Ang Petsay ay mayaman sa sustansiya. Mainam ito dahil lalakas ang iyong katawan at makakaiwas ka sa sakit. Kaya para lalong malaman ang gulay na ito, narito ang ilang mga kaalaman tungkol sa halaman na ito.
Ano ang Petsay
Ang petsay ay isang herb. Ito ay tinatawag na Chinese cabbage, bokchoy, pakchoi, pechay, o snow cabbage. Ito ay may scientific name na Brassica rapa.
Kinakailangan sa pag-aalaga ng petsay
Ang mga sumusunod ay kinakailangan sa pag aalaga ng petsay;Araw
Ang araw ay isa sa pinakamahalagang bagay sa pag-aalaga ng petsay. Dito kumukuha ng lakas ang halaman. Kapag ang araw ay tumama sa mga dahon nito, ito ay mapuproseso bilang pagkain sa ilalim ng photosynthesis.Ang petsay ay nangangailangan ng apat o mahigit pang oras na direktang sikat ng araw. Ang ilang oras na ito ay sapat na upang makagawa ng pagkain ng sa gayon ay lumaki itong malusog.
Kaya naman inirerekomenda na itanim ang petsay sa lugar na hindi nahaharanga. Lumayo sa mga bahay, building, mga puno o anomang makakahadlang sa sikat ng araw.
Tubig
Ang tubig rin ay napakahalaga sa buhay ng petsay. Kailangan ng tubig na petsay upang lumaki ito ng maayos. Kapag ito ay nakakasagap ng tamang tubig ang mga bahagi nito ay magiging malusog.Magkakaroon ng marami at berdeng dahon, lalaki at dadami ang mga sanga at pamumulaklak at mamumunga ng marami. Sinasabing ang tubig ay lifeblood ng halos lahat ng pananim. Kung wala ito hindi mabubuhay ang mga halaman.
Pataba
Napaka importante din ng pataba sa buhay ng petsay. Ang pataba ay nakakapag paunlad ng laki ng halaman, mga dahon, at dumarami ang mga bulaklak pati na ang mga bunga nito. Kaya naman mainam na maglagay ng pataba sa petsay.May dalawang uri ng pataba ang organic at di organic. Ang organic ay gawa sa mga natural na bagay samantalang ang inorganic ay gawa naman sa mga makina.
Mga kagamitan sa pagtatanim
Para alagaan ang petsay ay kinakailangan mo ng mga kagamitan. Ang pala, asarol, kalaykay ay magagamit mo sa paggawa ng taniman. Sa pamamagitan ng mga kasangkapang ito ay mabubungkal mo ang lupa. Gamitin ang asarol sa pagbubungkal at ang kalaykay sa pagpapatatag at pagpapaganda ng lupa.Ang regadera at water hose naman ay magagamit mo sa pagdidilig ng halaman. Kailangan ito para mapadali ang iyong trabaho. Ngunit maaari ka ring gumamit ng balde at tabo sa pagdidilig. Ang iba pang mga kagamitan ng seedtray o seedbox ay makakatulong naman sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga Punla.
Petsay characteristics
Binhi
Ang binhi ng petsay ay napakaliit. Ito ay kulay brown na medyo itim ang kulay. Magagaan ito. Nakukuha Ang mga buto nito sa bulaklak.Ugat
Ang ugat ng petsay ay kulay puti na medyo Brown ang kulay. ito ay maliliit pag bata pa at lumalaki kapag tumatanda na.Ang mga ugat ay maaaring humaba ng ilang pulgada. Ang ugat ay mahalaga sa halaman dahil dito pumapasok ang mga bitamina at mineral na galing sa lupa.
Dahon
Ang mga dahon ng petsay ay kulay berde at nagiging dilaw o brown kapag malalagas na. Ito ay may hugis na pabilog. Ito ay malambot pag hinawakan. Mahalaga ang dahon para sa petsay dahil ito ang gumagawa ng pagkain ng halaman.Bulaklak
Ang bulaklak ng petsay ay maliliit lamang. Ito ay kulay yellow na nagiging buto pagkaraan ng ilang linggo. Ito ay malambot kapag hinawakan at magaan. Ang bulaklak ay mahalaga upang magkaroon ng maraming buto. Maaari ng mamulaklak ang petsay pagkalipas ng ilang linggo pagkatapos ng 30 araw.Stalk
Ang stalk ng petsay ay kulay puti. Masarap itong kainin dahil sa medyo crispy. Nagkakaroon ng maraming stalk Ang persay pagkaraan ng ilang linggo.
Pagdidilig ng petsay
Gaano ba kadalas dapat dinidilig ang petsay?
Ayon sa ilang sources ang petsay ay dinidilig ng isang beses sa isang araw. Mayroon namang nagsasabi ng dalawang beses. Ngunit maaaring ito ay nakadepende sa lugar. May mga lugar na may malamig at mainit ang klima. Ngunit mas mainam na diligin ito ng dalawang beses sa umaga at hapon araw-araw.Gaano kadaming tubig?
Diligin ang petsay ng 400ml ng tubig kapag ito ay malaki na at kapag napakainit ng panahon. 200ml sa umaga at 200ml sa hapon. Ang mga mas maliliit ay diligin naman ng 200ml ng tubig. 100ml sa umaga at 100ml sa hapon.Kahalagahan ng tubig para sa petsay
Napakahalaga ng tubig para sa petsay. Ang tubig ay nagbibigay buhay sa halaman. Ngunit ang kulang o sobra-sobrang tubig ay maaaring makaapekto sa halaman.Maaaring ito ay magdulot ng paninilaw ng dahon o kaya naman ang pagkatuyo nito. Kaya nararapat lamang na katamtamang tubig lamang ang iyong idilig.
Mga kagamitan sa pagdidilig ng petsay
Ang sprinkler at water hose ay maaari mong gamitin sa pagdidilig ng petsay. Dahil sa kagamitang ito ay mapapadali ang iyong trabaho.Maaari kang makabili ng sprinkler sa murang halaga sa mga agriculture store na malapit sa inyong lugar.
Pataba para sa petsay
Anong pataba ang ilalagay sa petsay?
Ang pataba na dapat ilagay sa sila ay iyong pataba na 14-14-14 dahil ito ay kumpleto na sa mga sustansyang kinakailangan. kinakailangan ng petsay ng nitrogen, potassium at phosphorus. Ngunit mas maganda rin kung ang ilalagay na pataba ay organikong pataba.Ang vermicast o vermicompost ay isang organikong pataba na isa sa pinakamagandang pataba sa halaman lalong-lalo na sa petsay.
Maaari ka ring bumili nito sa mga agri-center o agriculture store. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong pataba sa bahay.
Gaano kadaming pataba ang ilalagay sa petsay?
Maglagay ka ng 240 kilograms ng nitrogen, 60 kilograms ng photasium at 60 kilograms ng posphorous ng pataba kada one hectare. Ang dami ay nakabase sa kung gaano na kalaki at kung ilang linggo o buwan na ang halaman.Kasangkapan sa paglalagay ng pataba
Maaari kang gumamit ng regadera kung ang pataba ay tutunawin sa tubig. Kung organikong pataba naman ay gumamit ka ng trowel ito ay iyong ilagay lamang sa paanan ng halaman o kaya ihalo sa lupa.Kahalagahan ng pataba para sa petsay
Ang pataba ay nakakatulong upang dumami ang mga dahon. Dahil sa pataba ay mas dumarami ang magiging ani.Napatunayan na ang pataba ay nagpapadami ng dahon ng mahigit 30% ayon sa ilang mga pag-aaral. Marami ring eksperto ang patuloy na tumutuklas ng mga panibagong kaalaman sa pag-aalaga ng petsay.
Paglilipat ng Punla ng petsay
Kailan ba dapat ililipat ang mga Punla ng petsay?
Maaari ng ilipat ang Punla ng petsay pagkaraan ng isang linggo nang magsimula na itong tumubo. Sa panahong ito mayroon ng maayos na ugat at dahon ang halaman na kaya na nitong mabuhay sa lupang pagtataniman. Ilipat ang mga Punla sa umaga o kaya sa hapon habang hindi pa tirik ang sikat ng araw nang sa gayon ito ay hindi matuyo o malanta.Kagamitan sa paglilipat ng petsay
Ang mga kagamitan sa paglilipat ng punla ng petsay ay trowel, sprinkler at water hose. Gamitin ang trowel o asarol sa paggawa ng hukay at gamitin ang sprinkler water hose sa pagdidilig.Paano ang paglilipat ng Punla ng petsay?
Una ay gumawa ng hukay na may ilang pulgada ang lalim. Pagkatapos ay alisin sa seedtray o seedbox ang pula saka ilipat sa hukay. Diligin ito ng tubig pagkatapos.Bulaklak ng Petsay
Ang Petsay ay nagkakaroon ng bulaklak. Ito ay kulay dilaw. Pagkalipas ng ilang linggo Ito ay nagiging buto.Buto ng petsay
Presyo ng buto ng petsay
Ang isang pakete ng buto ng petsay ay nagkakahalaga ng P10 pataas depende sa dami at sa laki ng pakete makakasigurado ka naman sa kalidad nito.Tindahan ng mga buto ng petsay
Sa agri Center, agrivet, agriculture Store o kaya naman sa sa online sa Amazon eBay Lazada o kaya sa shopee maaaring makabili ng mga buto.Dahon ng Petsay
Bakit naninilaw Ang dahon ng Petsay?
Ang dahon ng Petsay ay maaring naninilaw dahil kulang ito sa nitrogen. Kailangan mong mag aaply ng pataba kapag ganito. O maaring may iba pang dahilan.
Petsay growth stages
Buto
Ang unang growth stages ng petsay ay buto. Dito ay isang maliit na buto pa lamang ang petsay at wala pang nagaganap na pagtubo.Germinating
Dito ay nagsisimulang tumubo ang buto ng petsay. Ang isang ugat at munting dahon ay lumalabas na sa buto nito.Punla o seedling
Ang petsay ay naging isang munting punla. Sa estado na ito ay mayroon ng katawan dahon at mga ugat ang halaman ito ay isa hanggang tatlong linggo na.Maliit na halaman
Ang petsay ay nagkakaroon na ng mga sanga maraming dahon at mga ugat sa ganitong estado ay nangangailangan na ito ng sapat na tubig at abono.Magulang na halaman
Ito ay lumalaki na at marami ng mga ugat at dahon.Pag-aani
Sa stages nito maaari ng anihin ang mga Petsay pagkalipas ng 30 o mahigit pang araw ang mga berdeng dahon ay maaari nang anihin.Namumulaklak o flowering
Sa stage na ito lumalabas na ang maraming dilaw na bulaklak.Pagkatuyo
Pagkalipas ng mga buwan o ang halaman ay nagsisimula nang matuyo.Pagkabulok
Pagkalipas ng mga buwan ay mabubulok na ito.Taas ng petsay
Gaano ba kataas lumalaki ang petsay?
Ang petsay ay lumalaki ng 12 pulgada ang taas. Ang taas nito ay nakadepende sa mga pangangailangan nito gaya ng sikat ng araw tubig at pataba.Distansya ng pagtatanim ng petsay
Gaano ba kalayo dapat itanim ang petsay?
Itanim ang petsay ng may 12 na pulgada ang distansya bawat puno. Ang distansya ay mahalaga upang makagalaw ng maayos at tumubo ito ng maganda kailangan merong distansya upang hindi magsiksikan ang mga halaman.Paano magtanim ng petsay
Mga sakit ng petsay
Bacterial leaf spot nagiging dilaw ang mga dahon.Blossom end rot kulang sa calcium ang halaman.
Peste ng petsay
Cut worms sinisira ang Punla ng petsay.Aphids sinisira ang mga dahon.
Beatles sinisira ang mga batang halaman.
Uri ng lupa ng petsay
Anong lupa ang maganda para sa petsay?
Ang lupang maganda para sa petsay ay ang loam soil. Ang loam soil ay may magandang katangian na angkop para sa halaman na ito. Ito ay madaling sumipsip ng tubig at mas maganda para sa mga ugat nito.Paglalagay ng mulch sa petsay
Ang mulch ay maganda para sa petsay dahil nalilimitahan nito ang pagkatuyo ng lupa. Kapag may mulch ay hindi agad-agad nag-eevaporate ng tubig. Ang Mga Damo dahon mga wood Chips ay Ilan lamang sa mga bagay na maaari mong gamitin bilang mulch.Pag-aani ng petsay
Kailan aanihin ang petsay?
Ang petsay ay maaari ng anihin kapag 30 na araw na ang nakalipas mula sa paglilipat ng Punla. Kung bibilangin ang lahat ng araw mula sa simula ay naglalaro sa 40 na araw ang hihintayin bago makapag ani ng petsay.Maraming salamat sa Pagbabasa Tunkol sa Paano Mag-alaga ng Petsay. Sana ay may natutunan ka kahit kaunti. Maraming salamat. Marami ka pang matutunan sa Kung paano Magtanim ng gulay.