Ang pipino o cucumber ay magandang Itanim dahil sa siksik nitong sustansiya. Maganda itong Itanim at kainin dahil ibobost nito ang imune system. Kung ikaw ngayon at nagbrobrowse at nakaconnect sa globe broadband ay heto na ang mga hakbang sa pagtatanim ng pipino o cucumber.
Paano magtanim ng Pipino? Sa pagtatanim ng Pipino pumili ng lugar na iyong pagtataniman. Kumuha ng buto ng Pipino at itatanim ito sa lupa na may isang puldaga ang lalim. Lagyan ito ng pataba at diligin ito araw-araw. Maglagay ng balag na pag gagapangan ng Pipino. Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan, maari ka ng mag-ani ng Pipino.
Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Pipino
Kung ang gagawin mo ay isang maliit na gulayan lamang at maari mo ng sundin ang mga sumusunod na hakbang. Ito ay isang gabay lalo na sa mga gustong magkaroon ng gulayan sa kanilang bakuran.
Paano magtanim ang Pipino
Gamit ang kanyang dahon ipoproseso niya ito at magiging pagkain ng kahat ng kanyang parte ng halaman. Kapag madami o sapat ang sikat ng araw na nakukuha ng Pipino, magiging malusog at malalaki ang mga dahon at bunga nito.
Ang lugar na iyong pipiliin din ay dapat na maganda ang kalidad ng lupa. Ang lupang maganda ay medyo maitim ang kulay nito. Ito ay nagtataglay ng mga sustansya na maganda para sa lupa. Kapag medyo maitim ang lupa meron itong pataba na tinatawag na humus. Ang humus ay galing sa mga nabulok na bagay kagaya ng damo, dahon o iba pang mga nabubulok na bagay.
Maari mong piliin ang lugar sa iyong likod bahay o kaya naman sa iyong bakuran.
Kailangan na alisin mo ang mga damo na nakapaligid o tumutubo sa lupang iyong pagtataniman. Kailangan mong alisin ang mga damo dahil ito ang magiging kaagaw ng mga halaman sa paglaki. Kukunin ng mga damo ang mga sustansya sa lupa na kailangan ng mga gulay sa paglaki.
Alisin mo rin ang mga nagkalat ng mga bato na maari ring makahadalang sa paggawa mo ng gulayan sa iyong bakuran.
Pagkatapos mong maalisin ang mga bagay na iyon, ay simulan mo ng bungkalin ang lupa. Isang maliit na parte lamang ng lupa ang kailangan para sa isang puno ng Pipino. Gamit ang asarol magbungkal ka ng lupa na pabilog. Pagkatapos ay pinuhin mo ang lupa. Pagkatapos nun ay pwedi ka ng magtanim.
Kung madaming Pipino ang iyong itatanim gumawa ka pa ng madaming hukay na iyong pagtataniman. Maglagay ka ng tatlong metro ang distansya dahil malago at madaming dahon ang Pipino kapag lumalaki na.
Kung naiis mo ng maganda at dekalidad na mga buto ng Pipino, ay bumili ka ng mga buto sa pinakamalapit na agriculture store. Ang mga buto na ibinebenta nila ay mataas ang kalidad. Makakasigurado ka na tutubo ang mga buto na iyong itatanim.
Ang mga buto o binhi na ibinebenta sa mga agriculture store ay naglalaman ng 10 o mahigit pang buto at nagkakahalaga ito ng 20 Pesos pataas.
Kapag meron ka ng buto ay maari mo na itong itanim sa iyong bakuran.
Lagyan mo ng organikong pataba ang ibabaw upang lumaki ito ng maayos kapag tumutubo na. Ang organikong pataba ay isang pataba na galing sa mga pinabulok na dahon, damo, tirang pagkain o anu-ano pang nabubulok na bagay.
Maglaan ka nito bawat hukay na maytanim na Pipino. Pagkatapos ay diligin mo ito ng tubig upang magsimula ng tumubo. Ang mga Pipino ay magsisimulang tumubo pagkalipas ng lima hanggang pitong araw.
Mas madalas na matuyo ang lupa kapag mataas ang sikat ng araw at tag-init ang panahon. Kung nakikita mo na medyo basa pa ang lupa ay huwag mo munang dilihin. Ang Pipino ay hindi kagaya ng ibang gulay na nangangailangan ng madaming tubig. Sapat na tubig lang ang kailangan nito.
Kapag nagawa mong diligin ito ng palagaian ay makakasigurado ka na lalaki ito ng maayos.
Lagyan mo ng organikong pataba ang ibabaw ng halaman. Ang patabang iyong nilagay ay makakatulong sa mas maganda pang pagtubo ng halaman.
Kailangan mong maglagay ng balag lalo na kung maliit lang ang iyong espasyo. Dahil sa balag nasa itaas an mga dahon ng Pipino nito at mas nakakakuha ito ng madaming sikat ng araw na maganda para sa halaman.
Masmaganda kung ganuon ang gagawin mo upang hindi masira kaagad ang gulay na Pipino. Madami kang maaaning Pipino mula sa isang puno lamang. Kung madami kang gulay ay madami rin ang iyong maani.
Maraming salamat sa iyong pagpunta at pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa paano magtanim ng pipino o cucumber.
Sana ay may napulot kang aral mula sa pagbabasa dito.
Madami pang artikulo ang aming ipopost at sana ay bumalik ka para sa madami pang kaalaman na iyong mababasa.
Maraming salamat po ulit.
Paano magtanim ng Pipino? Sa pagtatanim ng Pipino pumili ng lugar na iyong pagtataniman. Kumuha ng buto ng Pipino at itatanim ito sa lupa na may isang puldaga ang lalim. Lagyan ito ng pataba at diligin ito araw-araw. Maglagay ng balag na pag gagapangan ng Pipino. Pagkalipas ng tatlo hanggang apat na buwan, maari ka ng mag-ani ng Pipino.
Mga Kailangan sa Pagtatanim ng Pipino
- Buto ng Pipino
- Asarol
- Trowel
- Pataba
- Sikat ng araw
- Tubig
Kung ang gagawin mo ay isang maliit na gulayan lamang at maari mo ng sundin ang mga sumusunod na hakbang. Ito ay isang gabay lalo na sa mga gustong magkaroon ng gulayan sa kanilang bakuran.
Paano magtanim ang Pipino
1. Pumili ng Lugar na Pagtataniman
Pumili ka ng lugar na pagtataniman mo ng Pipino. Ang lugar na iyon ay dapat nasisikatan ng araw. Ang sikat ng araw ang magsisilbing pagkain ng Pipino.Gamit ang kanyang dahon ipoproseso niya ito at magiging pagkain ng kahat ng kanyang parte ng halaman. Kapag madami o sapat ang sikat ng araw na nakukuha ng Pipino, magiging malusog at malalaki ang mga dahon at bunga nito.
Ang lugar na iyong pipiliin din ay dapat na maganda ang kalidad ng lupa. Ang lupang maganda ay medyo maitim ang kulay nito. Ito ay nagtataglay ng mga sustansya na maganda para sa lupa. Kapag medyo maitim ang lupa meron itong pataba na tinatawag na humus. Ang humus ay galing sa mga nabulok na bagay kagaya ng damo, dahon o iba pang mga nabubulok na bagay.
Maari mong piliin ang lugar sa iyong likod bahay o kaya naman sa iyong bakuran.
2. Ihanda ang Lupang Pagtataniman ng Pipino
Ngayong napili mo na ang lupang iyong pagtataniman ng Pipino, ang susunod mong gagawin ay ihanda ito. Ihanda? Oo ihanda mo ito.Kailangan na alisin mo ang mga damo na nakapaligid o tumutubo sa lupang iyong pagtataniman. Kailangan mong alisin ang mga damo dahil ito ang magiging kaagaw ng mga halaman sa paglaki. Kukunin ng mga damo ang mga sustansya sa lupa na kailangan ng mga gulay sa paglaki.
Alisin mo rin ang mga nagkalat ng mga bato na maari ring makahadalang sa paggawa mo ng gulayan sa iyong bakuran.
Pagkatapos mong maalisin ang mga bagay na iyon, ay simulan mo ng bungkalin ang lupa. Isang maliit na parte lamang ng lupa ang kailangan para sa isang puno ng Pipino. Gamit ang asarol magbungkal ka ng lupa na pabilog. Pagkatapos ay pinuhin mo ang lupa. Pagkatapos nun ay pwedi ka ng magtanim.
Kung madaming Pipino ang iyong itatanim gumawa ka pa ng madaming hukay na iyong pagtataniman. Maglagay ka ng tatlong metro ang distansya dahil malago at madaming dahon ang Pipino kapag lumalaki na.
3. Ihanda ang mga Buto ng Pipino
Ang buto ng Pipino ay madaling tumubo. Ngunit kailangan mong makakuha ng mga magugulang na buto. Kapag magluluto ka ng gulay ng Pipino, ay tinatanggal natin ang mga buto nito. Maari mong gamitin ang mga butong iyon sa pagtubo ng mga Pipino. Ngunit maliit ang porsyento na tutubo ito.Kung naiis mo ng maganda at dekalidad na mga buto ng Pipino, ay bumili ka ng mga buto sa pinakamalapit na agriculture store. Ang mga buto na ibinebenta nila ay mataas ang kalidad. Makakasigurado ka na tutubo ang mga buto na iyong itatanim.
Ang mga buto o binhi na ibinebenta sa mga agriculture store ay naglalaman ng 10 o mahigit pang buto at nagkakahalaga ito ng 20 Pesos pataas.
Kapag meron ka ng buto ay maari mo na itong itanim sa iyong bakuran.
4. Itanim ang mga Buto ng Pipino
Kapag meron ka ng buto ng Pipino ay itatanim na natin ito. Kumuha ka ng trowel at doon sa ginawa mong pabilog na hukay ay gumawa ka ng isang pulgada ang lalim. Itanim mo ang isang buto ng Pipino bawat hukay. Takpan mo ito ng lupa pagkatapos.Lagyan mo ng organikong pataba ang ibabaw upang lumaki ito ng maayos kapag tumutubo na. Ang organikong pataba ay isang pataba na galing sa mga pinabulok na dahon, damo, tirang pagkain o anu-ano pang nabubulok na bagay.
Maglaan ka nito bawat hukay na maytanim na Pipino. Pagkatapos ay diligin mo ito ng tubig upang magsimula ng tumubo. Ang mga Pipino ay magsisimulang tumubo pagkalipas ng lima hanggang pitong araw.
5. Diligin mo Ang Pipino ng Palagian
Kailangan ng Pipino ng sapat na tubig upang lumaki ng maayos. Pagkalipas ng isang linggo makikita mo na tumutubo na ang Pipino. Kailangan mong diligin ito ng palagian. Kapag nakita mo na ang lupa ay tuyo, diligin mo ito ng tubig.Mas madalas na matuyo ang lupa kapag mataas ang sikat ng araw at tag-init ang panahon. Kung nakikita mo na medyo basa pa ang lupa ay huwag mo munang dilihin. Ang Pipino ay hindi kagaya ng ibang gulay na nangangailangan ng madaming tubig. Sapat na tubig lang ang kailangan nito.
Kapag nagawa mong diligin ito ng palagaian ay makakasigurado ka na lalaki ito ng maayos.
6. Lagyan mo ng Pataba ang Pipino
Habang patuloy na lumalaki ang Pipino, ay nangangailangan ito ng madaming sustansya. Ang iyong nilagay na pataba sa simula ay hindi na sapat kaya ay maglagay ka ulit ng karagdagang pataba.Lagyan mo ng organikong pataba ang ibabaw ng halaman. Ang patabang iyong nilagay ay makakatulong sa mas maganda pang pagtubo ng halaman.
7. Maglagay ka ng Balag
Ang Pipino ay isang uri ng gulay na gumagapang. Maari mong pagapangin ito sa lupa ngunit mas maganda parin kung maglalagay ka ng balag.Kailangan mong maglagay ng balag lalo na kung maliit lang ang iyong espasyo. Dahil sa balag nasa itaas an mga dahon ng Pipino nito at mas nakakakuha ito ng madaming sikat ng araw na maganda para sa halaman.
8. Pag-aani ng Pipino
Pagkalipas ng tatlo o apat na buwan ay maari mo ng anihin ang mga Pipino. Ano ang paraan ng pag-aani ng Pipino? Ang paraan ng pag-aani ng Pipino ay kumuha ka ng matulis na bagay gaya ng itak at putulin mo ito sa kanyang bunga ngunit magtira ka ng tatlong pulgada mula sa baging ng Pipino.Masmaganda kung ganuon ang gagawin mo upang hindi masira kaagad ang gulay na Pipino. Madami kang maaaning Pipino mula sa isang puno lamang. Kung madami kang gulay ay madami rin ang iyong maani.