Tips sa online class. Ang online class ay ang pag-aaral habang nasa online. Gumagamit ito ng ibat-ibang apps kagaya ng Google Classroom, Documents, Zoom at iba pa. Medyo mahirap ang online class lalo na kapag mabagal ang internet, kaya naman narito ang ilang tips sa online class.
1. Pumili ng magandang Internet Promo
Sa ngayon madaming internet promo ang ibinibigay ng mga telco na umaabot ng 1 week o 1 month. Mas makakatipid ka sa mga promong ito kaysa sa magload ka araw-araw. Medyo may kamahalan ngalang ngunit makakatipid ka naman kahit ilang peso.
2. Gumamit ng cellphone na may mataas na Ram, Battery mAh at Storage
Ang ikalawang tips sa online class ay gumamit ka ng celpphone na may mataas na Ram at Battery mAh. Bakit? Kasi ang online class ay gugugol ng ilang oras. Kailangan na ang cellphone na gamit mo ay matagal malowbat para di ka maubusan ng battery habang nag lelesson pa.
Ilan bang mAh ng battery ng cellphone ang maganda sa online class? Ang 4000 mAh ng battery ng cellphone ay sapat na sa 8 oras na online class. Hindi ito basta basta malolowbat agad. Kaya naman mainam na iwasan ang mga cellphone na may 2000 mAh at 3000 mAh lalo na kung matagal ang online class niyo, mabilis ito malowbat at kapag nalowbat ka habang nasa online class ay kailangan mo ng icharge. Hindi rin maganda na ginagamit ang cellphone kapag ginagamit dahil masisira ito.
Pagdating naman sa Ram ang 2GB Ram ay pupwede na ngunit mararanasan mo na medyo maykabagalan at naglalag at hang. Kung meron ka namang budget at pumili ka ng may 3GB Ram or mas mainam 4GB Ram. Kapag mataas ang Ram mas mabilis ang pagprocess ng cellphone at mas magiging maganda ang pag oonline class mo.
Ang isa pa ay ang storage. Ang mga applications na iniinstall sa cellphone ay nangangailangan ng Data Storage. Pumili karin ng device na medyo maganda ang storage para maka save ka ng madaming files, images, music, photos and videos. Ang 32GB data storage ay maganda na rin para sa online class. Ngunit kung ikaw ay mahilig mag selfie ay baka kulangin ang 32GB.
Ngunit paano naman if ikaw ay nakalaptop or naka computer? Kung medyo nakakaluwag luwag ang iyong pamilya ay maganda na pumili ng unit namay 8GB Ram. Mas mataas ang spec mas maganda at mas maiiwasan ang paglag.
3. Maligo at Kumain bago magsimula ang klasse
Kailangan mo ding kumain para malakas ka at makapag-isip ng maayos habang nag-aaral. Maligo din para presko ang pakiramdam. Mayroon kasing mga estudyante na hindi na naliligo at kumakain dahil medyo malalate na sa klasse dahil mahilig mag puyat kaka ml at kahit wala namang ka chat.
Mas maganda rin sa kalusugan na kumain ka ng agahan at maligo para makaiwas sa sakit.
4. Gawin agad ang mga assignment at activities para mabilis na makapasa
Kapag tapos na ang klasse at may pinagagawang activities at assignment ay mas maigi na matapos mo agad para mas maaga ka rin makapag relax. Mahirap kasi kapag nagkapatong-patong na ang mga activities Mas lalo ka ma sstress. Kung natapos mo agad ang mga ito ay mas mahimbing kang makakatulog.
Kung wala na ring kayong pasok at tapos mo na lahat ng gagawin mo ay pwede ka ng mag fbfb para mabawasan ang stress o kaya gawin ang makakapag pasaya sayo.
Tips sa pag aaral. Ang mga tips sa pag-aaral ay magbasa palagi ng aklat, makinig ng maigi sa guro, magtake note palagi ng mga mahahalagang impormasyon, pumasok palagi sa paaralan at iwasang lumiban sa klasse, magtanong sa guro kapag mayroong di maintindihan, magreview pag may quiz at exam, magsubmit ng mga activities at project at mag enjoy sa pag-aaral.
Tips sa college. Ang mga tips sa college ay alamin ang iyong schedule, alamin ang classroom na iyong papasukan bawat subject, agahan ang pagpasok para di malate, pumasok agad sa klasse para di ka mawalan ng upuan, alamin din kung ano ang mga uniporm at kung kailan ang washday, magpasa ng mga activities para di ka malagyan ng grade na incomplete, mag-aral ng mabuti para mataas ang quiz at exam.
Tips para sa defense. An mga tips sa defence ay pag-aralan mabuti ang iyong tatalakayin, alamin ang mga posibilidad na mga tanong, gumawa ng magandang presentation, magsuot ng angkop na kasuutan sa defence, huwag kabahanan, sagutin ng masmatalino ang mga katanungan at teamwork para maging maganda ang defence.
Tips sa debate. Ang mga tips sa debate ay pag-aralang maigi ang magiging topic, ihanda ang mga tanong na may magandang sagot, pag-isipang mabuti ang mga itatanong sa kabilang panig, magresearch para mas lumawak ang kaalaman, huwag kakabahan sa oras ng debate at matulog ng mahimbing para maging maganda ang kalalabasan ng debate.
Tips sa pagrereview. Ang mga tips sa pagrereview ay magreview sa oras na mas comportable ka, magreview two weeks bago mag exam, ngumuya ng bubble gum para mas matandaan ang nireview, kumain ng dark chocolate at mani pampatalino, basahing mabuti ang mga tinake note at tandaan ang mga clue words, mag group study kasama ang mga kaklasse, uminom ng madaming tubig para mas maganda ang proseso ng utak, at kumain ng masusustansiyang pagkain.
Tips sa entrance exam. Ang mga tips sa entrance exam ay dumating sa school 30 minutes bago magsimula ang exam, magdala ng ID, lapis pambura o anumang requirements sa pagtake ng exam, basahing maiigi at intindihin ang mga tanong, mayroong alloted time ang exam kaya mas mainam na matapos mo ito sa oras, kumain bago ka pumunta sa school at huwag kakabahan para mas masagutan mo ang mga tanong.
Tips para sa exam. Ang mga tips sa exam ay magreview isa o dalawang linggo bago mag exam, basahing maigi ang mga tinakenote, pag-aralan ang mga example, kumain ng mani at dark chocolate pampatalino, ngumuya ng bubble gum kapag nag rereview, basahing maigi kapag nag eexam na, huwag tingin ng tingin sa katabi dahil baka tama na ang sagot mo ay pinalitan mo pa ng mali, matulog ng maaga para di mapuyat bago mag-exam.
Tips sa pagsulat ng editoryal. Ang mga tips sa pagsulat ng editoryal ay magbasa sa ka ng mga dyaryo para makita ang mga example, magpractice ng magpractice, magbasa ka ng mga bagong balita, makinig sa radyo at manood sa tv, magpaturo sa mga may alam, manood sa internet ng mga halimbawa ng paggawa ng editoryal at maging masaya.
Tips sa feature writing. Ang mga tips sa feature writing ay magsaliksik tungkol sa feature writing, magbasa ng mga dyaryo, mag practice ng mag practice, iimprove ang iyong skills, magpaturo sa mga may alam at patuloy na hasain ang kakayahan.
Tips sa radio broadcasting. Ang mga tips sa radio broadcasting ay palaging makinig sa radio at ianalisa kung paano nag sasalita ang nag uulat, ayusing mabuti at pagandahin ang pagkakagawa ng headline at script, gandahan din ang patalastas na sasabihin, magsaliksik ng mga style ng pagbobroadcast at hanapin ang sarili mong style at mag cooperate as a team sa pagraradio broadcast.
Tips sa filipino. Ang mga tips sa filipino ay magbasa palagi ng mga filipino books, magbasa ng mga sulatin tungkol sa filipino, gamitin palagi ang filipino language, magsaliksik para mas madaming matutunan, makinig ng maigi lalo nakapag nagtuturo ang guro at manood ng mga filipino videos online.
Tips sa first day of school. Ang mga tips sa first day of school ay hanapin mo kaagad ang iyong classroom, makipagkaibigan ka, alamin ang mga schedule ng mga subject at kung saang classroom ang mga ito kung ikaw ay college, alamin ang mga rules ng school, magtanong sa mga teacher kung may gustong hanapin o puntahan na di mo mahanap at mag-enjoy.
Tips sa paggawa ng tula. Ang mga tips sa paggawa ng tula ay magsaliksik kung ano ang tula, alamin angmeaning at mga halimbawa nito, subukang gumawa ng maikling tula, kapag marunong kana ay subukang gumawa ng mga may tugma, palalimin pa ang iyong kaalaman, subukang gumawa ng tula sa mga bagay na makikita kagaya ng paru-paro, at higit sa lahat gumawa ka ng tula galing sa puso.
Tips sa dagliang talumpati. Ang mga tips sa dagliang talumpati ay sagutin mo ang isyu ng mas direkta at focus sa isang topic saka mo ito palawakin, maghanda ng mga kasabihan na maaaring may kaugnayan sa topic sa talumpati, lakasan mo ang loob at huwag kabahan at higit sa lahat sagutin mo ito ng may puso.
Tips sa graduation. Ang mga tips sa graduation ay dumating ka sa takdang oras, huwag kang kabahan para di ka matapilok, kumain bago umalis para malakas at uminom ng tubig para de ma dehydrate at mag-enjoy dahil ikaw ay graduate na.
At yan ang ilang mga kaalaman na maaring makatulong kahit sa kaunting bagay man lang. Ang mga tips sa online class ay maaaring makatulong kahit sa munting bagay.