gawin ay gumawa ng mga mababaw na hukay. Gumawa ng hukay na may isang pulgada ang lalim. Gumamit ka ng trowel, sanga ng puno o kaya iyong mga kamay.

Lagyan mo ng 12 pulaga ang distansya kung madaming sitaw kang itatanim. Ang distansyang yan ay maari na upang sila ay lumago at hindi mag-agawan sa sustansya sa lupa.

Ilagay ang mga buto sa hukay at lagyan ito ng lupa. Pagkatapos ay diligin mo ang mga ito. Pagkalipas ng tatlo o limang araw, magsisimula ng tumubo ang mga sitaw.

5. Maglagay ng Pataba sa Sitaw

Upang lalong lumaki ang mga sitaw, kailangan mong maglagay ng pataba. Ang ilan sa mga magsasaka ay naglalagay ng complete fertilizer. Inihahalo nila ito sa tubig saka idinidilig. Ihalo mo sa isang sprinkler ng tubig ang dalawang palad ng fertilizer.

Pagakatapos ay matutunaw ito sa tubig saka mo idilig sa puno ng sitaw.

Ngunit nirerekomenda namin na gumamit ka ng organikong pataba. Ano ba ang organikong pataba? Ito ay pataba na galing sa mga pinabulok na damo, dahon, kahoy, at mga dumi ng hayop.

Madaming paraan para gawin ito, kung gusto mong matuto ay basahin mo lang ang hakbang na nandito sa page.

6. Maglagay ng Balag

Kapag nagsimula ng lumaki at umakyat ang mga sitaw ay kailangan mong maglagay ng balag. Ang mga balag ay magsisilbing kapitan ng mga sitaw. Gamit ang balag ay maari silang lumaki at tumubo pa ng maayos.

Kapag nagtanim ka ng sitaw, lagyan mo ito ng balag. Kung hindi mo kasi siya lalagayan ay tutubo at lalaki siya sa lupa. Hindi nagbubunga ng madami ang sitaw kung ito ay lalaki sa lupa. Madaming maaaning bunga ng sitaw kung ito ay umaakyat sa balag.

Sa paggawa ng balag, maari kang gumamit ng pisi o kaya alambre. Maglagay ka ng apat na matibay na poste na pagtataliaan ng mga pisi. Pagbigkisin mo ang pisi sa poste at lagyan mo rin ng pisi mula sa sitaw na halaman papunta sa balag.

7. Diligin ang Sitaw Araw-Araw

Kailangan mong diligin ang mga sitaw araw-araw lalo na kung tag-init. Huwag mong hayaan na matuyoan ng lupa ang iyong mga tanim. Ito ay makaka apekto sa paglaki ng mga halaman.

Diligin mo ang sitaw mga 6-7 ng umaga at mga 4-5 ng hapon.

Kapag nadilig mo ng maayos ang mga sitaw ay lalong lalago ang iyong mga ito. Maaasahan mo ang mabilis na paglaki ng halaman.

8. Anihin ang mga Sitaw

Pagkalipas ng tatlo o apat na buwan ay maari mo ng anihin ang mga sitaw. Hawakan mo sa dulo ang mga sitaw, at dahan dahan na putulin ito sa baging.

Maraming salamat sa pagbabasa.
Sana ay nakatulong kami kahit munting kaalaman.
Marami pang mga artikulo ang aming gagawin at manatiling nakasubaybay sa amin para sa mga susunod pang mga post.
February 06, 2019

Paano Magtanim ng Pechay

Paano Magtanim ng Pechay
Maraming nagtatanong kung paano magtanim ng pechay? Gusto nilang magpatubo at magpalaki ng gulay na ito at maaari mong basahin ito para makakuha ng kaunting kaalaman.

Ang pechay ay isang uri ng gulay na madaling itanim at madaling anihin. Alam mo ba na isa ito sa pinaka mabilis na gulay na anihin? Ito ay inaani sa loob ng 30 hanggang 45 na araw. Sobrang bilis diba? At isa pa walang kahirap hirap kung ito ay palakihin, kailangan lang ng palagi ang pagdidilig sa halaman.

Paano magtanim ng pechay? Para itanim ang pechay, gumawa ng plot na pagtataniman ng pechay. Sa isang punlaan itanim pansamantala ang mga buto ng pechay hanggang sa tumubo. Paglumaki na ang pechay ay ilipat na ito sa taniman na may lalim na dalawang pulgada at anim na pulgada ang distansya. Diligin ito araw-araw at lagyan ng pataba. Pagkalipas ng 30 hanggang 45 na araw maari mo na itong anihin ang mga pechay.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Pechay
  • Buto ng Pechay
  • Asarol
  • Kalaykay
  • Trowel
  • Sprinkler
  • Sikat ng Araw
  • Tubig
  • Pataba
Hakbang sa Pagtatanim ng Pechay

1. Pumili ng Lugar na Pagtataniman

Sa unang hakabang sa kung paano magtanim ng pechay. Pumili ka ng lugar na iyong pagtataniman. Sa likod bahay o kaya sa bakuran ay maari mo ng piliin ito upang iyong pagtaniman ng pechay.

Kailangan lamang na may sapat na sikat ng araw ang lugar na pipiliin mo. Ang sikat ng araw ang magsisilbing pagkain ng pechay sa loob ng ilang linggo o buwan.

Kapag nakuha ng pechay ang tamang sikat ng araw, madaming pagkain ang kanyang makukuha at mas lalo pa itong lalaki at lalago.

Ang mga dahon ng pechay ay makakakitaan mo ng malutong at berdeng berde ang kanyang kulay. Kapag ganyan ang kinalabasan madaming sikat ng araw ang kanyang nakuha.

Sapat na tubig. Hindi lang araw ang kailangan ng pechay. Kailangan niya din ng sapat na patubig. Ang tubig sabi nga ito ay buhay ng mga halaman. Sapagkat kung meron ngang araw ngunit wala namang tubig ay hindi sila mabubuhay ng maayos.

Kailangan ang lugar na iyong napili ay malapit sa mapagkukunan ng tubig. Kapag nabigyan mo ng sapat at tamang tubig araw-araw tiyak na makikita mo ang magandang resulta.

2. Ihanda ang Lupang Pagtataniman

Pagkatapos mong mapili kung saan mo balak itanim ang mga pechay, kailangan mo ng ihanda ito para taniman.  Ito ang pangalawang hakbang sa kung paano magtanim ng pechay.

Kunin mo ang asarol at bungkalin mo ang lupa. Iakma mo kung gaano kalaki ang taniman na iyong gagawin. Pagakatapos mong mabungkal ang lupa ay alisin mo ang mga ligaw na damong nakakalat at alisin mo din ang mga nagkalat na bato.

Pinuhin mo ito gamit ang iyong mga kamay. Pagkatapos mapino ay pantayin mo ang lupa gamit ang kalaykay. Maari mo ring maalis ang mga natitirang mga basura gamit ang kalaykay.

Kapag handa na ang lupa ay gawin na natin ang susunod na hakbang.

3. Ihanda ang mga Buto ng Pechay

Ang buto ng pechay ang ating gagamitin sa pagtatanim. Maari kang bumili ng buto ng pechay sa pinakamalapit na agriculture store sa iyong lugar. Ang isang pakete ay nagkakaroon ng 50 pataas na buto at nagkakahalaga ng 20 pesos pataas.

Makakasiguro ka sa kalidad na ibenebenta sa mga tindahan na ito dahil mayroon silang nilalalagay na pampahaba ng buhay ng buto. Makakasiguro karin na mataas ang porsyento ng pagtubo ng mga buto.

4. Itanim ang Pechay sa Kahong Punlaan

Kapag merong kanang binhi ng pechay ay maari na nating simulang patubuin ito. Kung ikaw ay baguhan sa pagtatanim ay may mga bagay kapa na dapat malalaman.

May mga gulay o halaman na kailangan munang patubuin sa isang lalagayan o kahong punlaan bago ito ilipat sa permanenteng taniman, katulad ng pechay. Ang ginagagawa dito ay patutubuin muna saglit ang mga buto at kapag medyo malaki laki na ang halaman saka ito ililipat.

Kaya ganito ang ginagawa sa pagtatanim ng pechay. Gumawa ka kahong punlaan. Kung hindi mo pa alam. Subukan mong maghanap ng litrato sa internet. O kaya itry mo isearch ang seedbox o seedtray. Kapag alam mo na gawin na natin ang susunod na hakbang.

Lagyan mo ng mga lupa ang kahong punlaan. Pagkatapos ay lagyan mo ng mga buto ng pechay ang kahon. Lagyan mo ng tig iisang pulgada ang layo ng bawat buto. Pagkatapos ay takpan mo ng kaunting lupa ang bawat buto. Diligin mo ang mga ito pagkatapos.

Makalipas ang tatlo hanggang pitong araw magsisimula na itong tumubo.

5. Paglilipat ng mga Punla ng Pechay

Kapag tumubo na ang pechay ay maari mo ng ilipat ang mga punla. Kunin mo ang trowel at ang kahong punlaan. Ilipat mo isa isa sa lupang iyong tataniman.

Dito na ito permanenteng lalaki at tutubo hanggang sa mag-ani. Gamit ang trowel isa-isanhing alisin sa kahong punlaaan ang mga punla ng pechay. Mag-ingat upang hindi maputol ang mga punla.

Maghukay ka ng isa hanggang dalawang pulgada ang lalim at itanim mo ang isang punla. Maglagay ka ng anim na pulgadang distansiya upang maayos na tumubo ang mga halaman. Diligin mo ang mga ito pagkatapos.

Gawin mo ang paglilipat ng mga punla sa umaga o kaya hapon habang hindi pa mataas ang sikat ng araw.

6. Diligin mo ang Pechay Araw-araw

Sa pang-anim na hakbang sa kung paano magtanim ng pechay ay kailangan ng maraming tubig upang lalong lumaki. Diligin mo ito ng palagian sa umaga at sa hapon.

Kapag sapat ang tubig na nakukuha ng pechay ay paniguradong lalaki ito ng mas maayos at mas mabilis.

Makikitaan mo rin na malulusog at malalaki ang mga dahon nito. Pati ang tangkay ay matitibay.

7. Maglagay ka ng Pataba sa Pechay

Ang pataba na aming nirerekomenda ay organikong pataba. Ang organikong pataba ay isang uri ng pataba na walang halong kemikal. Ito ay galing sa mga pinabulok na dahon, damo, dumi ng hayop at mga tira-tirang pagkain.

Madali lang ang paggawa ng organikong pataba. Maghukay ka sa lupa ng may isang metro ang lalim at ilagay mo sa loob ang mga dahon, damo at mga nabubulok na mga bagay. Pagakatapos ay takpan mo ito ng lupa. Pagkalipas ng ilang linggo ay mabubulok na ito. Maari mo ng gamitin ito bilang pataba.

Paano ang paglalagay ng organikong pataba sa Pechay? Simple lang kumuha ka ng organikong pataba at ilagay ito sa paanan ng halaman. Ikalat mo ito sa paligid ng bawat halaman.

8. Pag-aani ng mga Pechay

Pagkalipas ng 30 hanggang 45 na araw ay maari mo ng anihin ang mga itinanim mong pechay. Maari mong pitasin ang mga magugulang na dahon ng bawat halaman at lutuin. O kaya naman ay bunutin mo ang halaman at alisin ang mga ugat nito.

Salamat sa pagbabasa sa artikulong paano magtanim ng pechay.
Sana ay madami kang natutunan sa araw na ito.
Salamat sa oras mo.
Sana ay masaya ang araw mo ngayon dahil gusto namin na Happy kalang.
Balik ka sa susunod bibigyan kita, hindi pera ngunit bibigyan kita ng mga kaalaman. 
February 05, 2019

Paano Magtanim ng Kamatis

Paano Magtanim ng Kamatis
Sa pagtatanim ng kamatis ay mainam na itanim ito sa lugar na nasisikatan ng araw. Ang araw ang magbibigay lakas at sigla sa halaman. Ngunit hindi lang yan ang mga kinakailangan sa pagatatanim. Halika at iyong basahin.


Paano magtanim ng kamatis? Ang una mong gagawin ay ihanda ang lupang pagtatamnan. Kumuha ng mga buto ng kamatis at itanim pansamantala sa isang seedbed or seedtray. Pagtumubo na ang mga kamatis ilipat na ito sa lupang inihanda. Itanim ang mga kamatis ng may lalim na isa hanggang dalawang pulgada ang lalim at may anim hanggang 12 na pulgada ang layo. Makalipas ang tatlo o mahigit pang buwan, maari ka ng mag ani ng mga kamatis.


Iyan ang mga hakbang sa pagtatanim ng mga kamatis. Na summary na yan para sayo. Kung gusto mo pang lumalim ang kaalaman basahin mo dito sa ibaba.

Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Kamatis
  • Asarol
  • Trowel
  • Sprinkler
  • Buto ng Kamatis
  • Pataba
  • Kalaykay
Hakbang sa Pagtatanim ng Kamatis

1. Ihanda ang Lugar na Pagtatamnan

Kung itatanim mo ang kamatis, swempre kailangan mo ng lugar na pagtataniman. Kung maliit lang naman ang balak mong gawing gulayan, maari ng sa tabi ng buhay o kaya sa bakuran.

Gamit ang asarol bungkalin ang lupa. Tiyakin na mabungkal at pinohin ang mga malalaking tipak ng lupa. Maari ring pinohin mo gamit ang iyong kamay.

Alisin ang mga ligaw na damo sa lupa dahil maaari nitong agawin ang sustansya sa lupa na kailangan ng mga halaman. Alisin din ang ibang bagay katulad ng mga ugat ng puno o kaya mga plastic o kaya mga bato na maaring makahadlang sa paggawa mo ng gulayan.

Maari mo ring gamitin ang kalaykay para pantayin ang lupang pagtataniman.

Kapag handa na ang lupa, maari na nating gawin ang susunod na hakbang.

2. Kumuha ng Buto ng Kamatis

Napaka simple ng iyong gagawin kukuha ka ng mga buto ng kamatis. Hindi mo na kailangan bumili ng mga buto, ang gawin mo ay bumili ka ng kamatis sa tindahan.

Halimbawa meron ka ng bunga ng kamatis. Ganito ang gagawin natin.

Kunin mo ang kamatis at kunin mo rin ang kutsilyo. Gamit ang kutsilyo hatiin sa dalawa ang kamatis, hatihatiin ito sa maliliit na piraso. Kapag na hati mo na ay mabilis at madali mong makukuha ang mga buto ng kamatis.

Ilagay ang mga buto sa bao ng niyog. Pagkatapos ilagay mo ito sa lugar na nasisikatan ng araw. Patuyuin mo muna ang mga buto ng isang araw.

Yung mga hinati-hati mong kamatis ay maari mong kainin ng hilaw o kaya ay ihalo sa itlog at pritohin.

Pakalipas ng isang araw, tuyo na ang mga buto ng kamatis. Maari mo ng gawin ang susunod na hakbang.

3. Itanim ang mga buto ng Kamatis sa Punlaan

Kung makikita mo ang mga nagtatanim, itinatanim muna nila ito sa kahong punlaan or in english seedbox or seedtray. Sa prosesong ito itinatanim muna pansamantala ang mga buto ng kamatis sa punlaan para lumaki.

Ganito ang gawin mo. Gumawa ka ng kahong punlaan. Kung hindi mo ito alam maari kang mag search sa internet patungkol sa seedbed or seedtray. Kapag nakita mo na ito madali mo ng magagawa ang mga hakbang.

Kunin mo ang seedtray. Humanap ng lugar na may lupa at lagayan ng lupa ang kahon. Pagkatapos mong punuin ng lupa, ay ilagay ito sa lugar na medyo nasisikatan ng araw.

Kunin mo ang mga pinatuyong buto ng kamatis at itanim mo sa loob ng punlaan. Maghukay ng butas mga kalahating pulgada at lagyan mo ng isang buto ng kamatis. Lagayan mo ng isang pulgada ang distansya ng bawat buto.

Pagkatapos ay takpan mo ito ng lupa. Diligin mo ito pagkatapos. Makalipas ang lima hanggang pitong araw, tutubo na ang mga kamatis.

4. Paglilipat ng Halamang Kamatis

Kapag ang kamatis ay tumubo na at meron na itong ilang dahon at may taas na apat na pulgada ay maari mo ng itanim ito sa inihandang taniman.

Kunin mo ang kahong punlaan, trowel at pumunta sa taniman na iyong inihanda. Gamit ang trowel, maghukay ng mga butas sa lupang inihanda ng mga dalawa o tatlong pulagada ang lalim.

Lagyan mo ng anim hanggang 12 na pulagada ang layo. Gamit parin ang trowel bungkalin ang lupa at alisin ang mga kamatis sa kahong punlaan. Dahan dahan sa pagbungkal upang maiwasan na maputol ang mga halaman.

Pagkatapos maalis ang mga halaman, ay itanim na ito sa lupang inihanda. Takpan ng lupa ang mga ugat ng kamatis at diligin ito pagkatapos.

5. Protektahan ang mga Kamatis sa mga Hayop

Kung mayroon kang mga alagang hayop sa bahay ay maari nilang sirain ang iyong halamanan. Ang kailangan mo ay kailangan mong protektahan ang iyong mga tanim.

Ang gawain mo ay ganito. Itali mo ang mga alagang manok o kaya ay ikulong ito sa kulungan. Sa ganitong paraan ay maiiwasan na masira ang iyong mga itinanim.

Maari karing magkagay ng mga bakod upang hindi makapasok ang mga ligaw na hayop. Ang mga alagang hayop ay mahalaga ngunit kailangan parin nilang ilagay sa kulungan upang hindi masira ang ating taniman.

6. Maglagay ng Organikong Pataba

Kailangan mong lagyan ng pataba ang mga kamatis upang lalong tumubo at lumaki. Ang aming nirerekomendang pataba ay ang maganda, mabisa, madaling gamitin at higit sa lahat organiko ibig sabihin walang halong kemikal.

Para gumawa ng organikong pataba ay maghukay ng isang metro ang lalim. Pagkatapos ay kumuha ka ng mga dahon, damo, mga tirang pagkain, o kaya naman mga dumi ng hayop. Lahat ng mga nabubulok na bagay ay maari mong ilagay. Takpan mo ng lupa ang mga ito pagkatapos.

Makalipas ang ilang linggo ay bulok na ang mga bagay na iyon. Gamitin mo ito bilang pataba.

Paano maglagay ng pataba sa kamatis? Kumuha ka ng balde o kahit anong lalagayan. Kumuha ka rin ng pala. Gamit ang pala ay bungkalin ang lupa sa ginawa mong butas. Alisin ang lupa sa ibabaw. Kunin mo ang mga nabulok na mga dahon, damo at ilagay sa balde.

Gamit ang kamay ay lagyan ang bawat puno ng kamatis ng organikong pataba.

7. Diligin ang mga Kamatis

Ang mga kamatis ay na ngangailangan ng tamang tubig para lalong lumaki. Diligin ang mga kamatis kung maari ay araw-araw lalo na kung tag-init.

Ang tubig ay magbibigay ng lakas at sustansya sa halaman. Tutubo ng mabilis ang mga kamatis.

8. Pag-aani ng mga Kamatis

Makalipas ang mahigit kumulang tatlong buwan ay maari ka ng mag ani ng kamatis. Madali lang mag ani ng kamatis. Paano ba mag-ani ng kamatis? Pitasin lang ito at ilagay sa basket. Kapag nakita mo nang malaki laki na ang bunga ay maari mo ng pitasin.

Ang mga magsasaka ay pinipitas ito ng hilaw pa. Madali kasing mahinog ang mga kamatis kaya ganun. Pakalipas ng nga ilang araw ay hihinog na siya at paghindi na ibenta ay mabubulok at masasayang.

Maraming salamat sa pagbabasa.
Sana ay naibigay namin ang iyong mga katabungan hinggil sa paano ba magtanim ng kamatis.
Bumalik ka po para madami pang mabasa na mga artikulo tungkol sa pagtatanim.