Breaking

October 23, 2019

Paano Magtanim ng Okra?

Paano Magtanim ng Okra
Kung ating aalamin kung paano magtanim ng okra na isang gulay ay maganda itong alamin sa pagkat ay matututo ka kung paano ito itanim. Ang okra ay madali lang patubuin at palakihin. Mayroong mga kagamitan na kakailanganin bago isagawa ang pagtatanim ngunit ito ay napakadali lamang.

Ang hakbang sa pagtatanim ng okra ay narito sa ibaba at iyong sundan ang mga sumusunod. Maari mong itanim ang okra sa iyong bakuran at maari mo itong pagkunan ng pagkain sa mga hinaharap.

Mga kasangkapan sa pagtatanim ng okra
a. Buto ng okra
b. tubig
c. sinag ng araw
d. kutsilyo o itak o bolo
e. trowel
f. pataba
g. asarol

Paano Magtanim ng Okra.

1. Maghanap ng maayos na pagtataniman

Ang unang hakbang na iyong gagawin sa pagtatanim ng okra ay maghanap ka ng maayos at magandang lugar na pagtataniman.

Mas maganda kung wala itong mga sagabal na kahoy dahil makakaharang ito sa sikat ng araw. Ang mga kahoy din ay may mga malalaking ugat na makakasagabal sa pag bubungkal mo ng lupa.

Ang lugar din na iyong pipiliin ay dapat na sisikatan ng araw. Ang araw ang magsisilbing pagkain ng halaman kaya naman mahalaga ang araw upang lumaki pa lalo ang mga okra.

Kapag madaming sikat ng araw ang makukuha ng halaman ay mas magiging malusog at maganda ang pagtubo nito.

Kapag nakuha nito ang sustansiya na kinakailangan nito ay makakasigurado kang lalago ito ng maayos at mas madaming bungang okra ang makukuha mo.

2. Ihanda ang Taniman

Ihanda mo ang lupa na iyong pinili. Sa paghahanda ng lupa ay kinakailangan na gumamit ka ng mga kasangkapan na makakatulong sa iyo upang mapadali ang pagbungkal at paglilinis dito.

Ang asarol ang isa sa pinaka mahalagang kasangkapan na maaari mong gamitin. Ang asarol ay ginagamit sa pagbungkal sa lupa at madali nitong malilinis at matatanggal ang mga damo.

Pagnabungkal mo na ang lupa ay alisin mo ang mga damo sa lupa at mga natanggal na. Ang mga damong ito ay makakahadlang sa magandang tubo ng halaman. Magiging kaagaw ng okra ang mga damo lalong lalo na sa sustansiya na nagmumula sa lupa.

At isa pa kapag matataas ang damo ay maaari rin itong makahadlang na makuha ng okra ang magandang sikat ng araw.

3. Kumuha ng mga Binhi ng Okra

Ang susunod na hakbang sa pagtatanim ng okra ay kumuha o ihanda ang mga buto ng okra. Maaari kang bumili o humingi ng mga buto nito.

Makakabili ka ng isang maliit na supot ng mga binhi ng okra sa halagang 50+ pesos na halaga. Maganda ang kalidad ng mga binhi na benibenta sa mga agriculture store kaya makakasigurado ka sa mabibili mong mga buto ng okra. Mataaas ang kalidad kumbaga.

Maari ka ring humingi sa ilang mga magsasaka sa iyong lugar. May mga nagtatanim din kasi ng okra na nagiimbak ng mga buto. Sa isang bunga ng okra ay maari ka kasing kumuha ng mga buto mula doon. Naglalaman ito ng ilang mga buto na maaari mong gamitin. Yang ang pangatlong hakbang sa kung paano magtanim ng okra.

4. Pagtatanim ng Okra

Itatanim na natin ang mga buto ng okra. Kunin ang mga binhi ng okra. Kumuha ka rin ng bolo or trowel na gagamitin na panghukay.

Humukay ka sa lupa ng mahigit 1 hanggang 2 pulgada (1-2 inches). Tapos ilagay mo sa hukay ang isa o dalawang buto. Takpan mo ito ng lupa at diligin pagkatapos.

Kung malawak ang lugar na pagtaniman mo ay maglaan ng apat na metro ang layo bawat hukay at magtanim uli ng dalawa pang buto bawat hukay. Kailangan mong maglaan ng espasyo upang makagalaw ng husto ang mga okra.

Pagkalipas ng 5 hangang 12 na araw, ay magsisimula ng tumubo ang mga buto ng okra. Ingatan mong hindi sirain ng mga alagang hayop ang mga halaman upang lalo pa itong lumago.

5. Diligin mo araw-araw

Upang lalong lumaki at lumago ang mga okra, kailangan mong maglaan ng oras sa pagdidilig dito. Huwag mong hayaan na matuyuan ng lupa ang mga okra. Sa pamamagitan nito ay makakasigurado kang lalago ito ng maayos.

Ang tubig ay isa sa kailangan ng mga halaman kaya diligin mo dapat ito araw-araw. Ito na rin ang isa sa paraan ng pag-aalaga mo sa halaman, katulad ng pag-aalga mo sa iyong mahal sa buhay.

Diligin mo ito isang beses sa umaga at isang beses din sa hapon. Pag nagawa mo ang challenge pasok ka na sa next round ng kompetisyon.

Magiging maganda ang tubo kapag maganda ang iyong pagdidilig.

6. Maglagay ng pataba

Kailangan din ng okra ng pataba upang lumaki. Ang pataba na dapat mong gamitin ay organikong pataba. Ang organikong pataba, ay pataba na walang halong kemikal. Ito ay puro at hindi nakakasama sa kalusugan.

Maari kang gumawa ng sarili mong pataba o kaya ay bumili. Sa paggawa ng pataba ay maghukay ka sa lupa ng mahigit isang metro ang lalim tapos ay ipaghalo halo mo sa loob ang mga damo, dahon, dumi ng hayop, tirang pagkain o kung anu-ano pang nabubulok na bagay.

Pagkalipas ng ilang linggo o buwan ay mabubulok na iyon at pagnabulok na ay maaari mo na itong ilagay sa mga okra.

Maari kang gumamit ng mga pataba na nabibili, pero nirerekomenda namin na gumamit ka ng organikong pataba.

7. Pag-aani ng Okra

Pagkalipas ng 3 hanggang 5 buwan, ay maari ka ng magsindi ng kandila. Este mag-ani ng mga okra. Sa ganitong gulang makikita mo na ang magulang na okra na maari ng kainin o lutuin at kainin ng pamilya o maari mo ring ibenta.

Mas mainam na medyo sariwa pa at medyo maliliit pa ang kunin mo dahil sa masarap ito at hindi matigas kapag kinain o niluto.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng artikulong ito tungkol sa kung paano magtanim ng okra. Sana ay may napulot kang kaunting kaalaman sa nabasa mong ito. Gusto namin na masaya ka at sana maganda ang araw mo. Hanggang sa muli.

October 12, 2019

Libreng 50 Load Giveaways Para sa Lahat


Magandang araw sa inyong lahat at yes, FREE 50 LOAD giveaways para sa lahat. Maraming salamat sa patuloy na supporta at pagtangkilik sa site na ito. Karamihan sainyo ay gustong makabasa ng samot saring mga artikulo tungkol sa pagtatanim. At ang ilan sa mga iyon ay naririto.

Kaya naman, ngayon ay maaari kang makatanggap ng Libreng 50 Load sa kahit anong network. Narito ang mga hakbang sa kung paano makakuha ng libreng load.

Requirements:
a) Internet Connection
b) Cellphone
c) Browser (Google Chrome, Mozilla, etc.)
c) Simcard any SIM

Hakbang sa Kung Paano Makakuha ng Libreng 50 Load

1) Go here at the gcash registration application. Link: >> https://gcsh.app/r/dVa0vyn
2) Open the link on any browser like (Google Chrome, Mozilla, etc.)
3) Put your mobile number.
4) Wait for verification code and verify.
5) If it ask for a PIN, you can create your own PIN, but if not put 1234 or 0000
6) Fill up the Online Application Form.
7) Continue.
8) Download the App.
9) Login and Recieve your load.


>>> Free 50 Load <<<

Maraming salamat aa pagbabasa sa artikulong ito tungkol sa libreng 50 load para sa lahat. Salamat sa oras at effort sa pagbabasa. Sana ay may natutunan ka kahit papaano. Sanay bumalik ka para sa mga susunod na mga kabanata.