Ang sili ay napaka sustansya. Ang halamang ito ay nagtataglay ng 179% ng vitamin C na maganda para sa ating kalusugan lalong-lalo na sa ating immune system.
Ang sili ay pagpapalakas ng katawan na nakakatulong upang makaiwas tayo sa mga sakit dahil siksik ito sa vitamin C. Mas lumalakas ang katawan ng kakain nito, hindi lang iyon maaari ring pagkakitaan ang sili sa pagbebenta nito sa Merkado.
Ang sili ay maaari ring a process at gawing manufactured products pwedeng ihalo ang mga sili sa mga pagkain at ibenta upang mapagkakitaan.
Kinakailangan sa pag-aalaga ng sili
Ang mga sumusunod ay kinakailangan sa pag aalaga ng sili;Araw
Ang araw ay isa sa pinakamahalagang bagay sa pag-aalaga ng sili. Dito kumukuha ng lakas ang halaman. Kapag ang araw ay tumama sa mga dahon nito, ito ay mapuproseso bilang pagkain sa ilalim ng photosynthesis.Ang sili ay nangangailangan ng apat o mahigit pang oras na direktang sikat ng araw. Ang ilang oras na ito ay sapat na upang makagawa ng pagkain ng sa gayon ay lumaki itong malusog.
Kaya naman inirerekomenda na itanim ang sili sa lugar na hindi nahaharanga. Lumayo sa mga bahay, building, mga puno o anomang makakahadlang sa sikat ng araw.
Tubig
Ang tubig rin ay napakahalaga sa buhay ng sili. Kailangan ng tubig na sili upang lumaki ito ng maayos. Kapag ito ay nakakasagap ng tamang tubig ang mga bahagi nito ay magiging malusog.Magkakaroon ng marami at berdeng dahon, lalaki at dadami ang mga sanga at pamumulaklak at mamumunga ng marami. Sinasabing ang tubig ay lifeblood ng halos lahat ng pananim. Kung wala ito hindi mabubuhay ang mga halaman.
Pataba
Napaka importante din ng pataba sa buhay ng sili. Ang pataba ay nakakapag paunlad ng laki ng halaman, mga dahon, at dumarami ang mga bulaklak pati na ang mga bunga nito. Kaya naman mainam na maglagay ng pataba sa sili.May dalawang uri ng pataba ang organic at di organic. Ang organic ay gawa sa mga natural na bagay samantalang ang inorganic ay gawa naman sa mga makina.
Mga kagamitan sa pagtatanim
Para alagaan ang sili ay kinakailangan mo ng mga kagamitan. Ang pala, asarol, kalaykay ay magagamit mo sa paggawa ng taniman. Sa pamamagitan ng mga kasangkapang ito ay mabubungkal mo ang lupa. Gamitin ang asarol sa pagbubungkal at ang kalaykay sa pagpapatatag at pagpapaganda ng lupa.Ang regadera at water hose naman ay magagamit mo sa pagdidilig ng halaman. Kailangan ito para mapadali ang iyong trabaho. Ngunit maaari ka ring gumamit ng balde at tabo sa pagdidilig. Ang iba pang mga kagamitan ng seedtray o seedbox ay makakatulong naman sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga Punla.
Sili characteristics
Binhi
Ang binhi ng sili ay napakaliit. Ito ay kulay puti na medyo kayumanggi ang kulay. Magagaan ito.Ugat
Ang ugat ng sili ay kulay puti na medyo Brown ang kulay. ito ay maliliit pag bata pa at lumalaki kapag tumatanda na.Ang mga ugat ay maaaring humaba ng ilang pulgada. Ang ugat ay mahalaga sa halaman dahil dito pumapasok ang mga bitamina at mineral na galing sa lupa.
Dahon
Ang mga dahon ng sili ay kulay berde at nagiging dilaw o brown kapag malalagas na. Ito ay may hugis na parihaba na patulis sa bawat dulo. Ito ay malambot pag hinawakan. Mahalaga ang dahon para sa sili dahil ito ang gumagawa ng pagkain ng halaman.Bulaklak
Ang bulaklak ng sili ay maliliit lamang. Ito ay kulay puti na yung nagiging bunga pagkaraan ng ilang linggo. Ito ay malambot kapag hinawakan at magaan. Ang bulaklak ay mahalaga upang magkaroon ng maraming bunga. Maaari ng mamulaklak ang sili pagkalipas ng ilang linggo.Bunga
Ang bunga ng sili ay kulay green na nagiging kulay pula kapag nahinog. Ito ay may makinis na balat. Ang hugis nito ay parihaba at matulis ang dulo. Ito ay mayroong maraming buto sa loob at ang lasa ng bunga ng sili ay maanghang.Sili in English
Ano sa English ang Sili?
Ang sila ay tinatawag na pepper in English. Kung gagamitin ito sa ilang pangungusap o tanong ay ito ang magiging translation. Gusto kong kumain ng sili. Translation: I want to eat pepper. Nakakita ako ng sili sa daan. Translation: I see Pepper on the road.Pagdidilig ng sili
Gaano ba kadalas dapat dinidilig ang sili?
Ayon sa ilang sources ang sili ay dinidilig kada tatlong araw. Mayroon namang nagsasabi na araw-araw. ngunit maaaring ito ay nakadepende sa lugar. May mga lugar na may malamig at mainit ang klima. Ngunit mas mainam na diligin ito ng dalawang beses sa umaga at hapon araw-araw.Gaano kadaming tubig?
Diligin ang sili ng isang litro ng tubig kapag ito ay malaki na at kapag napakainit ng panahon. 500ml sa umaga at 500ml sa hapon. Ang mga mas maliliit ay diligin naman ng 500ml ng tubig. 250ml sa umaga at 250ml sa hapon.Kahalagahan ng tubig para sa sili
Napakahalaga ng tubig para sa sili. Ang tubig ay nagbibigay buhay sa halaman. Ngunit ang kulang o sobra-sobrang tubig ay maaaring makaapekto sa halaman. Maaaring ito ay magdulot ng paninilaw ng dahon o kaya naman ang pagkatuyo nito. Kaya nararapat lamang na katamtamang tubig lamang ang iyong idilig.Mga kagamitan sa pagdidilig ng sili
Ang sprinkler at water hose ay maaari mong gamitin sa pagdidilig ng sili. Dahil sa kagamitang ito ay mapapadali ang iyong trabaho. Maaari kang makabili ng sprinkler sa murang halaga sa mga agriculture store na malapit sa inyong lugar.Pataba para sa sili
Anong pataba ang ilalagay sa sili?
Ang pataba na dapat ilagay sa sila ay iyong pataba na 5-10-10 dahil ito ay kumpleto na sa mga sustansyang kinakailangan. kinakailangan ng sili ng nitrogen, potassium at phosphorus. Ngunit mas maganda rin kung ang ilalagay na pataba ay organikong pataba.Ang vermicast o vermicompost ay isang organikong pataba na isa sa pinakamagandang pataba sa halaman lalong-lalo na sa sili. Maaari ka ring bumili nito sa mga agri-center o agriculture store. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong pataba sa bahay.
Gaano kadaming pataba ang ilalagay sa sili?
Maglagay ka ng isa hanggang dalawang gramo ng pataba kada 100 square feet. Ang dami ay nakabase sa kung gaano na kalaki at kung ilang linggo o buwan na ang halaman.Kailan ba dapat maglagay ng pataba sa sili?
Magsimula nang maglagay ng pataba sa sili pagkaraan ng apat na araw matapos mong ilipat sa taniman ang mga Punla. Maglagay ulit ng pataba pagkalipas ng 45 na araw.Paano ilalagay ang pataba sa sili?
Maaari mong ilagay ang pataba direkta sa lupa o kaya naman ay ihalo sa tubig at ito'y idilig sa halaman.Kasangkapan sa paglalagay ng pataba
Maaari kang gumamit ng regadera kung ang pataba ay tutunawin sa tubig. Kung organikong pataba naman ay gumamit ka ng trowel at maari ding asarol o pala ito ay iyong ilagay lamang sa paanan ng halaman o kaya ihalo sa lupa.Kahalagahan ng pataba para sa sili
Ang pataba ay nakakatulong upang dumami ang mga bulaklak dahon at bunga. Dahil sa pataba ay mas dumarami ang magiging ani. Ang mga bunga rin ay mas lalaki at hahaba.Napatunayan na ang pataba ay nagpapadami ng bulaklak at bunga ng mahigit 40% ayon sa ilang mga pag-aaral. Marami ring eksperto ang patuloy na tumutuklas ng mga panibagong kaalaman sa pag-aalaga ng sili.
Paglilipat ng Punla ng sili
Kailan ba dapat ililipat ang mga Punla ng sili?
Maaari ng ilipat ang Punla ng sili pagkaraan ng tatlong linggo nang magsimula na itong tumubo. Sa panahong ito mayroon ng maayos na ugat, sanga at dahon ang halaman na kaya na nitong mabuhay sa lupang pagtataniman. Ilipat ang mga Punla sa umaga o kaya sa hapon habang hindi pa tirik ang sikat ng araw nang sa gayon ito ay hindi matuyo o malanta.Kagamitan sa paglilipat ng sili
Ang mga kagamitan sa paglilipat ng punla ng sili ay trowel, asarol, sprinkler at water hose. Gamitin ang trowel o asarol sa paggawa ng hukay at gamitin ang sprinkler water hose sa pagdidilig.Paano ang paglilipat ng Punla ng sili?
Una ay gumawa ng hukay na may ilang pulgada ang lalim. Pagkatapos ay alisin sa seedtray o seeebox ang pula saka ilipat sa hukay. Diligin ito ng tubig pagkatapos.Saan pwedeng bumili ng Punla ng sili at magkano ang isa?
Maaari kang bumili ng mga punla ng sili sa mga nursery farm na malapit sa iyong lugar. Ito ay maaaring magkhaalaga ng three pesos pataas. Makakasigurado ka naman sa kalidad ng mga ito.Buto ng sili
Presyo ng buto ng sili
Ang isang pakete ng buto ng sili ay nagkakahalaga ng P10 pataas depende sa dami at sa laki ng pakete makakasigurado ka naman sa kalidad nito.Tindahan ng mga buto ng sili
Sa agri Center, agrivet, agriculture Store o kaya naman sa sa online sa Amazon eBay Lazada o kaya sa shopee maaaring makabili ng mga buto.Varieties ng sili
Ang sili ay mayroong mga varieties nandiyan ang siling haba, labuyo, japaleno, bell pepper at iba pa. Ang labuyo ay isa sa pinaka maanghang na sili samantalang ang bell pepper naman ay matamis at hindi masyadong maanghang.Sili growth stages
Buto
Ang unang growth stages ng sili ay buto. Dito ay isang maliit na buto pa lamang ang sili at wala pang nagaganap na pagtubo.Germinating
Dito ay nagsisimulang tumubo ang buto ng sili. Ang isang ugat at munting dahon ay lumalabas na sa buto nito.Punla o seedling
Ang sili ay naging isang munting punla. Sa estado na ito ay mayroon ng katawan dahon at mga ugat ang halaman ito ay isa hanggang tatlong linggo na.Maliit na halaman
Ang sili ay nagkakaroon na ng mga sanga maraming dahon at mga ugat sa ganitong estado ay nangangailangan na ito ng sapat na tubig at abono.Magulang na halaman
Ito ay lumalaki na at marami ng mga ugat dahon at sanga maaari na rin itong makitaan ng mga bulaklak.Namumulaklak o flowering
Sa stage na ito lumalabas na ang maraming puting bulaklak nangangailangan ito na ng tubig at pataba para lalong dumami ang bulaklak.Namumunga
Ang halaman ay nagsisimula nang mamunga ang mga bulaklak ay naging ganap na bunga.Pag-aani
Sa stages nito maaari ng anihin ang mga bunga pagkalipas ng 75 o mahigit pang araw ang mga berdeng bunga ay maaari nang anihin.Pagkatuyo
Pagkalipas ng isa o mahigit pang taon ang halaman ay nagsisimula nang matuyo.Pagkabulok
Pagkalipas ng mga taon nabubulok na ito.Taas ng sili
Gaano ba kataas lumalaki ang sili?
Ang sili ay lumalaki ng isang metro ang taas. Ang taas nito ay nakadepende sa mga pangangailangan nito gaya ng sikat ng araw tubig at pataba.Distansya ng pagtatanim ng sili
Gaano ba kalayo dapat itanim ang sili?
Itanim ang sili ng may isang metro ang distansya bawat puno. Ang distansya ay mahalaga upang makagalaw ng maayos at tumubo ito ng maganda kailangan merong distansya upang hindi magsiksikan ang mga halaman.Paano magtanim ng sili
Mga sakit ng sili
Bacterial leaf spot nagiging dilaw ang mga dahon.Blossom end rot kulang sa calcium ang halaman.
Peste ng sili
Cut worms sinisira ang Punla ng sili.Aphids sinisira ang mga dahon.
Beatles sinisira ang mga batang halaman.